.

Chapter 35

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, July 16, 2015

***

Nagpaalam naman ako kay Kuya at inasar-asar pa ako ng loko dahil for the first time daw ay may makikipag-date sa akin. Parang baliw. Pasalamat siya nasa banyo siya noong nagpaalam ako kundi napuruhan na naman ‘yon sa akin.

Sumakay ako ng jeep dahil sa malapit na mall kami magkikita. Binigay rin pala ni Ate Cath ang number ni Andy at sa katunayan, nainis ako dahil parang hindi naman mabait ang isang ‘to gaya ng kinuwento niya.

Mall, 4 PM. Don’t be late.

Parang ang sungit niya kaya nainis lang ako. 
 
Naghintay ako sa isang café at unti-unti na akong naiinis dahil fifteen minutes na siyang late. Nakakainis! Nagsabi-sabi siyang huwag male-late tapos siya ‘tong wala pa rito. What a major turn off!

Hindi na ako nakapagpigil dahil mag-thirty minutes na ako rito. Sasabihin ko na sanang aalis na ako pero sakto namang nag-text siya.

I’m here. Black shirt. Black cap. 
 
Napataas ang kilay ko nang mabasa ko ang text na ‘yon. Ni wala man lang sorry dahil naghintay ako sa kanya ng kalahating oras at balak niya pa akong paghanapin. Kapag nakita ko talaga ang taong ‘to, sasabihin ko lang sa kanya na hindi ako interesado at aalis na. Nakakasira siya ng araw!

Paglingon ko sa kaliwa ay nakakita ako ng lalaking nakatalikod na naka-black shirt at cap. Mukhang naghahanap din siya kaya paniguradong siya si Andy. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya habang nakasimangot. Nag-text ulit siya kaya binasa ko agad ‘yon.

Where are you?
 
Hindi ko na siya nireplyan at nagdire-diretso ako papunta sa direksyon niya.

“Hoy,” tawag ko. “Salamat sa thirty minutes na sinayang mo—!”

“Ha? An—!” 
 
Pagharap niya ay hindi ako nakahinga nang maayos at nang magtagpo ang mga mata namin ay lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Suddenly, what happened few days ago flashed in my mind, as if I was there again, crying and listening to his hurtful words.

“L-Lyka?”

It turned out Andy . . . was Dylan. 
 

***


“Akalain n’yong magkakilala pala kayo?” sabay tawa ni Ate Catherine.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant at nag-spy pala siya sa “date” namin ni Dylan. Nang makita niya kaming nagharap at seryoso ang mga mukha ay lumabas siya at inaya niya kami dahil parang may hindi raw magandang mangyayari kung kaming dalawa lang doon.

“Teka, Ate, bakit Andy ang sinabi n’yong name niya?” tanong ko sa kanya habang nasa CR si Dylan.

“’Yon ang tawag ko sa kanya, eh. Cute n’yo. ‘Di ko naman kasi alam na magkakilala na pala kayo.”

“Hin—”

“Eh ikaw? Bakit Kristell ang pakilala mo?”

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang narinig ko ang boses niya. Tumabi ulit siya kay Ate Cath at kaharap ko naman siya. Yup. Kristell ang sinabi kong name. Hindi ko rin alam kung bakit. Part pa rin naman ‘yon ng name ko, eh.

“Pakialam mo?” sagot ko at umiwas ako ng tingin. 

Talagang nananadya ang tadhana. Kung kailan gusto kong kalimutan ang taong ‘to, saka naman siya susulpot sa harapan ko.

“Mukhang may issues pa kayo,” sabi ni Ate Cath at biglang nag-ayos na siya ng gamit niya kaya nag-panic ako.

“Saan ka pupunta, Ate?” tanong ko.

“Naku, may date din ako, eh. Baka naghihintay na siya,” sabay kindat niya sa akin. “Enjoy your date, kids!” pahabol niya pa at saka tuluyang umalis. 

Nang nawala si Ate Cath ay walang nagsalita sa aming dalawa. Awkward pero hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko. Gusto ko nang umalis.

“Hindi ko akalaing payag ka pala sa ganitong klase ng date,” he said while smirking. Bigla naman akong nahiya dahil for sure iba na ang iniisip niya.

“Excuse me? Pinilit lang ako ni Ate Cath. Saka ikaw rin naman, ah? Akala ko ba may Mei ka na—”

Napatigil naman ako dahil nag-iba ang expression niya. I thought he would glare at me but his eyes were kind of sad. Bigla naman siyang huminga nang malalim at tumingin sa akin kaya nagulat ako.

“Nandito na rin naman tayo. Bakit hindi pa natin ituloy?” biglang sabi niya habang nakatitig sa akin kaya parang lumipad na ang isip ko.

“H-ha?”

“Let’s continue this date, Kristell Lyka,” sabi niya habang nakangiti nang nakakaloko at heto na naman ako, kumakapit na naman sa kaunting pag-asang pinapakita niya.

Bakit ba ginagawa mo sa akin ‘to, Dylan? 



***