***

"Oo nga! Kilala niya si Mama!"

"Eh paano naman nangyari yun?"

"Aba ewan ko! Natameme nga lang ako kagabi nung sinabi niya yung pangalan ni Mama eh.
Tapos kinilabutan talaga ako."

"Baka naman kakilala lang ng Mama mo?"

Umaakyat na kami ni Yem sa hagdan papuntang room at naikwento ko sa kanya kagabi yung nangyari sa labas ng bahay. Hanggang ngayon ay may hangover pa rin kami sa pagkukwentuhan. Paano ba naman kasi si Manong, masyadong ginulo yung utak ko! 

Actually kanina, inabangan namin siya doon sa terminal ng jeep para doon sumakay. Pero dahil nakikiayon ang tadhana, hindi namin siya nakita o naabutan. Malelate na kasi kami kapag hinintay pa talaga namin siya. May quiz pa naman kami sa MAPEH ngayon. Teka...

"Ay gagi Yem may quiz tayo sa MAPEH! Tae nakalimutan kong mag-aral!" 

"Oo nga pala! Tanga mo talaga! Di mo pinaalala kagabi!"

"Wow thank you, natanga pa ako!"

"You're welcome! Tanga ka naman talaga!"

Nagmadali kaming pumunta sa room. Pagkaupung-pagkaupo namin ay binuklat namin agad yung MAPEH book at nag-aral tungkol sa Music. Kainis naman kasi eh, hindi naman major 'tong subject na 'to pero pamajor si Ma'am!

Napatingin naman ako sa pintuan dahil feeling ko ay dadating na si Ma'am anytime. Kaso pagtingin ko, iba ang nakita ko. Sabay yatang pumasok si Ryde tsaka yung impaktitang Serene na yun. Nagbye siya kay Ryde nung nasa tapat na sila ng room tapos dumiretso siya doon sa dulong room dahil doon yung section two. Si Ryde naman, biglang tumingin sa side namin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

Bigla ko namang binalik yung tingin ko doon sa libro. Shet na yan! Kinabahan ako bigla! Kasi naman may patingin-tingin pang nalalaman! Tusukin ko mata niya eh! Tsk.

Pero okay na kaya siya? Baka mamaya pumasok 'tong bakulaw na 'to tapos may lagnat pa pala siya. Pero anong pakialam ko sa kanya? Tsk. Ano ba Aeisha?! Mag-aral ka na nga lang!

"Okay ka na?"

Oh packing tape! Nung dumaan siya sa gilid ko ay biglang nag-automatic function yung bibig ko! Anak ng kadaldalan naman oh! Nakakahiya!

Napatingin siya sa akin at huminto siya doon sa gilid ko. Ako naman ay parang nawawalan ng oxygen sa katawan. 

"Yeah. Thanks." Tapos ngumiti siya. Ngumiti siya!

OH MY GULAY! NGUMITI ULIT SIYA! Pang-apat na beses ko na siyang nakikitang ngumiti at promise, kinikilabutan ako! Di talaga ako sanay!

Pati mga kaklase ko ay nagulat. Paano ko nalaman? Eh paano ang lakas nilang mag-gasp. Lalo na yung mga babae. Tapos may mga ipit pa na boses na narinig kong nagsalita,
 'OMG ang gwapo niya pala talaga kapag nakasmile!

Parang umiikot na naman yung tiyan ko.
Pero di naman ako natatae. Ano ba naman yan! Kainis naman kasi bakit siya ngumiti?! Wala na! Di na ako makapag-aral! Walang hiyang lalaking 'to. Ang lakas ng epekto. Bwisit. Buti pa si Yem, nakakapag-aral ng maay—

"HOY! Akala ko pa naman nag-aaral ka!"

"Ahh? Hehehe."

Putek. Akala ko nag-aaral talaga. Pagsilip ko sa loob ng libro niya ay nakatago yung cellphone tapos tinitignan niya lang yung wallpaper. At siguro naman alam niyo na kung sino yun? Sabi ko na nga ba, dapat di ko na sinend sa kanya yung picture ni Chris eh.

Maya-maya, dumating na si Ma'am at syempre, nag-quiz kami. Sana nga lang tama yung mga pinagsasagot ko doon. Yung 
Noh at Gamelan lang ang sigurado ko eh, tapos yung iba hula-hula nalang. Aba malay ko naman kasi sa music ng ibang bansa?

Tapos as usual, walang kamatayang pagrereview sa ibang subjects. Kasi nga sa Wednesday na yung periodical exam namin tapos hanggang Friday pa yun. Tapos sa Friday ay yung Sports and Music Festival. Oh di ba? Patayan lang ang trip ng school na 'to. Buti nalang yung ibang teachers namin ay mabait at ‘di na umattend ng klase. Gamitin daw namin yung time na yun para magreview. Pero syempre, ano ba naman ang aasahan mo sa mga kaklase ko? Ayun, kanya-kanyang business sa vacant time. Yung iba naglabas ng laptop tapos kung anu-anong pinaglalaro.
Yung iba naman nagbabatuhan ng papel. Si Yem naman, lumabas muna para daw kausapin yung trainor nila para sa laban nila sa Friday sa Fest.

Ako naman eh hindi makapagreview sa room dahil ang ingay-ingay kaya lumabas ako ng room dala yung notebook ko sa Filipino tapos yung libro ng El Fili.
Naglakad-lakad ako sa corridor tapos bumaba ako ng hagdan. Ay naku saan ba ako magrereview? Ang iingay ng mga tao. Minsan na nga lang ako magreview nang matiwasay eh!

Tsaka ko naman naalala, pwede akong magreview doon sa likod ng school! Tahimik doon! Tama! Ang galing ko talaga!

Nagmadali ako papunta doon sa likod. As usual, nagbalu-baluktot na naman ako ng katawan para makapasok doon na hinaharangan ng barbed wires. Tapos tumakbo ako papunta sa may puno. Hay salamat! Makakapagreview din!

Umupo na ako doon at binuksan ko yung notebook ko sa Filipino.
Ito talaga ang ayaw ko sa Filipino eh—mga talasalitaan. Dumudugo ang ilong ko sa sobrang lalim.

"Sino si Elias?"

"AY KALABAW KA!"

Nabitawan ko yung notebook ko sa sobrang gulat doon sa nagsalita. At sino pa bang hayup ang pumupunta dito bukod sa akin?
At teka, kailan pa siya andyan sa likod ng puno? Parang nung pagkaalis ko, nandoon pa siya sa room ah?

"Ang saya mo rin eh no?"

"Syempre."

Hindi ko alam kung anong meron sa aming dalawa. Ang gulo eh. Pag kaming dalawa lang ang magkasama, akala mo parang magkaibigan kami na magkaaway. Pero pag naman may mga kasama kaming ibang tao o nasa loob kami ng school ay strangers lang ang turingan namin, or classmates.

Tapos bigla kong naalala yung nangyari sa room. Shet. Nabubuhay na naman ang kahihiyan sa katawan ko!

"Salamat nga pala."

Napataas naman yung kilay ko sa kanya. Di ba siya nagsasawa kakasalamat?

"Pangatlong beses ka na nagpapasalamat. Di ka naman masyadong thankful no?"

"Technically, dalawa pa lang. Yung sa room kanina, hindi yun kusa. Nagtanong ka eh. Wala akong choice kundi sumagot."

Arte pa! May pa-technically-technically pa siyang nalalaman! Tss. Saka ko naman napansin, bakit parang ang haba ng mga sinasabi niya ngayon? Wow ha, nag-iimprove!

"May tanong ako," tapos binaba ko muna yung notebook ko dahil alam kong di ako makakapagreview kapag may kausap.

"Hmm?" tapos tinaasan niya rin ako ng kilay.

"Ahm, ba-bakit ka ganyan? I mean...bakit ka nagbago?"

Hindi ko alam kung anong meron sa akin, pero gusto ko talagang malaman kung anong nangyari.
Lately kasi parang ang labo ng mga pangyayari sa paligid ko eh. Yung mga naririnig ko about him, yung kay manong driver, kay Serene, at kay Daniel. Ewan ko. Ang labo masyado ng mga nangyayari. Alam kong wala akong karapatang magtanong pero nacucurious talaga ako sa kanya.

Biglang sumeryoso yung mukha niya. Yung famous expressionless face niya at nakatingin lang rin siya sa mga mata ko. Pinilit kong wag putulin yung connection kahit ang awkward na

"That's none of your business."

Then nagsimula na siyang maglakad palayo. Okay. I have crossed the line. Sabi ko nga masyadong personal yung tanong ko. Hay. Tinignan ko lang siyang lumusot doon sa barbed wires na walang kahirap-hirap. Tapos nung mawala na siya sa paningin ko ay nagsimula na ulit akong magreview.

***

"Ang gaga mo talaga forever! Akala ko kinidnap ka na ni Jin mo eh. I mean, baka tinanan ka na rin niya. Hahaha!"

"Tanan sa school? Anong nilaklak mo kanina Yem? Umamin ka nga?"

Ang lakas talaga ng topak nitong si Yem eh. Inaasar na naman ako. Eh paano kasi di ako nakabalik ng room bago yung last subject namin dahil nakatulog ako sa pagrereview. Puro damo nga yung ulo ko nun eh pero nagawa ko namang tanggalin. Kaya ayun, akala niya nawawala na ako.

Uwian na nga pala at palabas na kami ng gate nung biglang may humarang sa amin.

"You!" nagulat ako nung dinuro ako ni Serene.

"Ako?" tinuro ko rin yung sarili ko.
Ano na namang problema niya sa akin?

"Pwede ba? Layuan mo si Ryde!"

Kumunot naman yung noo ko. Bakit ba ang laki ng galit ng babaeng 'to sa akin? Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Akala mo lahat ng salitang lalabas sa bibig niya ay susundin ng mga tao.

"At bakit naman kita susundin? Nanay ba kita? Ikaw ba ang nagpapakain sa akin tatlong beses sa isang araw? Hindi ‘di ba? So get lost," tsaka ko binunggo yung balikat niya. Napikon na talaga ako sa kanya eh. Dati niya pa ako ginaganito. Nakakainis na.

Pero nagulat ako nung hinablot niya yung buhok ko ng sobrang lakas.

"OUCH! Ano ba?!"

"Layuan mo siya sabi! Wag na wag mo siyang lalapitan! I'm warning you!" Hindi ko na napakinggan yung iba niyang sinasabi dahil sinunggaban ko na rin yung buhok niya. Si Yem naman nakisabunot na rin imbes na awatin kami.

"—si Ryde!" Wala na talaga akong maintindihan. Basta ang alam ko lang ay kailangan ko rin siyang sabunutan! Hindi lang dapat ako ang nasasaktan!

"Wala akong pakialam!" tsaka ako lumambitin sa buhok niya. Narinig ko naman na umiiyak na siya. Tapos naramdaman kong may mga humahawak sa kamay, balikat, likod at bewang ko. Yun pala ay may mga umaawat na sa amin.

"Bitiwan niyo nga ako! Ano ba?!" tsaka ko kinalas yung sarili ko sa mga umawat sa akin.
Naiiyak na rin ako sa frustration. Naiinis ako. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa kanilang lahat! 

"O-ouch. M-my hair," narinig kong sabi ni Serene at nagiiyak-iyak siya sa harapan ko habang nakahawak sa kanya si Daniel at Ryde.
Sila yung umawat sa kanya. Ewan ko pero lalo akong nainis, at hindi ko alam kung bakit.

Sakto namang nakatingin ako sa kanila nung tumingin rin sila sa akin. At hindi ko gusto ang expression nilang parehas.

"Anong ginawa mo Aeisha?" tanong sa akin ni Daniel at lalo lang kumulo yung dugo ko. Bakit ba parang ako pa yung may kasalanan?!

"Ginawa ko yung tama."

"Anong tama sa pakikipagsabunutan, Aeisha?!" nagulat ako nung sinigawan niya ako. I mean, bakit ganun? 
Ang sakit.

"Anong tama? Bakit sa akin mo tinatanong? Itanong mo dyan sa babaeng yan kung anong tama sa pakikipagsabunutan! Bakit ba ako yung sinisisi mo?! Ako ba yung nauna?!"

"Pero Aeisha, alam mo namang mali, ginatungan mo pa! Gumanti ka pa!"

"Eh anong gusto mong gawin ko?! Hayaan na lang siya na lagasin lahat ng buhok ko?! Ha, Daniel?!" Napasigaw na rin ako sa sobrang inis sa mga nangyayari.
Tapos makikita ko na si Serene eh mapiyak-iyak nalang doon sa tabi?! 

"Pero dapat di mo pa rin ginawa." This time, si Ryde naman ang nagsalita at nakatingin lang rin siya sa akin. Ngayon, napuno na talaga ako. Namumuo na yung luha sa gilid ng mata ko. Si Yem naman ay nakaalalay lang sa akin. Ang daming estudyante na rin yung nakikiusyoso.

“Oh sige na ako na ang mali! Siya na ang tama! Sige, ayos lang sa akin na masaktan basta huwag lang akong gumanti! Yan ba ang gusto niyo?! Sige, magsama-sama kayong tatlo! Pare-pareho lang kayo! Tinatago ang totoong ugali! Sige lang! Ipagtanggol niyo ‘yang bwisit na babaeng yan! Pagkatapos niya akong ilaglag sa hagda, batuhin ng raketa at sabunutan?! Oo ako ang mali! Bwisit! Bwisit kayong lahat!” tsaka ako tumakbo palayo doon. Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay bumagsak yung luha sa mga mata ko. Tinatawag ako ni Yem pero hindi ko siya pinansin. Buti nalang at mas mabilis akong tumakbo sa kanya kaya nakalayo agad ako. 

Nakakainis. Bakit ako pa ang mali? Mali ba yung ginawa ko? Mali bang ipagtanggol ko yung sarili ko?

Ang sakit kasi. Ang sakit na sa kanilang dalawa pa nanggaling, dahil bukod kay Yem, sila yung lagi kong nakakasama. Ang sakit manggaling sa bibig nila.

Huminto ako sa pagtakbo nung nakaramdam ako ng pagod. Hindi ko alam kung nasaan na ako. Ang alam ko lang ay tumakbo ako nang tumakbo. Napaupo ako sa may sidewalk at saka umiyak ulit. Hindi ko sila maintindihang lahat. Bakit ba pilit nilang kinakampihan si Serene?

"Mukhang kailangan mo ito, hija."

Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Manong.
Binibigyan niya ako ng bimpo tapos ngumiti lang siya sa akin. Pero imbes na kunin ko yung bimpo na inaabot niya, tumayo ako tapos niyakap ko siya.


***