.

.

Chapter 50

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"Ouch ouch ouch! Ang sakit ng ulo ko!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Ang sakit talaga! Pakiramdam ko mabibiyak na ‘yung ulo ko!

"Eh kung sino ba naman kasing sobrang lasinggera. Tinungga mo ba naman yung bote eh!"

 

Kinuwento naman sa akin ni Yem yung nangyari kagabi. Ang ganda pa ng description niya sa akin—siraulong baliw. Ang sakit sa pagkatao ko ha? Bigla namang sumulpot si Aera sa may kwarto.

 

"Ate, ano nang nangyari kay kuya Ryde babes ?"

"Aera—!" narinig kong sigaw ni Yem. Pero wala na, huli na siya.

 

Bumigat na naman ‘yung pakiramdam ko. Bigla ko na namang naalala yung nangyari kagabi. Idagdag niyo pa na ang sakit pa rin ng pisngi ko dahil sa sampal ng pesteng impaktitang Serene na ‘yun.

 

"Ano ka ba Aera, masamang word na ang Ryde simula ngayon. Mamamatay ate mo pag narinig nya ‘yun. Okay? Pag yan namatay, ikaw nalang mag-isa. Sige ka."

"Hala talaga, ate Yem?! Wah sige hindi ko na babanggitin yung pangalan ni kuya Ryde— Waaaah sorry! Ate ‘wag kang mamamatay! Hindi ko na talaga sasabihin! Tatakpan ko na ‘yung bibig ko!” at sumisigaw pa rin siya kahit nakatakip yung bibig niya.

 

Gaga talaga 'tong si Yem at Aera eh. Imbes na nag-eemote ako ay ‘di ko maiwasang mapangiti dahil sa kanila. Well, at least nabawasan ang depression ko.

  

After kong mag-emote sa harapan nilang dalawa ay kumain na rin kami ng tanghalian. Si Lola nga ang nagluto eh. The best talaga ang mga luto niya! Pagkatapos nun ay naligo agad si Yem. Saan ang lakad nun? Oh well. Ako naman ay sa kwarto lang nagpunta. Then sumunod sa akin si Lola.

 

"Oh apo, kamusta ka na?" sabay upo niya doon sa may kama.

"Ahh. Eto po. Nagpakagaga dahil sa isang lalaki," tapos ngumiti ako. Pero wala pang isang segundo ay may pumatak na namang luha sa mga mata ko.

"Mahirap talaga magmahal, apo. Masasaktan at masasaktan ka. Hindi naman kasi lahat, nakukuha natin agad-agad. Hindi lahat, nakukuha natin sa unang subok."

"Pero kasi lola...h-hindi ko sya maintindihan eh. M-minsan, seryoso siya, minsan naman sobrang saya niya...minsan bigla-bigla na lang nagagalit. Ang labo niya."

"Ganun talaga ang mga lalaki, apo. Ayaw nilang maintindihan sila. Mas gusto nilang itago ‘yung nararamdaman nila. May kilala rin akong ganyan dati," napatingin naman ako kay lola. "Hay, ang bilis ng panahon, ano? Matanda na talaga ako. Siguro pagkalipas ng ilang taon ay mamatay na ako," tapos bigla siyang ngumiti.

"Lola naman...’wag kang magsalita ng ganyan."

 

Bigla kasi akong kinabahan sa sinabi ni Lola. Ayoko talagang naririnig yung mga salitang 'mamamatay na ako' galing sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Tama na na namatay yung parents ko. Ayoko nang makakita o makaramdam ulit ng ganung lungkot.

 

"Apo, kung talagang mahal mo siya, ipaglaban mo. Ang babae, dapat maging matapang din. Hindi ‘yung puro iyak. Walang mangyayari sa inyo kung iiyak ka lang sa isang tabi."

"Pero po...anong point kung ipaglalaban ko siya? Eh...ni ayaw na nga niya ata akong makita eh."

"Ano bang sinabi niya sa'yo apo? Sinabi nya bang ayaw ka na talaga nyang makita?"

"Leave me alone tsaka get lost." Napayuko na lang ako. Hindi ko talaga kinakaya kapag naaalala kong sinabi niya ‘yun sa akin.

"Baka naman gusto niya lang talagang mapag-isa nung panahong ‘yun. O kaya ayaw niyang makita mo siya sa ganung sitwasyon. Apo, ‘yung mga sinasabi ng mga lalaki, kadalasan ay hindi talaga ‘yun ang ibig nilang sabihin."

 

Wala naman akong masabi sa mga sinabi sa akin ni Lola. Pero I feel great. Kahit papaano ay nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko. Siguro...siguro ganito ang feeling ‘pag nag-uusap ang nanay at anak tungkol sa ganitong mga bagay. Siguro...ganito kami ni Mama ngayon kung buhay pa siya.

 

Nagthank you naman ako kay Lola sa pagkausap sa akin. Inayos ko naman yung sarili ko at mukha na talaga akong pulubi sa kakaiyak. Ang baho ko na nga ata eh. Di ko na maamoy yung sarili ko dahil barado na yung ilong ko kakaiyak. Pagkalabas ko sa kwarto ay bumungad sa akin ‘yung pagmumukha ni Yem.

 

"San ka pupunta?"

"Hmm. Date."

"Ahh okay," then nilagpasan ko siya.

  

Wait.

 

"Huh?! Date?! M-m-may date ka?! Tanghaling tapat, makikipagdate ka?!" Shet ang puso ko! Harususme! Sumakit ang ulo ko dito kay Yem. Ano bang iniisip ng babaeng 'to at makikipagdate siya ngayon?! At sino naman ang idedate niya?!

"Aray ha! Makasigaw ka naman! Like duh? Masama bang mag-date sa tanghali?"

"At sino naman yang malas na lalaking yan?"

"Hoy excuse me, swerte kamo. Sa ganda kong 'to? Aba! Swerte niya siya natipuhan ko ‘no." Aba? Taas ng confidence level ng best friend ko ah? Di ko mareach.

"Eh sino nga, aber?"

"Eh di si Chris," tapos bigla siyang nag-blush at napatingin sa right side.

"Si Chris naman pala eh. Okay fine. At least mukha namang safe ka sa kanya." Well, may trust naman ako kay Chris. Tsaka fan nga ako ng love team nila ‘di ba? For sure sa loob-loob ni Yem ay sobrang kinikilig na yan.

 

Hay. Buti pa sila. 

 

"Sige na, babush. At ayusin mo rin yang love life mo ha! Gusto ko bago tayo mag-college masaya tayo!" At tuluyan na syang naglandi—I mean, umalis.

 

Ako naman ay pumunta na rin sa loob ng banyo at naligo. Then  after nun ay nagbihis at lumabas ng bahay. Ano kayang pwedeng gawin? Sa pag-iisip ko ay biglang may dumaan na dalawang batang nakasakay sa bike na tatlo yung gulong. Siguro nasa grade 1 or grade 2 na sila. Tapos nakaangkas yung babae doon sa likod ng lalaki.

 

Bwisit na mga batang 'to! Bakit ba pinapaalala nila sa akin yang bike scene na yan?! Ayoko na nga munang maisip si Ryde eh! Badtrip naman oh!

 

At dahil sa mga batang 'to ay naisipan kong manghiram ng bike doon sa kapitbahay namin. Pinahiram din naman agad nila ako. Buti nalang mababait sila. Syempre, ano pa nga bang gagawin ko? Eh ‘di magbibike. Pero...hindi ako marunong magbike.

 

Sumakay ako sa bike at tinry kong magpedal pero ‘di ko kaya ng dalawang paa! Baka matumba ako! Kailangan pang nakasayad yung isa kong paa sa lupa. Ang hirap pala nito! Lalo na siguro kung mag angkas ka pa.

 

"Hyaaaa!" Tinry kong magpedal ng dalawang paa at nagawa ko siya! Gosh ang galing ko na!

 

Pero bigla akong nagpanic nung parang tumatagilid na ako dahil nagdiwang ako masyado. Hindi ko na rin mababa ‘yung paa ko dahil naiisip kong mabubunggo na ako! Hala! Napapikit na lang ako dahil wala nang pag-asang maiwasan ko ‘to.

 

Hm? Teka. Bakit parang ‘di ako bumunggo? Napadilat naman ako para makita ‘yung nangyari. Pagtingin ko, may nakatayo sa harapan ko at hawak-hawak niya yung manibela ng bike at pinigilan akong bumangga.

 

"Ryde?" tinignan ko yung mukha niya... "Daniel?"

"Disappointed?" then nag-smile sya sa akin.

"ha? Hindi!  Thanks pala sa pagpigil nung bike. Akala ko mabubunggo na ako eh. Oo nga pala, bakit ka andito?" 

"Hmm, wala naman. I just want to see you. So  how are you?"

 

Eto. Brokenhearted. Malungkot. Zombie. Patay ang puso. Naging corny na. Gusto ko sanang sabihin sa kanya kaso nahiya naman ako. Baka pagtawanan niya pa ako.

 

"A-Ayos naman! Ganun pa rin!" then nag-smile ako sa kanya.

"Aeisha. Don't lie." Bigla akong napatingin sa kanya.

"Ha?"

"I can see it in your eyes. You're not okay. Dahil ba 'to kay Ryde?"

 

Natahimik ako at napayuko. Kainis naman ‘tong si Daniel eh. Nag-eenjoy na ako sa pagbabike tapos biglang ipapaalala si Ryde.

 

"I guess that means I'm right." Nakita ko namang umupo siya doon sa may sidewalk. Bumaba ako sa bike at dinala doon sa pwesto ni Daniel.

"Hay. I should know it better," biglang sabi niya. Ano raw?

"Ano yun?"

"Ah wala."

"Ha?" Ang gulo naman ni Daniel. May sinabi sya tapos biglang wala? Luh? Labo.

"Espesyal ka sakin, Aeisha. Kaya ayaw kong nakikita kang nasasaktan o umiiyak. I really want to protect you. Gusto ko lagi akong nasa tabi mo. But I think I'm not the right one for that job. I want you to be happy," tapos nginitian nya na naman ako. Bigla syang tumayo at lumapit sa akin. Then ginulo niya yung buhok ko. "Kaya, wag ka nang umiyak okay? Nahihirapan din ako eh. I promise, I'll bring back that happy face of yours," tapos ginulo na naman niya yung buhok ko.

 

Then naglakad na siya palayo sa akin. Hmm, what's with him? Pero, I'm glad. Nakakatuwa kasi na nandyan sya para sa akin. Para ko na kasi siyang kapatid. He’s awesome.

 

"Hay, kawawang bata naman iyon." Bigla naman akong napalingon sa kung saan nanggaling ‘yung boses.

"My God Lola! Jusko! Kanina pa ba kayo dyan?! Aatakihin ako sa puso dahil sa inyo eh !" Ang adik nito ni Lola! Bigla ba namang sumulpot doon sa likod ng mga halaman?! Nag-eeavesdrop pala!

"Eh? Pasensya na. ‘Di ko naman kayo pinanood eh. Pinakinggan ko lang yung usapan nyo. Pero kawawa siya, apo."

"Ha? Bakit naman po?" Paano naging kawawa si Daniel? Anong pakana na naman 'to ni Lola?

"Eh mukhang wala na syang pag-asa eh. Mukhang suko na siya."

"Ha?"

"Ay jusmiyo kang bata ka. Kabagal mo pagdating sa mga ganitong bagay. Hala sige, papasok na ako."

 

Anyare kay Lola? Oh well, makapagbike na nga lang ulit. This time, sisiguraduhin ko na hindi na ako matutumba.