.

.

Chapter 43

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin naman ang buhay ko. Ginugulo ako ni Aera, lola Roma at Yem. Nakakasalubong ko si Serene sa corridor at para kaming mga pusang handang magkalmutan. May practice kami ng Badminton club ng once a week. Lagi na naming nasasakyan si manong driver. Ayun, typical.

“Poleng! Hoy, hindi ka pa ba tapos kumopya? Ang tagal naman oh! Nagugutom na ako!”

“Teka lang! Eto nga oh, last number na. Tss. Eh di ikaw na nadadalian sa Physics!”

Kasalukuyang kumokopya ako ng assignment sa Physics kay Yem dahil nakalimutan kong gawin yun kagabi. Kami na nga lang ang nandito sa room eh. Lunch break na kasi kaya halos lahat nasa canteen.
Yung iba naman, sa garden kumakain o kaya sa ibang klase.

Oo nga pala, lumabas na rin ang results ng exams namin at nakuha na rin yung report cards. Then, nakapagsecond periodical na rin kami. As usual, lowest ko ang Physics. Kasumpa-sumpa talaga para sa akin ang subject na ‘yun at 85 lang ako doon. Pero at least medyo mataas ang Math! Naka-90 ako sa first and then naging 91 nung second. Well, nakakadegrade pa rin talaga ng pagkatao lalo na kapag nilampaso ng best friend mo yung grades mo.

YEM

Economics            90           91

Math                     96           97

TLE                      92            95

Physics                 96           96

Filipino                  94           96

English                 95            97

Englis                   95            97

MAPEH                 95            95

Oh di ba? Pero okay lang, sanay na naman ako sa grades ni Yem simula nung naging best friend ko siya. Di na nakakagulat ang mga nakakalulang line of 9 sa report card niya. Mas mashoshock pa siguro ako pag nagkaroon siya ng line of 8.

“Kasi naman! Puro si PRINCE CHARMING ang nasa isip mo!” Napatigil naman ako sa pagsulat. Nakalimutan ko na tuloy yung pinagtatalunan naming ni Yem.

“Huh?
Pinagsasabi mo? Nakalimutan ko lang talaga at wala nang ibang dahilan no!”

Mang-aasar na naman ‘tong si Yem. Eh sa nakalimutan ko nga kasi! Kainis naman, sa lahat ng pwedeng kalimutan assignment pa sa Physics!
Pero buti nalang at nakagawa si Yem, kundi patay talaga ako.

“Asus! Eh napapanaginipan mo nga si Ry—”

“HOY SHUT UP, WAG KA NA NGA MAGSALITA!
TARA NA SA CANTEEN!” bigla namang nagrin si Yem. Yung ngiting alam nyo na yung ibig sabihin. Eh kasi naman! Magdodrop pa siya ng name! Gaga talaga yun!

“Hahaha! Grabe Poleng ha!
Edi inamin mo nga na napapanaginipan mo siya? Ikaw ha!”

“Tumigil ka na nga dyan Yem, sasapukin na kita eh! Hindi ko napapanaginipan si Ryde, okay?” Di naman kasi talaga! Ata? Naku! Masasapak ko talaga ng wala sa oras ‘tong si Yem eh! Masyadong mapilit!

“Hala! Wala naman akong sinasabing si Ryde ang napanaginipan mo ah?” then bigla siyang lumapit sa akin. Uh-oh. “So napapanaginipan mo nga siya? Yiieee! Ikaw ha! Aminin mo na kasi sa akin! Duh? Best friend mo naman ako! Tadyakan kita dyan eh!”
Ayan na, sinasabi ko na nga ba eh! Pipilitin na naman niya akong umamin!

“Che! Tara na kasi sa canteen!
Ikaw ang sisipain ko dyan eh!” Lumabas ako ng room pero ‘di pa rin siya sumusunod kaya pumasok ulit ako.

“Hoy, Yem tara na!”

“Aminin mo muna.
Pag ‘di mo inamin, pagkakalat ko na napapanaginipan mo si Ryde. Maganda siguro kung sasabihin ko rin sa kanya. Tingin mo?” tapos tumingin siya sa akin at feeling ko ay sinapian siya ng isang ligaw na baboy-ramo. Shet bakit parang wala akong choice sa sinabi niya?

Pero sige na nga. Napanaginipan ko ng dalawang beses si Ryde. Pero dalawa lang ha! Basta! Nakalimutan ko na eh. Ang alam ko lang ay medyo madilim yung setting sa panaginip ko. The rest ay hindi ko na maalala.

“Yem dali na! Pag ‘di ka umalis dito, bahala ka. Kakain ako mag-isa.” Nagbilang ako ng five seconds sa utak ko at nakatitig lang sa akin si Yem. Ugh! Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ‘to!

“Hay naku, bahala ka nga!” tsaka ako nagwalk-out nang tuluyan sa room. Napakabaliw talaga ng babaeng yun! Talagang gusto akong paaminin ha? Eh ano namang aaminin ko? Wala naman akong dapat aminin!

“HOY POLENG! ETO NAMAN, DI MABIRO! GALIT KA NA NYAN?” Pagtingin ko, nasa gilid ko na siya at mukhang napagod sa paghabol sa akin.

Binatukan ko na lang siya nang malakas after niya akong maabutan tapos dumiretso na kami sa canteen. Oo nga pala, sembreak na namin bukas. Ang bilis nga eh! Di ko namalayan na magno-November na pala. After naming kumain ay bumalik na rin kaagad kami sa room. Pero laking gulat namin ni Yem nung naabutan naming nagkukumpulan yung mga kaklase namin sa pwesto namin.

“Oy, oy, oy, padaan, padaan!
Upuan po namin yan, excuse me!” Nakadaan din naman kami kaagad at nakita ko kung anong pinagkakaguluhan nila doon.

Isang keychain. Bicycle keychain na may nakasakay tapos may kapirasong papel sa ilalim nun. Ang haba nga ng nakasulat eh. Akala ko code pa yun. Ang hirap kasi intindihin. Pinagpawisan talaga ako nang todo.

“Idiot. Hahaha! Wow Poleng! Cool naman nito! Sinabihan kang idiot! Mukhang magkakasundo kami kung sino mang hinayupak ang naglagay nito sa desk mo ah?”

Involuntarily, napatingin ako sa likuran ng pwesto namin. Tapos merong isang taong nakatingin lang sa bintana at mukhang expressionless na naman ang itsura niya. Yeah right, alam ko naman siya ang nagbigay neto. Bike tapos idiot. Kahit ‘di magandang combination, fine.

Kinuha ko naman agad yung keychain tsaka yung kapirasong papel (kahit ang sarap punit-punitin nun sa harapan niya) tsaka ako umupo.

“Thank you!” tapos saka ko nginitian yung keychain. Ang cute kasi eh.

“Baliw ka na Poleng? Bakit mo kinakausap yung keychain?”

“Wala lang. Malay mo marinig nung nagbigay nito yung thank you ko kapag sinabi ko sa keychain ‘di ba?” tapos nginitian ko na lang si Yem.

“Baliw ka na,” saka siya umiling-iling.
Naku pigilan niyo ako! Aba! Ako na nga ‘tong nagpapakabait!

Sasagutin ko na sana ulit si Yem, kaso bigla kong naramdaman na gumalaw yung upuan ko. Tapos gumalaw ulit ng isang beses. Feeling ko sinipa yun ni Ryde. Eh siya lang naman kasi ang gumagawa nun eh! Pero ibig sabihin ba nun ay “You’re Welcome”?
Oh well.

Pero bakit niya ako binigyan nito? Hayaan na nga! Ang cute cute naman ng keychain! Saka ko naman naalala na parang familiar ‘to.

“Idiot. It’s because of you.”

Ah! ‘Yan na naman! Shut up Ryde! Tumahimik ka! Wag kang nanggugulo sa utak ng iba!

“Huy Poleng! Para kang abnoy! Andyan na si Ma’am umayos ka,” saka ko narealize na nakapikit pala ako. Shems nakakahiya! Badtrip talaga ‘tong si Ryde eh! Kahit sa utak ko, namemerwisyo pa rin!

Syempre dahil last day ng klase ngayon bago magsembreak, ano pa nga bang ineexpect niyo? Tingin niyo ba makikinig pa kami sa lectures ni Ma’am? No way. Grabe lang. ‘Di ko nga alam kung paanong nagagawa ni Yem na ‘di antukin sa subject na ‘to eh. Samantalang ako, tinutukod ko na yung daliri ko sa mga mata ko para lang ‘di pumikit. Milagro na lang na ‘di ako nahuhuling natutulog sa klase niya.

Hanggang sa last subject namin ay hawak-hawak ko pa rin yung keychain. Para nga akong baliw eh, di ko mabitawan. Feeling ko naglue na siya sa kamay ko. Ewan ko. Gusto ko lang siyang hawakan.

Nagligpit naman kami kaagad ni Yem ng gamit at naglakad papunta doon sa sakayan ng jeep.

“Alam mo teh, kinikilig talaga ako sa inyo.” Napatingin naman ako kay Yem.

“Huh?”

“Hay naku, ‘wag ka nang magtago, masyado kang obvious!
Alam ko naman na si Ryde ang nagbigay nyan eh. Nakita ko kung paano siya nagrespond sa thank you mo no. Palagay mo sa akin? Mas kilala pa kita kaysa sa kamag-anakan mo no.”

Napatulala na lang ako kay Yem. Sabi ko nga halata ako.
Pero parang ang saya rin na nalaman niya. Ay hala, anong pinagsasabi ko?

“Hay naku Poleng. Ayaw mo pa kasing aminin sa sarili mo eh. Alam na lahat ng nakapaligid sa’yo yang feelings mo, sarili mo na lang ang hindi.” Again, napatulala ako kay Yem. Teka si Yem ba talaga ‘tong kausap ko? Words of wisdom ang lumalabas sa bibig niya eh.

“Isang tanong, isang sagot.”

“Huh?” Pabigla-biglang magsalita ‘tong si Yem eh! Pati ako naguguluhan!

“Gwapo ba si Ryde?” Hmm, medyo
badboy-ish yung itsura niya pero, gwapo naman siya.

“O-oo.”

“Mabait ba si Ryde?”

“Uhm, oo.”

“Nakita mo na bang ngumiti si Ryde?”

“Oo.”

“Nakita mo na siyang tumawa?”

“Oo.”

“Crush mo ba siya?”

“Oo.” Nagulat naman ako sa sinabi ko kaya nagpanic ako. “Wait! No! I mean hindi! Nadala lang ako sa kaka-oo ko! Hindi talaga!”

“See? Namumula ka nga eh. Defensive pa. Hay naku, ‘yan ang hirap sa mga slow na katulad mo,” tapos pinoke niya yung noo ko. At nauna na siya doon sa jeep ni Manong.

Well. Crush ko nga ba siya?

“Why are you spacing out?”

“Ay, crush ko siya!”

OH MY GOD.

“R-ryde?” Napatakip agad ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko. Bakit kasi siya bigla-biglang lumilitaw?!
Nakakagulat tuloy!

“So, sinong crush mo?”


***