.

.

Chapter 37

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

***

"Ten more minutes," sabi ni Ginoo.

Bakit ten minutes nalang?! Ang bilis naman! Wala na talaga akong masagot dito sa Filipino. Pigang-piga na ang utak ko. Baka nga napagpalit-palit ko na yung characters sa El Fili eh. Susme, wag naman sana. Ang tagal-tagal naming nireview 'to ni Yem!

And speaking of Yem, kanina pa siya tapos. Grabe talaga! Nakakaawa ang sitwasyon ko. Sana kasi biniyayaan ako ng matalinong utak. Eh di sana petiks nalang ako ngayon. Please Lord, sana di ako bumagsak.

"Okay, pass your papers."

Wala na. Tiwala lang Aeisha. Nadadaan yan sa tiwala at milagro!

***

"Badtrip teh! Ayoko na, suko na utak ko!" Pagkaupung-pagkaupo ko sa upuan doon sa canteen ay sinubsob ko kaagad yung ulo ko sa mesa.

"Aba, ikaw lang ba? Kanina pa nga sumasakit ulo ko eh!" Napabangon naman ako bigla sa sinabi ni Yem.

"Eh kung sapak-sapakin kaya kita ng kaliwa't kanan, ha Yem? Running for honors ka tapos ganyan ka? Anong pinapalabas mo nyan? Suntukan nalang tayo!"

"Sige ba! Oh game!" sabay tawanan nalang kami dahil nakakasabaw talaga ng utak yung exams. So tapos na ang English at Filipino, MAPEH nalang. Jusme isa pa 'tong subject na 'to. Pa-major din! Ang dami-daming nirereview!

"Oh my golly wow!" Napatingin ulit ako kay Yem. Problema ng babaeng 'to?

"Bakit?"

"Poleng! Si Chris! Oh my gosh! Papunta siya dito! Anong gagawin ko? Aalis ba ako? Magpupulbos? Sisigaw? Ano? Ano? Shet!"

Pffft. Di ko naman napigilang tumawa. Paano paranoid na paranoid siya! Hanggang sa dumating si Chris sa table namin ay aligaga pa rin siya. Pero syempre pumirmi siya sa isang posisyon nung tinignan siya ni Chris.

"Uy Aeisha, pwede ba akong makisabay sa inyo? Nauna na kasing kumain yung barkada ko eh."

"Uhm, okay lang sa akin. Ewan ko lang sa kasama ko," sabay tingin ko kay Yem with matching asar-asar pa. Kinikilig siya! Ampupu!

"Miss, okay lang ba sa'yo?" tapos ngumiti sa kanya si Chris. If I know ay gusto nang mahimatay ni Yem ngayon. Sasabog yan mamaya panigurado!

"Uhm...o-oo. I mean...oo naman," tapos umupo si Chris sa tabi ko. Bale katapat niya si Yem. Pang-apatan kasi 'tong table, so walang katabi si Yem. Syempre, di ko mapigilan yung ngiti ko. Ang sarap lang kasing asarin ni Yem tapos 'tong si Chris naman ay walang kamalay-malay na pinagnanasaan na pala siya ng katapat niya.

"Oo nga pala Chris. Siya pala si Yem, best friend ko. Yem, eto naman si Chris, teammate ko sa badminton."

"Oh hi Yem. Ikaw pala yung best friend ni Aeisha. Nice meeting you!" then nakipagshake hands pa siya kay Yem.

Hindi ko naman napigilang tumawa dahil sa itsura ni Yem. Paano eh para siyang naestatwa na nakakakita ng multo. Shet! Ang panalo ng mukha!

"Bakit ka tumatawa dyang mag-isa Aeisha?" tanong sa akin ni Chris.

"Ha? Hahaha! Wag...haha...mo na akong...pfft...pansinin!"

Hinayaan ko muna sila doong mag-usap habang kinakalma ko yung sarili ko sa pagtawa. Grabe halos maiyak na talaga ako kanina. Ang sakit na rin ng tiyan ko kakatawa. Hayup na Yem yun! Sagwa kasi ng expression niya. Ayan naalala ko na naman tuloy!

Bumili muna ako ng pagkain tapos pumwesto na ako doon sa table namin. Sila naman ang bumili after ko. Actually, close nga agad sila eh. Parang may sarili silang mundo. Sarap sanang sabihan ng 
"Hello! I still exist!"

"Oh talaga? Favorite ko rin ang nilaga! Cool!"
"Wow! Dami nating parehas ha!"

See? Hindi talaga nila ako pinapansin eh. Ang ganda kong display dito ha. Makakain na nga lang.

"Hey." Nagulat ako nung may biglang tumapik sa likod ko kaya nabilaukan ako.

"Hala ka! Huy Poleng! Ayos ka lang?! Oh eto tubig! Huminga ka!" Inabot ko naman agad yung tubig sa kamay ni Yem at saka ko ininom. Nung medyo nalunok ko na yung pagkain ko ay humarap ako sa tumapik sa likod ko.

"Ano bang prob-?!" Oh shet.

"Sorry. Di ko sinasadya. Ayos ka na ba?" Napatalikod nalang ulit ako. Gulay naman oh! Bakit siya nandito?!

"Ayos lang," then tinuloy ko nalang yung pagkain ko.

"Ryde? Wow long time no see." Napatingin naman ako kay Chris. Oo nga pala. Barkada pala sila...dati.

"Yo," tapos bigla niyang tinaas yung kamay niya. W-wait, bakit parang...bakit parang sasapakin niya si Chris?! Hala! Pero nagulat ako nung biglang sinuntok nila yung kamao nila sa isa't isa.

"Whoa! Wow bumabalik ka na sa dati!"

"No." Pero parang di narinig ni Chris si Ryde na nagsalita at hinatak nalang niya bigla paupo sa tabi ni Yem...which means...sa tapat ko.

Ugh Chris! Nakakainis naman eh! Kung kelan iniiwasan at saka lumalabas na parang mushroom! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain! Bahala nga kayo dyan!

Tinuloy ko nalang ulit yung pagkain ko habang silang tatlo ay nag-uusap. Kainis. Imbes na ako ang kausap ni Yem ay si Ryde pa yung kinausap niya. Akala ko ba galit rin siya kay Ryde?! Taksil 'tong babaeng 'to!

Pero nagulat ako nung biglang may naglock sa isa kong binti. Pagtingin ko kay Ryde, nakangiti na naman siya. Shet lang. Bakit ba kapag nakangiti 'tong mokong na 'to ay nakakakilabot? Siguro dahil minsan lang siya ngumiti at hindi ako sanay na makita siyang nakangiti? Pero bakit niya ba iniipit yung binti ko ng mga binti niya?! Anong problema ng isang 'to?! Papansin much?

Pinandilatan ko siya pero di niya ako pinansin at nagbabasa lang siya ng notes niya, habang si Chris at Yem ay nag-uusap pa rin. Hinahatak ko naman yung binti ko pero waepek! Ang lakas makalingkis ng lalaking 'to!

"Ayaw mo ha?" This time, yung free kong binti ay pinangsipa ko sa right leg niya. As in malakas!

"OWW!"

"Oh bakit Ryde? May masakit ba sa'yo?" sabi ko sa kanya with nag-aalalang face pa nung tumingin sa amin si Yem at Chris. Pero nagulat ako nung biglang naramdaman ko na yung dalawang binti ko ay inipit niya ulit sa mga binti niya.

"Wala naman. May kumagat lang atang langgam sa paa ko."

Ayan na naman! Shet! Pano ko na siya masisipa kung parehong nakaipit yung dalawang paa ko?! Nakakainis naman 'tong lalaking 'to eh!

"Inaaccept mo na ba ang sorry ko?" bigla niyang sabi habang ako ay nakayuko pa rin at pinipilit tanggalin yung binti ko sa binti niya.

"Huh?" yun na lang ang nasabi ko. Pero ang totoo niyan ay hindi naman na ako galit sa kanila ni Daniel. Mas galit ako ngayon sa bruhildang Serene na yun, kung nasaan man siya. Napakamaldita kasi ng babaeng yun eh.

Naramdaman ko naman na biglang humigpit yung pagkakaipit ng mga binti ko kaya hindi ko na talaga totally maigalaw. Ugh! Bakit ba ang lakas niya?! Kainis ha!

Nagulat nalang ako nung bigla niyang hinawakan yung chin ko at nilapit sa kanya. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla. Anong gagawin ng isang 'to?! Naririnig ko rin yung mga boses ng tao sa paligid namin pero nagiging faint nalang sila. Hala anong nangyayari sa akin?! Bakit yung tibok lang ng puso ko yung naririnig ko?

"Hindi mo pa rin ako pinapatawad?" sabi niya tapos mas nilapit niya pa yung mukha ko sa mukha niya. Wala naman akong masabi dahil feeling ko ay may nakabara sa lalamunan ko. "Then I shall force you to forgive me."

Nagulat na lang ako nung bigla niyang hinalikan yung noo ko.


***