.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Grabe, Poleng! Ang galing mo ha! Ang bilis mong tumakbo! Pwede ka na sa karera ng kabayo!” sabay tapik sa akin ni Yem sa likuran ko.

“Okay na sana Yem, eh. Kaso kadiri yung Poleng.” Nickname niya sa akin dati yung Poleng nung elementary pa kami. Kaso syempre, naging maarte ako kaya di ko na gusto yung nickname na ‘yun. Ang baduy kaya!

“Pero amazing talaga kayong dalawa ni Ryde eh. Sobrang bilis niyong tumakbo! Sabihin mo nga sa akin, sa kabayo ka ba pinaglihi? Grabe talaga eh.”

Andito pala kami ngayon sa CR at nagpapalit ako ng damit dahil sobrang pawis yung PE uniform ko. Buti na lang talaga at may baon akong extrang t-shirt.

Nanalo kami sa race. Akala ko nga matatalo kami eh, kasi sobrang close ng laban namin with section 2. Nung turn na kasi ni Mike, yung kaklase ko na tumakbo bago ako, nakasabay na kami sa section 2 kaya kaming dalawa na lang ni Ryde ang makakapagpanalo sa section namin. Inisip ko na lang na kapag naunahan ko si Lyn, yung katapat ko sa section 2, eh matutuwa yung mga classmates ko kaya talagang binilisan ko yung pagtakbo. Nilagay ko na lahat ng energy ko sa pagtakbo sa buong oval at nagawa ko namang unahan siya, pero in a span of 2 seconds lang. Kaya nung pagkatapik na pagkatapik ko kay Ryde ay halos nagsigawan na kaming laha, nagwi-wish na sana maunahan niya ang kalaban niyang…

Si Daniel.

Syempre gusto ko rin namang manalo si Daniel, pero yung section muna namin dapat ang priority ko. Kailangang section namin ang manalo dahil sayang yung plus sa practicals. Makapigil-hininga talaga yung moment na ‘yun dahil halos sabay lang silang tumatakbo, pero nung malapit na silang matapos ay biglang binilisan ni Ryde yung takbo niya na siyang ikinapanalo namin.

Nakakatuwa nga dahil kinongrats kaming dalawa ni Ryde ng classmates namin dahil kami raw ang nagpapanalo sa section namin.
Ang sarap lang sa pakiramdam na dahil sa akin, dahil sa amin, ay may plus kami sa practical exam.

“Nagutom ako sa pagsigaw sa bawat pangalan niyo ha!
In fairness naman sa akin. Goodluck na lang sa boses ko bukas. Lagot ako sa practice namin,” medyo malat na nga si Yem at alam kong nagpa-panic na siya dahil di siya pwedeng mamalat at may practice pa sila. Gagawan ko na lang siya mamaya ng salabat. Mabait kaya akong best friend! Hindi lang talaga halata.

After ng makapigil-hiningang takbuhan at nung nakapagpalit na kami, dumiretso na kaming lahat sa classroom. Nakakapagod talaga pero worth it naman. Nag-enjoy ako kahit tumakbo lang kami. Kaya idol na idol ko 'tong si Sir eh. Nagagawa niyang exciting yung mga activities kahit yung simpleng takbuhan lang.

Free time nga pala namin ngayon. Wala kasi yung Calculus teacher namin at halos magtalunan kaming lahat nung sinabi ‘yun nung teacher sa kabilang section. Eh sino ba naman kasing magkakagusto sa Calculus kung yung teacher niyo ay parang matandang dragon kung magturo? Oo, as in. Yung lumalaki yung butas ng ilong niya pag nagagalit kapag may hindi nakaintindi ng lesson niya. Katakot kaya. Kaya para kaming mga baliw nung nalaman naming absent siya. Yung iba pa ngang lalaki ay sumayaw-sayaw dun sa gitna at
'oh yeah' ng 'oh yeah' eh. Tinawanan ko na lang sila.

Bigla naman akong kinalabit ni Yem at tinaas niya yung notebook niyang may sulat.

Wag mo muna akong dadaldalin ha? Wala na akong boses. Huhu.

Ewan ko ba pero natawa talaga ako sa nakasulat dun. Para kasing pag dinaldal ko siya ay mate-tempt siyang daldalin din ako. Adik talaga neto kahit kailan! Kaya tumango na lang ako at nanahimik sa tabi niya. Pero halos mapatalon ako sa gulat nung biglang may sumipa sa upuan ko. Alam niyo yung feeling na para kang nalaglag sa bangin dahil sa gulat?! Anak ng tilapia!

Tumingin ako sa likod at nakita ko yung kaisa-isang taong pwedeng gumawa nun. At aba? Painosente effect pa ang mokong? Naka-side view at nakatingin lang sa bintana.

“Ang epal mo ‘no? Wag mo ngang sipain yung upuan ko!” pabulong kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa akin tapos kinunot niya yung noo niya. That time, kinilabutan ako. Nakalimutan ko palang yung sinisigawan ko ngayon ay mahilig sa away. Uh-oh. Napalunok na lang ako ng sarili kong laway. Mamaya magkatotoo yung na-imagine ko dating tinatapon na niya yung bangkay ko doon sa talahiban.

“Di mo ‘yan upuan. Upuan ‘yan ng school.
Tss,” sabay taas niya ng paa sa upuan niya. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Alam niyo yung imbes na matakot ako dahil parang inaaway ko siya ay mas lalo akong na-tempt na awayin siya? Ang labo niya kasi eh!

“Ay sorry ha?” napatingin naman ako sa armchair niya at may naisip akong masamang ideya. “Di mo rin pala 'to upuan eh. Kaya...”

“Holy shit! Stop it!”

Halos mamatay ako sa kakatawa nung nakita ko yung reaksyon ng mukha niya. HAHAHA, PARA SIYANG NATATAE NA EWAN! Para na akong baliw na tumatawa lang at pinagtitinginan na ‘ko ng mga classmates ko pero wala pa rin akong pakialam. Shet, ang priceless lang nung mukha niya kanina!

Alam niyo kung anong ginawa ko? Itinaas ko yung armchair niya (at sa totoo lang ang bigat niya ha) hanggang sa maitaas ko rin yung dalawang paa nung upuan kaya para siyang malalaglag patalikod. Natakot pa nga ako nung una dahil baka mabaldog siya pero nabitawan ko rin agad dahil nga natawa ako sa itsura niya.

Halos mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa dahil di pa rin ako makaget-over. Hanggang nung lunch break namin eh natatawa pa rin ako.

“HAHAHA, di ko talaga makalimutan yung itsura niya. Para siyang... para siyang... HAHAHAHA!” hindi ko na maubos yung pagkain ko sa kakatawa. At si Yem ay parang nawawalan na ata ng ganang makipag-usap sa akin dahil paulit-ulit yung sinasabi ko. Pero kasi nakakatawa talaga! Shet kasi yung mukha niya eh. Priceless!

Para kang baliw. Tumigil ka na nga. Kakaumay yung tawa mo eh.

Oh, nagsusulat pa nga rin pala si Yem sa likod ng notebook niya. Pinepreserve yung boses niya para sa practice. Kawawang best friend. At dahil nga mabait akong best friend ay pinagbigyan ko ang hiling ni Yem. Nanahimik ako habang kumakain, pero nangingiti pa rin talaga ako pag naaalala ko yung epic niyang mukha.

Swerte naman kung maituturing ang araw na 'to para samin ni Yem. Akalain niyo ‘yun? Wala kaming practice sa mga club namin? Kaya sabay kaming makakauwi at maaga kaming makakarating sa bahay. At isa pa, namimiss ko na si lola!

Pagkauwi namin ay kinwento ko kay lola yung nangyari sa PE namin tsaka kay Ryde a.k.a Prince Charming ko raw. Ewan ko pero nasanay na rin akong Prince Charming ang tawag ko sa kanya sa bahay dahil sa araw-araw ba naman na ‘yun lagi ang topic sa bahay. At si Prince Charing naman daw si Daniel ayon kay Yem. Baliw talaga ‘yun.

Ayaw na raw niya kay Daniel para sa akin kasi di raw kami bagay.
Mas boto raw siya kay Ryde. Sus! Ang bait-bait nga ni Daniel eh. Gwapo pa! And speaking of Daniel, tumatawag siya. Bakit kaya siya tumatawag?

Huh? Teka.

TUMATAWAG SIYA! OH MY GOD!

Bigla kong naitapon yung cellphone ko sa kama. OMG LANG.
Paano niya nalaman yung number ko?! At bakit may number siya sa cellphone ko?! Paano nangyari ‘yun?!

Lumapit ulit ako sa cellphone ko na parang nasasapian ng kung ano dahil grabe lang mag-vibrate.

'Daniel calling...'

“Hala naman! Hala, anong gagawin ko? Bakit kasi ganyan? Hala!” para na akong batang iiyak dahil di ko talaga alam kung anong gagawin ko. Bakit ba kasi siya tumatawag?

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para kunin yung cellphone ko at in-accept ko yung incoming call. Pero para akong napaliguan ng malamig na tubig nung narinig ko yung boses niya.

Hello? Aeisha?” natameme ako nung narinig ko yung boses niya sa phone. Shet, ano namang sasabihin ko?! “Aeisha? Andyan ka ba? Hello?”

“Ahh-uhh. He-he-hello,” bigla kong natuktukan yung sarili ko dahil para akong hunghang sa sinabi ko. Para akong sirang plaka! At lalo pa akong nahiya nung narinig kong tumawa siya. Waaaah!

Ahm. Ano kasi...” bakit parang ang lakas ng boses niya? Di kaya nakatodo yung volume nitong cellphone ko? “Andito ako sa labas. Sa tapat ng bahay ninyo.”

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, nabato ko ulit yung cellphone ko.


***