.

.

Chapter 45

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Kahit kelan ka talaga! Tatanga-tanga ka talaga minsan eh no?!”

Nakatanggap ako ng matinding lecture mula kina Yem at Aera. Imba nga eh. Si Lola kasi tulog pa kaya silang dalawa yung naglecture sa akin. Imagine? Pinapagalitan ako ng five years old kong kapatid?

“Ate kasi!
Sa susunod wag kang labas nang labas! Buti na lang sinagip ka ni Prince Charming kuya babes!”

Hindi ko naman matandaan yung nangyari nung binuhat na ako ni Ryde.
Nawalan na ata ako ng malay nung mga panahong ‘yun. Basta ang sabi ni Yem ay nagulat na lang siya nung buhat-buhat ako ni Ryde at pareho  kaming sugatan. Akala nya nga daw patay na ako eh. Siya na lang kasi ang gising nung mga panahong ‘yun kaya di ako nakita ni Aera at lola sa ganung state. Syempre ginamot naman agad ni Yem ‘yung mga sugat ko. Paggising ko, balot na balot ako ng benda. Kaya para akong mummy ngayon. Laking pasasalamat ko lang talaga at sembreak na. Jusme, di ko kakayaning pumasok sa school ng ganito ang itsura ko!

Umalis naman agad si Aera at makikipaglaro pa raw siya ng bahay-bahayan doon sa kapitbahay namin kaya kaming dalawa na lang ni Yem ang naiwan.

“Hay grabe. Feeling ko magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil sa’yo eh.
Pero buti nalang talaga at nandun si Ryde, kundi…naku! Sumasakit talaga ang ulo ko kapag naiimagine ko!” Napayuko nalang ako. Hay, kasalanan ko naman kasi talaga.

“Sorry Yem. Tsaka thank you sa paggamot.” Bigla niya naman akong binatukan, pero mahina lang.

“Hindi ka sa akin dapat nagte-thank you no. Kay Ryde. At magsorry ka rin! Ang dami niya rin kayang sugat.”

Naguilty na naman tuloy ako. Ang dami kong kasalanan sa kanya kagabi. Grabe naiiyak ako ‘pag naiisip ko yung nangyari. Paano nalang kung di siya dumating?

“Huy Poleng.”

“Oo kasalanan ko. Kung di ako nag-insist na lumabas eh ‘di sana, ‘di mangyayari ‘to. Sana ‘di ako muntik masagasaan. Sana ‘di ako nagkaganito. Sana ‘di siya nasugatan ng ganun. Paano na lang kung...paano nalang kung may nangyaring masama sa kanya kagabi? Paano kung siya yung nasagasaan? Kasalanan ko ‘to lahat eh.” Bigla naman akong hinatak ni Yem at niyakap. ‘Di ko na napigilan yung luha ko at kusa na silang tumulo.

“My, my. Dalaga ka na talaga.
‘Di na lang ako, si Lola at si Aera ang inaalala mo. Alam mo, kung ‘di mo aaminin sa sarili mo, mahihirapan ka lang lalo. Oh sige na, magluluto muna ako ng almusal.” Tumayo na si Yem at papunta na siya sa kusina pero napahinto siya sa sinabi ko.

“Yem. Gusto ko ba siya?”

“Well, ikaw ang makakasagot nyan! Hmm, pero sa tingin mo? Di mo naman hahanapin kagabi yung keychain na bigay niya at ‘di ka naman iiyak ng ganyan kung ‘di mo siya gusto ‘di ba? Think about it, dear best friend,” tsaka niya ginulo yung buhok ko. Baliw talaga yun.

Pero ‘di nga? Gusto ko ba siya? Ewan ko rin. Lagi ko na siyang tinititigan sa school kapag ‘di siya nakatingin.
Lagi na rin  akong pumupunta doon sa secret place namin. Lagi ko siyang naiisip. Minsan napapanaginipan pa. May gusto na ba talaga ako sa kanya? Aba malay ko ba. ‘Di pa naman ako nagkakagusto sa tanang buhay ko no! 

“Apo, may bumabagabag ba sa’yo?”

“Lola, kayo po pala.” Pinunasan ko naman agad yung luha ko. Geez. Ayokong makita ni Lola na umiiyak ako. Nakakahiya.

“Pwede kang magkwento sa akin, apo,” tapos ngumiti siya. Di ko naman mapigilan yung sarili ko. Ang bigat na rin kasi sa loob eh. Wala akong nagawa kundi magkwento kay Lola.

“Lola, paano n’yo po ba malalaman kung gusto mo ang isang tao?” bigla namang ngumiti si lola.

“Hija, ikaw lang ang makakasagot nyan. Nasa’yo ang desisyon kung matatawag mo nga ba talagang ‘gusto’ ang pakiramdam mo sa isang tao. Hindi ako ang magdedesiyon nyan. Ikaw. Ikaw mismo. Nasa edad ka na ng matinding pagdedesisyon. Ang pagmamahal ay hindi basta-basta. Kailangan mo munang maramdaman lahat bago mo masabing mahal mo talaga ang isang tao. O kung minsan, mararamdaman mo nalang talaga sa sarili mo, na mahal mo na siya,” saka siya tumayo.

Nakatulala lang ako at pinipilit kong intindihin yung sinabi ni Lola. Tsaka ko naramdaman nung humigpit yung kamay ko na hawak-hawak ko pa rin pala yung keychain. Ewan ko ba pero kapag nakikita ko ‘to, napapangiti ako. Naaalala ko kasi yung pinakita niya sa akin yung city lights na sobrang ganda.

“Ate! Ate! Si kuya Daniel nasa labas! Papasukin ko ha?” Hindi naman na ako nakasagot sa sinabi ni Aera dahil dali-dali rin siyang lumabas nung pagkapasok niya. At pagbalik niya, kasama na niya si Daniel. At halos lumuwa yung mata niya nung nakita niya yung itsura ko.

“What the hell happened to you, Aeisha?”
Napatingin na lang ako sa gilid. Shems. Nakalimutan ko na kausap ko pala siya nung mga panahong naaksidente ako.

“Uhm...”

“Ayos ka na ba? May masakit ba sa’yo? Nagpatingin ka na ba sa doctor? May—”

“DANIEL!” Napatigil naman siya sa pagtatanong sa akin. “Okay na ako. Galos lang ‘tong mga ‘to. Don’t worry,” saka ko siya nginitian.

“Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ka nagkaganyan?”

Ayokong sabihin sa kanya yung nangyari. May hinuha kasi akong baka sisihin niya yung sarili niya kapag sinabi kong muntik na akong mamatay habang kausap ko siya.

“Wala na ‘yun. Kalimutan mo na lang.
Ang mahalaga ay ayos na ako. Haha!”

“Kung ayaw mo talaga sabihin, okay lang. Pero sure ka bang okay ka lang? Kokontakin ko yung Dad ko, kung gusto mo. Yung best friend niya kasi, doctor.”

“No! ‘Wag na. Okay lang talaga. And thanks sa concern, Daniel,” tapos ngumiti na lang ulit ako.

“Oh. Okay. Uhm, free ka ba ngayon? You wanna go out with me? Don’t worry, I’ll assist you.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya?
Teka, inaaya niya ba akong mag-date? As in date? Ha?!

“Uhm, sorry Daniel. May pupuntahan kasi ako ngayon eh. Sorry talaga.” Bigla namang lumungkot yung mukha niya. Uh-oh. “P-pero okay lang sa akin kung sa ibang araw.”

“T-talaga?! That’s...good. S-sige, alis na ako. Pumunta lang talaga ako dito para tignan yung kundisyon mo. Natakot kasi ako nung parang sumigaw ka sa kabilang linya kagabi eh,” then tumingin siya sa relo niya at nanlaki na naman yung mata niya. “Oh crap! Late na pala! Sige Aeisha! See you next time! Pagaling ka ha?” Nagnod naman ako at hinatid ko siya sa labas at saka siya tumakbo nang mabilis.

Ako naman, nahiga muna sa kama.
Grabe. Ang sakit ng buong katawan ko. ‘Di ko nga maimagine kung paano ako nagawang iligtas ni Ryde nung mga panahong ‘yun eh. Siguro adrenaline rush ‘yun. Kung ikaw ba naman makakita ng babaeng naghihintay masagasaan ng malaking truck eh. Hay. Sana ayos lang rin siya.

Maya-maya lang rin, nakatulog na ako sa sobrang kakaisip.

***

“Ate, ate gising na! Kakain na tayo!” Kahit ayaw ko pang gumising ay bumangon na rin ako. Sino ba namang makakabalik sa pagtulog kung kinikiliti ng kapatid mo yung tenga mo?

“Oo na po ate,” sabi ko sa kapatid ko.
Kanina pa ako pinapagalitan at sinisigawan neto ha! Feel na feel niya eh!

Pumunta naman ako sa may lamesa at sabay-sabay na kaming kumaing apat. After kong kumain ay nagpahinga muna ako saglit tapos nagpatulong ako kay Yem na tanggalin yung mga benda na pinagtatali niya sa katawan ko para makaligo ako. Pero pakshet lang talaga! Ang hapdi nung dumampi sa akin yung tubig!
Para nga akong tanga doon sa CR na sigaw nang sigaw. Tapos paglabas ko, sabi ba naman sa akin ni Aera,

“Ate para kang narerape kanina! Kadiri yung sigaw mo! Yaki!” Napakasiraulong bata.

After kong makalabas ng banyo, nagpatulong ulit ako kay Yem na ikabit ‘yung mga benda. Pero sabi ko ay nipisan niya lang this time dahil lalabas ako ng bahay. Baka pagkamalan talaga nila akong mummy pag nagkataon.

“Hoy babae, sure ka ba? Bukas ka na lang kaya pumunta doon?” Nagsusuklay naman na ako nung kinausap ako ni Yem.

“Tungeks. Alam mo naman na ngayong araw ako lagi pumupunta doon ‘di ba? Sige na, alis na ako. Babush!” then kinuha ko yung cellphone, wallet at cap ko at umalis na sa bahay.

Pupuntahan ko sila. Namimiss ko na sila eh.


***