.

.

Chapter 48

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"Do you like me?"

“A-anong pinagsasabi mo dyan?! Bahala ka nga dyan!” tapos saka ako nagwalk-out. Shet talaga! Ano bang problema nya?! At anong problema ko?! Pwede ko namang sabihin na 'HINDI NO. UTOT MO' pero parang timang lang ako at may walk-out walk-out pa akong nalalaman.

"Hey, wait!" 

 

Bigla ko namang naramdaman na hinawakan nya yung braso ko, at dumaloy na naman yung kuryente sa katawan ko. Tapos nagulat na lang ako nung bigla nya akong inikot kaya nakaharap na ako sa kanya at...

 

"Don't go, please?" Bigla nya akong niyakap.

 

Utang na loob. Tulungan n’yo ako. Mamamatay na ako sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Lalabas na ‘yung puso ko!

Bigla namang nagrespond yung kamay ko at narealize ko nalang na nakayakap rin ako sa kanya. The eff? May sarili na bang utak ang kamay ko at di na nya ako sinusunod?!

After siguro one minute of silence ay bumitaw na rin sya. Sa wakas! ‘Di na kasi ako makahinga kanina eh. Idagdag n’yo pa na ang lakas ng tibok ng puso ko, to the point na nararamdaman kong nasa lalamunan ko na sya.

 

"Pwede bang samahan mo ako?"

"S-saan?"

"I'm gonna meet my Mom." Eh? Bakit kasama ako? Tsk. Pero mukhang ‘di naman ako makakatanggi eh. 

"S-sure," tapos naglakad kami pababa. Then, sa gilid, nakita ko na nandun pala yung bike nya. Hala naaalala ko na naman yung first time na nakaangkas ako doon. Jusko tama na Aeisha! Baka mamatay na talaga ako sa sobrang kilig!

 

Kinuha naman nya ‘yun agad at sumakay sya. Then pinasakay nya ako doon sa upuan sa likod.

 

"You sure? Mabilis ako magpatakbo."

"Ha?" Pinagsasabi nya? Di ko nagets? Sure saan?

 

Then nagets ko na lang nung pinaandar na nya yung bike. Napakapit ako sa bewang nya dahil sa sobrang bilis ng takbo at pababa pa yung slope nung daan. Shet! Narinig ko na lang na bigla syang tumawa nang malakas.

 

"Akala ko di ka kakapit eh. I don't want you to be injured again, so hold onto me. Okay?" Nagnod na lang ako kahit ‘di nya naman nakita. Pesteng Ryde 'to! Ang kapal ng mukha nya!

 

Nagpatakbo lang sya ng bike nya habang ako ay nakakapit sa kanya at nakayuko dahil sobrang bilis nga. Feeling ko kasimbilis kami ng motor!

 

"Hey, lift your head. You must see this." Napasunod naman ako agad sa sinabi niya.

"WOW!" Napanganga na lang ulit ako sa nakita ko. Pababa pa rin yung daan pero kita pa rin yung buong city. Tapos para silang christmas lights dahil sa iba-ibang kulay at nagfafade agad sila dahil umaandar kami. Ang ganda!

 

Second time ko na 'tong maranasan. ‘Yung first ay ganito rin yung scenario. Ang cool talaga!

 

After siguro five minutes ay huminto na sya. Pagtingin ko kung nasaan kami...OMG.

 

"Ah I forgot to tell you. My mom is dead. I'm gonna visit her." Parang natuyuan ako ng lalamunan sa sinabi nya. Patay na pala ang Mom nya.

"S-sorry."

"It's okay," then ginulo na naman yung buhok ko. Psh. Bagong hobby na ba nya yan? "Tara," tapos hinatak nya ako papunta sa loob ng sementeryo.

 

Naalala ko tuloy yung scene naming tatlo ni Serene dito. Shet ayan na naman. Utang na loob luha, please wag ka muna tumulo!

Nagpahatak nalang ako sa kanya at nung huminto kami ay nasa harap na kami ng puntod ng Mom nya. Pagtingin ko, may flowers doon. Siguro may dumalaw na sa kanya. Pero nung tinignan ko yung expression ni Ryde ay para syang confused na ewan.

 

"Siguro dinalaw na sya ng Dad mo," sabi ko nalang sa kanya.

"No!" tapos biglang humigpit yung hawak nya sa wrist ko. Ouch! "Hindi niya ‘yun gagawin!" Natakot ako bigla sa expression ni Ryde. Galit na galit sya, and this is the first time I saw him like that. Napapikit nalang ako dahil nakakatakot talaga sya ngayon.

Pero bigla ko nalang naramdaman na binitiwan nya yung kamay ko kaya napadilat ako. Tapos pagdilat ko, nakayakap na pala sya sa akin.

"I'm sorry. I didn't mean to—"

"Okay lang," sabi ko nalang sa kanya, then bumitaw na sya.

 

Umupo sya sa harapan ng Mom nya and then nilagay nya yung flowers na binili nya doon sa labas ng sementeryo. Gusto ko rin ulit tuloy dalawin si Mama at si Papa.

 

"Mom, kamusta ka na? I hope you're fine wherever you are. And I hope you're happy."

 

Nakatitig lang ako kay Ryde. Hindi ko alam na ganito pala sya kadaldal. Yeah, kinakausap nya yung Mom nya and sinasabi lahat ng nangyari sa kanya. Hindi ko nga lang marinig dahil ang daming tao at parang bumubulong lang sya. Oh well, at least he's smiling. Siguro puro masasayang bagay lang ang kinukwento nya para mapanatag yung Mom nya.

 

Hindi ko naman maiwasang hindi tumingin sa direksyon ng puntod ng parents ko. Andun nga pala ngayon sina Aera. Puntahan ko kaya sila?

 

"Uhm, Ryde, alis lang ako saglit." Napatingin naman sya sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Sa parents ko," then nagsmile nalang ako sa kanya.

 

Naglakad ako papunta doon sa right side. Konting lakad pa and then kaliwa ay nakarating na ako kina Mama at Papa. Sakto namang andun sila Yem.

 

"WHOA! ATE!" Nakita na pala ako ni Aera.

"Oh? Susunod ka rin pala eh! Sana sumabay ka na lang sa amin kanina!"

"Err. Actually di ko naman talag—"

"WHOA! KUYA BABES! KUYA RYDE!"

 

Oh God. Napapikit nalang ako sa sitwasyong kinalalagyan ko. Pakshet. Bakit sumunod si Ryde?! Bigla ko namang nakita na nagbago yung expression ni Yem. Parang naging "Oh kaya pala" expression with matching tangu-tango pa!

 

 "S-sorry. I never thought that your parents are d—"

"Okay lang. Haha."

 

Nilapitan ko nalang sina Yem habang si Ryde ay nakatayo lang doon sa gitna. Teka nga pala, bakit parang kulang sila?

 

"Asan pala si Lola? Bakit di nyo kasama?"

"Ah bumili ng softdrinks. Nauuhaw daw siya eh. Tsaka nagpakilala sya kina Tita. Ang cute nga ni Lola eh."

 

Natawa na lang ako sa sinabi ni Yem. Tatawagin ko sana si Ryde pero nagulat nalang ako nung nawala sya doon sa likod. Huh? Saan yun nagpunta?

 

"Aera, saan nagpunta si Ryde?"

"Uhuuu…" Anong nangyari rito kay Aera? Bakit 'to umiiyak?

"Uy, bakit ka umiiyak?"

"Eh si kuya Ryde kasi! Biglang tumulo yung luha sa mata nya eh. Nakakaawa si kuya Ryde! Ate anong ginawa mo sa kanya?!"

 

Hah? Si Ryde? Umiyak? Teka! Anong nangyari?!

Bigla akong napatakbo sa puntod ng Mom niya. Baka nandun pa siya. Alam ko tinatawag ako ni Yem at Aera pero hinayaan ko na lang sila. Tsk. Naguguluhan na talaga ako sa kanya! Ano ba kasing problema nya? Nasaan na ba siya?

 

Habang lumilingun-lingon ako ay bigla na lang may naglanding na kamay sa pisngi ko. Shet! Ang sakit! 

 

"Don't go near him. Ever. Again. Got that? Get lost!" Halos nawala yung boses ko sa nangyari. What the hell? Aano na naman ba 'to?!

"Aeisha! What the?! Hayop ka talaga Serene!" tapos bigla nalang sinugod ni Yem si Serene. Ako naman ay nanigas yung buong katawan ko sa bigla. We're making a scene here. Nakakahiya.

"Don't touch me! Pagsabihan mo yang kaibigan mo! Wala kayong alam kay Ryde kaya ‘wag kayong makisawsaw sa buhay nya! Maliwanag?! Damn girls!" tsaka sya umalis sa harapan namin.

 

Ano ‘yun? Ano ba kasing nangyayari?!