.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 20, 2014


***

“Whaaaaaaaa!” halos lumabas na yung puso ko sa lakas ng tibok nito dahil pakiramdam ko ay huling sandal ko na sa mundong ibabaw. Malalaglag na ako at nararamdaman kong mauuna ang ulo ko sa sahig. Kaya wala na akong pakialam kung kanino man yung nahablot kong polo sa likod ko. Basta kailangan kong mabalance ang sarili ko.

Pero mukhang di talaga nakikiayon sa akin ang pagkakataon dahil yung nahatak kong polo ay parang pabagsak na rin. Nakapikit kasi ako kaya di ko alam kung anong nangyayari. Mamamatay na ata ako, nandamay pa ako. Sorry sa kung sino man ang nahatak ko, madadamay pa siya!

Nung hinihintay ko na yung paglagapak ko sa sahig ay parang walang dumating. Hindi kaya sadyang mabilis yung mga pangyayari kaya di ko naramdaman yung pagtama ng ulo ko sa sahig? Patay na ba ako?

Sinubukan kong idilat yung mata ko at halos napanganga ako sa nakikita ko.

Nakahawak yung lalaking nahatak ko sa bewang ko na parang naakaalalay tapos nakahawak yung isang kamay niya sa may hagdanan. At isa pang nakakagulat ay nakatingin yung mga kaklase ko sa amin.

“Ang bigat mo.” Sinubukan niya akong itayo dahil wala na ako sa wisyo at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Akala ko talaga mababagok na ako. Akalain nyong may sumalo pala sa akin? Pero shet lang sa comment ha? Excuse me lang sa kanya, 45 kilos lang ako no!

“Sa-salamat.” Tumingin siya sa akin ng masama at saka siya tuluyang bumaba ng hagdan.

Si Rydell Jin yung lalaking nahatak ko ang polo at yung lalaking nakasalo sa akin. Pagkatapos ng mala-Disney na scene na yun ay hinatak na ako ni Yem pababa ng hagdan habang yung classmates namin ay nakatingin pa rin sa amin.

“Loka ka teh! Grabeng eksena yun! Yiiiee pero nakakakilig kayo. Ang lapad ng ngiti ko nung nasalo ka niya eh. Shet nakakakilig talaga!” hatak-hatak niya pa rin ako at nasa first floor na kami pero parang lumipad na naman kung saan yung kaluluwa ko. Kung nasa tamang pag-iisip lang ako ngayon eh kanina ko pa nabatukan ‘tong si Yem eh.

“Pero lagot ka talaga Aeisha! Ang sama ng tingin sayo nung mga fangirls niya lalo na yung si Serene. Pero nakakakilig talaga eh. Hahaha!” napatingin naman agad ako sa kanya at sinigurado kong matalim yung tingin na yun.

“Sabi ko nga shut up na ako.” Tsaka niya tinikom yung bibig niya. Buti naman.

Ugh. Nakakainis! Ngayon naman yung bewang ko! Ano ba? Iniisa-isa niya ba mga parte ng katawan ko?! Nawawalan na ako ng dangal dahil sa kanya ha!

Pero in fairness naman, thankful na rin ako sa kanya at nahawakan niya yung bewang ko that time dahil kung hindi, eh goodbye face at hello bukol na siguro ang drama ko ngayon. At saka that time, mas lalo kong natitigan yung mukha niya. Medyo gwapo nga talaga siya. Ang lapit lapit ng mukha niya sa akin tapos yung mga mata niya…

TEKA NGA! Bakit ko ba yun iniisip? Yuck!

“Oh anong nangyayari sayo?” napatingin ako kay Yem at narealize ko na umiiling-iling pala ako. 

“Wa-wala. Iniisip ko lang kung anong club yung sasalihan ko.”

“Asus! Kunwari ka pa eh! Sige dito na yung Glee Club oh. Babayu! Hintayin mo ako sa gate mamaya ha?” after niyang magbabye sa akin ay pumasok na siya sa isang room dahil dun daw yung glee club. Ako kaya? Ano bang club ang sasalihan ko? Ang hirap naman mamili!

Pero after ten seconds ay nakapili na rin ako. Badminton! Yun nalang dahil ayaw kong magtheater kung ako lang rin naman pala mag-isa. Edi sa sports club nalang! Sa badminton lang naman ako marunong eh.

Pumunta ako sa gym namin kung saan doon yung sports club. Tapos nasa loob lahat ng sports na gusto mong pagpilian. Nandoon yung basketball, volleyball, badminton, chess, table tennis at marami pang iba. Kaso andami namang tao.

Tinry kong makisiksik dun sa badminton area. Grabe lang ha! Ang dami naman yatang magtatry-out for badminton? Parang dati nasa lima lang ah? Bakit ngayon ay nasa bente ata kami dito?! At karamihan pa babae. Tatalo lang ata yung lalaking nakikita ko dito.

“Okay, fall in line!” nagulat ako sa sigaw nung coach ng badminton kaya napapila agad ako. Nakakatakot naman siya! Akala ko mabait yung coach.

“Hindi ako ang magpapatry-out sa inyo kundi si Daniel. Mag-aassist lang ako. Maliwanag?” Daniel? Sino yun? Siya ba ang captain? Bigla namang nagbulungan yung tatlong babae sa harapan ko.

”OMG! Si Daniel yung captain di ba? Ang swerte naman natin! Super hot at gwapo daw yun eh!”

Sabi na nga ba eh. Kaya maraming babae dito sa badminton area, at maging sa buong gym ay dahil sa mga captains ng bawat sports. Mga babae talaga ngayon.

Maya-maya pa ay lumabas na yung Daniel sa locker room sa gym.

HOLY COW.

At ang gwapo nga niya. Parang may liwa-liwanag pa sa gilid niya kaya dagdag effects sa entrance niya. Pagkalabas na pagkalabas niya ay biglang tumili yung mga babaeng katabi ko. Pati yung mga tao sa ibang side ng gym ay napatingin sa kanya. Wow lang, head turner pa. Hindi ko rin maalis yung mata ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Makalaglag-panty.

Pero syempre di ko pinapahalatang nagagwapuhan ako sa kanya. Di nalang ako tumingin ulit sa kanya para mawala yung focus ko sa kagwapuhan niya. Isa-isa kaming binigyan ng badminton racket at isa-isa rin daw kaming kakalabanin nung Daniel na yun.

“Waaaah! Hala!”

“Ano ba? Badminton ‘to hindi batuhang bola!”

Natawa naman ako nung sinigawan nung coach yung isang babae na kalaro ngayon ni Daniel. Paano eh lagi niyang iniiwasan yung shuttlecock. Adik lang teh? Halata naman kasing hindi sila marunong at talagang nagtry-out lang para makita ng malapitan yung captain.

Nakita ko namang nagfacepalm na yung coach at halatang naiinis na sa mga babaeng nagtatry-out na walang ibang ginawa kundi mag-inarte sa court. Tinignan ko naman si Daniel at wala siyang ibang ginawa kundi tawanan yung mga kalaban niya. Hindi niya ba alam na dahil sa ginagawa niya eh lalong nadidistract yung kalaban niya? Tsk.

Ilang babae rin ang lumipas at kaunti lang talaga yung totoong gustong mapasali sa club dahil gusto nila talaga at hindi dahil gusto lang nila yung captain. Tapos yung tatlong lalaki ay nakapasok.

At actually ay ako na. Kinakabahan na ako! OH MY GOD!

“Oh ikaw? Baka naman nandito ka rin para makita si Daniel?” yan yung salubong sa akin nung coach ng badminton kaya napakunot ang noo ko. Eh kung sipain ko kaya siya? Duh? Wag niya akong itulad sa mga naunang babae no! Buti nga sinubukan ko pang magtry-out dito eh.

Tinaasan ko siya ng kilay, “Then watch me.” Sabay pasok ko doon sa court. Nakakainis kasi. Di ko sana siya sasagutin kaso nakaka-offend yung sinabi niya.

Pumwesto na ako at nakita ko naman na parang bored na yung Daniel. Aba at talagang minamaliit nila ako ha?! Anak naman ng tokwa oh! Si Pauline Aeisha, minamaliit?!

Kahit hindi pa pumipito yung coach ay tinira ko kaagad yung shuttlecock ng malakas papunta kay Daniel. Nakita ko namang nagulat siya dahil hindi pa siya prepared, pero dahil siya ang captain ay naibalik niya agad sa akin yung shuttlecock. Huh, yabang mo ha?

“Whoa. You’re aggressive, huh?” sigaw niya sa kabilang side at sinamahan pa niya ng isang nakakalokong ngiti. Aggressive niya mukha niya! Bwisit! Nakakaasar na dito! Kahit pogi siya eh hindi pa rin tama na tamarin siya sa pakikipaglaban no!

“Shut up and just play!” sigaw ko sa kanya habang binabalik ko sa kanya yung tira at agad naman din niyang naibalik sa akin. Grabe, English yung sinabi ko sa kanya ha. Nagulat ako sa sarili ko.

Ganun lang ang nangyari sa loob ng three minutes. Nagulat nga ako at nagrarally na pala kami. As in tuluy-tuloy at walang pumapalya sa mga tira. Nung narealize ko yun ay sumablay ako kaya di ko natira yung shuttlecock. Nahiya ako kasi andami na palang nanonood sa amin.

Bigla kong nabitawan yung badminton racket nung napatingin ako sa paligid namin. Gosh, lahat sila ay nakatingin sa amin! Nakakahiya! Tatakbo na sana ako palabas ng gym kaso may humawak sa braso ko.

“Where are you going?”

“A-aalis na ko!” tinatanggal ko yung kamay niya sa braso ko pero ayaw matanggal! Bakit kasi ang daming nanonood?! Di ba pwedeng wag silang manood at magtryout nalang sa sport na sinasalihan nila?! Nacoconcious kaya ako!

“Hindi pwedeng umalis dito. Kasi tanggap ka na sa club.” Tapos ngumiti sa akin si Daniel ng nakakatunaw talaga. OH MY GOLLY WOW WAG GANYAN.

Te-teka.

Ano daw?

PASOK NA AKO?


***