***

“Aeisha, dalian mo! Malelate na tayo!” halos mawalan na ako ng oxygen sa katatakbo. Nakakapagod!

“Te-teka! Teka lang!” napahawak ako sa tuhod ko sa sobrang pagod.

Bakit ba kasi late na kami nagising?! Pagkagising namin ay 6:30 na at 30 minutes nalang ay malalate na kami. Kaya agad kaming nagbihis. Walang ligo-ligo! Mamaya nalang pag-uwi namin. Naku naman! May quiz pa naman kami sa MAPEH kaya di pwedeng malate! Shet takbo!

“Dalian natin! Ayun na yung gate oh!” halos pasigaw na sabi ni Yem habang tumatakbo pa rin kami palapit sa school.

“Waaah tubig! Shet mamamatay na ako sa sobrang uhaw!” nagawa ko pang magsalita kahit tuyong-tuyo na yung lalamunan ko. Nauuhaw na talaga ako!

Buti nalang nakaabot kami sa school. Muntik pa kaming masaraduhan ng gate ni Budoy. Anak ng tinapa talaga! At buti ay nakaabot kami sa quiz. Tuesday nga pala ngayon, which means Arts kami sa MAPEH. Mahina pa naman ako sa memorization ng mga artist at mga great great work of arts nila. Harujusko, aasa nalang ako sa stock knowledge, kung meron man.

“Pst Aeisha, pahingi akong ¼.” Napangiti naman ako. Akala nyo ako lang ang laging dependent kay Yem ano? Nu-uh-uh. Ako kaya ang supplier sa aming dalawa. Bale ako ang taga-provide ng papel at kung anu-ano pa. Oh di ba? Mutualism ang tawag diyan. Nagbebenefit kaming dalawa. Maya-maya pa ay nagsimula na si Ma’am sa quiz namin.

“Number 1. Identify the artist and the style used.” tapos may pinakita siyang painting. Grabe ang hirap naman! Pero baka expressionism ‘to kasi ang weird ng pagkakagawa eh. Parang lalaking sumisigaw? Ay bahala na nga!

Lumipas ang twenty minutes at ang dami kong nasagutan. Wow lang. Sarcasm overload. Ayoko talaga ng ganito! Ayaw ko ng memorization!

“Okay pass your papers.” Nagtaka naman ako dun pero pinasa ko na rin agad yung papel ko.

Eh? Anong nangyari? Nagkatinginan rin kaagad kami ni Yem. Eh kasi laging naagpapacheck si ma’am sa amin ng quiz namin. I mean, parang exchange paper with your seatmate ang drama pero bakit niya pinapapasa ngayon? Ano yun bigla siyang sinipag magcheck? Oh well, bahala na nga siya.

“Huy! Anong sinagot mo sa number 6?” bigla akong kinalabit ni Yem.

“Ay nako wag mo na nga akong tanungin! Lintek si Picasso nga lang naalala kong painter tsaka si Gogh eh.” mag-aaral na nga akong mag-memorize nang mabuti sa susunod para naman mataas ako sa quiz.

Nung nakolekta na lahat ng quiz namin eh pumwesto si Ma’am sa gitna. “Class, may bago nga pala kayong classmate. Come in Hijo.” At kami naman ay sabay-sabay lumingon doon sa may pintuan.

“Class, si Mr. Rydell Jin Montalbo nga pala from IV-B. He will be your classmate from now on. Mali kasi ang evaluation ng section niya. Dapat talaga ay dito siya sa section na ‘to.”

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nung makita ko yung lalaki sa harapan. Siya?!

“OMG. Aiesha, sabi sa’yo pinaglalapit kayo ng tadhana eh.” Narinig kong sabi ni Yem pero di ko nalang siya pinansin. Anak ng bisugo naman bakit siya andito?!

“Jin nalang. Saan yung upuan ko?” bigla siyang lumingon kay Ma’am at si Ma’am naman ay napaatras. Natakot siguro. Eh ang angas naman kasi, sarap niyang umbagan. Kung magaling lang akong mag-karate eh matagal ko na yang finlying kick. Hmp!

Pero ngayon ko lang natitigan ng maayos yung mukha niya. Kasi kahapon ay nakaside view lang ang nakita ko nung nasa jeep kami tapos ang gulo-gulo naman niya nung nakikipag-away siya. At okay, hindi ko talaga natandaan yung mukha niya nung mangyari ang ‘The Great Touch’.

Medyo may pagka-brown yung buhok niya. Tapos ang ganda ng mata niya. Matangos yung ilong tsaka manipis yung labi. Halatang halata mo rin yung jaw line niya. In short, medyo gwapo siya. Medyo lang.

“Ahh... uhmm, class saan pa ba may extra seat?” at nagulat ako nung tumingin lahat sa side namin.

OH NO. Bakit ba kasi may extrang upuan sa likod namin? Bakit dun pa sa malapit sa akin? Sana maglaho nalang bigla yang upuan na yan at malipat dun sa kabilang ibayo! Parang awa mo na lumayo ka dito!

Pero dahil nga wala akong kapangyarihan para mangyari yung nasa isip ko ay nakaupo na siya ngayon sa likuran ko. Eto na naman ang stiff body ko. Now paano ako makakapagfocus sa pakikinig kung may manyak sa likuran ko?!

“Huhu Yem.” Nagdrama ako kay Yem nang pabulong habang nakatalikod yung teacher namin.

“Hmm wala akong magagawa. Ahihihi.” Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa tawa niyang yun. Akala ko ba kakampi ko ‘tong isang ‘to? Eh bakit parang natutuwa pa sa mga pangyayari? Napapraning na nga ako eh.

“Panyo mo.”

Halos lumabas na naman yung kaluluwa ko nung marinig ko yung boses sa likuran ko. Si..siya ba yun? Lumunok ako ng dalawang beses bago ako lumingon sa likod.

“Ah hehe th-thank you.” Tsaka ko kinuha yung panyo ko. Or more like hinablot mula sa kanya.

Napatingin lang ako sa panyo ko. Ano ba naman yan! Bakit ka ba laging nalalaglag?! Kahapon ka pa ha! Makisama ka naman kahit minsan oh! Ayaw ko ngang makahalubilo yang taong yan tapos magpapapulot ka pa sa kanya?! Lecheng panyo ‘to, pampam masyado.

Bakit ba nag malas-malas ko na? Kasisimula pa lang ng pasukan pero nadapuan agad ako ng kamalasan. Nawala pa yung pagkababae ko. Naman!

“Aeisha, anong club nga pala sasalihan mo?” napatingin ulit ako kay Yem. Langya di na kami nakinig kay Ma’am ah?

“Hmm ewan ko. Bahala na mamaya.”

Oo nga pala, club hunting mamaya. At hanggang ngayon ay di pa rin ako makapagdecide kung anong club ang sasalihan ko. Si Yem ang alam ko baka sa glee club yan sumali. Magaling kasi siyang kumanta. Eh ako hindi naman pwede dun dahil makabasag-pinggan ang boses ko. Sabi ko nga di ba, professional bathroom singer lang ako. Ayaw ko naman dun na sa dati kong club na journalism. Nakakainis kasi yung tatlong babae dun eh, ang aarte. Sarap nilang ilaglag sa ilog Pasig. Lagi pa akong inaaway. Gusto ko sanang i-try sa theatre club kaso wala naman akong kasamang pumunta. O kaya sa badminton sports club dahil kung hindi niyo naitatanong eh nagchampion ako sa badminton tournament nung elementary ako. Ehem.

“Ms. Bernardino!”

“Yes Ma’am!” bigla akong napatayo sa gulat nung natawag yung pangalan ko. Uh-oh.

“Makinig kasi okay? Kanina pa kita tinatawag eh.” Gosh napagalitan ako.

“So-sorry po.” Napaupo ako sa sobrang kahihiyan dahil nagtawanan pa yung classmates ko. Eh malay ko bang tinatawag na pala ako? Masyado akong nag-iisip kung anong club ang sasalihan ko eh.

“Kanina pa kita sinisiko, hindi mo ba nararamdaman? Makinig ka muna.” Ayun dagdag sermon mula kay Yem. Sabi ko nga makikinig muna ako.

Buong araw ay nakinig ako sa mga teacher dahil ayaw ko nang maulit yung nangyari kanina sa MAPEH. Nakakahiya kayang pagalitan at punain ng teacher! Hinhintay ko nalang na mag-ring yung bell para sa uwian at club hunting na. 

“Okay, class dismissed.” sigaw sa amin nung teacher namin sa Physics pero parang walang pumansin sa kanya dahil lahat kami ay nagmamadaling umalis ng room.

“Yem, sa Glee Club ka sasali di ba?” kausap ko si Yem habang patakbo kaming lumalabas ng room. Grabe parang may stampede! Ang liit kasi ng corridor tapos nag-uunahan pa yung mga estudyante.

“Oo! Ikaw ba?”

“Hindi ko pa alam eh. Bahala na--- whooo oy oy oy!” Hindi ko na makita si Yem dahil nadala ako nung mga nag-uunahan sa pintuan. Grabe lang! Hindi naman sila masyadong nagmamadali no?!

“Whoa! Easy lang mga dude! Aray, aray! Oh men!” Wala na. Nagkahiwalay na talaga kami ni Yem. Ay naku hayaan na nga, magkikita rin naman kami mamaya eh. Akala mo naman ang laki-laki ng corridor para hindi ko siya makita. Pero nauna na akong bumaba ng hagdan dahil nadadala nga ako ng mga lechugas na hayok na mga estudyanteng ‘to.

“Uy punta muna tayo sa basketball club! Balita ko andami raw gwapong magtatry-out!”

“Oh talaga? Pati daw sa volleyball eh! Si captain Ferrer pa yung magpapatry out. Yung poging captain nila!”

Okay. Akala ko magcu-club hunting ‘tong mga babae sa paligid ko, yun pala magbo-boy hunting lang. Landi power, on.

Last step ko na sana sa hagdan kaso biglang may tumulak sa akin sa likuran kaya hindi ko na mabalance yung tayo ko.

“Hoy! Ano ba-!”

Hindi ako nakaapak sa step ng hagdan kaya pinikit ko na lang ang mata ko dahil alam kong tatama ang ulo ko sa semento.


***