***

“GOOD MORNING!”
  
Nalaglag ako sa kama at halos mahalikan ko yung sahig namin noong binatukan ako ni Yem. Ang sakit nun ah!
 
“Grabe Yem ha, ang gandang pambungad sa umaga niyan. Ang sakit kaya!” saka ko hinimas yung likod ng ulo ko.
 
“Eh paano ang aga-aga, may pa-good mo-good  morning ka pang nalalaman! Kung makasigaw ka diyan akala mo wala tayong kapitbahay.” Sinimangutan ko na lang siya at saka ako pumunta sa banyo para maligo. Actually nag-unahan talaga kami papuntang banyo. Malas nga lang ni Yem at maliit ang hakbang niya kaya ako ang nauna.
 
“Napakaduga mo talaga, Pauline!”

“Correction! It’s Aeisha!”

“Tse! Dami mong alam!”

“Syempre, may utak!”
 
‘Yan ang senaryo lagi sa apartment namin ni Yem. Kami nga yata ang pinakamaingay dito eh. Maski umaga o gabi, hindi namin pinapatawad ang mga bunganga namin.
 
Oh. Ako nga pala si Pauline Aeisha Bernardo. Pero mas prefer ko ang tawagin ako na Aeisha. Naaasiwa kasi ako sa Pauline. Parang pangmatanda na abnormal. Ay, basta! Ayoko sa Pauline. Kaya nga kapag nag-aasaran kami ni Yem ay Pauline ang tawag niya sa akin. Alam niya kasing ayaw ko ng pangalan kong ‘yon.
 
“Hoy, Pauline Bernardino! Ang tagal mo naman! Baka may ginagawa ka nang kakaiba dyan ha!” narinig ko siya sa kabilang ibayo ng pinto ng banyo namin.
 
“Baliw! Ni hindi pa nga lumilipas ang isang minuto, matagal na? Anong akala mo sa akin, mala-Flash kung maligo?” 
 
Yung kausap ko na isa pang abnormal ay si Alyssa May Alvarez. Yem for short. Nagtataka ba kayo kung bakit Yem ang nickname niya? Oh well, ako lang naman ang may pakana niyan. Ang tawag ko talaga sa kanya dati ay A.M. Kaso nahihirapan ako dahil ang haba pa rin. So binabanggit ko ‘yun with one syllable na lang, kaya naging Yem. I’m so great, right? Yeah I know, I know.
 
“Ilang balde ba yang iniihi mo ha? Nakaka-two minutes and thirty seconds ka na!” Oo, ganyan talaga siya. Lagi niyang inoorasan kung ilang minuto ako sa loob ng banyo. Para namang may magagawa siya kung oorasan niya ako. Pero imbes na sagutin ko siya, kumanta na lang ako.
 
“Yeah yeah yeah! Damn! Damn! Damn! What I do to have you here here here, I wish you were here!” At oo nga pala, hobby ko na ang kumanta habang naliligo. Syempre naman, isa ata akong professional bathroom singer. In short, hanggang banyo lang ako. Pagkatapos kong makipagbakbakan sa tubig at sabon, pinatay ko na yung shower at saka lumabas ng banyo.
 
“Hallelujah! Natapos rin! Ten minutes and thirty two seconds!” sabi ni Yem at saka siya dumiretso sa banyo. Ako naman , nagsimula nang magbihis dahil baka malate na naman kami sa school. Syempre kelangan rin ng kaunting arte kaya nagpulbos ako tsaka yung lip gloss. And there! Ready na ako! Si Yem na lang ang di pa ready.
 
Oo nga pala. Kilala kami sa klase dahil kadalasan ay late kami. Aba naman kasi, pagsamahin mo ba naman ang isang tulog-mantikang tulad ko at isang kilos-pagong na tulad ni Yem! Sinong hindi male-late, ‘di ba? Good luck naman talaga.
  
“Hoy, Yem. Dalian mo, baka malate na naman tayo. Papagalitan na naman tayo ni Budoy!”

“Oo na. Oo na. Tsupi muna! Dun ka sa sala. Haayaan mo na si Budoy, makakalusot tayo dun.” Umalis naman ako sa kwarto para makapagbihis na siya at makapasok na kami.
 
Si Budoy nga pala yung guard ng school namin. Budoy ang tawag sa kanya ng mga estudyante dahil favorite niya raw yung palabas na iyon. Ang laki-laki ng katawan tapos nanonood ng Budoy eh no? Di bagay.
 
Bandang 6: 30 AM kami nakaalis sa apartment at fifteen minutes ang byahe papuntang school. Yun oh! Hindi kami male-late! Seven kasi ng umaga ang klase namin, ibig sabihin makakarating kami doon nang mas maaga. Sabi na nga ba, meron talagang himala eh. Five minutes kaming naglakad papuntang kanto para sumakay ng jeep. Ten minutes ang byahe pag sa jeep then konting lakad at kembot lang, nasa school na kami.
 
“Yem, tunay ngang may himala, hindi tayo nalate,” sabi ko habang nakatingin ako sa langit at kunwaring nag-eemote.

“Amen. Hindi tayo na-late,” isa rin ‘tong buang na itinaas pa yung dalawang kamay niya.
 
Umakyat na agad kami papunta sa room namin dahil mangongopya pa ako ng assignment sa kanya. Shunga-shunga rin ako eh no? Hindi pa kumopya sa bahay? Pasensya naman daw, nakalimutan ng mga brain cells ko eh.
 
“Oy Yem, pakopya ako sa Trigo. Anak ng puto naman kasi yung equation ng conic sections yan. Pahirap sa buhay.” Nilabas ko yung notebook ko sa Math at umupo na ako para gawin ang dapat—ang kumopya.
 
“Oh ayan. At dahil dyan, ililibre mo ako ng lunch mamaya. Hah! Makakatipid na naman ako,” tiningnan ko lang siya ng masama dahil sa sinabi niya. Walanghiyang Yem ‘to, pinagkakakitaan ako?
 
Ako na walang malay?

Ako na ang tanging ginawa ay kumopya ng assignment sa kanya?

Ako na wala pa talagang assignment pero todo emote ngayon?
 
Okay Aeisha, magsulat ka na at huwag nang mag-imagine ng kung anu-ano. Baka dumating na yung teacher naming mukhang rabbit eh hindi pa rin ako tapos sa pangongopya. Sana hindi siya dumating. Sana walang klase. Sana kumakain pa rin siya ng carrot hanggang ngayon. Sana tamarin siyang magklase kasi tinatamad rin akong magklase!

SANA. 

AT NAGDILANG ANGHEL NGA AKO!
 
Lumipas ang twenty minutes na walang pumasok  na teacher kaya walang klase! Yehey! Why am I so great? Namamangha ako sa sarili ko. Para akong nagsasabi ng prophecies!
 
“Aeisha! Tara, baba tayo! Bili tayo ng pagkain, nagugutom na ako eh.”
 
Kita mo ‘tong babaeng ‘to. Ang aga-aga pa lang gutom na kaagad?! Ilan ba ang bituka niya at parang kailangan lagi ng stock? Hindi pa nga kami nagkaklase, gusto na agad lumamon.
 
“Okay, gutom na rin ako eh.” syempre joke lang yung kanina. Ako rin no, nagugutom na rin! Akala niyo siya lang ang may karapatang magutom? 
 
Nakalabas na kami ng room at pababa na sana kaso lang biglang bumaligtad ang mundo ko. Naramdaman ko ang pagtalbog ng pwet ko sa sahig at ang paglaglag ng wallet ko. Pero halos mawalan ako ng kaluluwa noong naramdaman ko ang hindi ko dapat maramdaman.

And this is the start of my journey to a complicated life.  



***