***

"OMG, nagigising na ata siya!"
"Tsk. Ingay mo kasi."
"Aeisha? Aeisha? Naririnig mo ba kami?"

Unti-unti kong idinilat yung mata ko nung narinig kong may nag-uusap. Nung una hindi ko pa makita yung paligid dahil black pa rin lahat ng nakikita ko, pero nung nag-blink ako, nakita ko na halos magkapalit na kami ng mukha ni Yem sa sobrang lapit niya sa akin.

"Ano ba ‘yan, Yem? Para mo naman akong hahalikan," mahina kong sabi sa kanya pero nakangiti ako. Bakit parang wala akong boses masyado?

“Nakakainis ka talaga kahit kalian, Pauline Aeisha Bernardo!” Nagulat ako nung bigla niya akong sinigawan. Grabe, parang gusto ko na lang ulit pumikit! Ang sama talaga netong Yem na 'to eh! Kagigising ko lang tapos binungangaan agad ako.

“Hindi mo ba alam, ha? Hindi mo ba alam?!” unti-unti namang bumaba yung volume ng boses niya. "...na sobrang nag-alala ako sa'yo? Walang hiya ka talaga! Sabi ko na eh. Mangyayari na naman yung ganito. Kakainis ka." 

Halos mawindang ang kaluluwa ko nung umiyak si Yem sa harap ko. Bigla tuloy bumigat yung pakiramdam ko. Ayoko kasing nakikitang umiiyak si Yem, kahit na minsan eh ako talaga ang may kasalanan. Pinunasan niya yung luha niya na tuloy-tuloy lang na dumadaloy sa pisngi niya.
Tapos inalalayan siya ni Daniel na maupo muna dun sa upuan na nasa gilid.

Tsaka ko lang naalala... nasaan nga pala ako?

Napabalikwas tuloy agad ako. Pagtingin ko sa paligid, tsaka ko na-realize na nasa school clinic pala ako. Phew. Akala ko nasa ospital ako eh. I really hate hospitals.

Tatlo nga pala ang kasama ko dito ngayon, sina Yem, Daniel at Ryde. Ikinuwento  sa akin ni Daniel kung anong nangyari.

"Pasalamat ka talaga at nasalo ka ni Daniel kundi..."

"Oo na. Oo na," sabi ko naman kay Yem na patuloy pa rin akong pinagbubungangaan. Napatingin naman ako kay Daniel. "Uhm, Daniel? Salamat nga pala ha? Thank you talaga," tsaka ko siya nginitian.

"Wala ‘yun," ayan na naman yung mala-toothpaste commercial niyang ngiti.

Bukod nga pala sa nahimatay ako, nakita ko na may bandage ako sa braso. Na-cut daw dun sa matulis na part ng hagdan nung mahulog ako. Kaya pala parang namanhid kanina yung kamay ko nung napabalikwas ako ng bangon.

Bigla naman akong napatingin sa side ni Ryde. Nakahilera kasi silang tatlo sa kaliwa ng kama na hinihigaan ko. Sa gitna si Yem, sa kanan niya si Daniel na pinakamalapit sa akin, tapos sa kaliwa ay si Ryde na nasa bandang binti ko na.
And as usual, ganun pa rin siya. Walang expression yung mukha. Tsaka naman ako biglang nagtaka ulit. Bakit si Daniel yung nakasalo sa akin samantalang mas malapit ako kay Ryde nung nahimatay ako? Anong ibig sabihin nun? Na ayaw niya akong saluhin?

Takte, ano na naman bang pinag-iisip ko? Gosh! Baka naman epekto 'to ng pagkakahimatay ko? Siguro na-damage yung brain cells ko. Shet naman, wag naman sana!

Maya-maya pa ay dumating yung school nurse namin at chineck niya yung body temperature ko. Sabi niya, may sinat pa rin daw ako dahil nasa 38°C pa yung temperature ko. Hindi niya na rin ako pinatuloy sa klase dahil daw baka mahimatay na naman ako kaya pinag-stay niya na lang ako sa clinic.

"Hoy!" maka-hoy naman si Yem sa akin.

"Hm?" palabas na kasi sila sa clinic dahil a-attend na sila ng kanya-kanya nilang klase.

"Hintayin mo ako, ha? Sabay tayong umuwi!
Di na ako a-attend ng practice sa  choir."

"HA?! May practice ka? Eh di wag mo na akong sabayan umuwi! Kaya ko nam—"

"Shut up! Ako ang  masusunod! Ako ang batas ngayon! Okay?"

Natakot naman ako sa pagsigaw sa akin ni Yem kaya napatango na lang ako ng maraming beses. Sumakit nga yung batok ko eh. Pahiga na sana ulit ako kaso halos mapatalon ako sa kama nung narinig ko yung boses
niya.

"Tsk. Mga babae talaga, ang iingay." Lumaki yung mata ko nung nakita ko si Ryde na nakaupo sa may upuan sa bandang ulunan ko.

"Anong ginagawa mo rito? May klase ka ah!"

"Ingay talaga."

Umalis naman siya dun sa upuan.
Hay, buti naman! Akala ko di ‘yun papasok sa klase eh. Pero nagulat na naman ako nung dumiretso siya dun sa katabing kama at doon siya humiga. Teka, di talaga siya papasok?

Sinigawan ko siya nang sinigawan mula sa kama ko dahil tinatamad akong tumayo, pero parang wala lang. Nakahiga lang siya dun at naka-face yung likod niya sa akin, so hindi ko alam kung totoong tulog ba siya o nagtulog-tulugan lang. Syempre ako naman, sumuko na rin sa pagsigaw dahil sumakit na yung lalamunan ko at nahiya naman ako sa nurse na kanina pa pangiti-ngiti sa amin. Problema nun?

Tsaka ko naman naisip na pwede ko palang kausapin yung nurse.
Ay nako Aeisha, tatanga-tanga na naman!

"Ahm, excuse me po," napatingin ulit sakin yung nurse. "Hindi niyo po ba papapasukin sa klase yung lalaking yun?" tsaka ko tinuro si Ryde na nakahiga pa rin hanggang ngayon. Bigla naman niya akong nginitian. Nag-aapply rin atang toothpaste commercial model 'tong si Ateng nurse eh.

"Ah, injured kasi siya eh," parang nabingi naman ako sa sinabi niya. Ano raw ulit?

"Ano po?" Ngumiti uli siya.

"Injured yung kanang braso niya.
Namamaga dahil dun sa paglaglag mo sa kanya kanina. Tumama sa pader then sa hagdan yung braso niya."

Napanganga naman ako sa narinig ko.
So ibig sabihin, kasalanan ko na naman ‘yun? Ako na naman? Tapos bigla akong nagtaka. Bakit alam ni Ate nurse yung nangyari? Wag niyong sabihing pati ‘yun ay ikinuwento nila?!

"Sinisisi niya nga kanina yung sarili niya kung bakit ka raw nagkasugat sa braso. Kung siya raw ang nakasalo sa'yo, okay sana yung braso mo. Problem is, sobrang maga na ng braso niya nung mga panahong ‘yun kaya namimilipit na rin siya sa sakit."

Nakatingin lang ako sa nurse habang sinabi niya lahat ‘yun.
Tapos tiningnan ko ulit si Ryde. Tulog nga ata, di man lang gumalaw eh. Tapos tiningnan ko yung kanang braso niya na nakapasok sa bulsa niya. May bandage ‘yun hanggang siko. Ay jusme, bakit ba hindi ko napansin kaagad kanina? Pero nagsink-in naman yung sinabi ni Ate nurse. Biglang naghuramentado yung puso ko sa di ko malamang dahilan. Shet. Side effect rin ba ‘to ng lagnat?

Nung mga bandang 1:00 na, nakaramdam na ako ng pagkalam ng tiyan. Nakakahiya nga dahil narinig nung nurse ‘yun tapos tinawanan niya ako.
Umalis naman siya saglit para raw kuhanan kami ni Ryde ng pagkain. And speaking of Ryde, gising na siya pero nakaupo lang siya sa kama niya. Dumating naman agad yung nurse at nilapag niya yung pagkain sa table sa pagitan ng kama namin ni Ryde. Tapos umalis din yung nurse dahil dun daw siya sa canteen kakain.

Bumaba ako ng kama ko at hinatak ko yung isang upuan palapit dun sa table, ganun din naman yung ginawa niya. Ordinary meal  lang naman yung kakainin namin. Kanin tapos burger steak yung ulam. Isusubo ko na sana yung nasa kutsara ko kaso napansin ko namang nakatingin sakin si Ryde. Eh syempre, na-conscious naman ako kaya ibinaba ko kaagad yung kutsara.

"Ano?!" kairita kasi eh, nakatingin pa!
Di na lang kumain! Nakatingin pa rin siya sa akin tapos inilipat niya yung tingin niya sa plato niya, tapos sa akin ulit. Now what's his problem? Ibubuka ko na sana yung bibig ko para sabihan siya ng 'Anak ka naman ng teteng oh! Kumain ka na lang nga dyan! Tingin-tingin pang nalalaman eh!'  kaso hindi natuloy dahil bigla siyang nagsalita.

"I can't eat." Tapos bigla niyang tinaas yung kanang braso niya na parang tinubuan ng benda. Nung una ay naawa ako dahil para siyang puppy na nagmamakaawa pero parang nagbago yung isip ko nung bigla siyang nag-smirk.

"Ano na naman yang ngiting demonyo na ‘yan?"

"Pakainin mo ako."

Halos mabato ko sa kanya yung plato ko nung sinabi niya ‘yun. Baliw ba siya? Kumakain pa nga ako eh. Tsaka, may sakit rin kaya ako! Tsaka pwede naman niyang gamitin yung isa niyang kamay ah?

"Baliw!" tsaka ko itinuloy yung pagkain ko. Feeling ko tuloy biglang tumaas yung lagnat ko. Jusme, ano bang nangyayari sa akin? Pero wala pang one minute ay tiningnan ko ulit siya. This time, naaawa na ulit ako. Eh pano kasi, nasa kaliwang kamay niya yung kutsara at tinatry niyang kumain kaso fail talaga eh. Parang tigtatatlong butil lang ng kanin yung nakukuha niya. Jusme talaga, mababaliw na ako!

"Akin na nga ‘yan!” 

Hinatak ko yung kutsara niya mula sa kamay niya pati yung plato niya at ako yung sumandok ng pagkain. After nun ay sinubo ko ‘yun sa kanya. Kainis talaga! Isabay niyo pa na nakangiti siya habang sinusubuan ko siya! Sinong di maiilang? Pag talaga nainis ako sa kanya isusubo ko yung buong plato sa bibig niya! Pero wait? Nag-smile na naman siya! Na-abnormal na rin siya shet.

Salit-salit ko namang ginagawa ‘yun. Pagkasubo ko sa kanya nung pagkain niya, ay ako naman ang kakain.
Nagdadabog na nga ako dahil, ewan ko ba! Siguro side-effect to nung gamot na ibinigay nung nurse. Leche talaga. 

Bigla naman akong nag-panic nung nabilaukan siya kaya napatayo ako agad at pumunta ako dun sa malapit sa desk ng nurse dahil nandun yung water dispenser. After kong kumuha ng tubig  ay ibinigay ko ‘yun sa kanya. Grabe ha, medyo natakot ako dahil nagkulay purple yung mukha niya! Pag nagkataon, kasalanan ko na naman.

Pagkatapos niyang maka-recover sa pagkabilaok? Ano bang tawag dun pag nabilaukan? Ay basta! Pagkatapos nun ay kumain na ulit ako. Nung nakasubo na sa akin yung kutsara, bigla na naman siyang nagsalita.

"That’s my spoon."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, naibuga ko lahat ng nasa bibig ko.


***