.

.

Chapter 24

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Grabe, pwede na tayo sa theatre club Poleng. Try kaya natin?”

“O sige ba. Gusto ko heavy drama yung role.”

Tsaka kami nagtawanang dalawa. Nasa harap kami ng salamin at chinecheck namin yung namumugto naming mata. Baliw kasi kami eh, bigla-bigla na lang umiyak kanina dahil kay lola. And speaking of lola, kanina pa sila tulog ni Aera. Napagod atang umiyak.

“At ikaw babae, matulog ka na. May sakit ka pa, kung makapagpuyat ka, wagas.”

“Oo na, nanay.” Iba talaga ‘tong si Yem eh. Parang nanay ko rin minsan.

Syempre gusto ko na ring matulog dahil nga sobrang napagod ako ngayon kahit wala naman talaga akong ginawang nakakapagod. Siguro nga ganun talaga pag may sakit. Pero nakakainis lang kasi, mapilit si Yem. Ayaw niya talaga akong papasukin bukas. Kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod. Di naman ako mananalo sa kanya pag ganitong usapan eh.

Kaya pumikit na lang ako at pinilit kong matulog.

***

“Hija. Gising na. Yem apo, gumising ka na. May pasok ka pa.”

Naalimpungatan naman ako nung narinig ko yung boses ni lola.
Pero di ako dumilat dahil tinatamad ako. Naramdaman ko namang bumangon si Yem.

“Morning lola. Wag ka na lang pong maingay, baka magising ‘tong si Poleng. Alam nyo na, may pagkamatigas ang ulo niyan, baka may balak pumasok.” Naramdaman ko namang ipinatong niya yung likod ng palad niya sa noo ko.

“Tsk. Mainit pa rin po eh. Kaya wag na lang natin siyang gisingin.”

“Oh sige. Kumain ka na doon at naghanda na ako ng almusal mo at ni Aera.”

“Oo nga po pala ‘no?
Papasok na ulit si Aera?”

“Oo. Inasikaso na ata ng tiyahin nila yung paaralang papasukan niya eh.
Aba’y mabuti yoon para may matutunan pa rin siya.”


Nung naramdaman kong wala na sila sa kama ay dumilat ako. Tsk. Di talaga nila ako papapasukin? Ang duga naman! Gusto kong pumasok eh! Buti pa yung kapatid ko, papasok rin. Inayos na kasi ni Tita yung papers ni Aera para makapag-continue pa rin siya ng pag-aaral kahit September na.

Hindi naman ako gumalaw sa pwesto ko at kunwari ay natutulog pa rin ako. Nung umalis na si Aera at Yem eh tsaka ako bumangon. Pagtingin ko sa phone ko, 6:45 na. Shet,fifteen minutes na lang!

Kumaripas ako ng takbo papuntang banyo na siyang ikinagulat ni lola. Hindi ako naligo dahil natakot akong baka mabinat ako at lalo pang tumagal yung sakit ko. Nagpunas lang ako tapos nagbihis na ako ng uniform.

“Apo, saan ka pupunta?” tiningnan ko si lola habang nagmumulti-tasking na ako sa pagbubutones ng uniform ko at pagkain.

“Papasok po.”

“Eh di ba’y may sakit ka? Baka mabinat ka nyan!”

“Hindi po ‘yan! Ako pa!”

Hinablot ko na lang yung  bag koat nagmamadali akong lumabas ng bahay. Effective pala ‘to eh. Papasok ako pag wala na si Yem. Kaso may isa nga lang akong problema…6:53 na at male-late na ako!

Isinarado ko yung pinto para di na makapagsalita si Lola. Sigurado naman akong pipigilan niya ako. Psh, magkakampi kaya sila ni Yem! Tatakbo na sana ako kaso may nakita ako sa kabilang kalsada na nagpahinto sa akin.

Nakita ko si Ryde.

Ewan ko pero parang bigla akong nagutom. Para kasing bumaligtad yung sikmura ko eh. Di kaya mukhang pagkain ‘tong si Ryde kaya bigla akong nagutom nung nakita ko siya?

Mukhang hindi naman niya ako nakita kaya tumawid ako at hinabol ko siya.

“HOY! OY! RYDE! WAIT LANG!”

Nung napansin naman niyang tinatawag ko siya ay huminto siya. Phew! Lecheng lalaking ‘to! Ang bilis magpatakbo! Well, tumakbo lang naman ako kasi naka-bike siya. At kakainis kasi ang bilis niyang mag-bike! Muntik pa akong masubsob! Pero marunong pala siyang mag-bike? At bakit siya nagba-bike ngayon? Di ba sumasakay siya ng jeep kapag pumapasok?

Tumingin siya sa akin. Pero as usual, yung expressionless na tingin ang ibinigay niya sa akin. Tsaka ko narealize, bakit ko nga ba siya tinawag? Hinihingal pa ako nung nakalapit ako sa kanya. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay. Tss! Sungit talaga ng aura nito forever!

“Ano?” iritado niyang sagot.

“Teka lang! Humihinga pa ako! Phew! Hangin please!” tsaka ako nag-inhale ng hangin.

“Dalian mo. Male-late na ako.”
 

Tsaka ko naalala…

“OMG male-late na tayo!”

“Kasasabi ko lang. Tsk.”

Nilunok ko na lahat ng pride ko bago ko ulit siya kausapin. Go Aeisha! You can do it! Ngayon lang naman eh!

“Ano ba ‘yun? Sinasayang mo ang oras ko.” Sungit! Wag na lang kaya? Pero male-late na ako eh! Huminga ako ng malalim.

“PAANGKAS AKO!”

Pagkasabi ko nun ay yumuko agad ako dahil feeling ko ay biglang tinadtad ng tomato sauce yung mukha ko. Nakakahiya! Dapat pala di ko sinabi! Pero kasi kung lalakad pa ako papunta doon sa sakayan ng jeep at maghihintay pa ng jeep ay mas male-late talaga ako. Siguro mga ten  seconds na akong nakayuko at wala pa rin akong nakukuhang response.

“Sasakay ka ba o hindi?”

Huh?

Napatingala ulit ako at nakita kong nakaposition na ulit siya para magpedal. Sobrang natuwa ako pero pinigilan kong ngumiti dahil baka asarin na naman niya ako. Akmang sasakay na ako sa likod nang bigla niyang inabante yung bike. EH PESTE PALA ‘TO EH! PINAGLOLOKO NIYA ATA KO EH!

“Hindi dyan.” Tiningnan ko siya ng masama.

“Eh san pala?!” alam kong wala akong karapatang magalit pero nakakainis kasi siya eh!

“Dito.” Halos mapasukan na ng langaw yung bibig ko sa sobrang awang. Eh paano naman kasi!

“Bakit dyan?!”  tsaka ko tinuro yung bandang unahan ng bike. Yung sa space between sa kanya at sa manibela. 

“Ayaw mo? Oh sige, una na ‘ko.”

“Wait! Wait! Eh bakit kasi dyan?! Pwede naman dito ah?!”

Bwisit! Bwisit! Eh kasi naman! Ang awkward kaya kung dun ako sasakay!
Ini-imagine ko pa lang na mata-trap ako sa mga braso niya… Oh my gosh! Bakit ko ini-imagine’yun?! Erase! Nawawala na ako sa wisyo ko! 

“Dito ako uupo. Kaya magpedal ka na lang dyan!”

Umupo ako dun sa likod.
Ewan ko pero parang biglang uminit yung mukha ko. Bakit ba kasi nakiusap pa ako sa lalaking ‘to? Eh alam ko namang puro kamanyakan ang laman ng utak niya ?

“Okay, kung gusto mo dyan, suit yourself.”

“Talaga!”

“Pero…” bigla siyang tumingin sa akin kaya nagulat ako. “Ilagay mo yang kamay mo sa bewang ko.” Ano raw? Teka lang ha. Feeling ko may diperensya na yung tenga ko eh. Kung anu-ano ng naririnig ko sa mula sa bibig niya!

“Huh?” Imbes na sagutin niya ako eh nginitian niya lang ako ng nakakaloko at pinaandar na niya yung bike niya.

At saka ko nalaman na hindi pala ako nabingi. Tama pala yung narinig ko kanina. At isa pa… sobraang bilis niyang magpatakbo! Grabe nauunahan namin yung mga jeep! Shet! Ayoko pang mamatay! 

“HOY DAHAN-DAHAN NAMAN! NASA HIGHWAY TAYO, ADIK KA!” Nakapikit na ako nung mga panahong ‘yun. Di ko nga alam kung ilang driver na ang nakakita ng shorts ko dahil tinatangay ng hangin yung palda ko at di ko naman maibaba ‘yun dahil nakakapit ako ng mahigpit sa bewang ng bwisit na lalaking ‘to! Nung naramdaman kong lalo pa siyang bumibilis at tipong gumegewang-gewang pa yung bike eh halos atakihin na ako sa puso.

“ANAK KA NAMAN NG KAHIT ANO OH! AYOKO PANG MAMATAY KAYA BAGALAN MO! GUSTO KO PANG MAGKATRABAHO AT MAGKAPAMILYA! MAGPAPAKASAL PA AKO, ANO BA! AYOKONG MAMATAY DAHIL LANG DITO!”

Nung makarating kami sa gate ng school, para akong na-gang rape. Sobrang gulo ng buhok ko tapos tulala lang ako. Feeling ko namalat rin ako sa kakasigaw ko sa kanya na parang wala naman siyang pakialam.

“Ah pasok na Aeisha! Ryde! 7:00 na oh! Buti nakaabot kayo!” Naririnig ko si Budoy, yung guard, na magsalita pero di ako nakatingin sa kanya. Windang pa rin ako.

“Tatayo ka lang ba dyan?” tumango naman ako sa tanong ni Ryde. Ang gaga ko rin eh. Oo tatayo lang ako dito, nawiwindang pa rin talaga ako.

Pero mas nawindang ako nung hinawakan niya yung kamay ko, sa may bandang pulso, at hinatak niya ako papasok ng nakabukas school gate. Tsaka lang ako natauhan nung nasa 3rd floor na pala kami at nasa harap na kami ng room.

“Aeisha?!”

Napatingin ako kay Yem na napatayo sa upuan niya. Napatingin rin sa amin yung mga kaklase namin dahil ang lakas ng boses ni Yem. Pero nagulat ako nung lahat sila eh napatingin sa kamay namin. Kaya bigla niyang binitawan yung kamay ko. Actually, di niya binitawan, parang hinagis niya ‘yun pabalik sa akin.

Lumakad lang siya papunta sa upuan niya na parang walang nangyari, habang lahat ng mata ng kaklase namin eh nakasunod sa kanya.


***