.

.

Chapter 49

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"What the hell was that?! Bwisit! Naku mapapatay ko na talaga yang Serene na yan eh! Saktong-sakto oh! Andito na tayo sa sementeryo! Shet! Magbubungkal talaga ako ng lupa dito, mapaglagyan lang ng bangkay niya! Bitchesa! Oy Poleng, ayos ka lang?"

"Ah...oo."

 

Para ngang hindi ko na ramdam yung sampal ng walang hiyang Serene na yun eh. Ang iniisip ko lang ngayon ay kung nasaan si Ryde. And what happened to him? Bigla-bigla na lang syang nawawala. Saan ko ba siya pwedeng hanapin? Pero baka naman magkasama sila ni Serene. Ano namang laban ko sa kanya ‘di ba? Kaibigan siya. Baka nga close friend pa. Ano ba naman ako? Isang hamak na classmate na may gusto sa kanya.

 

"Ohh mga apo! Anong nangyari dito?" Napatingin naman ako kay lola na sumulpot na naman out of nowhere.

"Ah Lola! Bakit ang tagal mo? Naku! May sumulpot lang pong baliw kanina! Jusme! Gusto ko na talaga siyang ilibing ng buhay!"

"Hala ate Yem, hinga lang! Baka ikaw yung mamatay dahil sa high blood! Kumalma ka!" then si Aera ay hinawakan si Yem para irestrain siya. Gaga talaga 'tong kapatid ko.

 

Tumayo naman ako agad. Shet. Ngayon ko lang naramdaman ‘yung sakit ng sampal niya! Namumuro na talaga sa akin ‘yang si Serene eh. Pero na-amaze ako sa sarili ko ngayon, hindi ako umiyak. Tae talaga. Gagantihan ko talaga siya sa susunod. ‘Di na ako papayag na lagi nalang ako yung nasasaktan!

 

"Oy oy oy! Teka saan ka pupunta Poleng?!" Narining ko si Yem. Papalakad na kasi ako palabas ng sementeryo.

"May hahanapin lang," then nginitian ko silang tatlo. Ayaw ko nang nag-aalala sila sa akin. Hindi na ako bata para lagi pang tignan o bantayan ng mga tao sa paligid ko. Napansin ko naman na biglang kumalma si Yem at seryoso lang syang nakatingin sa akin.

"Hah, so you've come to this point. Sige Poleng! Push lang nang push! ‘Wag kang magpatalo dun sa lecheng babaeng ‘yun! Sige, ingat!" then bigla siyang tumalikod at bumalik silang tatlo doon sa puntod nila Mama at Papa.

 

Tumalikod na rin ako at lumabas na ng sementeryo. Putek, pero saan ko siya hahanapin?! Ni wala nga akong alam sa kanya! Kasi naman eh! Ewan ko ba! Nag-aalala ako. Taeng Ryde ‘yan! Nakakainis na ‘yang presence niya ha! Nagigimbal yung buong pagkatao ko dahil sa kanya eh! Pero bakit ba kasi siya biglang nawala? Anong nangyari sa kanya?

 

Tumakbo ako papunta doon sa mataas na lugar na pinanggalingan namin kanina. Baka kasi nandun siya. Syempre, sa sidewalk lang ako talaga tumakbo. Traumatic na ang kalsada para sa akin. Then after few minutes ay nakarating din ako. Kaso, walang tao.

 

Napahinto naman ako at nag-isip muna kung saan pa siya pwedeng pumunta. Kung wala siya rito...  

 

"Sa school!" sabay takbo ko papunta sa direksyon ng school namin. He must be there! Sana maabutan ko pa siya. 

 

Since sarado ang school ay doon ako sa may bakanteng lote dumaan para diretso na ako doon sa may field. ‘Dun sa may malaking puno sa labas ng school. Pagdating ko, nandoon siya. Kahit madilim ay kitang-kita ko na nakahiga siya doon.

 

Teka, bakit parang ‘di siya gumagalaw? Tulog ba siya? O baka naman...

Hala baka naman kung napaano na siya! Oh my God! 

 

"RYDE!" Napatakbo ako sa direksyon niya dahil kung anu-anong madudugong images ang lumalabas sa utak ko. "Oy Ryde! Ayos ka lang ba? Anong nangy—"

"Leave me alone."

 

 

Napatigil naman ako sa pagtakbo. Actually malapit na ako sa kanya. Isang metro siguro ang pagitan namin ngayon. Kahit madilim, kita ko yung mukha niya. Nakahiga siya sa may damuhan at nakapikit yung mga mata niya.

 

Leave me alone.

 

Biglang bumigat ‘yung pakiramdam ko.

 

"Nag-aalala lang naman—"

"Shut up. Get lost."

 

Narealize ko na lang na this time, tumulo na talaga yung luha ko. Bakit ganito? Hindi naman niya ako sinampal, tinadyakan o binugbog  pero nasasaktan ako.

 

"Pero..." lumapit ako sa kanya "...Ryde."

"I SAID GET LOST!" halos manigas na ako doon sa kinatatayuan ko nung napaupo siya at sumigaw sa akin. Then bigla ulit siyang humiga at pumikit.

"Tsk. Just...just...leave."

 

That's it. Ayoko na. Punung-puno na ako sa kanilang lahat. Ano bang problema nila?! Bakit ang gulu-gulo nila?!

 

"Fine! Bahala ka!" Pinipigilan kong umiyak pero ‘di ko nagawa. Para na akong tanga sa harap niya na sumisigaw habang umiiyak. Tumalikod ako sa kanya pero humarap ulit ako at huminga nang malalim.

 

“Pero sana, ‘wag mong takbuhan ‘yang problema mo. Akala mo ba hindi ko napapansin? Alam ko namang may malaki kang problema! Pero wala na akong pakialam kung ano man ‘yun. Pero Ryde, lalaki ka ba talaga? Duwag lang ang taong tinatakasan ang problema niya! Umiyak ka kanina? Oo, bago ‘yun! Pero anong ginawa mo? Tumakbo ka na naman! Samantalang ako, bigla na lang nasampal ng KAIBIGAN mo dahil sa punyetang dahilan na hindi naman daw kita kilala!” Pinunasan ko ‘yung luha ko at naghahalu-halo na lahat ng nararamdaman ko. ‘yung inis, sakit at galit sa kanila. “Pero tama naman siya eh. Hindi naman talaga kilala. Ni wala nga akong alam sa’yo. Sino nga ba naman ako sa’yo ‘di ba? Classmates lang naman tayo. Pero kahit papaano, naramdaman ko na nakilala kita...kahit kaunti...kapag magkasama tayo. Pakiramdaman ko, naiintindihan kita. Pakiramdam ko, parehas tayo,” tapos ay tumalikod na ako sa kanya. “Pero kung ito ang gusto mo, fine. Hindi na kita papakialaman. Leave? Sige. Aalis na ako. Salamat sa company mo, kahit sandali lang. Gusto kong sabihin na kahit papaano, naenjoy ko ang mga sandaling ‘yun. At sorry kung may nagawa man akong ‘di mo nagustuhan,” saka ko siya ulit tinignan. “Good bye, Ryde.”

 

Tumakbo agad ako paalis sa lugar na ‘yun. Hindi ko na rin masyadong makita ‘yung daan dahil nanlalabo na ang paningin ko kasi tuluy-tuloy nang tumutulo ‘yung luha ko.

 

Ang sakit. Bakit ba ganito? Ngayon na nga lang ako nagmahal, tapos ganito pa ang mangyayari.

 

Naglakad lang ako nang mabagal pauwi ng bahay. Wala na akong pakialam kung pagtinginan pa ako ng mga tao. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa street namin ng hindi naliligaw. 

 

"Jusme Poleng! Anong nangyari sa'yo?! Hay naku! Pumasok ka nga rito!" Hindi ko alam na nasa bahay na pala ako. Hinila nalang ako bigla ni Yem sa loob ng bahay. "Ano ka ba?! Di mo ba alam na 10 PM na?! Utang na loob naman Poleng, may mga taong nag-aalala sa'yo!"

"Sorry." 

 

Napaupo nalang ako sa lapag at nagsimula na namang umiyak. Hindi ko alam pero pagkaupung-pagkaupo ko ay naikwento ko na kay Yem ‘yung buong pangyayari. After nun ay pumunta ako sa kusina. Ang alam ko...meron pa nun dito.

 

"Oy Poleng, anong gagawin mo dyan?" sabay turo niya sa hawak ko. Ako naman ay umupo doon sa may lamesa at binuksan ko yung bote. Kumuha na rin ako ng baso.

"Pampagaling ‘to kapag masakit ang puso ‘di ba?" tapos sinalin ko ‘yung alak sa may baso. "Shet lang kasi Yem, ngayon ko lang naramdaman ‘to. Yung sobrang naging...espesyal ‘yung tao sa akin...to the point na...minahal ko na siya...t-tapos, ganito lang? Taeng pagmamahal yan. Kung ganito rin naman pala ang mangyayari... ayoko nang magmahal. Sawang-sawa...na...akong masaktan. Ayoko nang umiyak...My parents' death are enough..."

 

Hindi pa rin tumitigil ‘yung mga luha ko sa pagtulo at sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Basta ang alam ko lang, gusto kong ubusin ang alak na ‘to.