.

.

Chapter 47

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

“Ate Yem, para saan pala ‘tong mga bulaklak?”
“Shh Aera. Para ‘to sa burol ng ate mo. Namatay ata kanina.”
“Eh?! Eh sino yung pumasok kanina?! Mu-mu-mu-multo yun  ni ate?!”
“HA. HA. HA. Sa tingin mo?”
“HUWAAAA!”

Hanggang dito sa kwarto ay naririnig ko ‘yung kulitan ni Yem at Aera.
Gusto ko ngang tumawa pero ‘di ako matawa. Pesteng luha ‘to, daig pa ang Pagsanjan Falls sa pagtulo.

Nakakainis talaga. Kanina pa ako nanggigigil eh. ‘Pag naaalala ko ‘yung nangyari kanina, parang gusto kong gumawa ng kasalanan kay Serene. At saka ang sarap niyang sakalin. Badtrip na buhay naman ‘to oh.
Isa pa ‘yang si Ryde! ‘Di ko talaga siya magets. Napaka-unpredictable niya! Pero aaminin ko, nagselos ako kanina.

Okay fine! Masakit nung nakita ko silang magkasama. Oo na. Nagseselos ako. Buti nga ‘di ako naiyak kanina habang nilalait ako ng Serene na ‘yun eh. At saka ‘di naman talaga ako iyakin, pero lately parang nagiging ganun na ako.

“Oh apo? Ayos ka na ba?”
Napatingin naman ako sa harapan ko. Si Lola pala.

“Ah opo.” Pinunasan ko nalang yung luha ko at pinigilan ko nalang na umiyak. Nakakahiya kasi. Kanina pa ako umiiyak.

Lumabas muna ako sa kwarto at uminom ng tubig. Baka kasi dehydrated na ako sa kakaiyak ko. Nagulat naman ako nung tumingin ako sa may sala.

“A-ate Yem, umiinom ng tubig yung multo!”

“Hala ka Aera!” tapos biglang tinulak ni Yem si Aera papunta sa akin. Ako naman, nakisakay sa trip ni Yem. Pinunta ko yung buhok ka sa harapan para matakpan yung mukha ko tapos pinakita ko yung isa kong mata. Sakto namang pinatay ni Yem yung ilaw kaya kinuha ko yung phone ko sa bulsa at inilawan ko yung mukha ko.

“Aera…” Gusto ko nang matawa sa mukha ng kapatid ko.
Pano kasi takot na takot siya. Lumapit ako sa kanya nang lumapit.

“KASI NAMAN EH!” bigla siyang tumakbo papunta sa kwarto at nagtago siya sa likod ni Lola.

After nun ay natawa na lang kaming dalawa ni Yem.
Gagi talaga ‘tong si Yem eh. Lakas ng trip! Baka bukas may sakit na sa puso si Aera. Umupo naman kami ni Yem sa may lapag.

“Oh ano? Kamusta ang puso?”
“Keeeek! Patay.”
“Hahahaha! Sabi na nga ba eh. Mahal mo na siya teh! Congrats! Basag puso mo!”
“Baliw.”

Napabuntung-hininga na lang ako. Mahal ko nga, wala namang pag-asa tapos may lumalandi pa. Haaay. Pakshet naman eh. Ayoko ng ganitong feeling! Buti nalang at sembreak na. Di ko ata kakayanin kung makikita ko sila ngayon.

“Oh ano?
Sasama ka pa ba bukas sa sementeryo?”

“Hmm. Di na. Nakadalaw naman na ako eh.” Pumunta na ulit ako sa kwarto at natulog.

***

Maaga naman akong nagising dahil ‘di ako makatulog nang maayos. Medyo ‘di na mahapdi yung mga sugat ko sa braso tsaka sa binti pero nanghihinayang ako sa balat ko dahil for sure ay magkakapeklat yan. Hay naku naman.

Nagprepare na rin ako ng breakfast para sa kanila dahil wala naman akong magawa at ‘di rin naman na ako makatulog. Tapos nung bandang 8 AM ay nagising na silang tatlo. Sabay-sabay lang kaming kumain at kung anu-anong ginawa sa buong araw. Nung 6 PM na, nagprepare na silang umalis. Nagbihis din ako dahil balak kong maglakad-lakad.

“Hoy babae, sigurado ka ba dyan? Mamaya kung ano na namang katangahan ang gawin mo ha?” Ouch. Sakit ha. Katangahan talaga?

“Opo Ma’am. Sa sidewalk lang po ako maglalakad Ma’am,” tapos nag-salute pa ako sa kanya dahil baka pagalitan na naman ako ng baliw na babaeng ‘to.

“Good. Oh sige, alis na kami. Babush!”

Nagbabye lang ako sa kanila at hinintay silang makasakay, then saka ako umalis. Actually, ‘di ko rin alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko lang talagang mag-stay sa bahay ngayon dahil wala silang tatlo. Naglakad-lakad ako (hindi talaga ako lumagpas sa may sidewalk dahil na-trauma na ako) at tinitignan ko lang yung city lights. Ang ganda talaga! Parang christmas lights lang!

Maya-maya lang ay nakarating ako sa isang mataas na lugar. Basta kita halos lahat. Kita ko nga yung school mula rito eh. Ang ganda! Ang sarap sa feeling ng view!

“Mag-isa ka lang?”
“Ay hopia ka!”

Halos mapalundag ako nung may narinig akong nagsalita sa gilid ko. Nung tinignan ko kung sino, parang sumikip ‘yung dibdib ko. Shet naman oh. Kung kelan nag-eenjoy na ako saka pa siya lumitaw.

“I see. Mag-isa ka nga.”

Napayuko nalang ako. Ayaw ko kasing kausapin si Ryde. Ewan ko rin kung bakit. Pero kasi naiinis ako kapag naaalala ko nung magkasama sila ni Serene kahapon. Bigla naman siyang lumapit sa akin, at ang reaction ng katawan ko ay ang lumayo.

“Galit ka ba?” Jusko bakit nakakaawa ‘yung boses niya? O nagpapaawa siya? Naman oh!

“H-ha? Ano...oo...hindi...I mean...hin—”

“Dahil ba sa nangyari kahapon?”

Napatingin ako bigla sa kanya. Nakatitig lang din siya sa akin. ‘Di ko alam kung anong iniisip niya ngayon, pero kakaiba ‘yung mukha niya.
I mean, okay, expressionless pa rin pero parang mas maaliwalas na ngayon.

“We’re just friends.”
“Huh?”
“Me and Serene. Magkaibigan lang kami.”

Parang biglang nabuhay ang katawang-lupa ko sa narinig ko.
Gosh. Anong nangyayari sa akin? At bakit niya ba sinasabi sa akin? Halata bang ‘yun ang pinoproblema ko? Ay jusme!

“Ha? Tinatanong ko ba?!” Ewan ko pero napalakas yung boses ko.
Nangyari sa’kin?
“Hindi. Sinasabi ko lang,” tapos ngumiti siya.

Utang na loob. Hihimatayin ako, hihimatayin ako! Saan ba may sako rito? Gusto ko na siyang isilid at itakbo sa bahay namin! Bakit ba ganito si Ryde ngayon?! Ang gulu-gulo talaga ng buhay niya eh!

Bigla naman niyang hinawakan yung braso ko tapos inangat niya. Inikot-ikot niya pa na parang nag-iinspect ng kung ano.

“Mukhang medyo magaling ka na.” After nun ay nalungkot ako agad. Naalala ko na naman kasi yung time na niligtas niya ako.

“Eh ikaw? Kamusta yung mga sugat mo? Ayos ka na ba? May masakit pa ba? May matutulong ba ako? Sorry talaga! Pero—”

Nagulat ako nung bigla niyang nilagay yung kamay niya sa ulo ko at ginulo niya yung buhok ko. After nun ay parang natanggalan ako ng kaluluwa at sumabay ata sa undas.

“Are you worried about me?” then bigla niyang nilapit yung pagmumukha niya sa akin at ngumiti na naman siya.

Di na ako makasagot. Feeling ko namatay na talaga ako. Bwisit ‘tong Ryde na ‘to, kung anu-anong pinaggagawa! ‘Di ko na maigalaw yung katawan ko! Tapos bigla siyang tumawa. Pinagtawanan niya siguro ako kasi para akong baliw dito na nakatingin lang sa kanya at ‘di makagalaw.

“Alam mo, ngayon lang ako sinwerte.”

Huh? Pinagsasabi na naman niya? Pero teka...shet! Pati ata dila ko naapektuhan ng Ryde na ‘to!

“Do you like me?” Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay parang napunta lahat ng init ng katawan ko sa mukha ko. Ano raw?! Utang na loob lupa, bumuka ka at lamunin mo na ako! Double dead na ako rito oh! Takte talaga!


***