.

.

Chapter 32

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

Napatingin lang ako sa kanilang dalawa. Si Serene ay mukhang hindi ako nakita kaya nagpapasalamat ako sa poong Maykapal.

“Ryde, mas mabuti nang sabihin mo yun sa—”

“No. Ikaw at ako... at 
siya lang ang dapat makaalam. Maliwanag?”

Hindi ko naman alam kung anong pinag-uusapan nila, pero mukhang serious matter. Actually, pabulong lang sila mag-usap, pero dahil one person away lang talaga ako kay Serene ay narinig ko yung usapan nila. Tinatry ko talaga ang best ko para di ako makita.
Buti nga mataba yung nasa pagitan namin ni Serene at natatakpan niya ako.

“Para po!” narinig ko yung boses ni Serene at nakita ko siyang bumaba. Pero halos gusto ko na ring bumaba nung nakita kong tumayo rin yung katabi kong mataba at bumaba rin siya. At shet lang! Napatingin sa akin si Ryde kaya napaharap agad ako sa may bintana. Kainis! Ano bang nangyayari sa akin? Para na akong baliw!

Nakatingin lang ako all the time sa may bintana. Ayaw kong tumingin kay Ryde. Ewan ko, parang may something kasi sa kanya. At nahihiwagaan pa rin talaga ako sa kanya. Unti-unti na ring nauubos yung pasahero sa jeep. Hanggang sa kami na lang yung matira. Lecheng buhay naman, bakit kasi ang layo ng SM?

Nung natanaw ko na yung SM, sumigaw agad ako ng ‘para’ kay manong at agad naman siyang huminto. Bababa na sana ako kaso biglang nagsalita si Manong ng malakas.

“Hay. Nauulit na naman ang kasaysayan.”

Napakunot naman yung noo ko kay manong. I swear, parang pamilyar sa akin si manong, bukod sa siya lagi yung nasasakyan kong jeep. Oo. Sa jeep na naman niya ako nakasakay. Ay naku, hayaan na nga! Pero bakit kaya siya nagsasalitang mag-isa? Oh well. Bababa na sana talaga ako kaso biglang nanguna ‘tong walanghiyang lalaking ‘to. Grabe. Hindi pa ako pinauna. Wala talagang dugo ng pagka-gentleman.

Sabay kaming tumawid at pumasok sa entrance ng SM. Ewan ko pero napapatingin ako lagi sa kanya. Parang may mali eh.

“Oi.” Napatakip na lang ako bigla ng bibig nung lumabas yung salitang yun. At shet lang talaga kasi napatingin siya sa akin!

Napatakbo ako doon sa may paliko, at buti na lang ay restrooms yun. Dumiretso ako sa ladies’ bathroom at nakatulala lang ako doon sa may salamin.

“Ano ka ba Aeisha? Baliw ka ba? Bakit mo tinawag? At utang na loob bakit ka tumakbo?” kinakausap ko yung sarili ko sa salamin dahil feeling ko ay may mali talaga sa akin ngayong araw na ‘to.

Ayan na naman! Nung isang araw pa ‘tong lecheng puso na ‘to. Bigla-biglang nagbabago ng bilis.

After kong kumalma ay nag-ayus-ayos muna ako. Grabe talaga. Papatingin nga ako mamaya kay Yem at baka may abnormal na talaga sa katawan ko. Mahirap na, baka lumala.

Naglibot ako sa mall at napunta ako sa department store. Ano kayang pwedeng i-regalo kay Lola?

Hindi naman pwedeng dress. Hindi ko ma-imagine si lola na magdress. Hindi rin naman pwedeng high heels. Baka mamaya ipampalo pa niya yun sa aming tatlo pag makulit kami. Hmm, ano kaya?

Naglibut-libot ako doon at nag-end up ako sa isang stall. Pumasok ako doon at tiningnan yung mga tinda. Kung tama ang memorya ko sa mga palabas sa TV ay eto ang madalas ginagawa ng mga matatanda. Siguro pwede na ‘to?

Bumili ako ng isang set tapos pinabalot ko na rin. Hindi naman kasi ako maganda magbalot ng regalo. Jusko, itanong niyo kay Yem kung anong nangyari nung binalot ko yung pang-exchange gift ko last year. Hindi mo madidistinguish sa balot ng tinapa.

After nun ay pinalagay ko na rin sa plastic para pag umuwi ako ay di mahalata ni lola na regalo yun. Pumunta muna ako sa Jollibee para magtake-out ng pagkain. Nagugutom na ako eh. Nagtake-out na rin ako ng tatlong burgers para doon sa tatlo.

Palabas na sana ako ng SM pero may nakita na naman akong di kanais-nais. Palabas na rin kasi si Ryde. Ako naman ay biglang nag U-Turn sa di malamag dahilan, pero napahinto ako nung may narinig akong boses sa likod ko.

“Sinusundan mo ba ako?”

Ako? Susundan siya? Ay grabe ha! Sarap sukatin kung gaano kakapal ang mukha niya. Humarap ako sa kanya tapos nagpamewang ako.

“Hoy, para sa kaalaman ng makapal mong mukha, di kita sinusundan no. Alam mo yung coincidence?” tapos inirapan ko siya at inunahan ko na siya sa paglabas sa exit. Kainis na lalaking yun! Magsama sila ni Serene! Kapal talaga ng mukha forever! Duh? Mukha ba akong stalker?

“Coincidence? Nice.” napahinto naman ako sa pagtawid dahil narinig ko na naman yung boses niya sa likod ko.

“Excuse me? Sa lagay natin ngayon, ikaw ang nagmumukhang sumusunod. Bleh!” eh kasi nakasunod naman talaga siya sa akin no. Dinilaan ko nga! Masyadong mahangin eh! Kahit nacucurious ako sa kanya ay hindi naman pwedeng gaganunin niya ako no.

At isa pa, ano bang problema sa aming dalawa? Minsan medyo close kami, minsan naman parang strangers. Ang baliw lang talaga. Pero mas baliw siya no. Tss. Baliw na pervert.

Sumakay ako sa jeep, at utang na loob lang talaga, eto na naman yung jeep! Ang creepy na talaga ha! Lagi na lang eto ang nasasakyan ko! Di kaya stalker ko si manong?

Pababa nasana ako para lumipat ng ibang jeep dahil kinilabutan ako pero hindi natuloy dahil biglang nagsakayan yung ibang pasahero. Ugh! At isa pang bwisit ang sumakay rin. Guess who?

“Sinusundan mo ba ako?” this time ako naman ang mang-aasar sa kanya. Andito kami ngayon at magkaharap sa may dulo malapit sa driver’s seat. Tiningnan naman niya ako, as usual, expressionless face.

“Hmm. Coincidence?” tapos shinrug niya yung balikat niya. Huh! Gaya-gaya!

Naglabas na lang ako ng seven pesos at binayad ko yun kay manong. Pagtingin ko sa side mirror, ngumiti siya sa akin. Okay, hindi naman pangmanyak yung ngiti ni manong. Alam niyo yun? Yung parang mabait na ngiti? Basta ganun! Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kilabutan. Grabe talaga.

Nanahimik lang ako buong byahe at muntik pa akong lumagpas kundi lang ako sinipa ni Ryde. Oo sinipa niya ako! Bwisit na yun! Hayup talaga! Pwede naman kasing gisingin na lang ako di ba? Kailangan sisipain pa sa binti? Sisigawan ko pa sana siya pero tumayo na siya para bumaba kaya sumunod na lang rin ako. Ewan ko nga kung tama ang narinig ko eh, pero parang tumawa si manong sa amin. Ah ewan! Bahala siya sa buhay niya!

Pagkababa ko ng jeep, nakita ko yung plaka nun. Para naman hindi ko na masakyan kung saka-sakali. Hindi talaga maganda ang feeling ko sa jeep na yun eh. At isa pa, pag nakasakay ako doon, lagi kong nakakasabay yung pesteng lalaking yun. Kaya mabuti nang iwasan ang jeep na may plakang PLR143.

Palakad na sana ako kaso napahawak ako sa braso ni Ryde nung makita kong may mga naglalasing sa gilid.  Okay, takot ako sa multo, pero mas nakakatakot yung mga naglalasing pag gabi! Ayoko namang maglakad ng mag-isa habang nakatingin sila sa akin. Pero napabitaw naman agad ako nung narealize kong nakahawak pala ako sa kanya. Feeling ko nga naground na naman yung pisngi ko eh. Aba? Kasalanan ko bang nag-involuntary movement yung kamay ko at napahawak ako sa braso niya? sisihin niya yung muscles ko no!

“Tss. Tara.” napatingin naman ulit ako sa kanya nung nagsalita siya. Anong tara?

“Ayaw mong sumabay, eh di wag. Bahala ka dyan. Pag ikaw hinabol ng mga yan, wag mo akong sisisihin.” tsaka siya naglakad palayo. Saka ko naman narealize yung sinabi niya. Sabi ko nga sasama ako sa kanya! Walang hiyang ‘to. Di na lang kasi sabihin ng matino eh.

“Oy teka  lang hintayin mo ko!” binilisan ko yung takbo ko para makahabol ako sa kanya. I swear, may lahi talaga siyang tipaklong! Ang laki ng hakbang niya eh. Para lang siyang tumatalon.

Halos nakadikit na ako sa kanya nung madaanan naming yung mga lasing. Grabe naman kasi, bakit ngayon pa nila naisipang maglasing? Pwede namang bukas! Walang hiyang mga yun. Wala ng ginawang matino sa buhay kundi uminom. Buti pa yung papa ko dati hindi naglalas—nevermind.

Nung matanaw ko na yung bahay namin ay nakahinga na ako ng maluwag. Whoooo! Thank God!

Tumakbo ako papunta sa pinto habang nakasunod sa likod ko si Ryde. Okay Aeisha, gawin ang dapat gawin. Humarap ako sa kanya. Kahit kadalasan ay nakakainis siya, ilang beses niya na rin naman akong natulungan.

“Uhm ano. Thank you sa paghatid.”
Tapos nginitian ko siya. Leche ang awkward lang! Imagine? First time ko siyang nginitian. Imagine? Lagi kasing nakabusangot ang mukha ko kapag siya ang kasama ko.

“Coincidence?” sabi niya tapos saka siya ngumiti. Shet, ngumiti na naman siya. Pang-ilang beses ko na ba siyang nakikitang nakangiti?
At bakit ba siya coincidence ng coincidence? Nang-aasar ba siya?!

Pero bakit ba sa tuwing ngumingiti siya ay parang nagbabago yung itsura niya? I mean, pag nakabusangot kasi siya, mukha siyang demonyo. Pero pag ngumingiti siya eh para siyang anghel. Okay okay Aeisha, nababaliw ka na naman. At in fairness, medyo maraming beses ko na siya nakikitang ngumiti. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun rin naman siya. Bakit parang ang gwap—

“ATE! ANDYAN KA NA PALA!”

Napatingin naman ako sa may pintuan at nakita ko yung kapatid ko na nakadikit yung mukha sa may pinto. Ano bang pinagiisip ko kanina? Wala na naman ako sa katinuan! Anong gwapo? Walang gwapo sa itsura niya! Isa lang siyang manyak na estudyante. Period.

“Sige pala—” magpapalam na sana ako kay Ryde pero nagulat ako nung biglang nagsalita yung kapatid ko.

“WHOA! KUYA RYDE BABES! ANDITO KA!” tapos niyakap niya si Ryde pero yung hita niya lang yung nayakap niya.

Teka, tama ba ang nakikita at naririnig ko?
Kuya Ryde babes?! Magkakilala sila?! Paano nangyari yun? Bigla naman akong kinilabutan nung may bumulong sa tenga ko. Pagtingin ko, si Ryde pala.

“Layuan mo si Daniel.” tapos naglakad na siyang palayo sa bahay namin.


Okay. What did just happen? Can someone explain it to me? Bakit niya ako pinapalayo kay Daniel? At bakit sila magkakilala ni Aera?


***