***

“Ano teh? Buhay ka pa?” Umiling naman ako.

“Hahaha para kang nawalan ng kaluluwa!
Ano bang ginawa sa’yo ni Ryde ha? At bakit ba bigla kayong nawala?”

“Tantanan mo ako Yem!” tapos nagtalukbong ako ng kumot. Nakakainis kasi ‘tong babaeng ‘to eh! Kanina pa ako kinukulit! Eh maski ako nga di ko ma-process yung nangyari kanina eh!

“Idiot. It’s because of you.”

AYAN NA NAMAN! NAG-EECHO NA NAMAN YUNG BOSES NIYA SA UTAK AT TENGA! SHET TAMA NA!

“Alam mo Poleng, aminin mo na kasi. Wala namang mawawala.” Naramdaman ko namang umupo siya sa bandang paanan ko. Nakahiga kasi ako sa kama namin ngayon at nakatalukbong. Inalis ko yung talukbong ko at tinabihan ko siya sa pag-upo.

“Anong aaminin ko? Baliw ka Yem?”

“Sus! Kasi naman! Sabihin mo lang na gusto mo siya!”

“Gaga! Wala naman akong gusto sa kanya! Pinagsasabi mo dyan?”

“Wala daw! Utot mo! Yang itsurang yan?!” bigla niyang hinawakan yung mukha ko. “Eh para ka ngang bangag ngayon eh.”

“Tangek! Syempre malamig!” san ko nakuha yun?

“Ay ewan ko sa’yo Poleng. Tsk. Matulog ka na nga. Denial ka masyado.”

Di ko nalang pinansin si Yem at natulog na lang ako. Baka bukas, mawala na yun sa utak ko. Kainis naman kasing lalaking yun eh! Kung anu-anong pinaggagawa sa akin!

***

Nagising naman ako kaagad. Para ngang hindi ako nakatulog eh. Feeling ko ang babaw ng tulog ko. Dreamless sleep. Para lang talaga akong nakalutang. At ang sakit ng leeg ko. Paano ba naman ay nasa dulo na pala ng kama yung ulo ko at muntik pa akong malaglag. Sino ba namang matinong tao ang natutulog ng ganun?

“Ate!”
Napabangon naman ako nung lumapit sa akin si Aera.

“Bakit?” sabay kusot ko pa sa mata ko. Putek inaantok pa talaga ako.

“Ihatid mo ako sa school!”

“Ha? Sabado ngayon ah? May pasok kayo?”

“Oo. Sabi ni Teacher may pasok daw kami.
Dali na ate tulog pa si Lola eh!” Hinatak niya naman ako habang ako ay nagpapahatak mang. Humilata pa nga ako sa sahig. Eh kasi nakakatamad! At saka pinapahirapan ko lang talaga yung kapatid ko.

Naligo na rin ako para naman magising yung diwa ko. Tapos nabasa ko yung note na nakalagay doon sa banyo.


Hoy Poleng! Alis muna ako.
Inaya ako ni Chris eh.
BWAHAHAHAHA!
Shet teh kinikilig ako!
Babushki!
– Magandang Yem

 








Ang adik talaga ng babaeng ‘yun. At akalain niyong close na close na agad sila ni Chris? Aba! Click na click ang ugali nilang dalawa ha. Pero ang ‘di ko talaga magets ay kung bakit sa pinto ng banyo ‘to dinikit ni Yem. Napakagaga talaga nun.

“Ate! Dali! Malelate na ako!”

“Opo eto na po.” Minsan talaga iniisip ko kung sino ang panganay sa aming dalawa eh. Si Aera pa kasi yung nasusunod kaysa sa akin. Kakaiba no?

Naglakad lang kami papuntang school nila tutal malapait lang naman sa bahay. Maarte lang talaga yung kapatid ko at gusto niya pa na may naghahatid sa kanya. Pag weekdays kasi, si Lola ang tagahatid at tagasundo niya. Eh tulog pa kanina si Lola, baka nahiya yung kapatid kong gisingin siya dahil mukhang pagod, tapos sakto pang umalis si Yem, kaya ako ang napagdiskitahang gisingin.

After ten minutes ay nakarating din kami kaagad sa school nila. Ang dami ngang estudyante eh. Tapos ang dami ring magulang. Bakit kaya?

“Huy Aera, ano bang meron? Bakit andaming tao?” Nginitian lang ako ng kapatid ko.

“Hehehe. Kuhaan ng card ate! Dali kunin mo na yung card ko!” tapos tinulak niya ako papunta sa room niya.

“O-oy  t-teka lang baka madapa ako!” Walangya ‘tong kapatid ko! Kulang nalang  isubsob niya ako eh!

Tinutulak niya pa rin ako papunta sa room nila. Para nga kaming baliw dito dahil pinipigilan ko yung pagtulak niya sa akin. Eh paano ba naman?! Nakahawak siya sa pwet ko at dun niya ako tinutulak!
Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao! Nakakahiya talaga!

“Aera!
Hoy!” Napatigil naman si Aera sa pagtulak sa akin dahil may sumigaw ng pangalan niya. Whoo salamat!

“Ano na naman?!” Pagtingin ko, may isang lalaki sa gilid namin. In fairness, bata pa lang gwapo na.
Pero parang nakita ko na yung mukha niya dati eh. Parang familiar.

“Wala ang panget mo!”

Nagulat naman ako sa sinabi nung lalaki tapos napatingin ako sa kapatid ko. Jusme, namumula na yung mukha niya, pero sure ako na hindi yun sa hiya kundi sa inis.

“Di hamak naman na mas panget ka no! Abnoy! Panget! Bleeeeeh! Panget panget mo wag kang didikit sa akin baka mahawaan ako ng kapangitan mo! Tara na nga ate!” Bigla niya akong tinulak ulit at hindi na ako nakapalag dahil nashock ako sa mga pangyayari. Okay. Grade 1 palang sila pero bakit ganun na sila mag-asaran? Naloloka ako sa kanila.

“Sino yun Aera?” tanong ko sa kanya habang tinutulak niya pa rin ako.

“Yun yung sinasabi ko sa inyo ate! Si Damon panget!”
Teka, kung tama pa ang naaalala ko, di ba ‘yun yung may gusto sa kanya na gusto siyang maging girlfriend?

“Eh di ba may gusto yun sa’yo?”

“YUCK ATE DON’T SAY BAD WORDS!
Wala yun! Nang-aasar lang talaga siya! Tss! Akala niya papatalo ako! Di kaya! Kasi mas panget siya! Mukha siyang kabayo! Dapat kumakain nalang siya ng damo! Bagay sa kanya pangalan niya! Damon!”

Buti nalang talaga at nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko kasi mapigilang mapangiti.
Nakakatawa yung kapatid ko! Siguro ganyan din ako nung grade school ako. Well, palaaway rin kasi ako dati. Sabi na nga ba sa akin nagmana ‘tong si Aera eh.

“Andito na pala tayo. Kunin mo na yung card ko ate!” Wala naman akong nagawa kundi pumasok sa room at kunin yung card niya sa teacher doon sa unahan.

“Uhm, Ma’am kukunin ko po yung card ni Patrice Aera Bernardino.”

“Ah, guardian ka ba niya?”

“Uhm, kapatid po.”

“Nasaan ang parents niyo? Dapat sila ang kumukuha ng—”

“Wala na po.”

“Oh sorry. E-eto oh.”

“Thank you po.”

Bigla namang bumigat yung pakiramdam ko. Eto ang ayaw ko kapag kuhaan ng cards eh. Lagi nalang napag-uusapan yung parents namin. Nakakainis. Pagtingin ko sa labas ng room, nakaupo lang si Aera doon sa plantbox tapos nakayuko. I’m sure narinig niya yung usapan namin nung teacher niya.
Siya kasi ang mas sensitive sa amin pagdating sa pakamatay ni Mama tsaka ni Papa. Ni hindi niya nga masyadong natatandaan yung itsura nila dahil masyado pa siyang bata nun.

“Aera tara na, punta tayo sa park.
Libre kita ng ice cream,” tapos nginitian ko siya. Kailangan ko siyang mapasaya ngayon.

“Talaga ate? Sige!”

Habang hawak ko yung card niya sa isang kamay ko ay hawak ko naman yung kamay niya sa isa. Minsan lang kami ganito kaya kailangang lubus-lubusin. Pero parang natamaan ako ng kidlat nung makita ko kung sino yung nasa harapan ko.

“Serene?”
“Tss.”

Si Serene nga. Napahinto talaga ako at magkaharap kami ngayon. Pero mas lalo akong nagulat nung tumingin ako sa kaliwa niya. Kasama niya yung batang lalaki na kaasaran kanina ni Aera. Kapatid niya ba yun?

“Pwede bang tumabi ka? Nakaharang ka sa daan eh,” sabi niya sa akin habang nakatingin ng matalim sa akin. Bigla namang nabuhay yung ‘I hate Serene’ blood ko kaya nag-init yung ulo ko.

“Bulag ka ba? Ang laki-laki ng daan papatabihin mo ako. Nasaan ang utak mo Serene?” Bigla namang nag-iba yung mukha niya. This time, nasesense ko na galit na rin siya. Tss. Ang laki na masyado ng kasalanan niya sa akin. Ang kapal naman ng mukha niya para siya pa ang magalit.

“Wala akong pakialam kung maluwag ang daan o hindi. Kung gusto kong dumaan sa gitna, dadaan ako,” tapos dumiretso siya sa akin. “Kahit may perwisyong nakaharang,” at tinulak niya yung balikat ko.

Biglang nagdilim yung paningin ko. Ang alam ko lang, gusto kong sabunutan ngayon si Serene at kalbuhin siya. Bwisit talaga ‘tong babaeng ‘to eh!

“Well sorry ka. Kasi yung perwisyong nakaharang, hindi aalis hangga’t di ka napeperwisyo.” Ngayon ko lang narealize na napigilan ko pala siya sa pagpass through dahil hawak-hawak ko yung siko niya.

“Ah ganun?” humarap ulit siya sa akin.
“Pwede ba? Bitiwan mo ako. Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom mo kay Daniel at Ryde at naging ganun sila kabait sa’yo. Pero hinding-hindi mo ako mapapaamo. Galit ako sa mga tulad mo. I hate you,” tsaka niya tuluyang tinanggal yung kamay ko sa siko niya. Ano raw? Galit siya sa akin dahil kay Ryde at Daniel? Ano bang problema niya?!

“Hindi ko alam kung bakit galit ka sa akin at wala akong balak alamin yung walang kwenta mong dahilan. Hindi ko rin alam kung anong nakaraan niyong tatlo ni Ryde at Daniel, pero ito lang ang masasabi ko. Wala kang kwenta.”

Nagulat nalang ako sa nangyari. Bigla niya akong sinampal.
Pero parang wala akong maramdaman dahil sa sobrang galit ko sa kanya. Wala talaga siyang kwenta. Ang kapal ng mukha niya. Sagad na talaga ang pasensya ko sa kanya!

“Yan lang ba ang kaya mo Serene? Manampal? Manakit ng tao? Kawawa ka naman pala. Siguro sinaktan mo rin si Ryde at Daniel no? Siguro kaya kayo nagkakaganyan ngayon eh dahil sa’yo? Siguro—”

“Shut up! Wala kang alam kaya wag ang magsalita! Yan ba ang tinuro sa’yo ng mga magulang mo?! Ang makialam sa buhay ng iba? Eh wala pala silang kwenta eh!” This time, umiiyak na siya. Gusto ko na nga ring maiyak dahil sa sakit ng sampal niya at sa kahihiyan pero walang lumalabas na luha sa mata ko. Basta ang alam ko lang, gusto ko siya saktan dahil dinamay niya yung magulang ko.

“At sino ka rin para pagsalitaan ng ganyan ang mga magulang ko?” Lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya nang malakas. Binuhos ko talaga lahat ng lakas ko sa sampal na yun, to the point na pati yung palad ko ay sobrang sakit.

“Naramdaman mo ba? Ang sakit di ba? Ngayon sabihin mo nga? May karapatan ka bang sampalin ako? Sino ka ba ha? Nanay ba kita? Pinapakain mo ba ako? Sino ka para sampalin ako?! Eh schoolmate lang naman kita. Oh c’mon bakit ka umiiyak Serene? Masakit? Eh isang sampal lang yan ah? Ang hina mo naman pala. Eto lang ang gusto ko sa’yong sabihin...” para siyang estatwa doon sa gitna na nakayuko at umiiyak. Pero hindi ako nakokonsensya. Tama lang yun sa kanya. Para yan sa lahat ng pinaggagawa niya sa akin. “… I hate you too,” tapos naglakad ako papalayo sa kanya.

“At isa pa...‘wag na ‘wag mong idadamay yung magulang ko sa kabastusan ng bibig mo. Magpaturo ka ulit sa magulang mo kung paano gumalang. Mukhang di ka nakikinig nung tinuturo yun sa’yo,” saka ko hinatak si Aera palabas ng school nila. Ang alam ko lang ay lumakad kami nang lumakad hanggang sa makarating kami sa park.

“Ate…”

Nakaupo kami ngayon sa damuhan.
Nakataas yung dalawa kong tuhod at nakayuko ako doon. Tahimik lang akong umiiyak dahil ayokong marinig ako ni Aera. Sabi ko pa naman, papasayahin ko siya ngayon pero eto ako, umiiyak.

“Ate ‘wag ka nang umiyak...”

“P-paano mo n-nalaman?” tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong wag magcrack yung boses ko.

“Eh basta alam ko. Syempre ate kita. Alam ko kung kelan ka iiyak! Ate ‘wag ka na kasi umiyak!” tapos bigla ko nalang narinig na umiiyak na rin siya. Nakakainis talaga. Bakit ba wala akong magawa?! Bakit ganun?

“Hija, ibigay mo sa ate mo oh.” Bigla kong narinig yun kaya napatingala ako. Kilala ko yung boses na yun. Pano niya nalaman na nandito ako?

“Ate oh. Pinapabigay sa’yo nung Manong,” sabi ni Aera habang umiiyak pa rin siya. Pagtingin ko, panyong kulay white. Sabi na nga ba siya yun. Kinuha ko naman yung panyo at pinunasan ko yung mukha ni Aera dahil ang dungis na niya kakaiyak. Saka ko pinunasan yung sa akin.

“Sino yun ate?” Nginitian ko nalang siya at inakbayan.

“Wala,” tapos tumayo na kami at naghanap ng mapagbibilhan ng ice cream.

Thank you ulit, Manong.


***