***

"R-ryde?" hindi siya sumagot kaya tinignan yung mukha niya na kasalukuyang nakapatong sa balikat ko.

"Uy! Uy!" inaalog-alog ko yung balikat ko pero hindi pa rin siya nagigising.

Teka nga bakit ayaw niya magising? Di kaya pinagtitripan na naman ako neto? Naku pag talaga eto trip-trip lang, papaliparin ko siya sa labas ng jeep! 

Gigisingin ko na sana ulit siya pero nahawakan ko yung noo niya at naramdaman kong mainit yun. Kinapa ko rin yung sarili kong noo at sobrang init nga nung kanya compared sa akin. Bigla naman akong nagpanic.

"Huy Ryde wag ganyan! Huy! Gising ka na!" sinasampal-sampal ko ng mahina yung pisngi niya pero di pa rin nagising. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao sa jeep pero wala akong pakialam! Kinakabahan talaga ako eh. Ano bang nangyari sa lalaking 'to?!

Sinubukan ko ulit siyang gisingin at this time, napalakas ata yung sampal ko. At buti na lang effective atdahil biglang bumukas yung mata niya.

"OH MY GOD BUHAY KA!" hinawakan ko yung mukha niya gamit yung dalawang kamay ko nung nakita kong nagising siya, pero agad ko rin namang tinanggal nung narealize kong ang sagwa pala nung ginawa ko. Shet.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana at hindi ko alam kung bakit parang feeling ko eh nilalagnat rin ako. Di kaya nahawaan agad ako? Grabeng virus naman ng lalaking 'to!

"Para..." napatingin naman ako kay Ryde. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o kakaawaan dahil parang sa akin niya pa sinabi yung 'para' eh. Or more like, parang binulong niya lang. At syempre dahil parehas naman kami ng bababaan ay ako na ang nag-'para' ng malakas. Ngayon ko lang rin narealize, na si manong driver na naman pala yung nasakyan namin. Geez! Medyo nagiging sanay na ako na siya ang laging nakakasakay namin ha, pero ang creepy pa rin talaga eh.

Nauna akong bumaba since ako yung nasa may dulo tapos siya. Muntik na nga siyang matumba eh, buti nahawakan ko yung braso.  Ang sarap sana tawanan neto sa mga panahong 'to kaso naawa naman ako sa kanya.

Nilagay ko yung braso niya sa balikat ko para alalayan siyang maglakad. Hindi ko nga alam kung may sakit ba talaga 'to o lasing? Eh paano, pasuray-suray ring maglakad! Grabe ha! Ang weird niyang magkasakit! Pero ang init talaga niya eh. Sa sobrang init eh feeling ko napapaso ako kahit di siya nadidikit sa akin.

"A-ayos ka lang?" bigla naman akong napailing nung tinanong ko yun. Ano ba naman Aeisha? Halos lantang-gulay na nga tapos itatanong mo pa kung ayos siya? Ay jusko, utak po!

Tahimik lang kaming naglakad habang nakaalalay ako sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko 'to ginagawa eh! Pero siguro dahil mabait lang talaga akong bata. Hahaha! Pero in fairness, medyo hindi awkward.

Tsaka ko naman narealize...

"Wait... wag mong sabihing ihahatid kita sa inyo?!" napatigil ako bigla nung nasabi ko yun. Eh hindi ko nga alam yung bahay nila eh! At ayoko namang maglakad ngayong gabi! Hindi nga ako mag-isa pero mukha namang zombie 'tong kasama ko! Eh di parang wala rin! Katakot kaya! Lalo na at may mga nag-iinuman na naman sa may gilid.

Hindi siya nagsasalita at feeling ko ay hindi niya kayang magsalita. Feeling ko nga anytime ay hihimatayin na siya eh. At dahil nabubuhay na naman ang panic sa utak ko, binuksan ko kaagad yung pinto (buti nalang di pa nila nilolock) ng bahay namin.

Agad-agad namang bumungad sa akin si Yem na nalaglag pa yung toothbrush sa bibig niya nung nakita niya akong dumating na kasama si Ryde.

"OMG Poleng! Bakit mo tinanan si Ryde?!— OUCH!" tinadyakan ko nga. Kitang seryoso na nga yung sitwasyon, mantitrip pa 'tong babaeng 'to.

"Asan si lola tsaka si Aera?" tanong ko sa kanya habang inaalalayan ko si Ryde na ilagay doon sa sofa.
Pagtingin ko, nakatulog na ata.

"Tulog na. Excited daw sila sa birthday party bukas. Adik rin yung si lola eh, kung maexcite parang bata." tsaka siya umiling-iling tapos tumawa.

"Haaay buti naman. Di ko alam ang sasabihin ko kapag nakita nila na may kasama akong lalaki pauwi."

"Eh bakit nga kasi tinanan mo si R--"

"Sige isa pa Yem, bubugbugin kita." sabi ko nalang sa kanya tsaka ko siya sinamaan ng tingin.

"Sabi ko nga tatahimik na ako.
Eh ano ba kasing nangyari dyan?"

Tinignan lang namin si Ryde na natutulog ngayon sa sofa. Ang cute niya pala pag tulog. Parang anghel lang ang itsura. Sana lagi nalang siyang tulog para masaya. Pag kasi bukas yung mata iya eh para siyang demonyo.

"Ewan ko. Bigla nalang nawalan ng malay kanina sa balikat ko eh."

Pagkasabi ko nun eh tinignan na ako ng nakakaloko ni Yem. Wala naman akong nagawa kundi ikwento sa kanya yung buong pangyayari at mahirap na, baka may ma-form pang istorya yan sa utak niya. Pustahan, pag kinuwento niya ‘to kina Aera at lola, marami na namang madadagdag.

After kong ikwento sa kanya ay kumuha ako ng Biogesic sa may lalagyanan namin ng gamot tapos pinilit ko siyang gisingin para uminom. Umupo ako sa may ulunan niya tapos pinainom ko siya ng gamot. Naglagay na rin ako ng unan at kumot para naman kumportable siya.

"Wow Poleng, pwede ka nang mag-asawa! Hahahaha!"

"Hahaha." sarcastic kong tawa sa kanya. Tsaka ko naman biglang naalala yung picture ni Chris at nagform na naman ng mala-demonyong smile ang bibig ko. Ipapakita ko na sana sa kanya kaso bigla kaming napatingin kay Ryde dahil naggroan siya.

"L-Lin... L-Lin."

Nagkatinginan naman kami ni Yem at napakunot yung noo namin. Lin? Ano yun? Tapos nagulat ako nung biglang nag-OMG si Yem ng malakas.

"Oh bakit? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya dahil para siyang nakakita ng something.

"Lin!" sabay tingin niya sa akin. Okay.
Lin nga yung sinabi ni Ryde? Ano naman?

"Oo nga. Anong meron dun?"

"Ang slow mo talaga minsan no Poleng? Hello? Lin? Pauline? Lin? Pauline? Gets?"

Bigla namang bumagal yung pagprocess ng information sa utak ko. Lin? Pauline? Okaaaaaay. No way.
 

"Ayiiieee Poleng! Lumelevel-up ka na ha!
Napapanaginipan ka na ngayon ni Ryde! Hahaha! Yiiieee uuyy kinikilig yan!"

"Hay naku corny mo talaga ever! Porke Lin, Pauline agad? Ewan ko sa'yo. Matulog na nga rin tayo."

Nauna akong pumunta sa may kama dahil bigla na namang kinilabutan yung pisngi ko.
Pagtingin ko sa salamin, para akong kamatis na namamaga. Great! Hah! Ako? Napapanaginipan niya? IMPOSIBLE! Kung nasa panaginip niya man ako, siguro kaaway niya ako doon o kaya minamanyak na naman niya ako...

Ay naku Aeisha! Matulog ka na nga! Maaga ka pa bukas!

***

"Huy Poleng! Gising na! Marami pa tayong gagawin!" naalimpungatan naman ako nung marinig ko yung boses ni Yem. Tsk. Inaantok pa ako eh! Pero wala naman akong nagawa kundi tumayo at maghilamos. Pero saka ko lang naalala...

"Si Ryde?!"

"Asus! Umagang-umaga yung lalaking yun agad ang hinahanap mo! Ikaw ha, nakakahalata na ako sa'yo!"sabay tingin sa akin ng nakakaloko. Psh. Baliw talaga 'tong babaeng 'to eh. Lahat nalang ng bagay nilalagyan ng malisya.

"Gaga. Syempre no, mamaya ako pa sisihin pag may nangyaring masama dun!" sabi ko nalang sa kanya.

"Bakit girlfriend ka ba niya?"

"Yuck! Hindi no! Naku Yem tantanan mo nga ako!" tapos tinawanan niya lang ako.
Aish! Kainis lagi nalang akong talo sa asaran pagdating dun sa lecheng lalaking yun!

"Oh eto po. Nag-iwan siya ng note. Maaga atang umalis." sabay abot niya sa akin ng maliit na papel. Binasa ko naman yung sobrang habang note na sinulat ni Ryde.

'THANKS.'

Grabe napagod talaga akong basahin. Halos ten minutes akong nagbasa. Grabe talaga. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o madidisappoint eh. Tss. Hayaan na nga!

Naligo naman agad ako at kumain na rin ng breakfast.
Si lola at Aera ay tulog pa rin. Sabagay, 5 AM palang naman. Well, mamimili kasi kami ni Yem ng panghanda para kay lola kaya dapat maaga kami sa pagpunta sa palengke at bibili pa daw siya ng gift niya. Yung gift ko naman ay nabili ko na nung pumunta ako ng SM at nasa lalagyanan ko lang naman yun ng damit nakatago.

After naming mamili ay umuwi rin kami agad. Sa kabutihang-palad ay tulog pa rin silang dalawa. Masyado ata silang napagod sa paghaharutan nila kahapon (sabi ni Yem). Kaya naman kami ni Yem ay nagluto na ng kung anu-ano. Ako eh nagprepare ng spaghetti tapos si Yem naman eh naghahanda ng baboy for barbeque mamaya.

Nung bandang 1o AM eh nagising na rin silag dalawa. Tapos sabay naming binati si lola ng 'Happy Birthday!' at nakakatuwa dahil kahit alam niyang may party eh naiyak pa rin siya.

"Ay salamat mga apo. Kaybabait niyo talaga!" sabay pahid niya ng luha niya.

"Naku lola! Ikaw pa! Malakas ka sa amin eh!" banat naman ni Yem.

"Lola Roma! Dalaga ka na!
Hahahaha!" banat din ng kapatid ko.

Inentertain muna nilang dalawa si lola habang ako ay naiwan sa kusina para magluto.
Narinig ko nalang na nagkakantahan na sila. Meron kasi kaming Magic Sing na galing sa tatay ni Yem. Natatawa nga ako dahil kumakanta na naman si Aera ng 'Bad Romance' tapos tumatawa siya pag yung part na ng 'Roma-Ro-ma-ma'. Hahaha! Baliw na bata!

Nung mga bandang 6 PM na ay nagsikainan na rin kami. Tapos tuloy pa rin sila sa kantahan. Inaaya nga nila ako eh kaso ayaw ko talaga dahil hindi naman ako magaling kumanta. Mamaya mabasag pa yung bintana namin.

Pagpasok ko sa kwarto ay si Yem yung kumakanta. Dapat nga naiinsecure ako dito dahil ang ganda-ganda ng boses eh! Pero dahil nga kasi mabait ako, pinagmamalaki ko pa yan! Tsk. Kaya dapat pag sumikat 'to ako ang manager.

"It's her hair and her eyes today 
That just simply take me away 
And the feeling that I'm falling further in love 
Makes me shiver but in a good way"

Ang cute lang kasi ginagawang point of view ng babae ni Yem yung singer. I mean, ginagawa niyang he yung she at yung iba pa. Feel na feel niya nga eh! Nakikisway nalang ako kay lola at Aera na takam na takam sa barbeque.
Mag-chef nalang kaya ako? Mukhang maganda ang future ko sa pagluluto eh.

"All the times I have sat and stared 
As he thoughtfully thumbs through his hair 
And he purses her lips, bats his eyes and he plays, 
With me sitting there slack-jawed and nothing to say "

Tapos nakaisip naman ako ng isang magandang trick para asarin si Yem. Pumunta ako doon malapit sa TV tapos ginawa kong wallpaper ng phone ko yung picture ni Chris. Si Yem naman ay nanlaki yung mata at matawa-tawa habang kinakanta yung chorus! Hahaha! Di ko alam kung dahil lang ba sa projection ng TV kaya mapula yung mukha niya o dahil kinikilig siya.

“Cause I love him with all that I am 
And my voice shakes along with my hands 
Cause he's all that I see and he's all that I need 
And I'm out of my league once again"

Nagkantahan lang sila doong tatlo habang ako ay nakikinig lang sa kanila. Feeling ko nga eh everytime na si lola o kaya si Aera ang hahawak ng mic eh madudurog yung eardrums ko. Jusko, ang wiwild ng mga pinipili nilang kanta! Nagulat nga ako kanina at si lola ay pinili yung "Alone". Gusto ko nang tumalon sa bintana para magpakamatay pero naalala kong hindi pala ako mamatay doon dahil ground floor lang ang bahay namin.

Pero natawa talaga ako ng todo nung nagduet si lola at Aera sa "Careless Whisper" eh. Hahaha! Jusko halos mamatay na ako sa sakit ng tiyan! Actually kaming dalawa ni Yem ay naiiyak na dahil gumigiling-giling silang dalawa doon at feel na feel talaga nila! Tapos isa pa 'tong si Yem na may pagkabaliw, eh nakisali na din doon sa dalawa! Grabe, feeling ko mamamatay ako kakatawa kanina!

At dahil hindi ko na matake yung pagwawala nilang tatlo doon (mas malala pa sila sa mga lasing promise!), lumabas muna ako ng bahay para magpahangin saglit. Kumuha na rin ako ng dalawang barbeque para makain ko doon sa labas.

Umupo ako sa may malaking bato sa harap ng bahay namin. Haaay. Ang sarap ng hangin dito! Ang lamig! Tapos ang daming stars!

"Gabi na hija, bakit andito ka pa sa labas?"

"OH MY GOD!"

Napaatras talaga ako ng limang metro nung may marinig akong nagsalita sa gilid ko. Pagtingin ko...

"Teka, di ba po kayo yung jeepney driver na lagi kong nasasakyan yung jeep?!" grabe ha! Di kaya stalker ko talaga 'tong matandang 'to?! Nakakatakot na siya ha! 

Tumawa naman siya ng mahinahon. Ewan ko lang ha, pero nabawasan yung pagiging creepy niya nung tumawa siya.

"Pasensya ka na. Oh sige alis na ako. Nagpapahangin lang ako dito at di naman sinasadyang nakita kita." tapos ngumiti ulit siya sa akin. Para namang naguilty ako bigla dahil sa pagsigaw ko kay manong. Feeling ko naman mabait siya eh. Pero siguro creepy rin siya.

"Ah manong wait lang! Eto po oh. Sa inyo nalang." tumayo ako tapos inabot ko yung isang barbeque na hawak ko. Ewan ko kung bakit, pero siguro pambayad na rin para sa kabastusang ginawa ko kanina. Sinigawan ko siya eh. Kakahiya kaya.

Nagulat naman siya sa ginawa ko. Tapos bigla siyang ngumiti. Bakit ba pag ngumingiti siya eh parang may kakaiba? Hindi creepy eh. Pero pag nakakasakay ko siya sa jeep, dun na nagiging creepy.

"Salamat." tapos tumalikod na ulit siya sa akin. Pero humarap ulit siya. "Kasingganda at kasingbait mo talaga si Paula. Sige."

Bigla akong napatigil sa paghinga at napatayo lang doon habang pinapanood na lumayo si manong mula sa akin.
This time, kinilabutan na talaga ako. 

Paula. That's the name of my mother.


***