***

“This is your fault!” umupo lang siya sa sofa kasama ko dahil wala rin naman siyang magagawa. Ako naman, halos pagsisihan ko yung ginawa ko dahil nakita ko na naman yung guidance counselor namin. Parang last week lang, nandito ako ah. Tapos ngayong week, nadito na naman ako? Naman oh!

“Explain.” Kung dati mabait yung approach sa akin ni Ma’am, ngayon hindi na. Patay talaga ako neto!

Nagsalita si Serene at lagi akong sumisingit para depensahan yung sarili ko. Ganun din yung ginawa niya nung turn ko nang magsalita. Pero parang lalong nagalit si Ma’am Quezon, yung counselor namin.

“Siya po talaga yung may kasalanan! She pushed me!” at kelan ko siya tinulak?!

“No! Wala po akong ginawa sa kanya, ma’am! Pinagsalitaan ko lang siya and that’s all!” hindi ko alam kung anong unang gagawin ko, depensahan yung sarili ko o sumugod kay Serene at sakalin siya. Bwisit talaga ‘tong babaeng ‘to eh! Pahamak kahit kelan!

“QUIET!” napaatras ako kahit nakaupo ako nung sumigaw si Ma’am. Grabe, para siyang leon kapag simisigaw. Katakot!

“Dahil mukhang walang aamin sa inyo…” sabay tingin niya ng matalim sa aming dalawa ni Serene “...pareho ko kayong bibigyan ng detention.”
Sabi niya habang inaayos yung mga papeles sa harap niya.

“What?! Pero—,” napatayo si Serene at mukhang di pa niya tanggap na magkaka-detention siya, habang ako ay pinili ko na lang na manahimik.
Mahirap na, baka madagdagan pa ang parusa ko.

“Enough, Ms. Endo! Now go back to your respective classes! Go!” agad-agad akong lumabas at tumakbo papuntang classroom.

Grabe, nakakatakot talaga si Ma’am Quezon!
Feeling ko eh anytime maiihi ako sa sobrang takot ko sa kanya. Nung makarating ako sa classroom, saktong kalalabas lang nung teacher namin. Pumasok agad ako pero lahat sila ay nakatingin sa akin. Di ko na lang sila pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko.

“Aeisha.” Nakatingin lang sa akin si Yem at alam kong naguiguilty siya sa nangyari. Ewan ko dyan kay Yem, kapag napapahamak ako, sinisisi niya ang sarili niya kahit wala naman siyang kasalanan. Baliw rin eh no?

Nginitian ko na lang siya at saka yumuko sa armchair ko. Alam ko sa sarili ko na anytime ay tutulo na yung luha ko. Pero pinigilan ko dahil ayokong umiiyak sa school. Ew lang, para naman akong elementary student pag ganun.

Lumipas ang mga subject at uwian na. Pero parang ayoko pang umuwi kaya naglibot muna ako sa school. Sa paglalakad ko, napahinto ako dahil napansin kong nasa likod na pala ako ng school. Nakita ko na naman yung harang na barb wires. At dahil wala ako sa sarili kong pag-iisip, nag ala-gymnast na naman ako sa paglusot sa mga barb wires. Sa susunod talaga, gymnastics na ang kukunin kong club.

Nung nasa damuhan na ako, lumakad ako dun sa malaking puno sa gitna. Ang hangin nga eh, ang sarap sa feeling. Tapos umupo ako dun sa may ugat ng puno. Ano kayang gagawin ko dito? Tutunganga? Matutulog? And in the first place, bakit ba kasi ako pumunta dito?

Tumayo na lang ulit ako.
Naalala ko tuloy bigla yung ginawa ko sa canteen. Tsk. Dapat talaga di ko na lang pinatulan yung Serene na ‘yun eh! Nagka-detention tuloy ako. Tsk.

“Argh! Kainis!” sinipa ko yung trunk ng puno. “Kainis talaga! Bakit ba kasi pinatulan mo siya, Aeisha?! Dapat lumabas ka na lang ng canteen! Stupid! Stupid!” pinagsisipa ko yung puno hanggang sa nalagas na yung ibang dahon. Nung napagod na ako, tumayo lang ako sa harapan ng puno. Hiningal ako dun ah.

“Tsk. Kung maninipa ka ng puno, tingnan mo muna kung may tao.” Halos manlaki yung mata ko nung biglang may nagsalita. Tumingin ako sa paligid ko pero wala namang tao. OMG, sino ‘yun?!

“S-sino ‘yan?!”
napaatras ako sa puno hanggang sa nakasandal na ako dito. Shet. Nae-engkanto na ba ako?! Di kaya may natamaan akong nuno?

“Hindi ako engkanto. Tsk.” Hala shet! Nabasa ng engkanto yung isip ko! Halos atakihin ako sa puso nung biglang may tumalon mula sa taas ng puno. Actually, napasigaw pa ata ako nun pero di ko na matandaan dahil masyado talaga akong nawala sa sarili ko nung mga panahong ‘yun.

“Istorbo ka. Kitang may natutulog.” Kinusut-kusot niya pa yung mata niya.

“Teka. Natutulog?” napatingin ako sa taas ng puno. “You mean, natutulog ka dyan? Sa taas ng puno?!”

“Tingin mo?”

Nakatingin lang ako sa kanya. Ngayon napatunayan ko na, na galing talaga sa unggoy ang mga tao. Living proof? Ayan oh, si Ryde. Parang unggoy. Sa taas ng puno natutulog?

“Bakit dun ka natutulog sa taas?!”

“Paki mo ba? Maingay sa school.”

Paki ko raw, pero sinagot naman. Baliw din ‘tong lalaking ‘to eh. Maluwag na ata ang turnilyo sa utak. Umupo ako sa damuhan nung maka-recover na ako sa pagtalon niya, habang siya naman ay humiga sa tabi ko.

“Pakigising na lang ako pag ala singko na.”

“Ha? Hoy, excuse me lang ha? Hindi ako ipinanganak para maging alarm clock mo ‘no! At isa pa—” bigla kong natakpan yung bibig ko dahil dumilat siya. At pagdilat niya eh isang matalim na tingin yung nakuha ko.

“Sabi ko nga, gigisingin kita mamaya,” then nagsmirk siya. Isa pa ‘tong taong ‘to eh! Binubully ako sa tingin! Tadyakan ko siya dyan eh! Napatingin naman ako sa wristwatch ko, 4:23 na pala. Okay, anong gagawin ko dito sa loob ng thirty seven minutes? Tutunganga?

Nung feeling ko ay tulog na siya, inayos ko yung upo ko. Niyakap ko yung binti ko dahil masyadong mahangin. Hay, sana talaga di na ako nagpunta dito eh. Naging alarm clock pa tuloy ako. Psh. Naisip ko tuloy, paano kaya kami naging close nitong si Ryde? I mean, hindi naman talaga kami close. Yung parang kapag walang tao, doon lang kami nakakapag-usap.
Parang kagabi lang, naiinis ako sa kanya. Ngayon, parang wala na lang.

Naisipan kong tumunganga na lang habang hinihintay na mag-5 PM. At dahil sobrang tahimik, sinaksak ko na lang yung earphones ko at nakinig ng music.
Sakto namang yung kanta ay yung Jeepney Love Story ni Yeng Constantino.

Nakisabay na lang ako sa kanta. Tapos ang hangin-hangin pa, kaya feel na feel ko. Tinigil ko rin naman agad yung pagkanta dahil napag-alaman kong wala talaga akong future sa pagkanta. Nakinig na lang ulit ako pero di ko na sinabayan. Mahirap na,baka sisihin nila ako pag bumagyo.

Nung tiningnan ko yung orasan ko, 5:02 na pala. Wow ha? Ang bilis ng oras! At syempre, ano pa nga bang ginagawa ko dito? Eh di maging alarm clock ng damuhong nakahiga sa tabi ko.

“Hoy, gising na!” sinigawan ko lang siya pero di naman siya nagising. Ano ba ‘yan? Pumitas ako ng isang pirasong damo tapos tsaka ko pinangkiliti sa tenga niya. “Gising na! Ala singko na ho! GI-SING-NA!”

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan yung wrist ko, pero nakapikit pa rin siya.

“Stop it!”

“Ang alin?” ano na naman bang nagawa ko sa kanya?

“Eto.” Itinaas niya yung kamay ko na may hawak na damo. Sabi ko nga, yung pangingiliti ko pala yung tinutukoy niya.

“Ayaw mong gumising eh,” inirapan ko na lang siya. Nung di pa rin siya bumabangon, tumayo na ako at pinagpag ko yung palda ko na punung-puno ng maliliit na damo. Pero napaupo rin agad ako nung humangin ng malakas.

“Pink? Ano ka, bata?”

Halos mangamatis na yung mukha ko nang humarap ako sa kanya. Takte, sana bumuka na lang yung lupa at kainin na lang ako. Shet lang talaga! Nakita niya yung shorts ko!

Okay, Aeisha. Shorts lang ‘yan. Hindi naman panty yung nakita sa’yo. Huminahon ka. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

“Shut up!” Hindi naman talaga big deal sa akin kung nakita niya yung shorts ko. Nabubwisit kasi ako sa pagmumukha niya eh! Parang naghahamon ng away! Bwisit talaga! Dapat pala sinampal-sampal ko siya kanina nung tulog siya eh!

Nung medyo humina na yung lecheng hangin, tumayo na ako at isinakbit ko yung bag ko. Uuwi na nga ako. Pagabi na rin kasi.

Naramdaman ko namang tumayo rin siya at naglakad. Actually nakikita ko siya sa peripheral view ko, at nasa bandang likuran ko lang siya.
Di ko na lang pinansin at nagala-gymnast na naman ako sa paglusot dun sa barb wires. Lumabas ako sa main gate ng school at naglakad papunta dun sa sakayan ng jeep. Pero nabubwisit na talaga ako dahil nakasunod pa rin siya, kaya tumigil ako at humarap sa kanya.

“Sinusundan mo ba ako?!” tumingin lang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

“Ikaw? Susundan ko? Nagpapatawa ka ba? Pauwi na ‘ko kaya pwede ba?”

Natahimik naman ako. Sabi ko nga pauwi rin pala siya. At dahil nahiya naman ako ay naglakad na lang ako ng mabilis papunta sa sakayan ng jeep.
Assuming ko kasi! Andami ng atraso sa akin ng Ryde na ‘yun ha?! Lagi na lang akong napapahiya pag kasama ko siya!

Sumakay na ako ng jeep. Actually, kasabay ko si Ryde sa loob ng jeep pero nasa magkabilang-dulo kami. At saka ko napansin, eto rin pala yung jeep na sinakyan ko kaninang umaga. Wow, pagkakataon nga naman oh!

Nung makarating na ako sa kanto namin, naglakad na ako ng mabilis. Baka kasi hanggang dito ay makasabay ko pa siyang maglakad. To think na dito rin sa street na ‘to yung bahay nila.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa boarding house. As usual, nandun na naman sa harap ng pintuan si lola. Buti na lang maliwanag pa ngayon at di nagmumukhang white lady si lola.

“Hi lola!”

“Oh apo, andyan ka na pala.
Nasa practice na naman ba si Yem?”

“Opo eh. Nag-aala sirena sa pagkanta.”

“Ay nga pala, apo. Merong tao doon sa loob, hinahanap—,” bigla namang napatigil si lola nung may sumigaw galing sa loob ng bahay.

“ATE!” tumakbo siya papunta sa akin at niyakap niya yung tuhod ko.

“Aera?! Bakit ka nandito?!”


***