.

.

Chapter 21

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Hoy bruha, sure ka? Di na kita sasamahan? Baka anuhin ka na naman ng impaktang ‘yun eh! Teka magdadala na ako ng kutsilyo para diretso saksakan na lang kayo.”

Natawa naman ako kay Yem nung pumunta talaga siya sa kusina at naghanap ng kutsilyo. Adik lang? Mamaya lalo pang madagdagan yung detention ko pag nagdala nga ako ng kutsilyo.

Sabado nga pala ngayon at ngayon nga yung detention namin ng Serene na epal na bruhildang impaktang ‘yun.
Parang ma-imagine ko pa lang na magkasama kami sa detention, di ko na masikmura. Susmiyo, sana madali lang yung gagawin namin!

“Sa’n ka pupunta ate?
Sama ako!” bigla namang yumakap si Aera sa binti ko. Minsan nagtataka na rin talaga ako eh. Ano ba talaga yung kapatid ko? Tao o koala? Kung makakapit lagi sa binti ko, para akong eucalyptus.

“Bawal ang bata dun!
Ilalaglag ka sa CR pag sumama ka!” Natawa naman ako sa pananakot ni Yem. Sa lahat ng pwedeng ipanakot, yung ilalaglag pa sa CR.

Umupo naman ako para magka-level kami ni Aera.

“Tsaka bawal talaga dun, Aera. Merong panget na bruha dun eh. Baka mamaya gawin ka rin niyang panget. Gusto mo?” bigla namang napaatras yung kapatid ko at kay Yem naman kumapit.

“Ayoko! Ayaw kong maging panget! Yak! Kadiri pag panget! Sino ba yung panget na ‘yun?” this time, si Yem na yung kinakausap niya. At aba, etong si Yem eh nagawa pang mag-evil smile.

“Yung panget na bruha, ang pangalan nun ay Serene.” ‘Yan yung sinabi ni Yem sa kapatid ko.

Sandali lang rin ay umalis na agad ako. Mahirap na, baka mamaya ma-late pa ako tapos madagdagan lalo yung detention ko. Ayoko naman ng ganun! Naka-jeans lang ako, tapos blouse yung pantaas. Nag-rubber shoes na rin ako para sure, at nag-cap na rin ako kasi mainit. Pero joke lang yun, syempre pamporma yung cap. May payong naman ako eh.

Tumakbo ako papunta doon sa sakayan ng jeep. Dahil 8:00 AM pa lang at Sabado ngayon ay malamang walang masyadong tao dun sa abangan ng jeep, kaya nakasakay agad ako.

Napansin ko naman agad na ito rin yung jeep na sinakyan ko kahapon. Wow lang ha! Di kaya destined kami ni Manong driver?

Actually, ngayon ko lang na-appreciate yung loob ng jeep. Blue green yung upuan tapos open yung bintana, I mean walang cheche bureche sa bintana. Tapos may salamin sa bandang taas ng jeep kaya okay na okay mag-ayos ng pagmumukha. Doon ako pumwesto sa tabi ng driver. Syempre favorite spot ko ‘to bukod sa pinakadulo na upuan sa likod.

“Manong, bayad po oh.” Inabot ko kay manong yung eight pesos ko. Tsk. Sayang, walang student discount ngayon. Sayang rin yung piso ko no.

Nagulat naman ako nung ngumiti sa akin si manong.
Promise, tumindig ang  lahat ng balahibo ko sa katawan! Ang creepy lang ni manong ha! Pero in fairness to me, nagawa kong pigilan ang sarili ko na wag tumawa. Eh kasi naman si manong! Ngumiti pa, wala naman palang ngipin sa harapan. Hahaha, ang mean ko! Pero totoo naman kasi eh!

“Suki ata kita neng sa pasada ah?”

Ngumiti na lang din ako kay manong. Wow, nakilala ni manong yung pagmumukha ko!
Sabagay, ilang beses na rin akong nakasakay dito sa jeep niya. Sa totoo lang, matanda na si manong eh. Manipis na yung buhok niya and mostly ay puti na ang kulay. Pero ang sosyal lang ni manong, nakashades pa! Bongga!

Hindi pa rin umaandar yung jeep ni manong dahil nag-aantay pa ata siya ng mga sasakay. Siguro anim pa lang kami sa loob ng sasakyan. Ako naman, hindi ko na pinalampas yung pagkakataon na may salamin sa harapan ko. Inayos ko yung buhok ko dahil nagulo ‘yon sa mala-marathon kong pagtakbo. Kaso biglang may humarang sa salamin ko (inangkin ko na yung side mirror ng jeep).

“Aish! Kuya naman nagsasalamin pa yung tao e—”

Napausog ako ng pagkakaupo malapit kay manong. Anak ng cucumber naman ‘tong taong ‘to! Bakit ba lagi na lang siyang sumusulpot?!

“Oh hijo! Suki rin kita dito sa jeep ko ah?” at ngumiti na naman si manong.
Di na lang ako tumingin sa kanya para di ako matawa. Pinaandar na rin ni manong yung jeep at nakaalis na kami dun sa kanto namin.

Umayos ng upo si Ryde.
Kainis naman! Dapat solo ko ‘tong harapan tapos sumiksik pa siya! And worst, siya pa yung katapat ng salamin. Maduga talaga.

“Oy, palit tayo.” Tiningnan niya lang ako with ano-bang-pinagsasabi-mong-baliw-ka-look. May pakunut-kunot pa siya ng noo. Sus!

“Bayad po, manong.” Aba at di ako pinansin?! Masama na bang makipagpalit ngayon?! Ang habol ko lang naman ay yung salamin. Itulak ko siya eh.
Tinitigan ko lang siya hanggang sa ma-concious siya at makipagpalit sa akin. And…bingo!

“Seryoso ka?” sabi niya sa akin after one minute ng pagtitig ko sa kanya.

“Hello? Mukha ba akong nagjo-joke? Palit tayo.” Okay. Sige na.
Ako na ang desperada sa salamin. Gusto ko nga kasi doon sa pwesto niya! This time, siya naman ang tumitig sa akin.

Okay. Aaminin ko, nakaka-concious nga pag may nakatitig sa’yo. Gaya-gaya siya ng strategy ha! Psh. Walang originality ‘tong bakulaw na ‘to ah! After two and a half minutes ng pagtitig niya sa akin…

“Ayoko.”

Yun lang ang sinabi niya. Nakakagigil di ba? At ang saya-saya pa niya dahil sinabi niya yun nung malapit na kami sa school. Wala, personalan na talaga ‘to eh! Bwisit na Ryde ‘yan! Ang gulo ng utak.

Hindi ko alam kung kami ba yung tinawanan kanina ni Manong driver o natawa lang siya dahil na-realize niyang bungal siya. Bumaba na lang agad kami nung nasa kanto na kami ng school.

Nagsimula naman ako agad na maglakad papuntang school. Actually, ngayon lang ako dinatnan ng kaba. Shet, first detention ko talaga ‘to eh. Sana madali lang yung ipapagawa!

At saka ko lang na-realize…

Bakit pupunta rin ng school si Ryde ngayon? At kamusta naman? Halos ten meters na yung pagitan namin. Hindi ko rin alam kung anong lahi ng kumag na ‘yun eh. Tipaklong o kabayo? Ang bilis maglakad! Di kaya may detention din siya? Pang-ilan na niya kayang detention ‘to? O di kaya, baka mae-expel na siya?

Ay nako, Aeisha! Bakit mo ba kasi iniisip yang mga ‘yan? Dapat ang iniisip ko eh yung detention ko.

Nakarating naman ako sa school on time.
Binati pa nga ako ni Budoy eh. Aba syempre, first time niya raw akong makikitang mag-detention. Shet lang di ba? Nang-asar pa yung guard namin?

“Ms. Bernardino!” napatingin agad ako sa tumawag sa akin. Si Ma’am Quezon pala, yung guidance counselor. Lumapit agad ako sa kanya.

“Ms. Bernardino, nasaan si Ms. Endo?
Bakit wala pa siya?”

“Ewan ko po dun.” Shinrug ko na lang yung balikat ko. “
Baka inatake ng kaartehan.” Bulong ko na lang sa sarili ko.

“May sinasabi ka ba, Ms. Bernardino?”

“Ah wala po! Sabi ko po, ano, baka... baka na-traffic siya. ‘Yun! Haha...baka po na-traffic.”

“Hay naku, mga estudyante talaga ngayon! Oh sige, ang gagawin niyo ay cleaning duty. Restrooms. Kunin mo na lang yung gamit dun sa guard. Oh sige at may aasikasuhin pa ako. Sabihan mo na lang rin si Ms. Endo. Okay?”

Napatitig lang ako sa likod ni Ma’am habang palayo siya nang palayo sakin. What the? Maglilinis ng CR?! Eh parang mas malinis pa yung taong grasa kesa sa CR’s dito sa school eh! Grabe naman ‘tong detention na ‘to!

Kahit labag sa kalooban ko ay kinuha ko sa guard house yung mga panlinis, pero nag-stay muna ako sa quadrangle. Bwisit na Serene ‘yun, ang tagal-tagal! Pa-VIP siya masyado ha!

Nilaro-laro ko muna yung walis tingting na may mahabang handle. Tapos inistroll-stroll ko rin yung dustpan na may gulong. Galing nga eh, halos kasintangkad ko lang yung walis.

“OMG! Am I late? Anong nangyari? Tapos mo na ba yung detention? Wala na ba akong gagawin? Pwede na ba akong umuwi?”

Nabigla ako nung biglang sumulpot yung bruha sa harapan ko. Pasalamat nga siya at napigilan kong walisin siya at ilagay sa dustpan eh. Sarap linisin ng bibig niya, in fairness.

Tumayo naman ako at nakapamaywang pa akong humarap sa kanya. Para kunwari, ako yung superior. Well, with respect sa time, ako ang superior dahil mas nauna ako sa kanya.

“Hindi pa. Maglilinis daw tayo ng banyo. Cool ‘di ba?” then ngumiti ako ng pagkasweet-sweet sa kanya. At aba, inirapan ako?! Tambuin ko siya eh!

“Eeew! You mean, maglilinis ka ng CR?!” Ang kapal talaga ng mukha ng Serene na ‘to.

“Baka gusto mong hampasin kita ng walis? Kakasabi ko lang na maglilinis TAYO ng CR eh. Kung gusto mo, ikaw na lang, tutal bagay ka naman sa CR.”

“Ang corny mo,” sabay irap ulit sakin.

At syempre dahil di ako magpapatalo, “Ang arte mo.” Ginaya ko pa yung accent niya, tapos inirapan ko rin siya. Psh.

“Argh! Of all places, bakit CR pa?! Do I look like a janitress?!”

Ako eh, napupuno na talaga sa kaartehang taglay niya ha. Hinagis ko sa kanya yung walis na hawak ko, at nasalo naman niya ‘yun.

“Hey! Ano ba?!”

“Oh ayan. Mukha ka ng janitress. Kaya wag ka ng magreklamo! Mamaya madagdagan pa yung trabaho eh. Tara na nga!”

Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod. Siya, dala-dala niya yung walis tsaka yung sabon. Ako naman ay yung dustpan tsaka timba’t tabo. Pero iniwan ko na rin yung dustpan dahil na-realize ko na hindi ko pala ‘yun gagamitin. Katangahan nga naman.

Pero nung papunta na kami sa CR ng girls ay biglang sumigaw si Ma’am Quezon mula sa second floor kaya napatigil kaming dalawa.
 

“BAKIT KAYONG DALAWA LANG? NASAAN NA YUNG DALAWA PA?” syempre sigaw mode si Ma’am dahil nasa second floor siya.

Napakunot naman yung noo ko at kadiri lang dahil nagkatinginan kami ni Serene. Eew. Parang nagkaintindihan kami! “EH DALAWA LANG NAMAN PO TALAGA KAMI DI BA?” todo-sigaw rin ako syempre.

“HINDI, MAY KASAMA PA KAYO FROM OTHER SECTIONS NA PINATAWAN KO RIN NG DETENTION!”

“SINO PO?” si Serene naman yung sumigaw.

“SILA— OH AYUN PALA SILA OH!” tapos may itinuro siya sa bandang kaliwa namin kaya napatingin rin kami, “TULUNGAN NIYO SILANG DALAWA! ‘YAN DIN ANG DETENTION NIYO! GO!”

What the…

“Daniel! Ryde! OMG. Kasama namin kayo sa detention? Wow! Exciting!”

Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa na-double dead sa akin ‘tong si Serene. Parang kanina lang ayaw niyang mag-detention tapos ngayon exciting na?!
Eh bugbugan na lang ‘to!

Nilagpasan naman ni Daniel si Serene at lumapit siya sa akin.

“Aeisha.” Nung tinawag niya yung pangalan ko, plus his mala-toothpaste commercial na ngiti, parang nawala lahat ng galit sa katawan ko. Shet po, ang gwapo ni Daniel. Makalaglag-panty ang aura niya.

Palapit na sana ako sa kanya kaso biglang…

“Tabi nga dyan. Nakaharang kayo sa daan.”
 Tapos dumaan si Ryde sa gitna namin. Anong problema ng lalaking ‘yun?


***