***

"Ayos ka na ba hija?"
"Opo. S-sige po, salamat. Sorry rin po sa istorbo."

Tumayo naman agad ako at lumakad palayo kay Manong. Nakakahiya. Feeling close ako sa kanya! Pero buti 'di siya nagreklamo. Nakakainis kasi talaga kanina eh. Pero medyo kumalma naman na ako. Eh paano kasi nagjojoke si Manong kanina. Actually di naman nakakatawa eh, pero natatawa pa rin ako kasi ang corny.

Naglakad ako pauwi. Medyo madilim na rin nun. Gusto nga akong ihatid ni Manong pero sabi ko nalang ay may dadaanan pa ako. Pero in fairness ha, para ngang stalker ko si Manong. At least, di na siya masyadong creepy.

Buti nga at di ako masyadong naligaw pauwi. Paano hindi ko naman kasi talaga alam kung paano ako napunta doon eh. Basta tumakbo lang ako. Ay naku. May pagkaadik-adik rin pala ako minsan, ano?

Nung dumating na ako doon sa kanto namin, lumuwag na yung pakiramdam ko dahil alam kong successful ang pag-uwi ko. I mean, hindi ako naligaw!

"Kanina pa kita hinihintay."
"Ay pusa!"

OH MY GOD. Bakit nandito si Ryde? Nakakainis!

Tumalikod ako bigla at sinimulan kong maglakad palayo sa kanya. Naaalala ko lang kasi yung nangyari kanina. Ewan ko pero parang biglang bumigat ulit yung pakiramdam ko. Kaso bigla akong napatigil nung may humawak sa braso ko. Hinarap ko naman siya.


"Ano ba?!" Pinilit kong tanggalin yung kamay niya sa braso ko kaso ang higpit masyado ng hawak niya. Actually, namumula na yung spot na hinahawakan niya at medyo masakit na, pero di ko nalang sinabi dahil naiinis talaga ako sa kanya ngayon.

"Mag-usap tayo." Napahinto naman ako sa pagpupumiglas. Parang lalo lang nadagdagan yung galit ko sa kanya.


"Wala naman tayong pag-uusapan Ryde. Hindi naman tayo magkaibigan. Hindi naman tayo nag-uusap dati. At higit sa lahat, hindi naman kita kilala. Kaya pwede ba? Bitiwan mo ako?"

Tama lang naman yung sinabi ko di ba? Hindi naman kami close. Naging connected lang naman kami dahil kaklase ko siya at lagi ko siyang nakakasabay sa jeep, tapos pareho pa kami ng tambayan. Pero ewan ko, parang labag rin sa loob ko na sabihin sa kanya yun. Kaso ayoko namang ako lagi yung kawawa. Ako lagi yung talo.


Biglang lumuwag yung hawak niya sa braso ko kaya hinila ko naman agad yung braso ko. Nakita ko na nakatitig lang siya sa akin pero iniwas ko kaagad yung tingin ko at naglakad na papunta sa bahay. Pero napahinto ako nung nagsalita siya.

"Hindi naman sa lahat ng oras, alam natin kung ano ang tama at mali."


Hindi ako lumingon sa kanya pero bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Hindi ko naman naintindihan yung ibig niyang sabihin doon. Siguro makalipas ang 10 seconds ay lumingon rin ako sa likuran ko. Pero paglingon ko, wala na siya doon. Tss. Bakit ba kasi ako lumingon?

Tinuloy ko nalang ulit yung paglakad ko pauwi sa bahay. Pagdating ko doon sa harap ng bahay, nakita ko si Yem na nakaupo sa may pintuan. Bigla naman siyang napatingala nung makita niya ako.


"Poleng?" Pinilit ko namang ngumiti. Bigla naman siyang tumayo tapos niyakap ako. "Nakakainis ka!" Nagulat nalang ako nung umiiyak na siya sa balikat ko. "Akala mo ba walang nag-aalala sayo? Bakit ba bigla-bigla ka nalang tumakbo? Ni hindi mo man lang ako hinintay! Hindi ko alam kung...kung saan ka nagpunta...akala ko...akala ko...may nangyari nang masama sayo! T-tapos di mo pa sinasagot yung mga tawag ko! Nakakainis ka talaga! Para saan pa yung pagiging magbest friend natin kung lagi mo naman akong iniiwan?!" tapos umiyak na siya nang umiyak doon habang yakap-yakap ako. Hindi ko rin naman mapigilang di umiyak.

"S-sorry Yem. Hindi ko naman gustong iwan ka doon eh."

"Kahit na. Ayokong ikaw lang yung may problema! Pwede mo naman kasing i-share...best friend mo ako eh."


"Sorry."


"Tara na nga sa loob. Para tayong timang dito," tapos tumawa siya. Natawa rin naman ako nun. Nakakagaan lang kasi sa feeling. Na at least, may isang taong handa akong kampihan, kahit ano pa ang mangyari. May isang taong hindi ako iiwan kahit anong mangyari. At least may best friend ako, may kapatid at may instant lola na kakampi.

Nagulat ako nung pagpasok namin ay niyakap rin ako ni Aera at Lola. Tsaka ko nalaman na kinwento pala ni Yem yung nangyari pero hindi detailed. Basta sinabi niya lang na nagwalk-out something daw ako.


"Dumadrama na naman kayo mga apo ha."
"Sorry na po lola. Tara na nga, kain na tayo."

Kumain naman kami nang sabay-sabay. Tapos nakakatuwa lang kasi nahahalata kong pinapatawa nila akong tatlo. Pero imbes na tumawa ako ay naiyak ako bigla kasi natatouch talaga ako sa ginagawa nila.


After nun ay nagsimula na akong magbuklat ng notes. Grabe. Ang kapal pala ng mukha kong magdrama kanina, samantalang periodical exam na pala namin bukas.

"Ayoko talaga nitong El Fili! Nalulunod ako sa sobrang lalim!"
"Ikaw lang ba? Hindi ko nga alam yung meaning ng tistisin eh. Ano ba yun?"

Eh sa hindi ko talaga alam! Tsk. Si Ginoo pa naman pag nagpaquiz or exam, may kasamang talasalitaan lagi. Ito naman si Yem, wala ring pakinabang. Di rin naman masagot yung mga tinatanong ko sa kanya.


"Grabe. Ano ba kasing silbi ni Simon at Elias sa buhay ko? Buti sana kung si Chris yan!" Napatingin naman ako sa kanya.

"Ang landi mong babae ka! At saka at least si Simon tsaka si Elias, may napatunayan na. Di tulad ng ibang lalaki dyan," tsaka ako bumalik sa pagbabasa.

"Excuse me? Crush lang yun no! Crush lang! Masyado mo namang sineseryoso!"


"Weh? Crush lang, your face!"

"Utot mo. Mag-aral ka nga dyan Poleng! Wag kang istorbo!"

"Landi mo talaga forever!"


"Che!"


Tinuloy ulit namin yung pag-aaral pero every 15 minutes ata ay nagdadaldalan kami. At in all fairness, di ko pa rin talaga alam ang meaning ng tistisin. Kainis na yan! Feeling ko talaga lalabas yun sa exam eh! At dahil desperada na akong malaman ang meaning nun, tinext ko si Danica, yung kaklase namin, kung anong meaning nun.

"Oh ano alam mo na meaning?"


"Di pa. Di pa nagrereply si Danica eh," then tinignan ko yung phone ko. Kaso pagtingin ko, ibang pangalan ang nakita ko na nagtext.

Si Daniel.

Bigla na namang bumigat yung loob ko. Ano naman kayang tinext ng taong 'to? Binuksan ko yung message niya at nagulat na lang ako sa nakalagay.


tistisin - operahan. Aeisha, sorry pala kanina. Sorry talaga.

"OH MY GOD."

"Bakit? Anong meron?" Napatingin ako kay Yem at talagang sobrang shocked yung mukha ko.


"Namali ako ng send! Kay Daniel ko nasend! Hindi kay Danica!"

"Hala teh! Anong sabi?!" bigla niyang inagaw yung phone ko at binasa yung message ni Daniel. Pagkabasa niya ay binalik niya rin agad sa akin.

"Haynaku. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina! Ang sarap niyang kalbuhin!" Ako naman, napayuko nalang. Eto na. Bumabalik na naman yung topic sa nangyari kanina. "Pasalamat siya wala akong nagawa kanina. Ang kapal ng mukha niyang sigaw-sigawan ka. Naku talaga! Pag nakita ko yun, sasampalin ko talaga siya."


"Adik 'to. Wag na." Napatingin naman ulit siya sa akin. Pero bago pa siya magreklamo ay inunahan ko na siyang magsalita. "Hayaan mo silang magsisi sa ginawa nila. Mas mabuti na yung alam nila kung anong tama at mali. Mas maganda yung alam nilang may pagsisihan sila."

Nagreply ako kay Daniel. Yung reply na parang walang emotion at parang cold kapag binasa.


Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry. Kasi merong mga bagay na kailangan ding pagsisihan.

Tapos biglang nagflashback yung sinabi sa akin kanina ni Ryde sa may kanto.

"Hindi naman sa lahat ng oras, alam natin kung ano ang tama at mali."

Siguro nga. Pero dapat sinigurado muna nila yung sitwasyon. Masakit rin kasing masabihan na ikaw yung mali kahit alam mo sa sarili mo na pinagtanggol mo lang yung sarili mo. Humanda talaga sa akin yang Serene na yan. Punung-puno na talaga ako sa kanya.

Sorry siya at 'di ako kasingbait ng ibang babae. Gaganti ako. Promise!


***