***

Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.
Yan ang nangyayari ngayon. Sinesermunan kasi ako ni Yem eh. Grabe ‘no? Hindi niya talaga ako pinalabas ng room nung break namin para lang sermunan ako.

“—eh pano kung bigla kang mabinat—”

“Hindi nga kasi, Yem! Kulit mo eh ‘no? Sinat na nga lang ‘to.”

“Sinat ka dyan?! Sinat tapos sobrang init?! Eh kung sapak-sapakin kaya kita ngayon?”

“Ewan ko sayo. Eh wala ka naman ng magagawa eh. Andito na ko.”

Binelatan ko siya sabay walk-out sa room. Hay nako. Ito ang isang ayaw ko kapag may best friend ka, well hindi naman totally ayaw, parang inis lang. Yung sobra-sobrang mag-alala na tipong nasasakal ka na masyado. Basta!

Bababa na sana ako sa hagdanan pero napansin ko sa kabilang hallway na sabay na naglalakad si Daniel at Serene.
Napatigil naman ako. Weird. Ang alam ko may galit si Daniel kay Serene dahil sa nangyari sa kaibigan niya. Sakto namang napatingin sa akin si Daniel, at bigla siyang tumakbo sa direksyon ko.

“Aeisha!”

“Oy. Hahaha.” Nginitian ko na lang siya.

Napatingin ulit ako sa likod niya. Medyo malapit na sa amin si Serene dahil naglalakad lang siya samantalang si Daniel ay tumakbo palapit sa akin. Kaso lumiko siya papuntang classroom nila. At aba! Akala niya di ko nakita yun?! Napakaimpakta talaga ng babaitang yun! Irapan daw ba ako? Laki talaga ng problema niya sa akin eh no?
Naku kung pwede ko lang dukutin yung eyeballs niya eh.

“Kakain ka ba sa canteen?” napatingin ulit ako kay Daniel. Oops, andito nga pala siya! Masyadong na-focus ang attention ko kay Serene.

“Ah oo.”

“Good. Sabay na tayo. Tara?”

Tumango na lang ako at sabay kaming bumaba sa hagdan. Nakakatuwa nga dahil ang lapad ng ngiti niya eh. Na-miss ko lang ‘yun bigla. Ngayon ko lang na-realize na super close na rin pala namin, kahit papano. Para ko na siyang kuya. Kuya na crush ko. Hahaha!

Ang bagal naming bumaba sa hagdan sa mga kadahilanang: (1) nagkukwento siya kaya kelangan mabagal ang steps, (2) natatawa ako sa kwento kaya kelangan bagalan dahil baka masubsob ako, (3) kelangang sagarin ang moment na 'to, at (4) kasi medyo nahihilo ako.

Kainis naman oh! Epal na ulo, biglang nag-black yung paningin ko.
Pero mga isang segundo lang naman. Buti di napansin ni Daniel.

"Oo, grabe talaga. Kaya ayun, namatay yung aso ko. Nung nililibing na nga siya, iyak ako nang iyak. Hahaha!"

"Hahaha! Talaga? Ano kayang itsura mo nun nung umiiyak ka?" parang gusto kong imaginine na ang cute niya pa rin kahit umiiyak. Sheeeet! Pero bigla akong napahinto at napahawak sa gilid ng hagdan nung nagblur yung paningin ko. Oh c'mon! Not now!

"Aeisha? Ayos ka lang ba?"

"Uhmm, yes.
Tara sa canteen na tayo," tapos ngumiti na lang ako sa kanya. Panira ng moment yung sakit ng ulo ko! Kainis naman eh! Ayaw makisama!

Kaso pagkatapak na pagkatapak ko sa last na step, biglang nanghina yung tuhod ko kaya na-out of balance ako. Di ko na alam yung mga sumunod na nangyari. Ang huling natatandaan ko, imbes na semento yung babagsakan ko ay parang sa malambot ako bumagsak. Dinilat ko yung mga mata ko at napatayo ako bigla mula sa pagkakadapa.

"Ayos ka lang ba Aeisha? May masakit ba sa'yo?" halos di naman ako makapagsalita nung masyadong malapit na pala yung mukha niya sa akin. At lalo pa akong kinilabutan nung inilagay niya yung palad niya sa pisngi ko.

"God. You’re hot," nakalagay pa rin yung kamay niya sa mukha ko pero this time, nakatingin na siya sa mga mata ko. Oh God, help me! Parang lalo akong umiinit!

"Tss," bigla ulit na-shift yung tingin ko kay Ryde. Oo, nandito rin siya. Nakahiga siya sa may semento kaya tinulungan ko siyang tumayo para na rin makaiwas sa tingin ni Daniel dahil para na akong sasabog sa sobrang pula.

"S-sorry," tinulungan kong tumayo si Ryde mula sa pagkakahiga niya.

"Tsk," pinagpagan naman niya yung polo niya na mukhang sinugod ng dumi nung napahiga siya.

Kasi naman eh! Kasalanan ko na naman ba? Di ko naman sinasadyang ma-out of balance ah? Kasalanan ko bang paliko na siya sa hagdanan at saktong nahuhulog ako nung mga panahong ‘yun kaya sa kanya ako bumagsak? 

Pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung biglang nagtinginan si Ryde at Daniel. Now that's what you called 
awkward.

Ewan ko, pero parang ang awkward na nagtititigan lang sila.

Sinasabi ko na nga ba eh.
Siguro may bromance talaga sa dalawang 'to? Di kaya? Hala kadiri! Ayokong imaginine! Ang sagwa ng nasa utak ko! Kadiri! Naghahalikan sila sa utak ko!

"Oh, what a sight."

Bigla namang nag-poof yung maruming imagination ko sa bromance nina Ryde at Daniel nung biglang nagsalita si Serene. Galing ata siyang room nila at pababa siya para pumunta sa canteen. Tiningnan niya kami isa-isa, tapos nagsmile siya. Pero hindi yung smil  na smile talaga. Parang btchy smile. Well, bagay naman sa kanya dahil btch siya. Ugh. Grabe di ko alam kung ano bang meron 'tong babaeng 'to pero umiinit talaga yung dugo ko kapag nakikita ko siya. Parang laging naghahamon ng away.

"If you'll excuse me..." tapos bigla siyang dumaan sa gitna namin with matching bunggo sa balikat ko.
Bwisit talaga!

"Ah sige Daniel, balik na lang ako sa room. Di na pala ako gutom. Sige," nginitian ko na lang ulit si Daniel. Siguro napansin niyang nabadtrip ako masyado kay Serene kaya tumango na lang siya. 

Nung paakyat na ako, tiningnan ko si Ryde.
Pero as usual, expressionless na naman ang mukha niya. Grabe lang, isang beses ko pa lang ata siya nakikitang ngumiti? O dalawa? Basta! Ang rare! Kaso pagtapak ko sa unang step, bigla na namang nagdilim yung paningin ko. Pero this time, hindi lang isang segundo. Ang alam ko lang, unti-unting humihina yung boses ni Ryde at Daniel.

"Aeisha! Aeisha!"

"Oh shit!"
 

Hanggang sa wala na talaga akong marinig.
And it's totally black.


***