.

.

Chapter 22

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Problema nun?” tanong ko kay Daniel nung nakadaan na si Ryde, na sinundan naman ni Serene.
Pero alam niyo ang sagot sakin ni Daniel?

Isang malapad na smile at... “Guys…” Labo no? Kasing labo ng outfit niya ngayon. Eh kasi naman, maglilinis kami ng CR pero nakapolo siya. Oh di ba? Saan ka nakakita ng nakaporma habang naglilinis ng CR? At syempre, kasinglabo ‘yun ng salamin dito sa CR ng girls.

Oo, ang labo ng salamin na tipong di mo na matatawag si Bloody Mary. Yung tipong parang inaamag na rin yung salamin.

“Wow, ganito pala ang CR ng girls.” Napatingin ako kay Daniel na nagwa-wander sa loob ng mga cubicle.
Na-amaze ata sa CR ng girls.

“Ew kaya!” sabay sabi naman ni Serene.
Arte talaga netong bruhang ‘to. Sarap i-shoot sa bowl!

Di ko nga rin alam kung anong pumasok sa utak ni Ma’am Quezon at isinama niya sina Ryde at Daniel dito. Like hello? CR kaya ‘to ng girls! Dapat dun sila sa CR ng boys naglilinis ‘no! Pero sabagay, mas magandang marami para mabilis yung paglilinis.

“Simulan na natin, baka abutin pa tayo ng siyam-siyam dito.” Kinuha ko yung balde dun sa loob ng isang cubicle at pinuno ko ‘yon  ng tubig. At dahil mukhang ayaw rin naman ata nilang mag-stay dito ng matagal ay nagsikuha na rin sila ng mga panlinis.

“Ryde, help me here!”

Siguro mga three minutes pa lang ang nakakalipas ay sinabi na ‘yan ni Serene. Di niya kasi kayang buhatin yung timba na may lamang tubig. Psh. Ang tanga naman kasi. Pinuno yung buong balde, hindi naman pala niya kayang buhatin.
Si Ryde naman ay lumapit sa kanya at binuhat yung timba papunta dun sa isang cubicle.

Medyo malaki yung CR ng girls. May apat na cubicle tapos may lababo sa gilid, which is merong salamin na nakadikit sa pader. Pero ang dumi nga lang. Kaya nga tinalian ko na lang ng panyo yung mukha ko dahil amoy ihi yung buong CR. Oo, sobrang panghi. Yuck lang di ba?

“Aeisha, ako na dyan.”
Nasa gilid ko na pala si Daniel ngayon. Nasa loob kasi ako ng last cubicle dahil sinisimulan ko ng linisin yung tiles nun.

“Ha? Hindi ako na.
Tulungan mo na lang sila dun sa labas.” Kung ano mang ginagawa ng dalawang ‘yun sa labas. Nginitian ko na lang siya kahit di niya naman ‘yun nakikita dahil nakatakip ng panyo yung mukha ko. Actually, dapat kikiligin ako kasi nga di ba, gusto niya akong tulungan? Pero nabalewala yung kilig ko nung napansin kong katabi pala namin yung bowl. Ang sagwa lang sa feeling.

Hinintay ko siyang lumabas dun sa cubicle pero hindi siya umalis sa gilid ko.
Ano namang trip ngayon ni Daniel?

“Oh c’mon! I thought bilisan daw yung paglilinis, pero mukhang may ginagawa naman sila sa loob ng cubicle! Like duh? Eew kaya magmake-out dyan!”

Halos mamula ako sa hiya at galit nung sumigaw si Serene mula sa labas ng ganun.
Kaya napalabas naman ako ng di oras, ganun din si Daniel. Sumabog na yung angry vein ko sa ulo at hindi ko na talaga matiis ang ugali ng pakshet na babaeng ‘to.

“HOY! FOR YOUR INFORMATION, KANINA PA AKO NAGLILINIS! AT EXCUSE ME? MAKE OUT? SINONG MATINONG BABAE ANG MAKAKAISIP NIYAN?”

“DUH? WHY ARE YOU SHOUTING? GUILTY, EH? WELL ANO BANG DAPAT KONG ISIPIN KUNG PAREHO KAYONG NASA LOOB NG CUBICLE NI DANIEL?”

Huminga muna ako bago uli  ako nagsalita. At dahil hawak-hawak ko pa rin yung tabong may laman na tubig, nakaisip ako ng idea.

“Hindi ako sumisigaw, okay?! Ganito lang talaga angboses ko! At saka tingnan mo nga yang gawa mo?!
Grabe ha! Ten minutes ka na dyan sa salamin na ‘yan! Marunong ka ba talagang maglinis? Pampabigat ka lang dito eh!” tsaka ko hinagis yung tubig sa direksyon niya. “Oops! Sorry! Sa salamin ko dapat ihahagis, nakaharang ka kasi.” Then tumalikod ako sa kanya at papasok na sana sa cubicle na nililinis ko. Kaso bigla akong may naramdamang malamig na feeling sa buong katawan ko. Hinagisan niya rin ako ng isang tabo ng tubig. Napalingon ako sa direksyon niya at gustung-gusto ko na siyang sugurin. 

“Akala mo ba ikaw lang ang may kaya nun? Watch me, btch.” Then nagulat na lang ako nung hose na yung hawak niya. At tinutok niya sa akin ‘yun.

“Hey! Tama na!”

Nagulat na lang ako sa mga sumunod na nangyari. Ang alam ko lang, nababasa ako ngayon, pero hindi ko nararamdaman yung impact ng tubig sa akin.

“Oh-Oh my gosh,” narinig ko na lang na sabi ni Serene, pero di ko na marinig yung iba niyang sinasabi dahil ang naririnig ko lang ay yung tibok ng puso ni Ryde.

“Aeisha! Okay ka lang?” narinig ko yung boses ni Daniel pero nakatingin pa rin ako kay Ryde na kabibitaw lang sa pagkakayakap sa akin.
Saka ko napansin na nasa gilid lang pala namin si Daniel.

“Ah…”

“Tsk. Oh heto. Basang-basa ka. Suot mo muna.” Hinubad bigla ni  Daniel yung polong suot niya.
Buti na lang may T-shirt pa siya sa loob.

“Ano ba?! Siya pa ang kinakampihan niyo! Eh siya nga yung nanguna sa aming dalawa!”

“Enough, Serene!”

“Pero Daniel, siya—”

“I said enough! Ano ba, Serene?! Tingnan mo nga yung ginawa mo?!
Nagbaha na dito sa CR tapos basa na tayong lahat! Tapos ‘yan pa ang iintindihin mo?! Yung away niyo?!”

I swear, ngayon ko lang nakitang galit si Daniel.
Kitang-kita ko kung paano natakot sa Serene sa expression niya. At ang alam ko lang, biglang nilapitan ni Daniel si Serene at hinila palabas.

Nanginginig pa rin yung tuhod ko sa di ko malamang dahilan. Pero napatingin ako sa gilid at nakita ko si Ryde, basang-basa. Wala yatang natirang tuyo sa katawan niya ngayon.

“A-ayos ka lang?” tanong ko sa kanya kahit alam ko naman yung sagot.
Tumingin lang siya sa akin. Akala ko nga galit yung pagkakatingin niya, pero parang expressionless eh.

“S-sorry,” napayuko na lang ako. Kasalanan ko naman talaga lahat eh. Dapat di ko na lang pinatulan si Serene. Eh di sana, hindi magkakaganito.

Pero kasi siya eh! Bakit ba kasi ginawa niya ‘yun?! Ang naalala ko lang kanina…

Biglang tumakbo si Daniel sa direksyon ni Serene para kunin yung hose na hawak niya.
Pero alam kong di siya aabot at anytime ay mababasa ako ng todo. Pero nagulat na lang talaga ako nung may yumakap sa akin bago ako tamaan nung malakas na impact ng tubig. Bigla akong niyakap ni Ryde at sa kanya tumama yung tubig.

Napatingin ulit ako kay Ryde nung bigla siyang bumahing. Actually di ko alam kung tatawa ba ako dahil nakakatawa siyang humatsing, o mag-aalala dahil mukhang magkakasakit siya. Ang nagawa ko na lang ay ang titigan siya.

Bigla naman niyang kinuha yung timba na may lamang sabon at map, at nagsimula na ulit siyang maglinis na parang walang mangyari.

“Tapusin na lang natin ‘to para makauwi na tayo.”

Tumayo na rin ako. Tama nga naman siya. Gusto ko na ring umuwi at feeling ko ay magkakasakit ako kapag di ako nakapagpalit.

“At para, makapagpalit ka na,” napatingin ulit ako sa kanya. Anong ibig nyang sabihin? Nag-aalala ba siyang baka magkasakit ako? Wow. Marunong pala siyang maging concerned.

Bigla naman siyang tumingin sa akin sabay sabi ng,

“Bakat.”


***