.

.

Chapter 12

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, July 14, 2015


***

Napatalikod ako ng di oras. Kinilabutan kasi ako sa tingin niya. Feeling ko may balak siyang patayin ako sa tingin. Ano na naman bang nagawa ko sa kanya? Siya nga ang may kasalanan ng lahat ng ‘to eh!

Tapos napansin ko na hawak-hawak pa rin pala ni Daniel yung wrist ko at ewan ko ba pero parang kinikilig ako na namomongoloid dahil dun. Ang bilis niya pang maglakad. 

Pumara siya ng jeep at sa unahan kaming sumakay. Gustung-gusto kong sumasakay dito. Kaming dalawa ni Yem, gusto naming sumasakay either sa unahan ng jeep o kaya sa pinakadulo ng jeep. Wala lang. ‘Yun ang mga pinakamagandang spot sa isang jeep eh. Di ba? 

Pero in fairness, nakakatakot palang magalit si Daniel. Parang kakain ng buhay. Pero in all fairness din, mas lalo siyang gumagwapo pag galit siya. Dahil na-curious ako kung anong meron, sinubukan kong itanong sa kanya yung nangyari kanina.

"Uhm, Daniel? K-kung okay lang magtanong ha? Uhm, ano mo si…yung ano…" ay shemay! Nakalimutan ko yung pangalan nung babaeng ‘yun. Tsk. Siguro ganun talaga ‘yun ‘no? Pag ayaw mo sa isang tao, madali mong nakakalimutan yung pangalan niya?
Ano nga ulit pangalan ni Ryde?  Yes, pun intended.

"Si Serene?" napabuntung-hininga naman siya.

"Ah oo! Yun nga. Siya nga." Napatakip naman ako sa bibig ko dahil nagsisimula na naman akong mag-ingay. Ngumiti naman si Daniel, pero yung ngiting malungkot.

"May kaibigan kasi ako dati." Nagulat naman ako nung bigla siyang nagsimulang magkuwento. At nagulat rin ako nung nakita kong nakikinig pala sa amin si Manong driver. Tsismoso lang, kuya? Tiningnan ko nga ng masama. Baka mamaya mabangga kami kakakinig niya sa amin.

Syempre ako, nakikinig lang. Masaya na rin ako dahil at least, nag0-open up siya sa akin. 

"Yung kaibigan kong ‘yun," halos pigil na yung hininga ko dahil pakiramdam ko ay sobrang intense na ng susunod niyang sasabihin. "Naging girlfriend niya si Serene."

"WHAT?" napanganga na lang talaga ako. May nagkakagusto pa pala sa mga ganung babae na sobrang arte?

"Yeah. Di ko nga rin alam kung anong nakita niya sa babaeng ‘yun.
Alam ko naman dati pa na niloloko lang siya ni Serene. Ganun talaga siguro. He's blinded by love. At ang masaklap pa, nung nakipag-break si Serene sa kanya, ang sinabing dahilan ni Serene ay dahil daw may gusto siya sa akin. Lame, right? Pinaglalaruan niya lang yung kaibigan ko, dinamay pa ako."

Halos manghina talaga ako sa mga nalaman ko.
Ang b*tch naman pala ng Serene na ‘yun. Dapat pala nung nasa Quantum pa lang kami ay hinagis ko na siya sa ring para naman nakaganti man lang ako sa kanya. Tapos ngayon, si Ryde naman ang target niya?

Kung may love meter ako para kay Daniel, may hate meter rin ako para sa bruhang Serene na ‘yun. At nasa maximum level na ‘to. Bwisit talaga yung babaeng ‘yun. First time ko pa lang siyang nakita kanina pero parang ang tagal-tagal ko nang naiinis sa kanya.

"Manong, para po."

Di ko naman namalayan na nasa school na pala kami. At anak ng peste lang talaga, kinakabahan ako. Bwisit kasi na Ryde ‘yun! Bakit ba kasi sumama ako sa kanya?
Ang gaga ko rin kasi. Sana dumiretso na lang ako sa Guidance Office kaysa sundan ang Ryde na ‘yun. Lagot talaga ako sa guidance counselor namin.

"Teka, diba pupunta ka sa guidance?"

"Oo." Gusto ko nang maiyak dahil sa sitwasyon ko ngayon. At ang nakakainis pa, tinawanan lang ako ni Daniel! "Sige lang pagtawanan mo pa ako."

"Sorry. Natawa lang ako sa itsura mo.
Para kang namatayan eh. Cheer up! Di naman siguro magagalit sayo si Ma'am pag sinabi mo yung totoo.  Ihahatid na lang kita dun. Tara?"

Kinagat ko na lang yung dila ko para hindi ako mapangiti sa sobrang saya at kilig dahil sa sinabi niya. ANO BA DANIEL, TAMA NA KASI!

At syempre, tinotoo naman niya yung sinabi niya. Hinatid niya ako hanggang sa pintuan ng guidance. Nagpaalam lang siya sa akin tapos dumiretso na siya kay Coach. Ako naman, dahan-dahan kong binuksan yung pinto sa guidance. At saktong pagbukas ko, nakita ko si Ryde sa loob.

Teka? Paano siya napunta dito? Nauna kami sa kanila ah?

"Oh, what are you doing here Ms. Bernardino?" sabi sa akin nung guidance counselor namin.

"Uhm. Pinapunta po kami dito ni Sir." Naupo naman ako dun sa sofa na inuupuan rin ni Ryde. Pero syempre may kaunting space sa pagitan namin. Kaunti lang naman.

"Ms. Bernardino, Mr. Montalbo, magkagalit ba kayo? Bakit pareho kayong nasa magkabilang dulo?" at kamusta naman, tinawanan pa talaga kami ni Ma'am ? Ngumiti na lang ako kay Ma'am.

"Ah Ms. Bernardino, tumayo ka na nga pala dyan at bumalik ka na sa room niyo."

"Ha? Bakit po? Di ba may parusa pa po kami?" inayos naman ni Ma'am yung salamin niya na medyo bumababa na.

"Siya lang. Hindi ka kasama," tsaka niya itinuro si Ryde.

"Ha? Teka, parehas po kaming may kasalanan ah.
Bakit po—" 

"Inamin na sa akin ni Ryde ang lahat kaya okay ka na.
Sige na, bumalik ka na sa room niyo. Or else, gusto mo talagang maparusahan."

Tiningnan ko naman si Ryde. Ayun. Nagkakalikot lang sa phone niya na parang walang nangyari. Bakit kaya niya ginawa ‘yun?

Hindi ko alam kung tatayo ba ako para bumalik sa room o uupo na lang ako para maparusahan. Pero tumayo na rin ako kahit mabigat sa loob ko. Pagkalabas ko ng guidance, parang gusto ko ulit pumasok. Parang nakokonsensya ako.

Bigla namang pumasok sa isip ko kung ano kayang nakain ni Ryde at inako niya yung kasalanan naming dalawa? O baka nakonsensya lang siya sa ginawa niyang pag-iwan sa akin sa mall  kanina?

Akalain mong may tinatago rin pala siyang kabaitan?


***