.

.

Chapter 31

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

"Eh ano bang gagawin natin? Shemay sa sabado na yun!"

"Oo nga eh! Bakit kasi di agad natin naitanong kung kelan yung birthday ni Lola?"

Namomroblema kami ngayon para sa birthday ni Lola at para kaming tangang dalawa na nakahinto sa gitna ng kalsada.

"Tara na nga muna! Pumasok muna tayo sa school! Mamayang uwian na natin yan problemahin. Thursday pa lang naman ngayon." hinatak naman ako ni Yem papasok sa school at naghiwalay rin agad kami nung tumapat kami sa gym. Well, alam niyo na, practice. Siya sa chorale, ako naman sa badminton.

Pero nagdalawang-isip akong pumasok sa gym. Ewan ko ba, nababaliw na naman ako. Parang may something na nagtutulak sa akin para pumunta sa ibang lugar. At yun nga ang ginawa ko. After nun ay tumakbo rin naman agad ako pabalik sa harap ng gym. Pagkapasok ko, nilapag ko kaagad yung gamit ko dun sa may bench. Naka-PE uniform na rin ako para di na ako magpapalit pag nagpapractice.

"Aeisha!" napatingin naman ako sa tumawag.

"Uy Daniel!" nilapitan ko rin siya at nakipag-appear pa siya sa akin. Oh my golly wow, di na ako maghuhugas ng kamay. Joke.

"Tara practice tayo? Matagal-tagal na rin kitang di nakakalaban." sabi niya with matching killer smile na nagpapasabog ng pantog ko ngayon. Shet lang, naiihi na ako sa sobrang kilig!

"Sige ba!" syempre pangiti-ngiti rin ako dahil mahirap magpigil ng kilig.

Papunta na sana ako dun sa kabilang side ng court kaso bigla niyang hinawakan yung braso ko kaya napahinto ako. Tapos bigla siyang lumuhod.

"Hala Daniel! A-anong ginaga—"

"Tsk. Pag ikaw nadapa dahil dito." tumingala siya tapos ngumiti sa akin. Tapos yumuko ulit siya para itali yung sintas ng rubber shoes ko na natanggal pala mula sa pagkakabuhol. "O ayan, ayos na. Tara na?"

Para akong siraulo doon na nakatayo lang dahil nagloloading pa yun utak ko sa nangyari. Buti na lang at sinigaw ni Chris yung pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya at tinuturo niya pala si Daniel na naghihintay sa akin sa may court. Tumakbo naman ako agad papunta doon at tinawanan pa nila akong dalawa. Mga adik.

Maganda naman yung naging laro namin ni Daniel. Ang galing niya nga eh! Pero syempre, natalo ako. Malamang, siya talaga ang captain namin eh. Pero at least nasasabayan ko yung mga tira niya. Ang hirap kaya habulin ng shuttlecock. Tapos after nun ay nagmamadali na naman siyang umalis ng gym. Ang duga nga eh. Kasi siya pinapayagan ni Coach na lumabas ng gym pero kami tuwing break lang.
Kadugaan.

Nung umalis si Daniel, si Chris naman yung nakipaglaban sa akin. Sa totoo lang, magaling rin si Chris. Feeling ko nga halos magkalevel na sila ni Daniel.
At actually, siya at si Daniel lang ang close ko sa team. Karamihan kasi mga babae at parang ang sama ng tingin nila lagi sa akin. Tss.

"Phew! Timeout muna Aeisha! Napapagod na ako!" tapos tumakbo si Chris papunta dun sa bench at sumalampak sa sahig. Sinundan ko naman siya. Napapagod na rin kasi ako.

"Ako rin eh! Whew! Mamaya na lang ulit." pinasok ko ulit yung raketa ko sa lalagyanan at nakiupo sa sahig sa tabi ni Chris. Kinuha ko rin yung phone ko sa bag at tiningnan kung may nagtext na bruha. At bingo! Bruha nga ang nagtext!

Poleng hinahanap ka ni prince charming mo. Ayiiiee bakit ka kaya hinahanap? 

Di ko na lang nireplayan si Yem.
Kainis inaasar na naman ako netong babaeng 'to. Eh pano naman kasi. May pagkatanga rin talaga minsan 'tong si Ryde eh. Aba akalain niyo ba namang after magpaturo sa akin ng math ay naiwan niya yung notebook niya sa tabi ng puno? Di ko nga alam kung bakit ako bumalik kanina doon sa naging tambayan namin eh. Tapos ayun, nakita ko yung notebook niya doon. Di ko na nga binuksan dahil naiinsecure ako sa handwriting niya. Leche lang, kalalaking tao ang ganda ng sulat. Nahiya talaga ang sulat-kamay ko sa kanya.

"Kainis na Ryde yun. Tatanga-tanga." bulong ko sa sarili ko.
Obligado pa tuloy akong ibalik 'tong notebook niya.

"Anong sabi mo Aeisha?" nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Chris sa gilid ko.

"Ahh haha! Naku wag mo akong pansinin Chris! Hahaha!" Kakahiya! Narinig niya akong nagsasalitang mag-isa! Baka akalain niya baliw ako.

"Hindi. Binanggit mo kasi yung pangalang Ryde."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. This time, mas sumeryoso yung mukha niya at parang may something. Something na di ko mabasa sa expression niya. First time ko siyang nakitang ganito kaseryoso. Lagi lang kasi siyang nakangiti o kaya pa-cool kapag nagpapractice kami eh.

"Ahh. K-kasi classmate ko siya eh." bigla naman siyang ngumiti sa akin nung sinabi ko yun.

"Kamusta na nga pala si Ryde? Ryde Montalbo, di ba?"

Kilala niya rin si Ryde? Well, magkakakilala naman talaga yung mga fourth years pero iba yung way ng pagkakasabi niya sa pangalan ni Ryde eh. Parang matagal na niyang kilala. 

"Kilala mo siya?" napalapit pa ako sa kanya ng husto nung tumango siya.

"As in personally?" tumango ulit siya.

"As in friends?" tango ulit.

"As in—"

"Actually barkada ko siya... dati." biglang lumungkot yung mata niya.

Oh gulay, nagugulat ako sa mga nangyayari ha. Si Ryde? May barkada? Weh? Di ba loner yun? Pero anong sabi ni Chris? Dati?

"What do you mean by dati? As in dati lang at hindi na ngayon?"

"Mukhang interesado ka kay Ryde ah?" tapos ngumiti siya ng nakakaloko kaya napalayo agad ako sa kanya. Feeling ko nilalanggam yung pisngi ko dahil parang nagground na something. Ay ewan! Walang hiyang Chris 'to! Maka-isyu eh.

"Hindi no! Nacurious lang ako!"

"Interested nga."

"Curious nga lang! Magkaiba yun!"

"Okay, sabi mo eh. Hahaha."

Nakakainis naman 'tong Chris na 'to. Bakit ba hindi niya matanggap na magkaiba ang curious sa interested? Aawayin ko na sana ulit siya kaso nakita ko naman na bigla ulit sumeryoso yung mukha niya kaya pinili ko na lang na manahimik. Pero nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.

"Ewan ko rin Aeisha. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganun si Ryde. Hindi naman siya ganyan dati."

So ibig sabihin tama yung narinig ko sa tatlong lalaking dumaan sa harapan ko dati? Yung mga pinagsasabi nila? Hindi ako nabibingi?

"Basta nung first week ngayong school year, naging matamlay yung pakikitungo niya sa barkada, tapos nung second week ay hindi na niya talaga kami pinansin. Kaya ayun, nagkagulu-gulo kami. Yung iba hinamon pa siya ng suntukan."

Wait, ibig sabihin kabarkada niya yung mga naghahamon sa kanya ng away? Whoa!

"Sinubukan ko siyang kausapin kaso hindi niya talaga kami pinapansin. Umabot pa nga kami sa suntukan eh. Pero syempre, walang nakakatalo sa amin kay Ryde pagdating sa labanan."

"Bakit naman?" first time kong mag-interrupt mula nung magkwento siya. Eh kasi naman. Nacucurious ako lalo.

"Wala. Malakas siya eh. Katunayan, eto ang hobby namin dati bukod sa pranks, ang magbubugbugan. Hahaha!"

"Mga adik kayo no?" tapos tumawa na lang siya dun nang tumawa. Di kaya baliw yung barkadahan nila? Ang aadik lang eh! Gawin daw bang hobby ang suntukan? Pag-uumpugin ko sila eh. Pero sabagay, halos lahat naman ng lalaki nagsusuntukan, so wala namang abnormalities dun. Siguro mas magugulat pa ako kung nalaman kong ang hobby nila eh bahay-bahayan o kaya lutu-lutuan di ba?

Matapos naming magkwentuhan na napunta na kung saan-saan (ang alam ko ay biglang napunta yung usapan namin sa nagtataeng ballpen) ay nagpractice na ulit kami kasama yung ibang members namin. Si Daniel naman, wala pa rin. Ewan ko kung nasaan. 

Nung mag-uuwian na ay inadvice-an kami ni Coach na laging ikondisyon yung katawan namin dahil next week na yung Sports and Music Fest. Pero nakakaleche lang talaga dahil kasabay nun eh periodical exam namin. Walang awang mga teachers, ni hindi man lang kinonsider yung pagpapractice namin para dito. For sure, babagsak ako sa isa sa mga subjects namin.

Lumabas agad ako ng gym para puntahan sana si Yem kaso bigla siyang nagtext na di daw siya makakasabay dahil nagpapractice pa raw sila at strict yung nagte-train sa kanila. Water break lang daw ang pwede. Kaya ako naman ay lumakad na papuntang sakayan ng jeep. Pero bigla kong naisip...

Kung magtingin-tingin na rin kaya ako ng pwedeng iregalo kay Lola? Tama.

Kaya imbes na sumakay ako ay tumawid ako dun sa kabilang kalsada then pinara ko yung isang jeep papuntang SM. Buti nga medyo maluwag pa eh. Iaabot ko na sana yung bayad ko kaso biglang may nag-abot dun sa bandang kanan ko. At syempre dahil mabait ako ay kinuha ko yung bayad niya at sinabay ko na rin sa bayad ko.

"Bayad po manong." sigaw ko kay manong habang pinapasa yung pera namin dun sa unahan.

"Saan ito?"

"SM po, estudyante."

Nagulat ako at napatingin dun sa isa pang sumagot. Oo, may kasabay akong nagsalita at muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nung nakita ko si Ryde...

kasama si Serene.

Ngayon sigurado na talaga ako. Interesado talaga ako sa buhay niya. Sa kanya mismo. He’s a living mystery. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit kasama niya ngayon si Serene?

At bakit naiirita na naman ako? Damn that Serene.


***