“Lyka! Saan ka pupunta?” rinig kong sigaw ni Mei at mabilis lang akong lumingon. “CR,” sabay pilit kong ngumiti at tumakbo na ako papunta sa ladies’ room. Narinig ko pa ang pagtawag ulit sa akin ni Mei at Dylan pero hindi na ako lumingon hanggang sa makapasok ako sa CR. “It’s me. Sorry for leaving you, Lyka.” His words rang in my ears and I started to cry. Bwisit. Bwisit na mga luha ‘to. Ang tagal na nung huli kong makita si James na best friend ko at hindi ko na inasahan pang makikita ko ulit siya after all these years, pero ngayon, nasa tabi ko lang pala siya. At ang nakakainis pa, alam niyang ako ‘yun. Alam niyang ako ang best friend niya dati pero nagkunwari siyang walang alam. Ni hindi man lang niya sinabi sa akin nung una kaming nagkita. Tapos biglang sasabihin niya ngayon na siya si James? Magsosorry siya dahil doon? Buti na lang talaga at walang tao ngayon sa CR dahil mukha na akong yagit. Pulang-pula ang mga mata ko at tuyo na ang lalamunan ko sa kakaiyak. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago kumalma at saka ako lumabas doon. Dumaan ako sa pinto na nasa kabilang side ng cafeteria para hindi nila ako makitang umalis at after that ay tumakbo ako papunta sa next class ko kahit na halos thirty minutes pa ang hihintayin ko. *** Pumasok ako sa natitira kong classes at tahimik lang akong nakikinig sa mga prof. Sa katunayan, medyo hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi nila dahil iba ang nasa isip ko. Kaya nga natuwa ako nung natapos na ang last class ko. Umuwi agad ako sa bahay at pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Dylan na nakaupo sa sala. Napatingin siya sa akin at nung nakita niya ako ay bigla siyang ngumiti nang nakakaloko. Pero dahil ayokong makipag-away sa kanya ngayon ay hindi ko na lang siya pinansin at gusto ko ring matulog nang maaga. “James pala ha.” Pagkarinig ko nun ay napahinto ako. Lumingon ako sa kanya at tinignan ko siya nang masama. “Siya ‘yung nakwento mo dating best friend mo ‘di ba?” tapos nag-feeling matalino pa. Hmp! Teka, pano niya nalaman? Kinwento nya sa kanila?! “Paano mo nalaman?” Pagkasabi ko nun ay napatayo siya at gulat ang expression niya. “Tama ang hula ko? Shit! Ang galing ko!” Ilang segundo akong napatigil at halos hindi maprocess ng utak ko ang sinabi niya pero after that ay gusto kong sapakin ang sarili ko pati na rin siya. Konti na lang talaga at mabubugbog ko na siya! Akala ko pa naman talaga alam niya! Ngayon, alam na niya talaga! “Kaya pala para kang sira na banggit nang banggit ng pangalan ni James dati.” Papasok na sana ako sa kwarto ko pero napatigil ulit ako sa sinabi niya. Ano raw? Kailan ko ‘yun ginawa? Nag-iimbento na naman ba ‘to? “Ewan ko sa’yo.” Napakawalang kwentang kausap ng lalaking ‘to. “May gusto ko sa kanya ‘no?” “HA?!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sinabi niya. “Bakit, wala ba? Halata kaya!” pagpupumilit niya pa. Nababadtrip na ako sa kanya ha. Dapat dito ginagantihan eh. “Alam mo, best friend lang ang tingin ko sa kanya. Di tulad ng iba diyan na more than best friend ang tingin sa best friend niya.” “So what are you trying to say?” Biglang nawala ang badtrip ko nung biglang naging seryoso ang expression niya. Pfft. Pikon talaga! Kaya ang sarap asarin, eh. “Wala naman. Natatamaan ka ba? Best friend lang naman tingin mo kay Mei ‘di ba?” Bilib na ako sa talent ko. Ang pang-aasar! “Ha? S-sinong may sabing may gusto ako kay Mei? Baliw ka?” “Eh bakit ka defensive?! So kay James ka may gusto?” Kumunot yung noo nya at parang gusto na niya akong awayin. Aba! Mababaw na asaran pa lang ‘to ha? Talo agad! “Sabi na nga ba Dylan eh,” pang-aasar ko sa kanya. “What?” “Isa kang...” Pumorma na ako para sa pagtakas ko kung sakali. “Bading! Bakla!” Pagkasigaw ko nun ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at nilock ko kaagad ang pinto sabay sandal doon. Narinig ko ang pagkalabog niya sa pinto kaya nagulat ako. “Humanda ka sa’kin ‘pag nakapasok ako dyan!” sigaw niya at gusto kong makita ang pikon niyang expression. “Kung makakapasok ka! Try mo!” “Pasalamat ka ‘di ako makaganti ngayon! Masyado ka nang maraming atraso sa akin! Gaganti talaga ako ngayong linggo!” “Go! Cheer pa kita eh!” After that ay tumahimik na siya kaya ako naman ay umalis na rin doon sa pinto. Dahil hindi naman ako makalabas ng kwarto at baka bigla nalang akong atakihin ng mokong na ‘yun sa labas, gumawa nalang ako ng assignments. Pero after a few minutes ay nakaramdam ako ng gutom. Natetempt na akong lumabas pero kasi baka may hinandang patibong ang lalaking ‘yun. Pero wait, bakit parang ang tahimik sa labas? “Hi.” “OH MY GOD!” Napatayo ako sa kama nung nakita ko ang pagmumukha ni Dylan sa pintuan at halos ibato ko sa kanya ang hawak kong binder dahil sa nakakaloko niyang ngiti. “Hoy paano ka nakapasok?! Wag mong sabihing sinira mo ‘yung pinto?!” sigaw ko pero wala siyang sinabi at tuluy-tuloy lang siyang lumalapit sa akin. Ako naman ay napapaatras. “Don’t you dare. Wag kang makalapit-lapit sakin ha! Sinasabi ko sa’yo, kaya kitang balian ng buto!” Nakangiti pa rin siya at kinilabutan ako dahil doon. “Kahit nag-aral ka pa ng judo, o anuman, babae ka pa rin. Mas malakas pa rin ako sa’yo.” Tuloy pa rin ang pag-atras ko at pag-abante niya. “Ha! Ang yabang mo! Baka gusto mo talagang mabalian ng buto?” “Gusto mo ng proof na hindi mo ko kaya?” seryosong sabi niya at biglang bumilis ang paglapit niya sa akin kaya naman lalo akong napaatras pero kinabahan ako nung naramdaman ko ang pader sa likod ko. Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong braso nang mahigpit kaya napakunot ang noo ko sa sakit. “Wala kang kawala, dito pa lang. Tss. Weak.” Weak pala ha? Sinikmuraan ko nga gamit ang tuhod ko. “Sinong weak?” sabi ko sa kanya habang nakahawak siya sa tiyan niya kaya naman nakawala ako sa kanya. “Oops. Sorry, di lang pala kamay ang nakakasakit. Tuhod rin,” pang-aasar ko pa at tumakbo ako palabas saka ako nagtago sa CR. Badtrip! Imbes na kumakain na kami ngayon eh nagkaroon na naman ng war dito sa bahay. “Lyka!” Aba! Bahala siya diyan. Kasalanan niya naman eh. Pero kinabahan ako bigla. Shet! May lock pala sa labas ‘tong pinto ng banyo! Bakit dito ako pumunta?! Sinubukan kong buksan ang pinto pero ayaw nang bumukas. “Hoy Dylan! Buksan mo ‘to! Isa!” sigaw ko pero narinig ko lang siyang tumatawa. Kainis! Pag ako nakalabas dito, bubugbugin ko talaga siya! “Akala mo ha? This is the start of my revenge, Lyka.” Narinig ko na naman ang pagtawa niya. Hala siya. Nabaliw na yata. “May revenge-revenge ka pang nalalaman dyan! Buksan mo ‘to!” “Ayoko nga.” “Ano ba?!” “Enjoy your stay there, Lyka.” “Hoy! Pinalabas naman kita dati nung kinulong kita dito ah?! Palabasin mo na kasi ako!” “Well, kasalanan mo ‘yun. Bakit mo kasi ako pinalabas?” Ugh! Nakakainis! Dapat pala kinulong ko na siya ng buong araw dati eh! Napaupo na lang ako sa bowl dahil wala na akong energy para sumigaw pa. Nagugutom na rin ako at inaantok. Ano ba naman ‘to. “Kakain na, Lyka! Dalian mo d’yan. Lumabas ka na. Ang sarap ng niluto ko, o!” Kita mo ‘tong hinayupak na ‘to, nang-aasar pa. Nagugutom na nga ako, nagawa niya pang mang-inggit! Pero mas nangibabaw talaga ang antok ko kaya naman pumwesto ako doon sa gilid ng pintuan at pagkalipas ng ilang minuto ay wala na akong narinig. *** DYLAN’S POV Pfft. Akala niya siguro hindi ako gaganti. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko habang sumisigaw siya kanina sa banyo. “Hoy Lyka, baka na-flush ka na dyan!” sigaw ko pero hindi siya umimik. Baka sumuko na sa pang-aasar. “Hindi ka pa ba kakain? Uubusin ko na ‘to!” asar ko pa lalo pero wala pa ring sagot. Bigla naman akong kinabahan dahil masyado siyang tahimik. Si Lyka at ang salitang tahimik sa iisang sentence? Imposible ‘yun. Tumayo ako agad at kumatok muna ako dahil baka nagtitrip lang siya pero lalo lang dumoble ang kaba ko kaya in-unlock ko na ang pinto. “Lyka?” Sumilip ako sa loob at napamura ako nung nakita ko siyang walang malay sa sahig ng banyo. “Lyka!” sigaw ko at pumunta ako agad sa kanya. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero hindi pa rin siya nagigising. Bubuhatin ko na sana siya pero napatigil ako nung nakita ko ang braso niya. “Shit!” Ang haba ng sugat niya at mukhang doon siya nasugat sa basag na tiles. Binuhat ko kaagad siya palabas ng banyo at dinala ko siya sa kwarto. Dahil nasa side ko ang first-aid kit ay doon ko siya hiniga sa kama ko. Dinisinfect ko naman kaagad ang sugat niya at saka ko binendahan. Pagkatapos ko lang gawin ‘yun ay saka ko naraelize na sobrang kinabahan ako sa nangyari. Akala ko kung napano na siya. “Huwag mo kong pinapakabang babae ka,” mahina kong sabi saka ko siya pinitik sa noo at nilipat sa kama niya.
Comments
|
Prologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |