.

.

Chapter 18

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Yem, dalian mo! Male-late na naman tayo eh!” sigaw ko sa kanya habang hinihintay ko siya sa labas ng boarding house. Kupad talaga neto kahit kailan. Nagmemedyas pa lang kasi siya.

“Teka naman! Wag kang atat!”

Napatingin ako sa paa ko at na-realize ko na eto rin yung pwesto ko kagabi. Dito rin ako naiwang nakatayo habang nakatingin lang ako sa likuran niya. Ay teka nga? Bakit ba iniisip ko pa yun?! Erase! Erase! Male-late na kami kaya dapat nagpa-panic na ako ngayon!

“Yem! Halika na!”

“Eto na! Eto na!”

Pagkalabas na pagkalabas niya ay para kaming mga kabayo sa karera at nagpaunahan pa kaming tumakbo papunta sa sakayan ng jeep. Buti na lang at may nakahintong jeep sa tapat ng sakayan at kaunti pa lang yung laman kaya nakasakay kami agad. Ang galing nga eh, ang laki kasi ng jeep tapos open pa yung bintana. I mean, walang salamin or plastic na ini-slide o itinataas. Open lang talaga siya.

Kinuha ko naman kaagad yung wallet ko at naglabas ako ng seven pesos. Ganun din si Yem. Well, mabait kami kaya barya lang talaga sa umaga ang ibinabayad namin. At isa pa, natuto na ako dati nung hindi sinuklian nung driver yung bente pesos ko. Badtrip talaga ako nun eh! Seven pesos lang dapat  ang ibabayad ko pero naging bente. Sayang yung thirteen pesos ko!

“Bayad po.” Inabot ko yung bayad namin dun sa nasa kanan ko. Kukunin na sana niya yung pamasahe namin ni Yem kaso bago pa mag-landing ‘yun sa kamay niya ay nabitawan ko na lahat.

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nung mga panahong ‘yun.

“Tsk,” pinulot niya yung mga nalaglag kong barya habang ako ay nakatanga pa rin sa kawalan. Shet lang. Para na akong baliw pero di pa rin ako gumagalaw. Ano ba, Aeisha?! Wake up!

“Bayad daw.” Abot niya doon sa driver. Umusod ako sa pinakatabi ni Yem at wala akong tinirang space sa pagitan namin.
Pero sa pagitan namin ni Ryde, sobrang dami. Oo. Si Ryde. Kasabay namin siya sa jeep. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng kasabay ay siya pa?

“Hahaha. Pfft.” Napatingin ako sa katabi kong si Yem na halos mamilipit na sa kapipigil ng tawa niya. Kahit gusto ko siyang sipain, suntukin at sabunutan sa mga oras na ito ay hindi ko magawa. Di ko rin alam kung bakit eh. Pero nakaka-degrade talaga ng pagkatao yung tawa niya. Bastos talaga 'tong babaeng 'to. At alam ko rin na ako yung tinatawanan niya dahil para akong baliw kanina.

Parang thirty seconds lang yung lumipas at nasa kanto na kami ng school. Ang kailangan na lang naming gawin ngayon ay tumakbo para di kami masaraduhan ng gate.

“Yem! Tara na dali! Baka masaraduhan tayo ni Budoy!” hinila ko yung kamay niya. Joke. Chineck ko muna kung kamay niya talaga ‘yun dahil nadala na ako sa nangyari dati. At dahil tamang kamay naman yung hinawakan ko, kinaladkad ko na siya patakbo sa school gate.

***

“Tingin mo, bakit natin siya nakasabay? Di kaya sinusundan ka niya? OMG, Poleng! Kinikilig ako sa inyo!” sabay tayo niya sa upuan at sumayaw-sayaw pa sa harapan ko na parang timang.

“Utot mo naman. Ano ka ba, Yem? Syempre same street yung tirahan niya at yung boarding house natin kaya hindi imposible na makasabay natin siya ‘no! At pwede ba? Itigil mo yang pagkendeng-kendeng mo! Kumanta ka na lang, pero please, wag ka nang sumayaw,” umupo naman agad siya at tumawa kami parehas sa sinabi ko. Totoo naman kasi eh. Maganda ang boses ni Yem pero pag nagsimula na siyang sumayaw, mapapakunot na lang ang noo mo. Para kasi siyang bulateng binudburan ng asin. Ganun siya sumayaw.

Pagkatapos ng morning class namin ay sabay na kaming nag-lunch ni Yem. Dun kami sa canteen ngayon nag-lunch dahil trip naming bumili ngayon ng Milo Freeze. Syempre, ano pa nga bang ine-expect niyo sa mga kumakain? Eh di nagdadaldalan!

“Ay grabe lang, Aeisha! Ang gwapo niya talagang kumanta! Teka, tama na nga. Kinikilig ako!” sabay kagat niya sa labi niya. Ako yung natatawa sa ginagawa niya eh. Para siyang abnormal kiligin.

“Hahaha! Oh tapos? Dapat pinormahan mo na! Dapat hiningi mo yung pangalan, number, address pati kulay ng brief niya.” At dahil interesado ako sa mga kalandian sa buhay ng best friend ko ay super kinig talaga ako sa mga kwento niya.

“Syempre, ako pa! Wag ka Poleng, hininga niya ang number ko!”

“Weh? Landi mo! Haha!”

“Teka, wag ka munang maghypervetilate! Ako dapat muna! Ako dapat yung unang kikiligin! Hahaha! Tsaka ano, di pa ‘yan yung intense!” tapos nag-giggle siya bigla na parang uod.

“Eh ano pa?! More! More! Details! Dali! Bagal naman neto magkw—”

“Oh, look who's here.”

Napatigil kami bigla ni Yem sa pag-uusap tungkol sa kilig moments nung may biglang lumitaw na babae sa harapan namin. At sino pa nga ba? Pasalamat talaga 'tong babae na 'to at sa imagination ko lang siya binubugbog. Naku, pag talaga di ako nakapagpigil, magkakaroon ng World War III dito sa canteen! Bwisit na Serene ‘to.

Tiningnan ko lang siya ng masama at tumingin ulit ako kay Yem na parang nakakita ng multo yung expression.

“Yem, ano na nga ulit yung pinag-uusapan natin?” tinry kong ibalik yung mood ko bago lumitaw 'tong baluga na 'to sa harapan namin. Bahala siya dyan. Attention-whore.

“H-how dare you?!” biglang tumapon yung pagkain namin dahil pinalo niya yung lamesa namin. Tiningnan ko ulit siya ng masama.

“Akala mo ba madadala ako ng patingin-tingin mo na ‘yan?! Ang kapal ng mukha mo para di ako pansinin?! Huh! Maswerte ka pa nga at pinapansin kita eh. People like you should be ignored forever.” Nakikita kong humahakot na kami ng attention sa mga kapwa namin estudyante. At nagsisimula na ring maabot ng dugo ko ang boiling point.

“Look at her, guys! Alam niyo ba na nilalandi ng babaeng 'to si Daniel?
Imagine? Badminton Captain?” tapos dinuro-duro niya pa ako na parang nandidiri siya sa akin. “And one more. Nilalandi niya rin si Ryde ko! Oh my gosh lang!” sabay lagay niya ng kamay sa noo niya. “At isama nyo pa yang best friend niyang malandi rin! Landiin ba naman si Greg?! Tss. Napasama ka lang sa Glee club, gusto mo nang landiin si Greg?”

Pagkatapos ng mga sinabi niya ay nakikita ko na nagbubulungan yung mga tao sa paligid namin. Hindi naman ako ganun kadaling magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao sa akin. Pero kung kasinungalingan lang lahat? Pakshet lang. At kung dinamay niya pa si Yem na nananahimik, aba di na talaga ako papaawat.

“Aeisha...” narinig ko yung mahinang tawag ni Yem habang nakayuko at hawak yung kaliwang kamay ko. At naramdaman ko na parang may basa na tumulo sa kamay ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay nakikita kong umiiyak ang best friend ko.

Now I'm pissed off.

“Tapos ka na ba?” tiningnan ko siya ng matalim. And alam ko na natakot siya dahil nagflinch siya. “Pwedeng ako naman?” itinaas ko yung isa kong kilay. Wala na akong pakialam kung ma-guidance man ako pagkatapos nito. Who cares? Eh napakaepal nitong Serene na 'to. Dapat dito binabaon sa lupa.

“Unang-una sa lahat, ang epal mo.” Di ko alam kung nakakatawa ba yung sinabi ko dahil ang daming tumawa sa paligid. “Alam mo yung busy kaming nag-uusap rito tapos eepal ka lang? Bakit? Wala bang nagtitiyagang kumausap sa’yo? Aww. Kawawa ka naman.” Tinapik ko pa yung balikat niya. “Pangalawa, di tayo close kaya wag mo ‘kong lapitan o kausapin. Epal na nga, feeling close pa. At wala akong pakialam kung sikat ka sa school dahil sa pagiging attention whore mo. Oops. Sorry.” Tsaka ko tinakpan yung bibig ko na kunwari ay nadulas akong sabihin yung mga sinabi ko. Tiningnan ko siya at halata namang nagngingitngit na rin siya sa galit.

Tss. Anong akala niya sa akin?
Yung mga bida sa fairytales na inaapi-api? Duh? Ang ayaw ko sa lahat ay yung inaapak-apakan yung pagkatao ko o ni Yem o kahit sinong taong malapit sa akin.

Lumapit ako sa kanya. “Pangatlo, hindi ako malandi.
Kung gusto mong maghanap ng malandi, try mong humarap sa salamin. For sure, may makikita ka doon.” Nakarinig naman ako ng malakas na 'owww' sa audience namin. “At panghuli, wag na wag...” lalo akong lumapit sa kanya, habang siya ay halos matapilok na sa kakaatras sa akin. “... na wag mo kaming iistorbohin pag kumakain kami.” Hinawakan ko yung ribbon sa uniform niya. “Masama akong magalit kapag gutom. Maliwanag?” halos lumuwa na yung mata niya sa sobrang inis o takot. Hindi ko alam kung anong feelings niya ngayon, pero for sure, alam kong ako ang nanalo. “Maliwanag?!” inulit ko ulit yung tanong ko. And gusto kong tumawa nung tumango siya na parang tuta. Pffft! Wala palang binatbat sa akin 'tong Serene na 'to eh! Nagpapanggap na bitch ang ugali, hindi naman mapanindigan.

Binitiwan ko rin siya agad at iniwan ko siya dun sa sulok na nakatayo at kinakantyawan ng ibang estudyante. Bumalik ako sa table namin ni Yem at hinawakan ko yung kamay niya. Hinatak ko siya patayo para umalis na kami sa canteen na 'to. Pero nung patayo palang kami eh halos maparalyze rin ako sa nakita ko.

“What’s with this commotion?!” yung guidance counselor namin, biglang pumasok sa canteen. Now I can sense that I'm in trouble.


***