.

.

Chapter 11

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, July 14, 2015


***

"Ah ganun ba?"

Sus! Ano namang masama kung Ryde din ang itawag ko sa kanya? Eh sa ayaw ko ng Jin eh. Parang alak lang. Tapos ‘yun din yung tawag sa kanya ng mga kaaway niyang mga basagulero. Kapag tinawag ko siya nun para akong basagulera.

"Sige ha? Maiwan ka muna namin. Tara, Ryde," saka siya ngumiti ng nakakaloko. Yung tipong parang gusto mo siyang sabunutan at putulin ang ulo niya pagkatapos ‘yun ang ishoshoot mo sa ring. Anong feeling niya? Maganda siya? Oo nga, maganda siya pero nakakainis siya!

Iniwan nga nila ako dun at di man lang kumibo si Ryde.
Nakaangkla lang sa kanya yung babaeng ‘yun at nalunok niya na talaga siguro yung dila niya. Magsama silang mga bwisit sa buhay. Bumaba na lang ako gamit yung escalator. Uuwi na lang ako...

SHET, WALA PALA AKONG DALANG PERA!

Tatakbo sana ulit ako  paakyat kaso nagdalawang-isip ako. Una, magmumukha akong tanga kasi pababa yung takbo ng escalator tapos paakyat ako. Pangalawa, nahiya naman ako sa kanilang dalawa at baka masira ko ang date nila. Pangatlo, low battery na pala ang cellphone ko at ngayong tiningnan ko ito ay battery empty na. Pang-apat, nakababa na ako.

ANONG GAGAWIN KO?!

Mamamalimos sana ako at magaling naman ako umacting kaso na-realize ko na mall nga pala 'to. So no choice kundi maglakad. Bakit ba ang malas ko ngayong araw? Napagdesisyunan ko nang maglakad na lang pauwi nang biglang may tumawag sa akin mula sa likuran ko.

"Aeisha!" at paglingon ko, parang nabigyan ako ng pag-asa.

"Daniel." Grabe, pangalan lang niya ang nabanggit ko sa sobrang saya. Makakauwi na ako! 

"Bakit ka andito sa SM? Di ba may klase ngayon?" ay shet, di pala niya alam yung nangyari!

"Ah.. kasi ano.. pupunta sana akong Guidance office kasama yung classmate ko, kaso nag-cut siya kaya ayun…napunta ako dito. Eh ikaw? May klase ka rin naman ah? Bakit andito ka?" Huh! Kala niya di ko mapapansin ha?

"Ahh, in-excuse ako ni coach para bumili ng rackets. May tryout kasi ulit mamaya eh. May practice nga pala bukas." Sosyal! Ang yaman ng club ha! Kanila ang mga raketa at hindi sa school.

"Tara, kain muna tayo tapos sabay na tayong bumalik sa school."

At sobrang natuwa talaga ako nung sinabi niyang sabay kaming babalik sa school. Thank you, Lord! Pero biglang napawi yung kasiyahan ko nung nag-sink in sa akin yung sinabi niya. Kakain kami...

EH WALA NGA AKONG PERA.

Maya-maya lang ay nasa tapat na kami ng McDo. Naman eh, wala nga akong pera. Paano ako kakain? Umupo na lang ako at parang nabagsakan ng puno ng mangga yung mukha ko. Tinanong ako ni Daniel kung anong problema ko. Nakakahiya man, sinabi ko rin sa kanya ang nakakapagpabagabag kong problema—na wala akong pera.

"Don't worry. Treat ko," tapos ngumiti siya. Bakit ang gwapo niya at ang bait pa? Crush ko na talaga siya!

Siya na ang nag-order at naghintay na lang ako. Naalala ko naman bigla si Ryde tsaka yung babaeng ang sarap i-shoot sa ring. Naku! Nakakainis talaga sila! Iniwan lang ako dun. Lagot talaga sa akin yung Ryde na ‘yun ‘pag nakita ko siya.

Maya-maya lang ay nasa harapan ko na siya at dala-dala niya yung pagkain namin. At na-shock talaga ako sa nakita ko. Ang konti kasi eh. Grabe. Sana dinagdagan pa niya. Two-piece chicken plus spaghetti plus burger plus fries plus coke float plus sundae lang namanyung inorder niya. Anong akala niya sa akin, patay gutom? At in fairness, tinernuhan niya pa ako. Kasi yun din yung order niya. Patay gutom rin kaya siya?

"Uhm, bakit…parang ang dami ata?"

"Ahh, kasi di ko alam kung anong gusto mo. Ang layo mo naman para tanungin kita. Sorry," sabay kamot sa batok niya. Ay jusme, ang cute niya! Pinapatawad na kita!

Kumain lang kami at nagkwentuhan. Nalaman ko na mula pala first year pala ay nasa Badminton Club na siya at consistent section 1 siya. Pero ngayon lang siya napunta sa section 2 at sinadya niya raw ‘yun. Kasi nung enrollment ay section 1 talaga siya pero nagpalipat siya dahil…ewan ko. Ayaw niyang sabihin eh. Sayang, di ko tuloy siya kaklase.

"Hala! Natutunaw na yung sundae mo!" bigla kong naituro yung sundae niya na lawa na yung ibabaw. Inuubos niya pa kasi yung burger niya. Uhmm, ubos ko na kasi yung pagkain ko. Patay gutom nga siguro ako. Ang inuupakan ko na lang ngayon ay yung sundae ko.

"Ah. hayaan mo na ‘yan—"

"Ano ka ba, dapat di ka nagsasayang ng pagkain! Sayang naman 'to. Tsaka sayang yung pera mo kaya dapat ubusin mo rin 'to." Kinuha ko yung sundae niya tsaka ko siya sinubuan.

"Wait Aeisha, kasi—," sinubuan ko ulit siya ng isang kutsara ng sundae.

Naubos niya na rin yung burger niya at itong sundae na lang talaga yung hindi. Akalain niyo ‘yun? Naubos naming pareho ‘yon? As in lahat? Grabe pala ang sikmura namin.

Tsaka ko lang na-realize, bakit ko nga ba siya sinusubuan? Biglang nag-init yung mukha ko kaya inabot ko na lang sa kanya yung sundae niya. Gosh! Ang kapal ng mukha ko! Bakit ko ginawa ‘yun?

“S-sorry!” napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan. Narinig ko pa siyang tumawa.

"Ang cute mo!" sabay tawa uli niya.
Napatingala naman ako sa narinig ko.

"H-huh?" parang nabingi ako eh. Ano raw? Kulot ko? O ang cute ko?

"Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng hindi pinapansin ang figure niya kapag kumakain. At  pinipilit pa ang date niya na ‘wag magtira ng pagkain," tapos pinakita na naman niya ang mala-toothpaste commercial niyang ngiti. Gagi! Ang pogi niya talaga! Tapos biglang nagsink-in sa akin yung sinabi niya.

"DATE?" napahawak ako sa bibig kong ubod ng ingay dahil napasigaw ako. At kamusta naman ang mga kalapit naming table? Nakatingin na sila sa amin?

"I mean, friendly date. So, tara na?" Ohh, okay. Friendly date. Grabe, kumabog ang dibdib ko doon ha.

After nung nakakahiyang eksenang ‘yun ay umalis na kami sa McDo. Actually tatlong hakbang na lang ay nasa exit na kami. Kaso bigla naming nakasalubong sina Ryde. Pagtingin ko, nakaangkla pa rin yung babae sa braso niya. Okay.

"Oh, ikaw pala Daniel. Kasama mo pala si…what's your name again?" sabay ngiti ng demonyita. Naku! ‘Wag niyo ‘kong pipigilan pag nilambitinan ko ang buhok ng unggoy na 'to! Pasosyal masyado.

"Let's go, Aeisha." Nagulat naman ako nung bigla akong hinatak ni Daniel palabas ng mall.
Pagtingin ko sa mukha niya, parang sasabog ‘yon sa galit. Nakakuyom rin yung mga palad niya. Natahimik na lang ako. Ano kayang meron?

Lumingon ulit ako sa likod. Pagtingin ko kay Ryde, nakaiwas pa rin siya ng tingin doon sa babae.
Pero nagulat ako, nung bigla siyang tumingin sa akin.


***