.

.

Chapter 39

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Hay salamat! Last day na ng exam bukas. Shems bangag na ako!” sabi ni Yem habang nag-iinat.

Katatapos pa lang kasi ng exams namin at utang na loob lang, pigang-piga ang utak ko! Para ngang walang natirang laman eh. Simot. Sinipsip ata ng test papers ko.

“Oy Poleng, mauna ka na. Pinapatawag pala kami sa glee club. Sige babush!” tapos tumakbo siya palayo.


Pauwi na sana ako kaso naisipan kong pumunta sa tambayan ko. Tama. Dun nalang ako magrereview. Wala naman sigurong tao dun. At isa pa, isang nilalang lang naman ang pumupunta doon. Pakiramdam ko naman wala siya doon ngayon eh.

Lumiko ako sa may dulo ng corridor at nakita ko ang malaking puno.
Syempre nag-ala gymnast na naman ako sa paglusot sa mga wires. Bakit ba kasi hindi ako nagtry-out sa gymnastics club? Feeling ko talaga, pwedeng-pwede ako doon eh. Tapos naglakad na ako papunta doon sa malaking puno at sumalampak ako sa damuhan. Whoo ang presko talaga dito! Laging malakas ang hangin! Ang sarap matulog!

“So you came, huh?”

“AY ANAK KA NG—!” napatalon talaga ako ng dalawang metro mula doon sa kinauupuan ko nung may narinig akong nagsalita doon sa likod ng puno. Susme, aatakihin ako sa puso ng wala sa oras!

“Sorry, nagulat ata kita.” Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya. Ata? Ata?!

“Ay grabe Ryde di ako nagulat. Gusto ko lang talagang tumalon,” tapos ngumiti ako sa kanya tsaka ko siya inirapan. Kainis na nilalang na ‘to. Anong akala niya sa expression ko? Hindi nagulat? Ganun na ba kaweird ang pagmumukha ko para di madetermine na nagulat ako?

“Pfft.” Napatingin ako sa kanya dahil nagsnicker siya pero sinupress niya lang yung pagtawa niya. Para namang napunta sa lalamunan ko yung puso ko. Ewan ko lang ha. Nashock lang ako nung ginawa niya yun. Nasasapian ba siya? Nababaliw? Ano? Sabihin niyo nga? Pero ang cute—oh nevermind.

“B-bakit ka nandito?”

“Hmm, well it’s because I found this place first?”

Oo nga no? Shunga, Aeisha. Eh kaya ko lang naman nalaman ‘tong lugar na ‘to dahil sinundan ko siya dati eh. Ang kapal rin ng mukha ko para tanungin kung anong ginagawa niya dito eh no?

“Sit,” tapos tinap niya yung pwesto sa tabi niya. Lumakas na naman yung tibok ng puso ko. Lintek, pumirmi ka, puso!

Di ko alam kung anong nangyari pero parang may sariling isip yung paa ko at umupo ako sa tabi niya. Tae. Sabi ko magrereview ako eh! Ano bang pinaggagawa ko?! Para naman akong aso na sumusunod sa amo niya.

“Sorry.” This time napatingin ako bigla sa kanya tapos naalala ko yung time na yun—nung kinampihan nila si Serene. Biglang nanubig yung mata ko. Leche naman oh. Bakit ko pa kasi inalala yun.

“Di mo rin naman kami masisisi ni Daniel eh. Kaibigan namin si Serene.” Parang bumalik ulit yung bigat ng pakiramdam ko nung mga panahong yun. Ano raw? Kaibigan nila si Serene? Ibig sabihin magkaibigan sila ni Daniel?
Ano? Ang gulo.

“Anong sinasabi m—”

“Just listen, okay?” Bakit niya ba sinasabi sakin ‘to?
Ano namang pakialam ko sa pagkakaibigan nila? Wala akong pakialam no. Wala...

“Pero—”

“We were friends back then. With Chris at nung iba pa,” tapos bigla siyang huminto at para siyang nastroke. Siguro nagrereminisce siya ng moments nila ng barkada niya. Pero di ko maimagine. Si Serene? Hindi siya mukhang friendly. Mukha siyang bitchesa! Walanghiya yung babaeng ‘yun. Di pa ako nakakaganti sa kanya. Nagulat naman ako nung nakatulala pa rin si Ryde. Tinaas ko naman yung tuhod ko tsaka ko niyakap at pinatong yung ulo ko.

“Alam mo, hindi ko naman sinabing sabihin mo sa akin yung past mo. I mean, halata namang may tinatago ka, pero it takes time. Hindi mo dapat pinipilit,” tsaka ko siya nginitian. Pero nagulat ako nung hinawakan niya yung ulo ko tapos ginulo yug buhok ko. “Iba ka talaga.” Para lang akong baliw doon na nafroze sa posisyon ko.

Ewan ko ba, pero pag nandito kami o kaya nasa jeep, parang ang close namin. Parang magkakilala na kami ng matagal na panahon. Alam niyo yung feeling na ganun? Awkward ako sa kanya pag nasa school pero pag nandito, parang kilalang-kilala ko siya. Ewan ko ba. Ganun ang nafifeel ko eh. O baka sadyang nababaliw na ako. Sabihin niyo nga? Nababaliw na ba talaga ako?

Tahimik lang kami doon at nagreview nalang kami sa sarili namin. Oh well, Physics at Values lang naman ang subjects bukas. Okay na yung values eh, pero yung Physics! Mangmang ako dyan. Papaturo nalang ako kay Yem mamaya.

“Naranasan mo na bang…” nabigla na naman ako nung nagsalita siya. Pero this time, di na ako tumalon ng ilang metro. Para lang akong sininok. At least di ba hindi na ako OA magulat?

“Naranasan ko na ang ano?” di niya kasi tinuloy yung tanong niya. Ano kaya yun? Di kaya gusto niya lang kantahin yung kanta ni Villar? Naranasan mo na bang maligo sa dagat ng basura...ay shems di ko alam yung lyrics. Basta yun! Ugh! Ang korni ko!

“Ah wala. Nevermind.”

Ang ewan lang. Pero bakit ganun? Bakit ganito? Ang fleeting ng pakiramdam ko? Parang something na ‘di ko maexplain. Gara. Ang weird ko na.
Ano bang nangyayari sa akin?

Nagreview nalang ulit ako sa Physics.
Kailangan kong ubusin ang pasensya ko dito dahil feeling ko babagsak ako sa subject na ‘to. Ayoko talaga ng Physics!

***

“Hey gising.”

“Hmmm…” Bigla nalang umalog yung buong paligid ko kaya napadilat ako. At paggising ko, mas nashock pa ako sa naabutan ng mata ko.

Nakasandal ako sa kanya.

“Hala sorry!” with super bilis na pagtayo at paglayo ko sa kanya. Shet naman bakit nagkakaganito ang buhay ko? Wala na akong dangal! Nakakahiya lang with feelings!

“Bigla ka nalang nakatulog habang nagrereview,” sabay ayos niya ng gamit niya tapos naggrin siya sa akin sabay tingin sa balikat niya.

Alam niyo yung nakakahiya? Eto yun eh! Eto yun! Nakakainis! Sa lahat naman ng pwedeng matulugan, sa balikat niya pa! Sana talaga hindi nalang ako pumunta dito eh!

“Tara, hatid na kita. Gabi na.”

Buti nalang medyo madilim na nung mga panahong yun. Para kasi akong nabuhusan ng kumukulong tubig eh. Ano daw? Hatid? Anong hatid? Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Bakit siya ganyan ngayon? Anong nangyayari?!

“Huy. Tara na,” sabi niya pero naestatwa talaga ako doon sa pwesto ko eh. Nagulat nalang ako nung bigla nyang hinawakan yung kamay ko tsaka ako hinatak. Wala na talaga ako sa wisyo. Kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko. Feeling ko magkakasakit ako eh. Lord, ano po bang pinaggagawa niyo sa akin? Bakit ako nagkakaganito?

Nakarating naman agad kami sa sakayan ng jeep. At syempre, ano pa nga ba? Si Manong driver ulit yung nasakyan namin. Actually kaming dalawa nga lang yung pasahero eh. Si Ryde na ang nagbayad at nilibre niya rin ako. Sana nga libre yun at hindi niya ako singilin bukas. Napatingin naman ako sa side mirror ni manong, at swear, kahit ‘di ko kakilala si Manong eh ang sarap niyang sugurin! Paano nakangiti siya nang malawak tapos tumingin siya doon sa kamay namin! Eh kasi nakahawak pa rin si Ryde tapos hindi ko matanggal kasi ang higpit ng hawak niya!

Nung nakarating na yung jeep doon sa kanto namin, pumara agad si Ryde at bumaba na kami. Pero bago kami makababa, narinig ko pa si manong na may sinabi. “Parang dati...” ewan ko, yun lang ang narinig ko eh. Baka nag-eemote lang si Manong.

Naglakad lang kami nang tahimik at ako ay sobrang nababaliw na talaga. Feeling ko sasabog ako anytime. Shemay lang talaga, ‘di ko na alam ang gagawin ko. Ni hindi ko nga alam kung anong nangyayari eh!

“Nandito na pala tayo.” Dahil nakayuko ako ay napatingala naman ako. Pagtingin ko, nasa tapat na pala kami ng bahay namin. “Sige,” tapos ngumiti siya tsaka niya ginulo yung buhok ko then naglakad na siya papunta doon sa bahay niya. Ako naman ay nakatingin lang sa likod niya tapos hinawakan ko yung ulo ko. After siguro ng isang minuto, pumasok na ako sa loob. Sakto namang nasa kwarto si Yem at nag-aaral habang tulog na si Aera at Lola.

“Yem, magkakasakit ata ako,” sabi ko sa kanya sabay hawak sa ulo ko.

“Lovenat lang yan! Kita ko kayo sa bintana! Landi may pagulu-gulo pa ng buhok! Pero putek ka kinikilig ako!” tapos tsaka niya ako hinarass at pinilit na ikwento lahat ng nangyari.


***