.

.

Chapter 33

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

Merong tatlong bagay na nangyari kagabi.

Una
, sumakit ang ulo ko.
Pangalawa, wala akong napala kay Aera.
Pangatlo, lalong sumakit yung ulo ko.

"Alam mo Poleng, para kang zombie ngayon. Sira ka kasi, bakit late ka na natulog?"

"Che!"

Grabe inaantok ako. Walang hiya kasi yung mga tao sa bahay eh. Una, itong si Aera. Tinanong ko kung bakit niya kilala si Ryde, ang sagot sa akin:
'Eh babes ko siya sa school ate! Babes niya rin ako! Yiee!'  See? Ang sarap ilagay sa sako ng kapatid ko eh. Ang layo ng sinagot sa tanong ko. Pangalawa ay itong si Yem. Kanta ng kanta kagabi ng kung anu-anong lyrics! Ang naalala ko nalang na paulit-ulit niyang kinanta ay:

Oh hinatid niya ako, niya ako, niya akooooooo~
Kinikilig ako, ako, akoooooo~
Bakit ang gwapo niya? Crush ko na ba siya?
Ay hindi pala, dahil mahal ko na siyaaaa~

Parang tanga lang talaga.
Ang saklap pa ng tono at lyrics niya. Paulit-ulit yan hanggang sa makatulog siya. Bwiset! Tapos itatanong sa akin kung bakit late ako natulog?! Umbagan ko 'tong si Yem eh! At pangatlo, itong si lola, kagagaling niya lang kasi doon sa tindahan kaya nung pag-uwi niya ay kinuwento agad ni Aera at Yem yung nangyari, at take note, yung exaggerated na nangyari.

"Grabe talaga lola, kung nakita mo lang kung gano kiligin si Poleng nung hinatid siya ni Prince Charming!"

"Waaah lola Roma, babes ko yun!"

"Tapos, kiniss niya sa cheeks! Grabe kinikilig ako!"

"Eh babes ko yun eh!"

Grabe talaga! Di nila pinatahimik yung gabi ko! Ugh. Sobrang laki tuloy ng eyebags ko.
Para tuloy eyebags na tinubuan ng mata ang itsura ko ngayon.

"Poleng pano tayo sa periodical exam? Nararamdaman ko na talaga na may mababagsak akong exam eh." napatingin naman ako kay Yem. Oo nga pala. Periodical exam na next Wednesday. At wala pa akong naaaral!
Leche naman kasi, sinabay pa nila sa Sports and Music Fest!

"Ako rin eh. Bahala na si Doraemon.
Aral nalang tayo sa weekends. Sige babaita, dito na ako. Baboo! Madapa ka sana!" tsaka ako pumasok sa gym para sa walang katapusang practice ng badminton. Badtrip.

"Tumabi ka nga!" nagulat na lang ako nung bigla akong tinulak ng dumaan at sakto pang tumama yung pwet ko sa may semento. Shet! Ang sakit nun ha!

"Ano ba Serene?! Pwede ba tumingin ka muna sa dinadaanan mo?!"
napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Daniel na palapit sa akin.

"Shut up Daniel!" tsaka nagwalk-out sa gym si Serene. Bwisit na babaeng yun! Siya pala yung bumangga sa akin! Nakakailan na siya ha. Konting-konti na lang talaga at makakatikim na siya sa akin.

"Ayos ka lang?" natigilan naman ako sa pag-iisip kung paano mumurderin si Serene nung narinig ko yung boses ni Daniel. Pagtingin ko, nakalahad pala yung kamay niya tapos nakangiti sa akin. Bago pa ako maunahan ng kilig ay inabot ko na agad yung kamay niya tsaka ako tumayo at nagpagpag ng uniform.

"Pagpasensyahan mo na yun. Tinotopak ata."

"May topak naman ata yun lagi eh." tsaka ako tumawa sa sarili kong sentence. Nagulat nga ako nung nakitawa rin siya eh. Gosh ang gwapo ni Daniel.

Lumapit agad kami kay Coach sa may station namin ng practice. Ang cool nga kasi kumpleto kami ngayon. Naks, walang late! For the first time! Malamang lang naman kasi, last practice na namin to dahil sa Monday na ang Fest.

"Galingan niyo na ngayon ang practice. Pakiramdaman niyo yung galaw ng kalaban niyo. Hindi lang basta bato nang bato at salo nang salo. Isip. Pakiramdam. Yan ang dapat niyong matutunan. Maliwanag?"

"YES COACH!" sabay-sabay naming sagot kay Coach sa makadamdamin niyang advice.

Agad-agad naman silang naglabasan ng raketa. Mamaya nalang siguro ako magpapractice kapag tapos na sila. Ayokong makisabay dahil hindi naman kami kasya sa space ng court. Umupo muna ako sa lapag at saka naglabas ng mga notebook. Oo, mag-aaral muna ako. Ang peste lang kasi talaga ng schedule ng exam eh!

"Ano kayang uunahin ko? MAPEH, Filipino o TLE?" ano kaya? Marami kasi yung MAPEH eh. Pa-major masyado, hindi naman major subject! Yung Filipino naman, kailangan ko pang basahin yung mga buod ng bawat kabanata ng El Fili.
Jusko. Duduguin na naman ata ako sa sobrang lalim na mga salita. At isa pa 'tong TLE! May computer na nga, may crafts pa. Jusme talaga.

"MAPEH nalang unahin mo kung ako sa'yo." Napatingin naman ako sa nagsalita. Pag-angat ko ng ulo ko, si Chris lang pala.

"Bakit naman MAPEH ang uunahin ko?" tanong ko sa kanya habang paupo siya sa tabi ko. Tapos napansin kong naglabas din siya ng book niya.

"Para maturuan mo ako. MAPEH rin kasi aaralin ko." tsaka siya nagsmile ng sobrang lawak. 

Hindi naman kami muna nag-usap ni Chris nung pagbukas namin ng sari-sarili naming libro sa MAPEH. Grabe talaga, ang dami neto. Sa Music pa nga lang ay mamatay-matay na ako sa dami ng instruments na dinefine eh. Idagdag mo pa ang paintings sa Arts, mga terms sa PE at walang katapusang enumeration sa Health.

"Aaahh! Kahit kailan talaga hindi ko naging favorite ang MAPEH!" natawa naman ako nung narinig ko siyang nagreklamo with matching paggulo pa ng buhok niya.

"Me too. Ayoko ng MAPEH! Daming kakabisaduhin! Mahina pa naman ako sa memorization!" this time ako naman ang nagreklamo sa kanya.
At ayun, hanggang sa nilait na rin namin pati teacher namin. Bad influence itong si Chris! After naman nun, bumalik ulit kami sa pagrereview. Nafeel kasi namin na marami talaga ang rereviewhin eh.

Napatigil naman ako sa pagrereview nung naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Pagtingin ko, nagtext pala si Yem. Ano na naman kayang pinaggagawa neto?

OMG! POLENG NSA BADMNTON CLUB PALA YUNG BAGO KONG CRUSH! PICTURAN MO PLEASE? HAHAHA UNG KITA UNG ABS TSAKA UNG TOOT! HAHAHA JOKE! CHRIS BELLARDO UNG NAME NIYA! ANG GWAPO NO? HAHAHA! WAG MONG AGAWIN SA AKIN! LABYU!

Pagkabasa ko nun ay humagalpak talaga ako sa tawa. Amputek! Di nga?! Totoo ba talaga 'to?
Crush niya si Chris? Takte siya pala ang bagong crush ni Yem!  

"Huy Aeisha, anong nangyayari sayo? Nakakatakot ka." halos mangiyak-ngiyak na akong humarap kay Chris dahil sa sobrang tawa.

"Hahaha! Haha-wa-wala! Aray ko. Haha sakit na ng panga ko."

Nagawa ko namang igalaw yung kamay ko para magreply sa kamatay-matay na text ni Yem sa akin.

Anong toot ba ang pipicturan ko? Hahaha!

Di naman ako naghintay ng matagal para sa reply niya.

Basta kahit anong toot na pwedeng picture-an! Hahaha! Baboy mo! 

At dahil mabait akong kaibigan,  syempre gagawin ko no. Minsan lang magka-crush si Yem na kilala ko eh. Pero di pa rin talaga ako makapaniwala na yung katabi ko ay yung crush niya. Shemay, what a small world nga naman oh!

"Chris!" tumingin naman agad siya sa akin.

"Oh? Di ka na ba nakakatakot?" saka ko napansin na lumayo pala siya sa akin ng mga kalahating metro. Aba?

"Adik ‘to! Pwede favor?" tapos tsaka siya ulit lumapit sa akin.

"Ano yun? Basta ba madali lang ha!
Pag problems yan sa Math, ay wag mo na akong asaha—"

"Hindi yun! Ano... pwede papicture?" Nakatitig lang siya sa akin for about one minute habang hinihintay ko yung sagot niya.

"Joke ba yan?" Kita niyo 'tong lalaking 'to. Sipain ko rin kaya siya? Mukha ba akong nagjojoke?

"Hindi nga! Dali na, para 'to sa friend ko. Pwede?"

"O-okay." natawa naman ako nung bigla siyang nag-alinlangan. Shet natatawa ako pag naiimagine ko kung anong magiging itsura ni Yem mamaya pag pinakita ko sa kanya 'to!

"Okay, 1, 2, 3!” saka ko pinindot yung phone ko at nakuhanan ko siya ng picture. “Salamat Chris!"

Sa wakas! It’s my turn na asarin mamaya si Yem! Makakaganti na ako! Pero dahil isa akong mabuting kaibigan, may naisip pa akong gawin.

"Chris! Pwedeng isa pa?" pumayag naman agad siya kaya pumilas ako ng isang page sa notebook ko tapos sinulat ko doon yung message: 
YEM ANG GANDA MO!

"Pahawak nito Chris! Ooops! Wag kang gagalaw! Ayan! Ayan todo mo smile mo ha! Okay,salamat ulit!"

May pang-asar na rin ako sa wakas! Grabe ang tagal kong inasam-asam 'tong araw na 'to. Yung may maipantatabla na rin ako sa pang-aasar ni Yem. Buti na lang talaga at hindi na nagtanung-tanong si Chris kung anong pinaggagawa ko sa kanya.

Bigla naman kaming tinawag ni Coach. Kami naman daw ang magpractice. Sabi ko nga kailangan na naming magpractice. Kakalabanin ko sana si Daniel kaso wala na siya. San kaya nagpunta yun?

"Coach, si Daniel po?"

"Ahh may ginagawa eh. Si Bellardo nalang muna ang kalabanin mo Bernardino." tsaka ako tinaboy ni Coach papunta doon sa court. Psh.

Let the practice, begin.

***

OUCH. Grabe ang sakit na ng balikat ko. Pati na yung braso at binti ko. Lintek na practice yun! Walang patawad si Coach! Kulang nalang pati siya kalabanin namin eh!

"Bye Aeisha!"

"Bye guys!"

Kami na ata yung last na lumabas ng gym dahil sa intense practice ni Coach. Gusto niya raw kasi manalo ngayong year. Ngayon ko lang nalaman na three years straight na palang talo ang school namin sa badminton tuwing Sports Fest.
Kaya pala ganun nalang kami i-train ni Coach. Pero masakit talaga sa katawan eh.

Sumakay naman agad ako ng jeep para makauwi na. Gusto ko nang matulog! Sobrang pagod na pagod ako ngayon.
Tapos magpeprepare pa kami para sa birthday ni lola sa linggo. Haaay buhay nga naman!

"Bayad po." inabot ko kaagad yung bayad ko para maidlip muna sa jeep, pero nagulat ako nung biglang may pumatong na ulo sa balikat ko. Pagtingin ko kung sino,

"R-ryde?"


***