Bigla akong nagising sa hindi ko malamang kadahilanan at doon ko lang narealize na nakatulog ako. Inalala ko ang huling nangyari at bumalik ang inis ko nung naalala kong nakakulong ako sa banyo. Pero wait...bakit nasa kwarto na ako? Paano?! Bumangon agad ako pero bigla akong nakaramdam ng sakit sa braso ko at pagtingin ko ay may benda doon. What the heck? Anong nangyari? Sa pagkakaalala ko, nakatulog ako sa banyo. Nalaglag ba ako? Nagasgas ba ang kamay ko? So...si Dylan ba ang naglagay nito? Well, kasalanan niya naman in the first place! Dahil nakaramdam na ako ng matinding gutom ay tuluyan na akong bumangon. Pero bago ako lumabas ng kwarto ay sinilip ko pa si Dylan sa kama niya at tulog na tulog na ang loko. Tss. Pagpunta ko ng kusina ay kumain ako kaagad pero ang nakakainis ay medyo wala na akong gana. Siguro dahil nalipasan na ako ng gutom. After kong kumain ay bumalik agad ako sa kwarto at sinilip ko siya ulit. In fairness, hindi siya mukhang sutil kapag tulog. Sana lagi na lang siyang tulog. At least cute siya-ay wait! Kelan ko pa natutunang pagsamahin ang cute at Dylan? Yuck! Feeling ko dahil nahihilo lang ako. Gusto ko na ulit matulog kahit halos kagigising ko lang. “Ang sakit talaga ng braso ko,” bulong ko habang pahiga na at napatigil ako nung narinig ko ang boses ko. Hala ka ang pangit! Ano ba ‘yan bakit ako sinisipon? Dahil ba natulog ako sa banyo? Hayaan na nga. Matutulog na ako. *** JAMES’ POV Tumambay ako sa open field dahil ang aga kong nagising at 7 AM pa ang klase ko. Umupo ako at sumandal sa puno. Naalala ko tuloy si Lyka. Galit kaya siya sa akin? Dapat ba sinabi ko na sa kanya nung una kaming nagkita na ako ang dating best friend niya? Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga nangyari. Naalala ko bigla ang kabataan namin. Siya lang ang kaibigan ko sa apartment complex na tinutuluyan dati ng pamilya ko dahil kami lang ang magka-edad doon. Masaya kaming dalawa kahit na kami lang ang magkaibigan sa lugar na ‘yun. Pero nung 9th birthday ko, nagulat na lang ako nung nakaimpake na lahat ng gamit namin at doon ko lang nalaman na lilipat na pala kami. Ni wala man lang sinabi sina Mommy sa akin at umagang-umaga ay sinabi niyang aalis na kami sa lugar na ‘yun. Dahil bata pa ako nun ay wala akong nagawa. Gusto kong puntahan si Lyka noon pero kailangan na naming umalis kaya naman umiyak lang ako nang umiyak nung nasa bagong bahay na namin kami. Ilang linggo ko ring hindi kinausap si Mommy dahil sa ginawa niya pero pagkatapos nun ay nakilala ko doon sa subdivision sina Mei at Dylan, at doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin na umabot hanggang ngayon. “James!” Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan nung narinig ko ang boses ni Mei. Pagtingin ko, palapit na siya rito sa ilalim ng punong tinatambayan ko ngayon. “Mei,” sabay ngiti ko sa kanya at umupo siya sa tabi ko. Tahimik lang kami doon habang naghihintay sa kanya-kanya naming klase dahil ang aga ko na namang pumasok ngayon. Mamaya pang 7 AM ang klase ko at may 30 minutes pa akong hihintayin. “James?” Nilingon ko naman si Mei at nakita kong seryoso ang itsura niya. “Hm?” “May nagugustuhan ka na ba ngayon?” Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa tanong niya. Kapag ganito na ang usapan ay doon ko nararamdaman ang tensyon sa pagitan namin. Vocal si Mei pagdating sa nararamdaman niya sa akin pero hindi ko magawang tanggapin ‘yun dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. “Look, Mei, we’re best friends. Ayokong masira ‘yun dahil diyan sa infatuation mo.” “It’s not just infatuation, James. Akala mo ba madali ‘to para sa akin?” Napayuko naman siya pagkatapos niyang sabihin ‘yun at lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. “You’re beautiful, Mei. Ang daming lalaking nagkakagusto sa’yo. Why don’t you give them a chance?” “Why don’t you give me a chance, James?” Kita ko ang frustration sa mga mata niya kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. “Paano si Dylan?” Napahinto naman ako dahil sa nasabi ko. “What about him?” Should I say it? Crap. Bahala na. “Don’t be unfair to him. I think he likes you.” “What? Are you insane?” Tumayo naman na ako dahil baka kung ano pang madagdag ko sa sinabi ko. “Sige. Alis na ako.” Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa mga klase ko pero nasa utak ko pa rin lahat ng nangyari. Saka ko lang narealize na mali ang ginawa kong kilos kanina at paniguradong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Dinamay ko pa si Dylan. Nung vacant period ko na ay tinext ko kaagad si Mei. Where are you? Sabay na tayo kumain. My treat. Sorry na rin to para kanina :) Nagreply naman siya kaagad. Okay. Apology accepted :) Dumiretso na ako sa cafeteria at nagreserve ng mesa. After five minutes, nakita ko nang pumasok si Mei sa cafeteria kaya naman tinaas ko ang kamay ko at pumunta siya sa pwesto ko. “Sorry! Nag-extend ‘yung prof namin, eh.” Umupo siya kaagad at mukhang tumakbo siya dahil hinihingal siya kaya naman binigay ko muna sa kanya ‘yung tubig ko. “Anong order mo?” tanong ko. “Parehas na lang tayo. Ayoko nang tumayo, napagod ako.” Napangiti naman ako dahil talagang pagod na pagod siya sa ginawa niya kaya naman tumayo na ako at umorder doon sa counter pero inabutan ako ng number kaya mukhang matagal pa bago iserve. Pagbalik ko doon ay sinabi ko kay Mei na medyo matatagalan ang pagkain namin. Napansin ko naman na naging seryoso ang expression niya nung tumingin siya sa akin. “What happened?” tanong ko dahil nag-aalala ako. “Tungkol sa kaninang umaga...” “Huwag mo nang alalahanin ‘yun.” “Pero James--” “Please Mei.” “I’m telling you, he’s not in love with me!” “Mei! James!” Napatingin naman kaming pareho sa sumigaw at nakita namin si Dylan na kasama si Lyka at papalapit sila rito. Mukhang hindi maganda ang mangyayari rito. Tsk. “Look, James. I’ll prove it. Walang gusto sa’kin si Dylan.” Nagulat ako sa sinabi ni Mei kaya naman hinawakan ko ang braso niya. “Mei, don’t do that,” I warned but her expression remained stern. Nung nasa harapan na namin ‘yung dalawa, biglang tumayo si Mei. Napansin ko naman ang benda sa braso ni Lyka. Ano kayang nangyari? “Bakit, Mei?” tanong ni Dylan. Hinatak ko sa huling pagkakataon ang braso ni Mei pero hindi siya nagpapigil. Patay na. “Please Dylan, answer me truthfully.” “What?” “Do you like me?”
Comments
|
Prologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |