***

"Ano? Ganoon ba? O sige, may practice rin kami eh. Kita na lang tayo sa bahay. Oo. Sige, sige. Babush!"

Binaba ko na yung cellphone ko pagkatapos tumawag ni Yem. Hindi rin kami sabay umuwi dahil may practice sila sa choir, tapos may practice rin ako sa badminton. Pumunta na ako sa gym para makasali sa practice pero dumiretso muna ako sa locker room para magpalit ng training uniform, shorts tsaka t-shirt yung uniform namin.
Lumabas naman ako agad pagkatapos kong mabihis  para makapagpractice na rin.

“Aiesha, catch!”

“Whoa!” Buti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya nasalo ko yung raketang ibinato sa akin ni Daniel. Nung nasalo ko yung raketa, ngumiti sa akin si Daniel. Bago pa ako mahumaling sa ngiti niya, pumunta na ako doon sa court at nakita kong nagpa-practice na nga yung iba.
Paglingon ko sa kaliwa ko, katabi ko na pala si Coach.

“Bernardino, alam kong bago ka pa lang pero sa tingin ko ay may potential kang makipagsabayan sa main players. ” Napanganga na lang ako pagkatapos kong marinig ‘yun. Ako? Makikipagsabayan sa main players?

“Pero coach, ano… baka po kasi…”

“Kaya mo ‘yan. Para naman may maidagdag ako sa pwedeng ipanlaban sa labas.” Tsaka niya hinawakan yung balikat ko para i-cheer ako. Hindi naman ako makaangal dahil baka bigla na lang akong tanggalin ni coach sa team.

Tumayo si coach at nilapitan niya si Daniel pati yung isang lalaking kalaro niya. Ano ngang pangalan nun? Chris ata? Kinausap ni coach si Daniel tapos bigla na lang siyang tumingin sa direksyon ko tapos lumapit siya sa akin habang nakangiti. Grabe, hindi ba siya napapagod ngumiti?

“Aeisha, laro raw tayo sabi ni coach para ma-assess yung ability mo.” Pinapunta niya ako doon sa kabilang side ng court at pumwesto siya doon sa opposite side.

“Game!” sigaw niya doon sa kabilang side. Syempre, nag-ready na ako dahil alam kong matinding kalaban ‘to. Aba, captain ba naman eh! Ano ba kasing trip nitong si coach at pinaglaban na naman kaming dalawa? Mapapahiya na naman ako nito eh.

Tinira niya yung shuttlecock papunta sa akin, at syempre ibinalik ko rin ‘yun sa kanya. Hindi ko nga alam kung magaling ba talaga ako o binababaan lang ni Daniel yung level niya kasi nagsisimula na naman kaming mag-rally. At ang nakakainis pa, pinagtitinginan kami ng mga teammates namin.

Nung nangawit na talaga ako at sobrang pagod sa kakahabol sa shuttlecock, napaupo na lang ako sa court at di ko na tinira pabalik yung shuttlecock. Grabe namang training 'to! Wala man lang warm-up. Sinabak agad ako against our team captain.

“Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang?” nagulat naman ako nung nakita kong nasa harapan ko na pala si Daniel. Bilis niyang tumakbo ha!

“Ah, oo. N-napagod lang.” Tsaka ko hinawakan yung braso ko na sobrang nangawit dahil sa walang hiyang rally na ‘yan! Sa susunod nga di ko na titirahin yung shuttlecock para di nakakapagod!

“Actually, ang galing mo nga eh. Congrats! I think you will be officially joining our team.” Nagulat ako nung inabot niya yung kamay ko at nakipagshake-hands siya sa akin. Pero anong sabi niya? Ako? Part na ako ng  team?

Weh?

After nung nakakapagod na practice namin ay agad-agad akong nagpalit ng damit sa locker room. Actually, ako na yata ang huli dahil nagpahinga muna ako for fifteen minutes kasi sobrang napagod talaga ako kanina. Yung iba nga nakauwi na eh. Kadiri nga yung uniform ko, basang-basa ng pawis. Lalabhan ko na lang mamaya pag-uwi sa bahay. Ang sakit talaga ng katawan ko. Siguro ganito ang pakiramdam ng shuttlecock kapag pinagpapasa-pasahan siya. Lamog to the core!

“Aeisha!”

“Ay lamog ka!”

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Walanghiyang Daniel ‘yun! Bigla ba namang humawak sa balikat ko sabay gulat sa akin? Mag-isa pa man din ako dito sa locker room. Sinong hindi matatakot kung bigla na lang may kamay na pumatong sa balikat mo?!

“S-sorry. Nagulat ba kita?” kita naman sa mukha niya na nagsisisi siya sa ginawa niya. Pero ang sarap niya sanang sagutin ng…
 'Ay hindi! Hindi talaga ako nagulat. Natuwa lang ako kasi hindi mo ako nagulat. Hahaha.' Kaso ‘wag na, kasi baka suntukin niya ako eh. Nginitian ko na lang siya at di na ako sumagot.

“Teka, may kasabay ka ba? Hatid na kaya kita? Madilim na sa labas eh.”

OMG. OMG LANG TALAGA. Alam niyo ba yung feeling na sobrang pagpipigil ng feelings ang ginagawa mo ngayon para lang hindi ka mapatalon at mapahiya sa harap ng crush mo? Ganun! Ganun ang feeling ko ngayon. Gustung-gusto kong magpahatid pero syempre nakakahiya rin naman ‘no. Kakakilala ko lang sa kanya few days ago tapos papahatid agad ako?

“Ah, hindi na. Kasabay ko naman yung best friend ko eh. Sige! Kita na lang tayo bukas! Bye!” tumakbo na ako palabas ng locker room at palabas ng gym dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Eh pusa naman kasi kinikilig talaga ako! Sino ba naman kasing hindi kikiligin kung nagyaya yung crush mo na ihatid ka di ba?

Nung nasa labas na ako ng school, sakto namang nagtext si Yem na kauuwi lang niya. Oh well, eh di uuwi na lang akong mag-isa! Nakakahiya kasi talaga ako kay Daniel kahit pa makapal ang mukha ko sa iba. I mean, baka kasi gabihin siyang umuwi. Ang alam ko kasi ay opposite ways yung dinadaanan namin eh. Oh! Hindi ako stalker ha. Siya mismo ang nagsabi sa akin kung saan yung way ng bahay nila. Di rin ako defensive. Nag-eexplain lang.

Pumara agad ako ng jeep dahil gusto ko na rin talagang umuwi at matulog dahil inaantok na ako plus masakit pa ang buong katawan ko. Combo ‘di ba? Syempre dun ako sa may dulo para presko at madaling bumaba. Nagbayad ako at sumandal muna saglit.

Oy..”

Gising…”

Tsk.”

Naman.”

Di ko alam kung nananaginip ba ako pero feeling ko lumulutang ako. Bakit ganun? Di kaya may super powers ako? Pakiramdam ko talaga lumulutang ako eh.

Sinubukan kong imulat yung mata ko at napasigaw ako sa nakita ko. OMG. Shet! Shet! What...what is the meaning of this?!

“Tsk. Wag ka ngang maingay!”

“Ibaba mo ‘ko! A-ano ba?!” gusto ko sanang magpumiglas kaso baka ilaglag niya ako bigla eh! Lechugas namang Ryde ‘to oh! Paano ako napunta sa posisyong ‘to eh nakaupo lang ako kanina sa jeep ah?! Teka... hindi kaya... kinidnap niya ako?!

Bakit niya ba ako karga-karga?!

“Kidnapper ka ba?! Kung kikidapin mo ko, wag mo nang ituloy!
Walang panransom si Yem! Maawa ka sa kanya! Di ako anak-mayaman no! At tsak—”

“OA mo,” huminto siya saglit tapos bigla niya akong tiningnan. “Sino ba kasing baliw ang natulog sa balikat ko sa jeep kaya hindi ako makababa? Pasalamat ka nga di kita iniwan dun. Tsk,” saka niya ako ibinaba. Nakatulala lang ako sa kanya. Ano bang sinasabi niya? “Bayad na ako sa utang na loob ko sa'yo. Okay?” tumalikod siya sa akin at saka nagsimulang maglakad papalayo.

Ginawa niya ‘yun? Binuhat niya ako pababa ng jeep? Bobo niya pala eh, bakit di niya na lang ako binatukan kanina sa jeep para magising ako? At tinawag pa akong OA? Wow ha! Kapal talaga niya! Manyakis na nga, ang sungit pa!

Pero di pa rin magsink-in sa utak ko. Binuhat niya talaga ako pababa ng jeep ? Teka, maraming pasahero kanina sa jeep na sinakyan ko ah? Paano kung nakita nila ‘yun? Tapos baka kung anong inisip nila. Paano kung may kasabay pala kaming schoolmate namin doon sa jeep? Tapos...tapos...

Ah shet! Ayoko nang mag-isip! Kung saan-saan napupunta yung utak ko! Lecheng Ryde ‘yun! Bobo siya! Bobo!


***