.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Apo, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan ah?”

“Naku hayaan niyo na ‘yan lola, baka nakakita ‘yan ng totoong white lady.”

Nakatulala lang ako hanggang ngayon. Hindi ko talaga lubos maisip yung nangyari kanina. Ang labo lang talaga eh. Baka nga siguro tulog mantika lang ako at di ako magising? Tama. Walang meaning yun. Tama. Tama.

Hindi ako masyadong nakatulog nung gabing ‘yun sa kadahilanang nababaliw na ata ako kakaisip kung bakit niya ginawa ‘yun. Ang kulit ng utak ko eh. Kung anu-anong pinag-iisip. Kaya ayun, umaga na ako nakatulog.

Kinabukasan, tumakbo na kami ni Yem pagkababa namin ng jeep dahil male-late na naman kami. Buti na lang at close namin si Budoy kaya di kami pinagsarhan ng gate.

Nakarating kami sa klase namin kaso nandun na yung teacher namin sa MAPEH. Tuwing thursday kasi ang PE namin kaya lahat ng fourth year ay naka-PE uniform. Nag-excuse na lang kami at saka pumasok sa klase niya. Ewan ko ba pero medyo nailang talaga ako sa pwesto ko ngayon. Bakit ba kasi nasa likod ko si Ryde?

“Class, sa field tayo ngayon. Kasama niyo ang section 2 at 3. Sige na. Move!” nakakatuwa talagang teacher 'tong si Sir Bryan eh. Ang lively niya kasing magturo at magbigay ng instructions. Kaya favorite ko 'tong PE class eh!

Pagkababa namin ni Yem ng gamit namin sa upuan ay agad kaming bumaba sa field. At nakakatuwa lang dahil magkakasama ang lahat ng seniors. At kapag sinuswerte ka nga naman oh, kinawayan ako ni Daniel. Syempre kinawayan ko rin siya with matching beautiful eyes.

“Ang landi naman ng kaway mo!” bigla akong siniko ni Yem dahil napansin niyang kinakawayan ko si Daniel.

“Tse! Inggit ka lang.” Syempre finlip ko yung buhok ko para may effects.

Pinapila kami ni Sir according sa sections namin.
Nga pala, dahil absent yung teacher nung dalawang section, si Sir ang assigned para sa lahat ng fourth year. Tatlo kasi yung PE instructor ng school kaso may pinuntahan atang seminar yung dalawa, kaya ayun, si Sir ang maghahandle sa aming lahat. Pero ngayong week lang naman ‘yun.

“Okay class, rinig niyo ba ako?”

“Yes sir!” sinagot namin si Sir na sobrang buo yung boses nung sumigaw siya. Ang macho pala ng boses ni Sir!

“Ngayon, magkakaroon tayo ng contest. By section ang labanan,” pagkasabing-pagkasabi nun ni Sir ay agad nagbulungan yung iba. “Takbuhan lang ito. Five girls and five boys each section. Ia-apply lang natin ang diniscuss namin sa inyo last week, yung speed and agility. Tatakbuhin niyo yung buong oval and then kapag nakarating ulit kayo sa pwesto niyo, tapikin nyo lang yung next member and repeat. Two rounds. Ang siyang pinakamabilis na team, may plus sa practical exam.”

Ewan ko kung tama ba ang nakikita ko pero ang competitive ng bawat section. Yung class president namin ay nag-assign na ng mga tatakbo para sa first and second round. Syempre di pwedeng sumali si Yem dahil may hika ‘yan. Ako naman, na-assign sa second round kaya umupo muna ako dun sa damuhan habang iniinstruct ni Sir yung mga tatakbo sa first round.

“Tatakbo ka rin?” napatingin naman ako sa kaliwa ko at nakita kong katabi ko na pala si Daniel.

“Ah oo. Second round,” hindi ko alam pero nagsimula na akong magbunot ng damo. Anong nangyayari sa akin? Bigla-bigla na lang akong nagbubunot ng damo. Ganito ba ang epekto sa akin ni Daniel?

“Wow really? Cool. Ako rin, sa next round  ako tatakbo.”
Nakiupo na rin siya sa tabi ko at napalunok na lang ako. Lord, wag namang ganito. Baka manghina ang tuhod ko mamaya at di na ako makatakbo ng maayos!

Nakaupo lang kami dun at ni walang nagsasalita sa amin.
Alam kong ang awkward nito pero hindi ko feel na ganun nga ‘yun. Para kasing comfortable ako kahit di kami nag-uusap. Yung tipong ganun? Basta!

Kaso biglang nasira yung moment nung may umepal sa amin.

“Hey Daniel!” tumayo siya sa harapan namin at ngumiti.
Pag tiningnan mo lang siya, para siyang anghel eh. Pero kung kilala mo siya? Ay naku, malala pa sa demonyo ang ugali. Ako nga sa mall ko lang siya nakita pero halos isumpa ko na siya nung mga panahong ‘yun, paano pa kaya yung mga kaklase niyang lihim na may galit sa kanya?

“Pwede bang patali ng sintas ko? Natanggal eh.” Nagkatinginan kami ni Daniel at kita ko sa mukha niya na naaasar na naman siya. Sino ba naman kasing hindi maaasar sa kapal ng mukha niya? Pwede naman kasi siyang yumuko at siya na lang ang magtali nun. Aba at inutusan pa si Daniel? Alalay?

“Eh di itali mo.
Tara na nga Aeisha.” Nagulat ako sa sinabi ni Daniel. Grabe, bilib rin ako sa kanya. Pinahiya niya si Serene sa harapan ko. Cool. Pero mas nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko at hinatak niya ako patayo. Napalingon pa ako kay Serene at nakita kong nakatingin siya sa akin ng masama. Kung nakamamatay lang ang tingin, hindi niya pa rin ako mapapatay. In her face! Pa-sweet sweet siya kay Ryde nung nasa mall kami tapos pag wala siya, si Daniel ang puntirya niya? Lakas ng loob ha.

Pero kita mo nga naman oh. Akalain mong biglang nasa harapan na pala namin si Ryde na kanina ay naiisip ko lang na kasama ni Serene sa mall?

Hindi ko alam pero parang na-guilty ako nung naramdaman kong magkahawak pala kami ng kamay ni Daniel kaya napabitaw agad ako. At ang di ko maintindihan ay nagtititigan  sina Ryde at Daniel. Di kaya may lihim silang relasyon at nahuli niya si Daniel na parang nagtataksil?

Eeww. Bromance? Yuck! Di ko maimagine!
Tama na nga sa pag-iimagine!

“Sorry, pero magsisimula na yung second round kaya kailangan niya nang pumila doon," nakaharap siya kay Daniel at nabigla ako nung hinawakan niya ako sa braso at hinatak palayo kay Daniel. Di naman niya ako kinakaladkad pero ang bilis ng lakad niya kaya halos ang lalaki nung hakbang ko para lang di ako madapa.

“Sige, Aeisha! Mamaya na lang ulit!” ‘yun na lang ang narinig kong isinigaw ni Daniel bago ako napunta sa pila.

Wala na pala akong kaalam-alam sa race.
Nalaman ko sa class president namin na leading yung section 2, section nina Daniel at Serene, with twelve minutes and forty three seconds. Sunod kami na halos katiting lang ang pagitan, thirteen minutes and seven seconds. Then last yung section 3 na fourteen minutes and twelve seconds.

Ako yung pangalawa sa huli dahil ako raw ang pinakamabilis tumakbo sa mga babae, ayon sa class president namin. Di ko nga alam kung paano niya nasabi ‘yun. At si Ryde yung pinakahuling tatakbo. Well, siya ang pag-asa namin kaya dapat galingan niya, dahil kung hindi, sisipain ko talaga siya! Sayang rin yung plus points para sa practical ‘no.

“I’ll defeat you,” ‘yun ang huling narinig ko kay Ryde bago sumigaw si sir ng
'GO!'


***