.

.

Chapter 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 20, 2014

***

“Bakit ba siya sumusunod?!”

“Aba malay ko! Baka hahawakan ulit yang boo—OUCH!” binatukan ko nga ulit. Naman oh! Nagpapanic na ako dito eh!

Sinusundan kasi kami nung Jin! Shet! Alam kong paranoid lang ako at eto lang naman talaga yung way para makasakay sa sakayan ng jeep, pero kasi sinong hindi kakabahan kung nasa likod ko yung hampaslupang lumapastangan sa pagkababae ko?!

“Yem dalian mong maglakad!” pabulong kong sabi kay Yem. Kakatakot pa namang tumingin yung Jin na yun!

“Tsk. Hinihingal na nga ako eh!” aba’t nag-inarte pa ‘to. Nasa bingit na nga ako ng kamatayan eh!

Hinatak ko nalang ulit siya at saka kinaladkad papunta dun sa sakayan ng jeep. Pero sa kamalas-malasang pagkakataon nga naman, bakit walang jeep na dumadaan?! Malapit na yung Jin dito! Mamaya makasabay pa namin sa jeep!

At nawalan na ako ng pag-asa nung kasama na rin namin siyang naghihintay ng jeep. Marami-rami na ring estudyante ang naghihintay ng jeep. After three minutes, may humintong jeep. Wala ngang laman eh. Kaya naman kami ni Yem, nakipag-unahan na dahil gusto namin laging nasa dulo ng jeep. Yung malapit sa babaan.

Agad-agad naman akong umupo doon sa right side sa pinakadulo tapos si Yem ay doon naman sa left side. Tapos nagsisakayan na rin yung iba. Pero kinabahan ako bigla nung sumakay rin siya. At saka ko napansin…

WALA PA PALA AKONG KATABI.

Shet shet! Pakyu men! Wag kang tatabi sa aking hinayupak ka! Doon ka sa malayo sa akin please! No! Wag po please!

And I’m dead. Parang lumabas bigla yung kaluluwa ko nung tumabi siya sa akin. Shet talaga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Paano kung namukhaan niya ako? Paano kung manyak pala ‘to? Mamaya hawakan na naman niya…

AY WALANG HIYANG UTAK TUMIGIL KA! ANG BABOY MO!

Sinubukan ko nalang na kumalma kahit yung utak ko ay nagdidiliryo na. Itong si Yem naman ang sarap murahin dahil ngiting-ngiti sa nakikita niya. Pakyu Yem.

Grabe lang. Hanggang sa pagkuha ko ng barya ay nangangatog yung mga daliri ko. Teka nga bakit ba kasi ako kinakabahan? Eh dapat nga sinasapak ko na ‘tong hayop na ‘to ngayon sa mukha eh! Kaso naman kasi natakot ako sa nakita ko kanina. Mala-action star pala siya kumilos, eh di ako ang dehado? Bakit ba parang dinapuan ako ng kamalasan ngayon?

“Ba-ba-bayaddd po.” inabot ko yung bayad ko, tapos kinuha niya. Nung inabot niya na eh agad kong kinuha yung kamay ko. Ang dami na niyang nahawakan sa akin, tama na po.

Sinaksak ko nalang yung earphones ko sa tenga ko para kahit papaano ay mawala yung atensyon ko dito sa Jin na ‘to. Bwisit naman kasi eh! Sa lahat ng pwedeng tabihan eh yung minanyak niya pa kanina. Asar.

Pero teka nga. Naaalala niya pa kaya ako? I mean natatandaan niya pa kaya yung mukha ko? Kasi kung natatandaan niya at may hiya naman siya sa sarili niya eh hindi siya tatabi sa akin. Hay, baka nga hindi na niya maalala at hindi naman big deal sa kanya yun. Pero big deal sa akin yun eh!

Anak ng tupang puti naman oh. Hayaan na nga! Move on Aeisha! Move on! Tama na okay? Kunwari nalang ay walang nangyari since di niya rin naman matandaan yung mga nangyari.

“Para po!” napatingin ako kay Yem. Hindi ko napansin na bababa na pala kami. Yes! Makakahinga na ako nang maluwag! Thank you Lord!

Agad-agad naman akong bumaba at hinatak si Yem para daldalin siya. At saka may pupuntahan muna kami bago umuwi. Madalas kaming dumadaan doon sa unang paliko bago sa amin kasi may tindahan doon na lagi naming binibilhan ng biscuit at softdrinks.

“Hoy. Panyo mo.”

Pero halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan at  parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa nung may narinig akong boses galing sa likod ko. At paglingon ko, nasa harapan ko na si Jin, hawak-hawak yung panyo ko.

“Ah. A-ano, th-thank you.” sabay hablot ko dun sa panyo ko tsaka ko hinatak si Yem at pumunta na doon sa tindahan.

“TEKA LANG! Grabe lang Aeisha ha! Kanina pa tayo takbo nang takbo! Hindi ka ba napapagod? Ang kabayo nga napapagod, tao pa kaya?!” tinignan ko naman siya with ano-bang-pinagsasabi-mo-look. Anong kinalaman ng kabayo sa tao? Baliw talaga ‘to eh.

“Eh timang ka kasi eh! Hindi mo man lang sinabi sa akin na nasa likod na pala natin yung Jin! Lumabas yung kaluluwa ko teh!” grabe lang talaga! Nagkaphobia na ata ako sa kanya.

“Aba malay ko bang nasa likod natin siya? Eh malay mo dito rin pala siya nakatira!” pagkasabing-pagkasabi niya nun,

“OMG/OMG!” sabay kaming napa-OMG. Shet lang. Ibig sabihin, malapit lang sya dito?!

“Oh mga ineng, sino bang pinag-uusapan nyo dyan?” napatingin kami kay Aleng Lumeng, yung may ari ng sari-sari store. Dito kami madalas tumambay simula nung highschool kami.

“Ay naku alam mo aleng Lumeng, itong si Aeisha kasi, paranoid!”

“OMG!” nagulat kami nung sinabi yun ni Aleng Lumeng at napatingin na lang kami sa kanya. “Ah. Ginaya ko lang kayo kanina. Oh siya, bakit naman hija?” sabay tingin sa akin ni Aleng Lumeng. Teka sasabihin ko ba? Parang nakakahiya naman kung sasabihin kong may lalaking hindi sinasadyang nahawakan ang boobs ko. Shet naman.

“Ah wala lang po yun.” Dinivert ko nalang sa iba yung topic at as usual eh bumili kami ng softdrinks tsaka ng Hansel. Dito kami laging nagmemerienda tsaka nagtsitsismisan ni Yem. Vibes nga namin si Aleng Lumeng eh. Feeling niya daw kasi teenager pa rin siya pag kausap niya kami.

Maya-maya rin ay umuwi na kami sa apartment. Nagpalit agad kami ng damit at nilabas lahat ng notebook namin dahil gagawa pa kami ng assignment.

“Huy Yem, tapos mo na ba yung assignment sa Econ? Pa-compare nga.” kinalkal ko yung gamit niya at hinahanap ko yung notebook niya sa Econ.

“Sus pa-compare, kokopya ka lang naman!” ay, huli.

“Galing mo talaga best friend! Oh sige na pakopya na, tinatamad akong mag-isip eh. Sakit ng ulo ko sa mga nangyari.” totoo naman kasi. Parang nagmalfunction yung utak ko ngayon. Hindi makapagprocess ng bagay-bagay. Grabe parang naloka ako sa dami ng nangyari sa akin ngayong araw.

Tahimik lang kaming gumagawa ng assignments. Ang tanging maingay lang ay yung laptop ko dahil nagpapatugtog kami. Mas nakakapag-aral kasi kami kapag may music eh. Nagulat naman ako nung biglang tumigil sa Yem sa pagsusulat at naupo ng maayos. Nasa kama kasi kami ngayon at nakadapa habang nagsasagot. Ganito kami mag-aral.

“Uy Aeisha, ano nga palang first impression mo kay Ryde?” tinignan ko naman siya at napakunot yung noo ko dahil parang kinikilig siya.

“Yem, wag ka ngang kiligin, nakakaumay eh. Tsaka sino naman si Ryde? Wala akong kilalang Ryde no.” at syempre, ano pa nga ba ang usong sakitan sa amin kundi ang pambabatok. Ayun, binatukan ako ng ubod nang lakas. Nakailang batok na kaya siya sa akin?! Nakakarami na ‘to ah?!

“Gaga! Si Ryde! Si Jin yun! Sinearch ko kanina sa facebook yung pangalan niya. Rydell Jin Montalbo, Ryde or Jin for short.”

“Stalker much?” nagulat ako sa talent nito. Ang creepy lang. Alam agad?

“Ako pa! Kinikilig ako sa inyong dalawa eh. Uuuuuyy! Alam mo bagay kayo!” okay. Malala na talaga tama nito. Dapat nang patulugin. Baka makasama sa utak niya. Kagagahan na naman ang pinapairal ni Yem eh.

“Baliw! Ayoko na siyang makita! Natatakot ako sa kanya. Matulog ka na nga! Tapos ka naman na atang gumawa ng assignment mo eh.”

Nakita ko namang nagligpit na siya ng gamit niya at humiga na sa kama. Adik lang? Tinotoo talaga? Hindi man lang ako hinintay? Ang bait ng best friend ko grabe.

“Goodnight Aeisha. Sana mapanaginipan mo si Jin. Ayeee oh wag ipahalata ang kilig.” Tapos tumalikod na siya sa akin.

“Gaga.”

Tinapos ko na lang yung assignments ko at saka natulog.


***