.

.

Chapter 30

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

"Ouch! Ano ba naman yan Yem, dahan-dahan naman!"

"Ah ganun? Ibaon ko 'tong yelo sa ulo mo eh," tapos diniinan niya nga! Gagi talaga 'tong si Yem! Pasalamat siya at medyo nahihilo pa ako.

"Bwisit na babaeng ‘yun! Naku susugurin ko talaga siya bukas! Walang hiyang impaktang ingratang hayup na animal na babaeng ‘yun!" 

"Grabe ha? Walang hiya na, impakta na, ingrata, hayup tapos animal pa! Hahaha! Bitter teh?"

Tiningnan ko na lang ng masama si Yem. Naku pasalamat siya best friend ko siya at mabait ako. Nasa bahay na nga pala kami ngayon at nilalapatan niya ng yelo yung bukol ko sa likod ng ulo. Lintek lang kasi talaga. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari.

***

Biglang nandilim yung paningin ko pero nagawa ko pang dumilat uli.
Ang alam ko lang ay nakapaligid na sa akin yung mga tao.

"Aeisha! Aeisha! Okay ka lang?! Coach! Coach! Si Aeisha!" naririnig ko yung boses ni Chris pero medyo nanlalabo na yung paningin ko.

Maya-maya lang rin, nasa tabi ko na si Coach at may sinasabi siya sa akin pero di ko maintindihan. Shet lang, nabibingi na yata ako. Sinubukan kong umupo. Medyo naririnig ko na yung pinagsasabi ni coach.

"—Chris, iinform mo yung nurse dali! Bubuhatin ko siya papunta dun—"

Pero nagulat ako nung marinig ko yung pamilyar na boses.

"POLENG! ASAN KA?! PAULINE AEISHA BERNARDINO! OH MY GOSH!" medyo luminaw yung paningin ko at nakita ko si Yem habang hawak-hawak niya yung phone niya sa kabilang kamay.

"OH MY GOD POLENG, ANONG NANGYARI?!
TINEXT NA LANG AKO BIGLA NI JIN NA BUMAGSAK KA! AT ASAN BA YUNG JIN NA ‘YUN AT DI KA TINULUNG—"

Bigla kaming napatingin dun sa may gilid dahil may narinig kaming sigawan.

"I told you, nabitawan ko nga yung raketa!"

"Shut up, Serene."

"I'm telling the truth!
Eh sa nabitawan ko nga eh! Malay ko bang tatama ‘yun sa ulo ng babaeng ‘yan?!" then medyo naaninagan ko na tinuro niya ako.

"Leave her alone. Or else..."

Bigla akong kinabahan nung tumingin siya sa akin. Or not? Baka namamalikmata lang siguro ako. Shet, nahihilo na naman ako! Tatayo na sana ako kaso bigla na namang nagdilim yung paningin ko. And this time, di na ulit ako nakadilat.

***

"Jusme! Buti nga hindi ka nagka-hemorrhage eh.
Bwisit talaga sa buhay mo yung Serene na ‘yun!"

"Ouch Yem! Buhok ko ‘yan!"

"Oops. Sorry."

Baliw din 'tong babaeng 'to eh! Sa lahat naman ng pwedeng ipampalit sa lecheng mukha ni Serene na panggigilan, eh buhok ko pa yung natripan.

"Pero in fairness ha, nakita mo ba yung ginawa ni Prince Charming? Shet, kinikilig ako! Akin na lang siya, please?" bigla ko siyang tiningnan ng masama, di ko nga alam kung bakit ko yun ginawa eh.

"Pinagsasabi mo?" palusot ko na lang nung parang na-gets niya yung tingin ko sa kanya, kahit di ko ma-gets kung anong meaning ng tingin ko sa kanya.

"Ay jusko day! Baka nahimatay ka na nun. You know, inaway-away ni Prince Charming si bruhildang Serene! Yiiiiee! Ikaw ha! Humahaba ang hair mo. Pakigupitan please?"

Umiling na lang ako sa kanya. Sinabi ko na lang na wala akong natatandaan na ganung scene kahit naaalala ko na, kasi for sure ay lalo lang akong aasarin niyan. At isa ring hinayupak 'tong si Yem. Ayan na naman siya sa Prince Charming codename niya.

Pero bakit niya kaya ginawa ‘yun? I mean, bakit inaway ni Ryde si Serene? Di kaya— Okay. May diperensya na talaga ako sa utak. Kung anu-ano na ang naiisip ko.

Nag-isip na lang ako ng ibang bagay para mawala yung lecheng thought na ‘yun sa utak ko. Then naalala ko si Coach. Grabe, sobrang bait pala ni Coach.

Buti na lang talaga at hinatid kami ni Coach dito sa apartment. Natatawa nga ako kay Yem dahil furious na furious siya kanina.
Halos sigawan niya na rin si Coach sa sobrang inis. Tinawanan ko na lang kaysa gatungan ko pa yung inis niya. Buti naman at magkakaroon ng detention yung lecheng babaeng ‘yun! Naku! Pag talaga walang nakatingin, babatuhin ko rin siya! Yung buong locker yung ibabato ko sa kanya, promise! Di raw sadya. Pwe! Utot niya!

At ang isa pang buti na lang talaga, ay ayos lang yung ulo ko, though masakit siya gawa nung bukol. Promise talaga, gaganti ako! Itaga niyo ‘yan sa nguso nung Serene na ‘yun! Magiging kontrabida ako kahit minsan lang. Bwiset lang kasi talaga!

Binuksan namin ni Yem yung FB ko at nang-stalk kami sa profile ni Serene.

"Psh. Nakapublic pa! Akala naman sikat siya. Eleven lang naman ang subscribers. Feeler masyado," sabi ni Yem habang nakadikit na yung mukha niya sa screen ng laptop ko. Ako naman ay tiningnan ko yung "About" section ng fb niya.

Birthday: May 7

Relationship Status: in a relationship and it's complicated. 
(WEH? UTOT NIYA COMPLICATED!)
Languages: English, Filipino, French, Italian (Parang di naman totoo yung French at Italian!)
Favorite Quotations: I am beautiful, and you are not. (Quotation ba talaga 'to? Imba ha.)

Walang kwenta! Walang katotohanan dito! Amputek!

"Tingnan mo yung DP niya Poleng dali! Pasexy masyado, eh mas sexy naman ako sa kanya. Hugutin ko bilbil niya eh." Hahaha! Natatawa talaga ako sa mga pasada ni Yem eh. Parang siya pa yung nabato ng raketa.

So ayun nga, tiningnan namin ang mga DP niya. In fairness, daming likers. Tss. Eh sa effects lang naman niya dinadaan! Tapos may mga paposing-posing pa siyang nalalaman.

Tiningnan lang namin yung mga post and status niya at natatawa lang kami minsan kapag may nambabara sa kanya sa comments. Hahaha! Mostly girls na naiinis sa kanya. Katulad neto:

Status:
 Oh c'mon. Kasalanan ko bang nilalapitan ako ng boyfriends nyo? Stop ranting, b*tches.

Tapos may tatlong nagcomment dun sa status niya. Puro babae.

Shiela: 
EH B*TCH KA NAMAN KASI! NILALANDI MO YUNG BOYFRIEND KO! UTANG NA LOOB, LAYUAN MO SIYA!

Donna: 
Hindi raw? Eh kung makangiti ka nga sa mga lalaki para kang prosti!

Riza:
 B*tch ka rin.

Okay. Actually, minsan naaawa kami dahil dehado siya, pero kapag naaalala ko yung pagbato niya ng raketa sa akin eh humahagalpak na lang ako bigla sa tawa. Shet, siguro masyado ng naalog ang utak ko at nababaliw na ako ng unti-unti.

Nung nagsawa na kami ay inoff na namin yung laptop. Tumambay naman kami sa dining table kasama si Aera tsaka si lola Roma. 

"Oh ano apo? Ayos na ba yang bukol mo?" ay nako pinaalala pa ni Lola. Tsk.

"Medyo ayos na Lola."

Umupo ako sa tabi ni Aera at nagulat ako sa ginagawa niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan sa papel mo? Sinasayang mo oh!" pano kasi sobrang diin ng pagkakahawak niya sa lapis tapos parang may binubura siyang something sa papel.

"EH KASI ATE EPAL EPAL NUNG KATABI KO SA SCHOOL! Epal niya talaga!" natawa naman ako sa kanya. Akalain nyo yun? May kaaway na agad kapatid ko eh halos two weeks palang siya dun sa school niya?

"Eh sino ba yun?" tanong ko sa kanya.

"Damon!
Yung Damon na yun! Ampanget naman niya! Dapat damo na lang pangalan niya eh! Para bagay siya sa kabayo! O kaya mamon! Para pwedeng-pwede siyang pisilin!” Tapos saka niya pa lalo binaboy yung papel niya. Iba na 'to. Jusmiyo wag naman po sanang magkalovelife ang kapatid ko sa edad na five years old. Wag po.

"Eh ano bang ginawa sayo bakit ka naiinis?" si Yem naman yung nagtanong sa kanya.

"Eh kasi ate Yssa! Hinahawakan niya yung kamay ko tapos huhulaan niya daw yung future ko! Di naman totoo yung hula eh!" Parang sumakit yung ulo ko sa narinig ko. Grade 1 pa lang, may hawakan na agad ng kamay na nagaganap?

"Nice one Aera! Naks! Eh anong sinasabi niya?" baliw 'tong si Yem eh. Tanong pa ng tanong.

"Ayoko! Ampanget ng mga sinasabi niya!"

"Ano nga? Dali na!"

"Yucky talaga ate Yem! Magiging boypren ko daw siya!
Hala ampanget panget nun eh! Ayoko na nga dito!" tsaka siya nagwak-out papuntang kwarto.

Nagkatinginan na lang kaming tatlo ni Yem at Lola tapos sabay-sabay kaming tumawa. Lintek! Mauunahan pa ako ng kapatid ko na magkaroon ng lovelife! Record ito! Five years old! Imagine, five years old?!

"Hahaha! Tae! Anong date ngayon? Maisave nga at aasarin ko si Aera sa monthsary nila. Hahaha!" minsan talaga iniisip ko kung kapatid ko ba talaga si Aera o si Yem ang ate niya? Mas magkapareho kasi sila ng ugali eh. Yung pambaliw.

Si Lola naman ang sumagot sa tanong ni Yem. "August 17."

Bigla naman akong napatayo. OMG August 17 ngayon?!

"Bakit apo?" napansin ata ni lola na napatayo ako kaya umupo na lang ulit ako.

"Ah. Birthday po kasi ngayon ng lolo at lola ko." tsaka ako napayuko.

Ang tagal na naming di nakikita ni Aera si Lolo at Lola. Actually, limot ko na nga ang itsura nila dahil six years old lang ako nung lumipat kami ng bahay malayo sa kanila.
Sina Tita naman, nakikita nila isang beses sa isang buwan sila Lola at Lolo dahil dumadalaw sila sa bayan doon sa probinsiya namin. Syempre di naman nila maisama si Aera dahil nag-aaral siya doon dati at ayaw ni Lola (sabi ni Tita) na may bisita tuwing weekends. Ako naman, malamang di ko talaga sila makikita dahil nasa Manila ako. Tapos nalaman ko na lang na namatay na pala si Lola nung second year high school ako. Hindi naman ako makauwi nun sa probinsya dahil masyadong mahal ang pamasahe.

Tinawag ko naman si Aera sa kwarto at sinabi kong birthday ngayon ni Lolo at Lola. Ang cute nga eh, sabay sila ng birthday. Actually, si Tita lang ang laging nagpapaalala sa akin pag birthday nila. At kahit sino sa mag-anak namin ay alam ko ang birthday. Si Tita kasi, sabi niya dapat kabisado ko yun.

"Waaah bili tayo cake ate! Dali na!" 

"Tange, wala akong pera!"

Eh totoo naman. Wala akong pera ngayon. Tsaka ko naalala, hindi pa pala namin alam ang birthday ni Lola. Geez, magth-three months na dito si lola di pa rin namin natatanong. Grabe!

"Lola! Kelan pala birthday mo?" napatingin naman agad sa akin si Lola at ngumiti, pero halatang pilit.

"August 20 apo."

Ano? W-wait. August 17 ngayon, which means, three days from now?!

Napatingin ako kay Yem at nagsenyasan kami. Bigla kasing lumungkot yung mukha niya. Siguro dahil first birthday niya 'to na nahiwalay siya sa family niya. Nagtinginan ulit kami ni Yem at syempre, gets ko na ang tingin niya na yun.

We need to prepare for her birthday.


***