.

.

Chapter 42

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Oh sige, maglaro ka na doon.”
“Yahoo!”

Pinabayaan ko muna yung kapatid ko na maglaro doon sa park. May playground kasi sa gitna kaya nagkumpulan doon ang mga bata. Ako naman ay nandito lang sa may puno.

“You remind me of someone.”

Napasigaw ako at napaurong nang mabilis nung biglang may bumulong sa akin. Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nung mga panahon na yun! At pagtingin ko kung sino, nakita kong pinipigilan niya yung pagtawa niya.

“Bwisit ka! Lakas mong mang-asar ah!”
Bwisit na yan! Si Ryde lang pala! Kainis! Trip na trip niya talaga akong asarin eh! Walang hiyang lalaki ‘to. Lumapit nalang ulit ako sa pwesto ko kahit na katabi ko na siya. Wala naman akong magagawa, andito na siya. Asar talaga! At ang kapal ha? Tinawanan pa ako! Teka...tumawa siya?

“Ano nga palang ginagawa mo dito?” Ang weird lang na nandito siya ngayon. I mean, ‘di ba? Wala naman siyang business para pumunta dito.

“Wala. Stalking you,” sabay tingin niya sa akin. Parang kiniliti naman yung pisngi ko nung narinig ko yun.

“Utot mo! Wag kang mantrip.” Iyon na lang ang nasabi ko habang nakatingin ako sa damuhan. Kainis talaga ‘tong lalaking ‘to eh! Pinagtitripan niya talaga ako.

Sumandal nalang ako doon sa puno at pinanood ko yung kapatid ko na nagsswing doon sa playground. Buti nga malilim dito sa pwesto ko kahit tanghali na. Pero hindi ko alam kung bakit uncomfortable ako ngayong nandito rin si Ryde. Walang hiya kasi eh. Kung anu-anong pinagsasabi!

“Kilala mo ba siya?” Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso yung itsura niya ngayon. Wow ha? Bilis niya magbago ng expression. Talent niya ba yun?

“Sino?”

“Yung nag-abot sa kapatid mo ng panyo.” Napakunot bigla yung noo ko. Paano niya yun nalaman? Ibig sabihin kanina pa siya nandito?

“Hindi. Pero siya si Manong na lagi kong nasasakyan yung jeep.
Mabait naman siya eh,” sabi ko na lang. Tapos, bigla akong nacurious. Bakit nga ba parang lagi kong nakakasalamuha si Manong kahit saan ako magpunta? Tapos ang bait-bait niya pa sa akin? Kilala niya rin yung Mama ko. Tsk. Nakalimutan kong itanong sa kanya kung anong koneksyon niya kay Mama. Nakalimutan ko na rin kasi yung tungkol doon at ngayon ko na lang ulit naalala.

“Bakit mo nga pala natanong?”

“Hmm, wala lang,” tapos tumingin na naman siya sa side ko kaya napatingin ako bigla sa side ng kapatid ko tapos niyakap ko yung backpack ni Aera.
Para naman akong abnoy! Bakit ko ba iniiwasan yung tingin niya? Baliw lang Aeisha?

Nagulat na lang ako nung biglang tumakbo si Aera papunta sa amin.

“Oh bakit bumalik ka na agad?”

“Ehh? Ayoko na dun! Di naman malakas magtulak ng swing yung bata eh!”

Napakagandang rason, kapatid. Oh well. Maganda na rin ‘to para makauwi na kami. Inaantok pa rin ako dahil ‘di ako nakatulog ng maayos tapos ginising pa ako nang napakaaga ng magaling kong kapatid.

“Whoa! Kuya Ryde babes andito ka!”

“Uy.”

Nagulat naman ako nung nag-usap sila tapos niyakap pa ni Aera si Ryde. Oo nga pala, magkakilala sila. Shet! Bakit ngayon ko lang naalala?! Nagkita na naman ang dalawang taong perwisyo sa buhay ko!

“Tara.”

“Whoa! Ang galing! Cool!”

“Hoy, hoy! Baka malaglag si Aera, ano ka ba! Naku naman!” Paano ba naman kasi?! Bigla niyang binuhat si Aera at nilagay sa may balikat niya. Tapos si Aera ay nakahawak sa buhok ni Ryde, habang ako yung nakaalalay sa likod. Ang tangkad pa naman ni Ryde kaya nakakatakot kapag nalaglag yung kapatid ko. Shet iniisip ko palang parang nanghihina na ako! Sinuot ko yung bag ni Aera at sinundan ko sila habang naglalakad.

“Hoy Ryde wag ka maglakad!
Baka malaglag si Aera!” Jusme! Sabi ko na nga ba, disaster kapag nagsama ‘tong dalawang ‘to eh!

“Ano ba yan ate! Ang saya nga eh! Ang tangkad ko! Yey! Kuya Ryde babes takbo ka dali!”

“Hoy! Anong takbo?! Pag ikaw nalaglag!”

“Aye aye captain.”

Nagulat nalang ako nung tumakbo nga si Ryde! Hayup talaga yun! Paano na lang kapag na-out of balance sila at nalaglag si Aera?! Aatakihin ako sa puso dahil sa kanila eh!

Tumakbo nalang rin ako para maabutan ko sila. Naku mabubugbog ko talaga si Ryde!
Walang hiya! Di man lang naisip na delikado yung pinaggagawa niya! Naabutan ko naman sila doon sa dulo ng park. Salamat naman at nasa lupa na ang mga paa ni Aera. At least safe na siya.

“Ate nagugutom na ko. Kain tayo!”
Oops. Di pa pala kami kumakain. Gosh. Nagpaparamdam na rin yung sikmura ko. Nagugutom na rin ako! Hinila ko si Aera doon sa side ni Ryde para makahanap na kami ng kainan malapit dito.

“Eh? Di natin isasama si kuya babes, ate?”

“Huh?” Bakit naman namin isasama si Ryde? Ano siya sinuswerte?

“Kuya Ryde! Sama ka sa amin!”
Hala! No way! ‘Wag kang sasama, utang na loob! Wag na kayong magsamang dalawa ni Aera! Di ko kinakaya!

“Okay,” sabay lakad niya palapit sa amin.
At namatay na ang kaluluwa ko.

“Yehey! Tara na!”

Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod kina Ryde at Aera. Sabi ko nga sila yung magkapatid. Grabe parang ako pa yung epal sa kanila ha? Ang saya-saya pa nila eh!

Pero in fairness ha?
Palangiti na ata si Ryde nitong nakaraang linggo? ‘Di kaya bumabalik na siya sa dati? Sa pagkakaalam ko kasi, sabi ni Chris ay hindi naman daw cold si Ryde in the first place. Baka nga eto talaga yung totoo niyang attitude. Pero nacucurious pa rin talaga ako kung bakit siya nagkaganyan. Ano kayang dahilan niya? Feeling ko mabigat yung reason para magbago siya bigla ng ganun, right? Nakakacurious talaga.

“Bakit mo ako tinititigan?”

“Huh?!” Oh shet. Hindi ko napansin na nakatingin pala siya dito sa likod! Masyado akong na-occupy ng curiousity ko sa pagkatao niya at hindi ko siya napansin na nakalapit na pala sa akin!

“Ah! May dumi ka kasi dito!” tapos pinunasan ko na lang yung noo niya kahit walang dumi.

“Oh. Thanks,” tapos bigla niyang hinawakan yung spot na pinunasan ko tapos ngumiti na naman siya at kinilabutan ako. Pero buti nalang lumusot yung sinabi ko. Naglakad na lang ulit siya at pagtingin ko, si Aera naman yung nakatingin sa akin.

“Ano?” Kakaiba kasi yung tingin niya eh.

“Tama pala yung sinabi sa akin ni ate Yem.
Hihihi,” tapos bigla niyang tinaas-taas yung kilay niya with matching mala-demonyong ngiti. Now what was that?

Ano na naman kayang pinagsasabi ni Yem kay Aera? Ay ewan! Sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko si Yem at Aera.
Bigla naman akong napatigil sa paglalakad. Ngayon ko lang naisip. May mas malala pa pala sa Ryde-Aera duo. Shet! Sana ‘wag yung mangyari! Sana ‘wag! Pero malaki naman ang possibility na ‘di mangyari ‘yun di ba? Bakit ko nga ba ‘yun iniisip? Relax Aeisha. Hindi yun mangyayari.

“Uy! Andito kayo!”

Oh, God. No way.

“ATE YEM! Nandito ka!
Ang galing! Tignan mo oh, kasama ko si kuya Ryde babes!”

“Wow Ryde nandito ka rin?! Cool! Oy Poleng! Anong ginagawa mo dyan?! Para kang nakakita ng masamang espiritu ah?”

No way talaga! Bakit ba ‘to nangyayari sa akin? Talaga bang simula nung makilala ko si Ryde ay minalas na ako? Bakit kailangan nilang magkitang tatlo nang kasama ako?! Ito ang kinakatakutan ko—ang Yem-Aera-Ryde trio.

***

“Aaahh! Kaya pala kayo magkakasama.”

Nandito kami ngayon sa Jollibee at kasalukuyang nag-oorder si Ryde. Kinuwento ko naman kay Yem yung nangyari, pati yung encounter ko kay Serene. Tss. Pag naaalala ko yun, parang sumasakit yung pisngi ko. Shet lang talaga.

“Pero in fairness ha, nashock ako nung nakita kong kasama niyo si Ryde.”

“Ang gwapo ni kuya babes no ate Yem? At saka pala! Tama yung sinabi mo sa akin kanina! Ginawa yun ni ate! Ang galing mo ate Yem!” Bigla namang nanlaki yung mata ni Yem nung sinabi ‘yun ni Aera. At ano raw ang ginawa ko kanina? Sinasabi ko na nga ba may kalokohan na namang sinabi si Yem kay Aera eh!

“Talaga? As in, Aera?”

“Opo!” tapos biglang tumingin sa akin si Yem with sabi-ko-na-nga-ba-gagawin-mo-yun-look. Napakunot na lang ako ng noo dahil ‘di ko talaga magets. Ang baliw talaga nilang dalawa ni Aera!

“Ikaw ate ha!
Love mo pala si kuya babes ko! Pero sige! Boto na ako sa’yo! Bagay naman kayo eh,” saka pa siya humagikgik.

“Ha? Anong pinagsasabi mo dyan Aera? At pwede ba tumahimik ka, mamaya marinig ka nun! Nakakahiya!” Grabe! Anong pinagsasabi ng batang ‘to? Napatingin naman ako kay Yem at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

“Hoy Yem! Anong pinagsasabi mo dito kay Aera? Ang adik mo rin eh no?”  This time, tumawa na talaga siya.

“Secret na namin ‘yun! ‘Di ba, Aera?” tapos tumango naman ‘tong si Aera.

Sinasabi ko na nga ba hindi ko kakayanin ‘to eh. Nagsama-sama ang mga pasakit sa buhay ko!

Nung makabalik si Ryde ay nagsimula na kaming kumain.
Napapatalon na nga lang ako bigla dahil may sumisipa sa akin sa ilalim. Pero sigurado ako na si Yem ‘yun. Lagot talaga siya sa akin mamaya sa bahay. Makikita niya!

Pero napabitaw ako sa hawak kong tinidor nung makita ko kung sino yung nakahinto sa tapat ng table namin.

“Serene,” sabi ni Ryde. Halos nawalan ako ng boses nung mga panahong ‘yun.

“Ryde,” then tumingin sa akin si Serene. Tinitigan ko lang rin siya. Nagsimula na namang mag-init yung dugo ko dahil sa kanya. Pero imbes na sugurin niya ako ay bigla niyang hinatak si Ryde patayo.

“Tara Ryde, samahan mo muna ako,” then saka niya hinatak palabas si Ryde. Ewan ko kung nagpahatak lang ba si Ryde or what, pero nawala na sila sa paningin namin.

“Ugh! Kahit kailan talaga napakabastos ng ingratang yun! Naku! Sana sinaksak ko siya ng tinidor na hawak ko eh!” sabay taas ni Yem doon sa tinidor niya at pinagsasaksak niya yung manok na kinakain niya.

“Hayaan mo na Yem. Nangyari na eh.”

“Eh?
Saan pumunta si kuya Ryde babes?”

Tinapos nalang namin yung pagkain namin tsaka kami umuwi. Pero ewan ko ba. Parang nakakalungkot lang na biglang umalis si Ryde.

“Nakakainis, bakit ba kasi siya umalis?!” Nagulat naman ako nung bigla ko yung nasabi kaya napatakip agad ako sa bibig ko.

“Ohh, sino yan? Si Ryde?” sabay tingin sa akin nang nakakaloko ni Yem at nakigaya naman si Aera.

“Hindi no! Dyan na nga kayo!” Tumakbo ako papuntang bahay since malapit naman na kami, at iniwan ko silang dalawang naglalakad. Pero naririnig ko. Naririnig ko na pinagtatawanan nila ako!

Bakit ko ba kasi sinabi yun? Ayoko na talaga!


***