.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

"Hoy bruha ka! Ansabe naman ng pagpunta mo sa Guidance office? Hanggang 4 ka dun? Hanggang 4 :00 PM? Grabe 'to! Nag-cut ka lang eh! Ni hindi mo man—"

Tinakpan ko yug bibig ni Yem dahil wala na namang tigil yung pagsasalita at panenermon niya sa akin. Actually, uwian na. Ni wala man lang akong napasukan na class after nung napalabas kami sa classroom ni Ryde. Grabe nakakahiya.

"Umuwi na tayo Yem, ikukwento ko na lang lahat sayo sa bahay." Kinuha ko yung bag ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng room. Kaso pagkalabas na pagkalabas namin ng room, papasok naman si Ryde. Ang awkward tuloy. At ang nakakainis pa, ayaw makisama ng paa ko. Kakanan ako, kakanan din siya. Kakaliwa siya, kakaliwa din ako. Bobo ng paa ko eh, di tuloy ako makalabas sa room.

"Uhhh." Mukhang nakaramdam naman siya na para kaming nagpapatintero sa pintuan kaya gumilid muna siya at pinalabas ako. Nung pumasok na siya, napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya sa loob ng room. Nakatalikod siya sa akin at inaayos niya yung bag niya.

"THANK YOU!" 

Para lang akong timang dahil sumigaw ako kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya yung two-word phrase na ‘yun. Nakakahiya talaga! Buti na lang nahatak ko na si Yem paalis sa room bago pa man lumingon yung Ryde na ‘yun.

"Para kang nakakain ng sili sa sobrang pula ng mukha mo, girl!" sabay tawa pa ni Yem.

"Ewan ko sa’yo!" itinakip ko na lang yung backpack ko sa mukha ko. Nakasakay na nga pala kami ng jeep agad-agad matapos ko siyang hatakin at tumakbo palayo sa school.

"Pero alam mo, may kilig factor talaga sa inyong dalawa eh. Feeling ko destined kayo."

"Nag-thank you lang, destined na agad? Corny mo Yem ha." Tinry ko na lang na wag lagyan ng expression yung mukha ko.

"Anong thank you LANG? Lang-langin kita dyan eh! Sabay LANG naman kayong umalis ng room. Sabay LANG din naman kayong umalis ng school. At ngayon, may pa-thank you thank you ka LANG na sinabi. Yun LANG naman eh. Sus!" Alam kong inaasar na niya ako dahil sa todong emphasis  niya sa word na  "LANG." Kulang na lang talaga ipamukha niya sa akin na hindi ko alam ang ibig sabihin ng "LANG" .

Pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay ay halos mapatakbo kami sa takot dahil sa image na nakita namin sa pinto.

"LOLA NAMAN! BAKIT KA ANDYAN! GRABE, AKALA KO KUNG ANONG ENGKANTO NA YUNG DUMALAW SA BAHAY!" sabay napa-sign of the cross pa si Yem sa sobrang takot. Ako naman ay talagang nangatog yung tuhod ko. Grabe talaga! Feeling ko nga muntik pa akong mahimatay nung mga oras na ‘yun.

"Ay mga apo, hinihintay ko lamang kayo."

Sino ba naman kasi ang hindi matatakot? Naka-puting bestida si lola na sa sobrang haba ay hindi na makita yung paa niya. Idagdag mo pa na nakalugay yung buhok niya na sobrang haba at tumingin siya sa direksyon namin nung papalapit na kami kanina sa bahay. Sino ba namang hindi matatakot kung yung mata ni lola ay expressionless, mulat na mulat  at talagang nakatingin pa siya sa amin. Kaya ang unang pumasok sa isip namin eh tumakbo papalayo. Pero na-realize namin na si lola yun nung sumigaw siya ng,

"Mga apo, kayo ba ‘yan?" 

Promise. Akala ko mabubuang na ako kanina. Buti na lang hindi talaga siya multo.

Tawa naman nang tawa sa amin si lola nung kinwento namin sa kanya kung bakit kami tumakbo palayo sa kanya kanina. At nalaman naming kakaligo niya lang pala nung mga oras na ‘yun kaya nakalugay yung buhok niya. Then hinihintay niya rin pala kaming umuwi para sabay-sabay na kaming kumain.

"Lola, pag po maghihintay kayo sa amin sa labas ng bahay, pwedeng wag niyong isuot yung bestida nyong ‘yan? Tumaas talaga ang mga balahibo ko kanina." Ewan ko kung matatawa o maaawa ako kay Yem dahil sa itsura ng mukha niya. Parang iiyak na natatakot na ewan.

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan lang kaming tatlo sa nangyari sa akin kanina. At syempre may kasamag kasinungalingan yung ikinuwento ni Yem kay lola. Baliw talaga ‘yun kahit kelan. Tulad na lang nung sinabi niyang...

"Ay naku lola! Nung nagkita sila kanina sa classroom, nakita ko, kitang kita ng dalawang precious eyes ko na nagtitigan sila. Alam niyo yung…may passion, may love,  tapos hinawakan ni Prince Charming yung kamay ni PAULINE. Tapos etong si Pauline, nagthank you dahil niligtas siya ng prince charming niya. At eto namang si Prince Charming, hinawakan sa chin si Pauline at sinabing…
gagawin ko ang lahat para di ka mapahamak…" At nakita kong paniwalang-paniwala si lola sa mga sinasabi ni Yem. "At alam mo na ang sumunod na pangyayari lola. Hawak-hawak ni Prince Charming yung chin ni Pauline tapos si Pauline, hinawakan niya yung pisngi ni Prince Charming, at naglapat ang kanilang mga labi."

"Ayyy!" di ko alam kung kinilig ba si lola o sumakit lang yung balakang dahil napatalon siya sa sinabi ni Yem.

Di ko rin alam kung anong meron sa utak ko at parang nai-imagine ko kung ano mang kinukwento ni Yem. Nakakakilabot! Dapat ata sa Writing Club sumali ‘tong si Yem dahil grabe gumawa ng istorya eh.

"Ay nako Yem, pwede ka ng fiction writer! Grabe, galing! Sisikat ka dun promise!" sabi ko sa kanya sabay irap.

"Talaga? Oh My God. Sige gagawan ko kayo ng mas intimate na story ng prince charming mo. Lola! Tulungan mo akong mag-isip ng mga nakakakilig na scenes ha?"

Napahawak na lang ako sa noo ko nung nagkwentuhan pa lalo yung dalawa tungkol sa akin at sa prince charming ko raw. Sumasakit ang ulo ko sa kanila, promise. At ang malala pa, nilalakasan talaga nila yung pagkukwentuhan para marinig ko ‘yon. Tapos sinasadya niya pang Pauline ang itawag sa akin. Tss. Ayaw ko nga nun eh. May sayad na talaga ‘yung si Yem. At isa pa, hindi ko rin alam kung bakit prince charming ang tawag niya kay Ryde. 

YUCK. Di bagay. Nai-imagine ko siyang nakasuot ng pang-prinsipeng costume.
Hindi talaga bagay! 

“At ayun nga lola! Kiniss ni Prince Charming yung noo ni Pauline, tapos pababa sa tungki ng ilong, tapos sa pisngi, tapos sa…”

“Sa lips! Ay grabe apo! Nakakakilig pala talaga sila ano? Naalala ko tuloy ang kadalagahan ko noon!” 

Humiga na lang ako sa kama at tinakpan ko yung mukha ko ng unan kahit alam kong non-sense din dahil sa sobrang lakas ng boses nila. Hanggang sa nakatulog na lang ako sa sobrang pagod sa pakikinig sa pagkukwentuhan nila.


***