Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Stories >
      • Kingdom University Series
      • Over Series
      • Trouble Series
      • Erityian Tribes Series
      • Erityian Tribes Novellas
      • Bloodline Series
      • Cafe Series
      • Deities in Town Series
    • Epistolary >
      • W. Duology
      • Hello Duology
    • Poetry
  • News
  • Blog
  • Message Board
  • Downloads

Chapter 37

8/25/2023

Comments

 
Lyka's POV
 
Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis!
 
Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na 'to dahil sa pinaggagawa at pinagsasabi ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung maiinis, maiiyak o kikiligin ako dahil sa kanya.
 
"Na-miss kita."
 
Anong move on-move on? Paano ko 'yon magagawa kung ganito naman ang nangyayari? Ang sarap niyang sakalin ngayon dahil lalo niya lang pinapagulo ang isip ko!
 
Tinignan ko ulit siya at mukhang nakatulog na. Ang sarap pa ng paghiga niya, ha? Pero hindi ako nakagalaw nang ginawa niya 'yon. Ewan ko ba, pero may kakaiba sa kanya ngayon. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko siya pinapansin, samantalang dapat ay galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya noong nakaraan.
 
Bakit ba kasi hinayaan ko na naman siyang paasahin ako? Alam ko namang si Mei pa rin ang mahal niya at kahit anong gawin ko, hinding-hindi magiging mutual ang feelings namin para sa isa't isa.
 
Bago pa ako tuluyang malungkot ay huminga na ako nang malalim at ginising ko siya.
 
"Gising na," sabi ko. "Kumain na tayo."
 
Hindi naman siya gumalaw. Ugh. Nakalimutan kong mahirap pala gisingin ang isang 'to. Biglaan ko namang ginalaw ang mga binti ko kaya nalaglag ang ulo niya at tumama sa sapin.
 
"Ouch," he growled. Sinamaan niya pa ako ng tingin dahil sa ginawa ko.
 
Hindi ko na lang siya pinansin at nilabas ko ang mga pagkain mula ro'n sa basket na dala ni Ate Catherine. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa ambiance. The fresh air, along with the green field and vibrant flowers made the atmosphere pleasant.
 
Habang kumakain ako ng sandwich ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid at gusto ko sanang picture-an ang view pero lowbatt na ako at wala rin naman akong talent pagdating sa photography. Baka hindi ko ma-capture ang ganda no'n.
 
"Lyka," he called and I almost choked on my sandwich because our faces were just inches apart. Naitulak ko siya dahil sa sobrang kaba at aba, ang lakas pa ng loob niyang ngumiti nang nakakaloko.

"Pwede ba, huwag mo akong pagtripan, Dylan?" seryoso kong sabi.

 
Hindi ko alam kung bakit pero sobrang weird niya ngayon at natatakot ako na baka umasa na naman ako.
 
"Nabasa mo na, 'di ba?" pagalit kong tanong. "Bakit ginagawa mo pa rin 'to? Alam mo naman kung anong tingin ko sa'yo, 'di ba?"

"Sa tingin mo ba, ginagawa ko 'to pala lang sa wala?" seryoso naman niyang sabi kaya hindi agad ako nakasagot. We looked at each other and somehow, it felt like his eyes reflected sadness.

 
For sure, dahil 'yon kay Mei.
 
Hah. So ano? Ako ang takbuhan niya dahil nasasaktan siya? What am I? A temporary source of entertainment and happiness?
 
"Bahala ka sa buhay mo," sabi ko at saka ako tumayo.
 
Dapat talaga hindi ko na itinuloy 'to. Dapat, noong nakita ko siya, hindi na ako nagbakasakaling may mangyayaring maganda. Ano nga ba naman ako sa kanya? Hindi naman ako si Mei. Hindi ako ang taong gusto niyang makasama.
 
"Please don't leave me," he pleaded as he grabbed my arm. Ayan na naman. 'Yang mga galaw niyang 'yan, diyan ako nadadali, eh.

"Dylan—"

 
Napatigil naman ako nang maramdaman ko sa balat ko ang pagpatak ng ulan. Kaya pala makulimlim kanina.
 
Nagtakbuhan ang mga tao sa ilalim ng mga puno habang ang iba ay nanatili pa rin dahil medyo mahina pa naman.
 
"Sorry, Dylan, pero kailangan ko na talagang umalis," dahilan ko at hinigit ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya pero napatigil ako nang bigla siyang may sinabi.

"Gusto rin kita."

 
Hindi ko alam kung sinabi niya ba talaga 'yon o 'yon lang ang gusto kong marinig mula sa kanya. O baka naman nagkamali lang ako ng rinig dahil medyo lumalakas na ang ulan. Humakbang ulit ako palayo pero this time, sumigaw na siya.
 
"Gusto kita!" Napatigil ulit ako. "I realized everything when you left and Mei . . . she . . ."

​"Mei na naman?"

 
Alam kong walang kasalanan si Mei pero lagi na lang kasi siya ang bukambibig ni Dylan. Nakakasawa na. Nakakasakit na.
 
"Dylan, please naman oh?" sabay ngiti ko sa kanya. "Tama na 'yong ginawa mo noong nakaraan. Kung sasaktan mo lang ulit ako, tigilan mo na ako."
 
Pagkasabi ko no'n ay hindi siya nakapagsalita at nagpatuloy na akong maglakad palayo. After a few steps, I heard him calling my name but I didn't look back.
 
Sorry, Dylan, pero gusto kong protektahan ang sarili ko. Ayaw ko nang masaktan tulad nang nangyari noong nawala sa akin ang mga magulang ko.


<< Chapter 36
Chapter 38 >>
Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    Back to novels page

    Prologue
    Chapter 1

    Chapter 2
    Chapter 3
    Chapter 4
    Chapter 5
    Chapter 6
    Chapter 7
    Chapter 8
    Chapter 9
    Chapter 10
    Chapter 11
    Chapter 12
    Chapter 13
    Chapter 14
    Chapter 15
    Chapter 16
    Chapter 17
    Chapter 18
    Chapter 19
    Chapter 20
    Chapter 21
    Chapter 22
    Chapter 23
    Chapter 24
    Chapter 25
    Chapter 26
    Chapter 27
    Chapter 28
    Chapter 29
    Chapter 30

    ​Chapter 31
    Chapter 32
    Chapter 33
    Chapter 34
    Chapter 35
    Chapter 36
    Chapter 37
    Chapter 38
    Chapter 39
    ​Epilogue
Proudly powered by Weebly
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Stories >
      • Kingdom University Series
      • Over Series
      • Trouble Series
      • Erityian Tribes Series
      • Erityian Tribes Novellas
      • Bloodline Series
      • Cafe Series
      • Deities in Town Series
    • Epistolary >
      • W. Duology
      • Hello Duology
    • Poetry
  • News
  • Blog
  • Message Board
  • Downloads