.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 20, 2014


***

“Aray ko!” Parang umalog yung utak ko sa impact ng pagkakabangga ko.

Pagdilat ko ay may nakadagan sa akin na isang lalaking mukhang ewan. Tumayo naman rin siya kaagad at tinignan lang ako. Pagkatapos nun ay tumakbo siya palayo sa amin.

At saka ko narealize…

“AAAAHMMMMSSHM-” biglang tinakpan ni Yem ang bunganga ko kaya napatigil ako sa pagsigaw.

“Huy ano ka ba! Napakaeskandalosang bakla naman nito! Feeling mo walang klase yung iba? Teh, feeling mo lang yun! May nagkaklase po sa kabila! Kaya shut up! Okay? Itikom ang bibig at tumayo ka dyan. Para kang manganganak, nakabukaka ka pa.”

Naisipan kong tumayo at nahiya naman ako sa posisyon ko. Nakapalda pa man din ako pero para akong palaka kung makabukaka sa daan. Buti na lang naka-shorts ako. Pero kasi naman! Shet yung lalaking yun ah! Shet talaga! Shet na shet, big time!

“Punyemas Yem, di na ako virgin!” bigla kong nasabi kay Yem pagkaupo naming dun sa may corridor sabay kunwari ay umiiyak ako.

Siya naman eh biglang napanganga. “Oh my gulay. Gaga ka! Kaya ka ba nakabukaka kanina? Bilis ha! Ano yun lus—AWWW!” binatukan ko nga. Ang dumi ng utak eh.

“Tanga hindi yun! Eto oh.” Tsaka ko tinuro yung boobs ko. Shet talaga.

“Oh, anong meron sa maliit mong boobs?” binatukan ko ulit. Kung makapanglait eh! Kala mo siya hindi flat-chested. Hmp.

“Hoy Pauline kanina ka pa namumuro ng batok sa akin ha! Napapansin ko na!”

“Che! Ang hayok mo kasi. Yung boobs ko kasi, nahawakan nung lalaki! Shet talaga! Wala na. Papakamatay na ako!” saka pa ulit ako nagdrama doon. Tapos tinitigan niya siguro ako ng mga five seconds. At ang sumunod niyang ginawa? Tumawa lang siya nang tumawa hanggang sa mukha na siyang cherry bomb sa sobrang pula ng mukha niya.

Isang malakas na batok ulit mula sa akin ang natanggap niya. Muntik pa kaming mapagalitan nung teacher dun sa kabilang room dahil parang kasinglaki ng bibig ng dragon yung bunganga ni Yem. Kaya nagmadali kaming bumaba papuntang canteen. At hanggang sa pagbaba namin ay hindi pa rin siya nagsasawang tawanan ako. Eh kung suntukin ko kaya ngala-ngala nito para tumahimik?

“Oh eto tubig, nahiya naman ako sayo eh kanina ka pa ata natutuyuan ng lalamunan.” Tapos inabot ko sa kanya yung tubig na kinuha ko kanina.

“Haaahh-salam-haha-at. Pfft! Haha!”

Ayos ah? Hanggang pag-inom may bakas pa rin ng pagtawa? Sana po mabulunan si Yem, please?

“Pakingshet talaga yung lalaking yun! Ugh! Di ko pa masyadong natandaan yung mukha! Takte. Kailangan ng hustisya ng aking namolestiyang katawan!” sobrang pursigido talaga ako sa pag-aalala sa mukha nung lalaking dumagan sa akin kanina. Anak siya ng lechugas!

“Hindi mo naatandaan? Eh halos nga lumuwa na yung mata mo kanina sa sobrang titig dun sa lalaking yun eh!” sabi ni Yem habang iniikot-ikot yung tinidor niya sa spaghetti.

Oo tinitigan ko siya kasi na-shock ako eh! Pero nakalimutan ko kaagad yung mukha. Tokneneng naman oh!

“Huhuhu! Ang virginity ng boobs ko! Nawala nalang na parang bula!” Grabe talaga. Hindi ako makapaniwala. Wala na. Nahawakan ng isang schoolmate ko ang aking pinakaiingatan. Kailangan ‘tong ipagluksa!

Umakyat na ulit kami dahil maya-maya ay magsisimula na yung klase. Leche di pa rin ako makapagmove on! Ang dangal ko! Kelangan kong gumawa ng plano sa pag-abduct ng kung sino mang tokneneng na nilalang na yun ang lumapastangan sa aking pagkababae!

Nagklase lang kami buong araw at pinilit kong wag munang alalahanin yung insidente kaninang umaga. Ewan ko ba! Pilit ko talagang inaalala yung mukha nung damuhong yun pero di ko talaga maalala. Ang natatandaan ko lang ay may hikaw siya sa kaliwang tenga dahil kumislap yun nung natapat sa araw pagkatayo niya.

“Huy, Aiesha! Halika na, umuwi na tayo.”

Uwian na nga pala. Ang bilis ng araw. Parang wala lang nangyari. O sadyang peste lang yung utak ko at ayaw magprocess ng mga nangyari?

Nung palabas na kami ng room ni Yem, parang may gulo sa corridor dahil ang daming estudyante na nagkukumpulan. Galing ata sa kabilang section, yung katabi naming room. Ano ba yan, second week pa lang ng klase, may gulo na agad.

“Ano na naman bang kaguluhan ito? Andami atang scene sa corridor ngayong araw?” tapos biglang ngumiti nang nakakaloko si Yem sa akin, or more like ngiting aso.

“Hoy Yem yang ngiti mo ha, nakakatakot. Itigil mo yan.” Tapos sinamaan ko siya ng tingin. At dahil may dugong tsismosa rin kami ay nakisingit din kami sa kumpol ng mga tao.

Halos manlaki yung mata ko nung nakita kong may nag-aaway pala sa gitna. Mga anak ng tipaklong ‘tong mga ‘to! Nanonood lang pala ng away? Hindi pa nila pinigilan!

“Gago ka talaga Jin!” tapos biglang sumugod yung isang lalaking mukhang bisugo na seahorse sa isang lalaking nakasandal lang sa pader at nakapamulsa pa. Halos lahat kami napasigaw dahil akala namin ay masusuntok si kuyang nakatayo lang. Pero ang galing, umiwas siya sa suntok kaya yung nasuntok nung lalaki ay yung pader. Ouch. Ang sakit nun!

“Ah f*ck!” sigaw nung tangang seahorse na sumuntok sa pader. Yung lalaking nakasandal lang kanina ay nakatayo ngayon sa harapan niya at tinitignan lang siya. Gaganti kaya ‘to?

“F*ck you Jin! As*hole!” susuntok na sana siya ulit kaya lang pinigilan siya ng isa niyang kasama.

“Tama na yan, pre! Paakyat na dito si Budoy! Lagot tayo pag nagkataon!”

“Tsk! Ano ba?! Bitiwan niyo ko sabi! Ah shit! Ikaw!” tapos tinuro niya ulit si kuyang nakasandal kanina sa pader. “May araw ka rin sa akin!” tsaka sila tuluyang nagwalk-out nung tropa niya. Unti-unti na ring nagsialisan yung mga taong nanonood. At isa lang ang naririnig ko sa mga babaeng nanonood.

“Ang galing talaga ni Jin! Tapos ang gwapo pa!”

Mga babae talaga! Paglalandi pa inuna. Di na lang pinigilan yung mga nag-aaway. Sila suntukin ko eh.

Nung wala ng tao ay nagawa na naming dumaan ni Yem kaso nakatayo pa rin sa gitna yung kuyang tinatawag nila na Jin. Teka nga bakit ba ako kuya ng kuya eh parehas naman kaming 4th year? Tsk. Oh basta yung lalaking magaling umiwas sa suntok! Lumingon ulit ako sa kanya dahil nawiwirdohan ako at hindi pa rin siya gumagalaw doon, hindi rin nagsasalita. Pero nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa direksyon namin.

“Aray ko!” napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Yem dahil parang dinaanan ng kuryente yung buo kong katawan nung nagkatinginan kami. Shet! Nakakatakot yung mata niya! Parang yung tingin lang ng mga multo sa horror movies!

“T-ta-tara na!” tsaka ko hinatak pababa ng hagdan si Yem. Takte! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Grabe kinabahan ako sa tingin na yun. Baka mamaya habulin ako nun tapos suntukin ako sa mukha. Mahal ko pa ang maganda kong mukha! Ayokong masira ‘to!

Matapos kong kaladkarin si Yem pababa ay nakarating na kami sa gate.

“Grabe Aeisha! Ano ba tayo, kabayo?! Para tayong sasabak sa karera ah!” ayan na naman, sinesermonan na naman niya ako dahil daw wala man lang akong pasabing kakaladkarin ko siya.

“Eh basta! Natakot kaso ako doon sa kuya! Bigla ba naman akong tinignan?! Malay mo gusto niya pala akong sapakin! Eh di mas mabuti nang tumakbo ng mabilis!” tapos bigla siyang tumawa nang malakas. Ang saya nga niya eh. Parang walang bukas yung pagtawa.

“Sira ka talaga Aeisha! Sino? Si Jin?” batukan ko kaya ‘to? Tawa nang tawa eh! Nakakadegrade na ng pagkatao ha!

“Teka nga, kilala mo yun?” kelan pa niya nakilala yun? Bakit ako di ko siya kilala?

“Oo! Naalala ko yung mukha niya kanina lang! Nakalaban ko yun dati sa chess tournament. Tara na nga! Umuwi na tayo!” tapos hinatak na niya ako palabas ng school namin. Kaso nakakatatlong hakbang palang kami ay bigla rin siyang huminto at humarap sa akin with matching gulat face. Teka nga, ano bang nakain ng babaeng ‘to at parang tanga lang kung makatingin? Babatukan ko na talaga ‘tong si Yem.

“Ano ba yang mukhang yan Yem. Ang pangit.” Pano ba naman eh nakatingin lang siya sa akin with malaking mata at nakabukang bibig. Oh di ba? Parang tanga lang?

“OMG TEH. OMG TALAGA!”

“Bakit nga? Pa-suspense ka pa eh!” tapos bigla niyang binaba yung tingin niya.

“Hoy! Ano ba! Susundutin ko yang mata mo.” Eh paano ba naman eh tumingin siya sa boobs ko. Nahawakan na nga kanina tapos momolestiyahin niya pa ng tingin!

“TEH! SI JIN YUNG KANINA!” kita niyo, ginawa pa akong tanga neto. Narinig ko namang Jin yung pangalan nung action star kanina sa corridor eh.

“Oo nga kasasabi mo lang kanina! Ano ako, bingi? Bingi?” at nakatikim ako ng isang matinding batok mula sa kanya.

“Tanga hindi! Yung ano! Yung nakahawak diyan sa ano mo! Si Jin yun! Shet! Bakit hindi ko kaagad nahulaan! OMG!” pagkatapos kong marinig yun ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Kaya ba siya tumingin sa akin kanina? Kaya ba lumingon siya? Ka-kasi namukhaan niya ako?

Parang gusto kong mahimatay. Si Jin?! Eh action star yun! Paano ko siya magagantihan?!

“Yem, mamamatay na ba ako?” sabi ko kay Yem na naiiyak iyak na kunwari. Grabe parang nanlumo yung buong pagkatao ko. At eto na naman si Yem, dinadaan na naman ako sa palaki-laki ng mata at nakabukang bibig.

“Teh dedo ka na talaga. Palapit na siya dito.” pagkasabing-pagkasabi nun ni Yem ay parang gumana yung adrenaline ko. Hinawakan ko siya sa kamay sabay sigaw ng,

“TAKBO!”


***