***

“Nakakainis ka talaga kahit kelan!”

Ugh! Bakit ba kasi kasama ko pa ‘tong bwisit na lalaking ‘to dito? Tawa pa rin siya nang tawa. Oo, alam kong gusto ko makita siyang tumawa kahit minsan lang, pero dahil dito, sana forever na lang siyang expressionless! Bwiset! Nakaka-degrade ng pagkatao yung tawa niya!

“Aish!”

Sobrang na-shock talaga kasi ako nung sinabi niyang kutsara niya ‘yun, kaya naibuga ko ang lahat ng nasa bibig ko. Swerte niya dahil nakailag siya. Leche, sana di na lang siya nakaiwas. Tapos ang nakakainis pa, bigla niyang sinabing, “Kidding.”

Okay, di ko sinasabing sana ay totoo na lang yung biro niya, pero di ba nakakaasar? Yung akala mo totoo pero joke lang pala? Sinong di maiinis di ba? Halos masira talaga ang pagkatao ko nung sinabi niyang kutsara niya ‘yun eh! ‘Yun pala, akin talaga ‘yun.

Hindi na kami nag-usap matapos ang nakakapambwisit na insidenteng ‘yun.
Naglaro na lang ako ng tetris sa phone ko habang hinihintay ko si Yem. Siya naman, tulog ata. Teka nga, bakit ko ba siya tinitingnan?!Ano ba Aeisha, mag-focus ka sa nilalaro mo!

Nung bandang 5:30 na, narinig ko yung bell kaya ibig sabihin ay uwian na. Hinintay ko na lang si Yem sa may clinic. Pero napatingin naman ako sa gilid ko. Tulog pa rin pala siya. Wala ba siyang balak na umuwi? At dahil mabait akong bata, lumapit ako sa higaan niya para gisingin siya. Pero napahinto ako nung nakita ko yung kamay niya. Sobrang maga nga, tapos sobrang pula pa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt. Sabi ko nga, kasalanan ko kung bakit  siya nagkaganyan.

“PAULINE AEISHA BERNARDINO!”

Pagtingin ko sa pintuan, si Yem pala yung sumigaw. Halos matumba naman ako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. Buti na lang nakahawak ako sa something kaya di ako natumba.

“Shit!” Nagulat ulit ako nung may nagsalita sa likod ko.
Pagtingin ko, si Ryde na naman. At sobrang nanalaki yung mata ko sa nakita ko.

“OH MY GOD! SORRY!” Yung nahawakan ko pala para di ako matumba ay yung braso niya.

Lumayo ako sa kanya dahil parang anytime ay bubugahan niya ako ng apoy. Eh kasi naman si Yem eh! Siya ang may kasalanan nito! Kung di niya ako ginulat eh di sana di ko nahawakan yung injured arm ni Ryde! Pero okay na rin ‘yun ‘no. At least nagising siya!

Nag-sorry na lang ulit ako sa kanya. Sinisi ko naman si Yem nung nakalabas na kami ng clinic habang kinukuha ko yung bag ko sa kanya.

“Eh kasi may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman!”

“Eh kasi naman po, baka mamaya umuwi ka na namang mag-isa at di mo ako hinintay!”

“Yem?!”

“Oh? Totoo naman di ba?! Ganyan ka kaya lagi! Pag sinabihan ka ng dapat gawin, lalong di mo ginagawa!”

In the end, siya rin yung nanalo. Eh pano ba naman? Lahat ata ng kasalanan ko mula grade school ay sinumbat niya na sa akin. Grabe ha! Ang point ko lang naman ay sana huwag siyang bigla-biglang sisigaw kapag papasok sa clinic, pero napunta hanggang dun sa pagtago ko ng sapatos niya sa taas ng blackboard ang sumbat niya!

“Uy Yem! Aeisha!” Parehas naman kaming napatingin ni Yem sa likod dahil may tumawag sa amin.
Si Daniel pala.

“Uy.” Nginitian ko na lang siya. Ganun din naman yung ginawa ni Yem.

“Hatid ko na kayo.”

Nagkatinginan naman kami ni Yem. Anong sabi niya? Ihahatid niya kami? Bakit naman? Mukha bang hindi namin kayang umuwi sa bahay namin?

“Ah haha, naku wag na Daniel.
Kaya na namin,” sabi ko sa kanya.

“I insist.”

Wala naman kaming nagawa ni Yem kundi ang pumayag.
Sabi ni Daniel, nag-alala raw siya sa akin dahil baka mahimatay na naman ako. Actually, dapat kinikilig ako sa mga oras na ‘to eh, pero ewan ko kung bakit hindi. Naaabnormal na naman siguro ako.

Sumakay naman kami agad ng jeep at nagbayad. Napatingin naman ako sa interior ng jeep. Teka, itong jeep na naman? Parang isang beses sa isang linggo ko lang ‘to hindi nasasakyan ah? Grabeng tadhana naman ‘to oh. Titingnan ko na sana si Manong driver kung siya rin ‘yun pero sa iba nabaling yung paningin ko. Napatingin ako dun sa may side mirror at nakita ko si Ryde.

Teka, kailan siya sumakay sa jeep? Bakit parang di ko naman siya nakitang lumabas ng clinic?

Pero laking gulat ko nung tumingin rin siya sa akin gamit yung side mirror kaya napaiwas agad ako ng tingin. Hay ano ba Aeisha? Wag mo na nga kasi siyang tingnan. Baka isipin pa niyan tinitingnan mo talaga siya. Tsk.

Maya-maya lang rin ay bumaba na kami. Si Yem at Daniel, nag-uusap tungkol sa anime kaya di ako maka-relate. Wala naman kasi akong hilig dun. Mas nabaling yung paningin ko sa kabilang side ng kalye. Naglalakad kasi kami sa may right side, tapos si ano, si Ryde, sa may left side. Halos kapantay lang rin namin siya.

“Huy Aeisha! Andito na tayo!”

“Ah. Huh?”

Tsaka ako napatingin sa kanila. Nasa bahay na pala kami? Ni hindi ko man lang napansin!

“Kanina ka pa lutang dyan ah?”

“Baka dahil sa sinat ‘yan.”

“Sus lagi namang lutang ‘yan kahit walang sinat.”

Kita nyo ‘tong dalawang ‘to. Pag-usapan daw ba ako? Sipain ko sila parehas eh!

Saktong bubuksan ko na sana yung pinto nung bumukas ‘to bigla. Akala ko kusang bumukas kaya medyo natakot ako. Yun pala si Aera yung nagbukas kaya di ko kaagad nakita. Eh paano ba naman eh wala pa siya sa kalahati ng pinto. Tapos biglang kumunot yung noo niya nung nakita niya si Daniel. Problema ng batang ‘to?

“Oh sige, una na pala ako.”

“Ah sige. Salamat nga pala ulit sa paghatid.” Tsaka ko nginitian ulit si Daniel.

Pero bigla siyang napahinto nung nagsalita si Aera. 

“AH NAALALA NA KITA!
Ikaw yung kuyang nakita ko kanina!”

Eh? Kilala ni Aera si Daniel?


***