.

.

Chapter 10

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, July 14, 2015


***

OH MY GULAY NASASAPIAN NA ATA SIYA! NGUMITI SIYA!MAY MASAMANG ESPIRITU SA KATAWAN NIYA! NGUMITI SIYA! ANONG GAGAWIN KO?!

"Hoy, ba’t ka nakanganga?" napatikom naman agad ako ng bibig.
Aish! Tapos ngayon, masungit na naman? Ang dalas ng mood swing ng taong 'to ha? O baka naman hindi talaga siya ngumiti kanina? Baka guni-guni ko lang ‘yun?

"Hoy hoy hoy ka rin! Dapat nga magpasalamat ka sakin dahil tinulungan kita. Kung maka-hoy ka dyan," sarap rin netong suntukin sa mukha eh.

"Sinabi ko bang tulungan mo ‘ko?" Sungit! Kainis!

Nakita ko na lang na kinuha na pala niya yung bag niya dun sa may damuhan tapos naglakad na siya palayo. Aba naman talaga! Tinulungan ko na nga siya, hindi man lang nag-thank you? At talagang iniwan niya lang ako dito? Gandang pasasalamat niyan!

"HOY!" ayaw lumingon. 

"Psst! Huy!" Hindi pa rin siya lumilingon tapos binilisan niya pa lalo yung lakad niya.

Ayaw mong tumingin ha? Tingnan lang natin. Huli na 'to. Pag ‘yang Ryde na ‘yan di pa rin tumigil sa kakalakad ng mabilis, makikita niya.

"HOY BAKLANG PALAKA NA MANYAK NA UBOD NG SUNGIT AT AKALA NIYA ACTION STAR SIYA!"

Bigla siyang huminto sa paglalakad. Syempre, tumakbo ako papunta sa kanya pero hinanda ko na ang defense ko sa kanya kung sakaling suntukin niya ako.

"Lilingon rin pala eh! Gusto pang malalait muna. Tss."

"Anong sabi mo?" bigla siyang tumingin sa akin nang matalim. Humakbang rin siya palapit kaya napaatras naman ako. Shet. Susuntukin niya ata ako. O di naman kaya papatayin. Tapos iiwan niya yung bangkay ko dito. Teka, ayaw ko pang mamatay!

"Bakla?"

"Huy wala akong sinabing ganun ha!" umatras ako.

"Palaka?"

"Meron ba akong sinabi? Baka ano…frog prince!" umatras uli ako.

"Manyak?"

"Ay, ayan! Totoo talaga ‘yan!" umatras uli ako at napatakip ng bibig. Aeisha, ang daldal mo!

"Ubod ng sungit?"

"Tama ulit ‘yan!" atras ulit. 

Napasandal ako sa isang puno.
Anak ng—Cornered! Naniningkit na rin yung mata niya. Mukhang papatayin niya na talaga ako. Yem, help me! 

"Eto naman! Joke lang naman ‘yun eh. Eh kasi ayaw mong tumigil, ang bilis mong maglakad. Kabayo ka ba?" biglang kumunot yung noo niya. Uh-oh. "Di ba hindi ka naman kabayo? Kaya dapat hinay-hinay ka lang sa paglalakad. Okay?" tapos nilayo ko yung mukha ko sa mukha niya. Mahirap na, masyado nang maraming namanyak 'to sakin.

"Tss. Bahala ka nga." Bigla naman siyang umalis sa harapan ko at naglakad na uli palayo sa akin. At sa di ko malamang kadahilanan, sinundan ko uli siya.

Maya-maya lang ay bigla siyang sumakay ng jeep! Aba! Tuluyan na talaga siyang nag-cut ng class ha?
At natatawa ako kasi parang naiinis na siya sa akin. Ha! Sabi na nga ba, hindi ko siya dapat na katakutan. Akala mo uubra ka sa akin, ha? Matapos ang pangmamanyak mo sa akin?

"Manong, bayad po." Napatingin naman ako sa kanya nung nag-abot siya ng bayad niya.

"Ilan 'to?" tanong nung driver.

"Isa po—"

"DALAWA PO ‘YAN MANONG!" sumigaw ako para marinig ako ni Manong. Tapos tumingin ako sa mukha ni Ryde. Muntik na akong matawa nang malakas dahil sa itsura niya. Mukha siyang constipated! Aba, may magagawa ba ako? Wala akong dalang pera! Nasa school pa yung bag ko.

"Isa lang ho ‘yan—"

"Dalawa po!"

"Isa lang!"

"Dalawa nga!"

"Isa."

"Dalawa!"

"One!"

"Ah English pa ang gusto mo ha? TWO!"

"Ilan ba talaga? Ang gulo niyo ha."
Napatingin kami bigla sa driver na halatang naiirita na sa amin. Ayaw pa kasing idalawa, eh siya rin naman ang kikita dun.

"Dalawa po! Final na! Deal!"

At ayun, walang nagawa si Ryde kundi mag-face palm. At dahil mukhang bubuga na ng apoy yung kasama ko, tumahimik na lang ako nung bumaba na kami sa SM. Grabe, first time kong mag-cut ng klase. Ever ever ever! First time ko 'to!

Dumiretso siya sa Quantum. Okay, maglalaro ata siya. Habang papasok na kami sa loob, bigla siyang huminto doon sa may basketball game.

"Ryde? Is that you?" biglang huminto yung babaeng nagshoshoot ng bola sa ring. Ampuchakels. Ang ganda niya! Mukha siyang barbie doll. Nahiya tuloy ako bigla sa itsura ko.

Pagtingin ko kay Ryde, nakatingin lang siya sa right side at umiwas siya doon sa babaeng nagtanong. Parang tanga lang ‘no? Tinatanong lang naman siya kung siya si Ryde. Pwede niya namang sagutin ng simpleng ‘oo’ o kaya
‘Hindi. Impostor ako.’ Labo niya.

"Grabe! Na-miss kita!" at ang sunod ko na lang na nakita ay niyakap ni Miss Ganda si Ryde. Tapos napatingin sa akin yung babae.

"Uhm, Ryde. Who is she? Bakit mo siya kasama?" halata namang bothered yung babae.
Akala siguro kabit ako. Sus! Asa namang papatulan ko yang Ryde na ‘yan. Yuck!

At dahil nalunok ata ni Ryde yung dila niya at hindi siya makapagsalita, ako na ang nagpakilala sa sarili ko. "Aeisha nga pala. Uhm, classmate ako ni Ryde," tapos ngumiti ako.

"Ryde?" Bigla niyang tanong sa akin.
Teka mali ba ang pronunciation ko ng Ryde? Bakit?

"Ha?" nabobo na talaga ako.

"Uhh wala. Nagtaka lang ako kung bakit Ryde ang tawag mo sa kanya." Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Teka, hindi kaya...

"Bakit? Hindi niya ba totoong pangalan ang Ryde? Joke-joke lang?"

Narinig ko namang tumawa yung babae. Takte. Pinaglololoko ata ako ng isang 'to eh! Pasalamat siya maganda siya.

"Ako lang kasi ang tumatawag sa kanya ng Ryde sa school, bukod sa family and relatives niya."

Ohh. Is that so? Now, I'm curious. Whos this pokemon, huh?


***