It's been 2 weeks after that incident. May pasok na rin kami dahil tapos na ang sembreak. Makikita ko na ulit si Ryde. Iniisip ko pa lang kung anong pwedeng mangyari, nangangatog na yung kalamnan ko. Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon...namimiss ko siya.

  

"Oh ayan ka na naman sa mukha mo ha. Tapos mamaya sasabihin mo na naman sa akin, 'Waahh Yem namimiss ko siya'  ha? Ansabe kasi ng kadramahan mo dati eh! May pagoodbye goodbye ka pang nalalaman!"

  

Kita nyo 'tong si Yem. Di ko alam kung best friend ko ba talaga 'to o tagasira ng pangarap ko. Porque nagkakamabutihan lang sila ni Chris, ganyan na siya! And speaking of Chris, tumatakbo siya ngayon sa may field. PE ata ng section nila.

 

"Chris! Jusme ang cool niya talaga!"

"Shut up Yem. Die." Kainis. Sa akin pa talaga pinarinig eh. Alam naman niyang sensitive ako ngayon pagdating sa lecheng love na ‘yan eh.

"Heh! Bitter! Bitter mo te! Tara na nga!" then umakyat na kami papunta sa room. Pero bawat hakbang ng paa ko ay lumalakas yung tibok ng puso ko. Shet! Makikita ko na siya ulit! Pero anong gagawin ko? Ayaw kong pumasok !

 

 

Pagdating namin sa room, naabnormal na ang puso ko. Nakita ko siya. Nandun siya sa likuran ng upuan ko. Kahit na nagpapanic na ang kaloob-looban ko ay tinry ko pa ring magpoker face at nagdire-diretso lang ako sa upuan ko. At pagkaupung-pagkaupo ko ay kinilabutan ako. ‘Di ko alam kung malakas lang talaga ang pakiramdam ko o assuming lang ako pero feeling ko nakatingin siya sa akin.

  

Buong class period namin ay para akong estatwa. Parang konting galaw ko lang ay mamamatay na ako sa sobrang pagkaconscious. Pawis na pawis na ako sa sobrang kaba. Peste naman kasi eh! Bakit nasa likod ko siya?! Pwede bang kahit ngayon lang ay ibahin ‘yung seating arrangement? Hindi ko 'to kinakaya. Kahit namimiss ko siya ay sobrang awkward pa rin. Kaya nagpasalamat ako nung dumating ang lunch break.

 

"Oy Yem dalian mo nagugutom na ako!" Pagkadismiss na pagkadismiss sa amin ng teacher namin ay ako yata ang unang tumayo sa upuan at talagang kinaladkad ko si Yem palabas ng room.

"Whoa! Hoy Poleng pwede kasing magdahan-dahan! Natatae ka ba at sobrang nagmamadali ka?" Binatukan ko siya nang malakas. "Ouch ha!"

"Ang gaga mo eh! Syempre kanina pa ako dun nacoconscious no! Nasa likod ko kaya siya! Whoo! Nakahinga rin ako nang maluwag."

"Aysus! Pero nung sembreak para kang zombie na ewan! Mukha kang 'namimiss ko na siya! Namimiss ko na si Ryd—'  hmmm!" tinakpan ko bigla yung bibig niya. Adik talaga 'tong babaeng 'to! Paano kung may makarinig!

"Naku Yem yang bunganga mo tatahiin ko talaga ‘yan! Tara na nga sa canteen!"

 

Hanggang sa makarating kami sa canteen ay takip-takip ko talaga ‘yung bibig ni Yem. Mahirap na. Baka kung anong lumabas doon. Bakit ba kasi ang daldal ng babaeng 'to?

 

"Hah! Pakshet ka! Papatayin mo ba ako? Hoy wag kang ganyan Poleng ha! Gusto ko pang magpakasal!"

 

Pumila naman agad kami at bumili ng pagkain. Pero in fairness, nagutom nga talaga ako. Nakakagutom palang maconscious sa galaw mo? Ngayon ko lang ‘yun naranasan ha. Para akong nanlambot na ewan. After naming makabili ay pumwesto na kami doon sa isang table at kumain.

 

"Oh anong balak mo ngayon?" Napatigil naman ako sa pagkain.

"Wala. Bahala na."

"Sus. If I know ay gusto mo syang kausapin."

"Hindi no. Ni hindi ko nga magawang malapitan eh. Tsaka mas mabuti nang ganito. Parang balik lang sa dati bago ko sya makilala," tapos tumawa ako.

"Sige lang tumawa ka. Akala mo naman hindi ko alam na peke ‘yan. Excuse me lang ha? Best friend mo ako kaya kabisado ko na bawat galaw at kilos mo." Napatingin nalang ako kay Yem. Sabi ko nga, wala akong takas sa kanya.

"Eh basta. Ayoko muna syang makausap. Baka kasi kailangan niya ng time at space para sa problema niya eh. Ayoko namang makadagdag pa ‘no. At isa pa, may kailangan akong isagawa ngayon," then sinaksak ko ng tinidor yung fried chicken na ulam ko.

"Ohh. Gusto mo tulungan kita?" sabay ngiti naming dalawa nang masama at mukhang alam na niya ang binabalak ko. Best friends nga talaga kami. 

  

At sakto nga namang may pumasok na bitchesa sa canteen. Shet nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko. Taeng 'to. Lagot talaga siya sa akin. Tuluy-tuloy lang na naglakad si Serene papunta doon sa may counter, pero dahil madadaanan niya kami, may ginawa akong kahindik-hindik.

 

"Oww! Aray! What the f—"

"Oh sorry. Di ko sinasadya," sabi ko sa kanya with my napakagandang painosente face. Well, pinatid ko lang naman siya. Eh sino bang tanga ang ‘di tumitingin sa nilalakaran niya? Buti nga! Ang sarap sana niyang tawanan nang malakas kaso baka magbugbugan kami dito sa canteen. Ma-guidance na naman ako.

"You bitch—! Waaah!" this time, si Yem naman ang gumawa ng move. Bigla niyang sinagi yung tubig sa gilid kaya tumapon sa kanya habang nakaupo siya doon sa may sahig. This is great!

"Hala! Sorry po. Nasagi ko yung baso. Okay ka lang?" sabi rin ni Yem at talagang todo-acting siya ha. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Whoo Aeisha, kalma. Kalma.

"Ugh! Ano bang problema niyong dalawa ha?! You—" Susugod na sana siya at nakahanda na ang lilipad kong fried chicken sa mukha niya kaso biglang may nanghatak sa kanya. 

"R-ryde." Shet. Wrong-timing. And did he see what happen? Bigla na namang lumakas ‘yung tibok ng puso ko. Pakshet naman oh! Anong gagawin ko?!

"Ryde! Help me! They're bullying me!" tapos bigla siyang yumakap kay Ryde.

 

Bitchesa ka talagang babae ka! Tanggalin mo ‘yang bwisit mong katawan ay Ryde! Tae ka! Kung makalingkis, akala mo ahas! Naku ‘wag niyo akong pipigilan at masasaksak ko na talaga siya ng tinidor na hawak ko!

 

Isusumpa ko na sana si Serene kaso biglang nagsalita si Ryde.

 

"Enough Serene," tapos tinitigan niya si Serene at parang natakot siya na ewan and then lumayo siya ng konti kay Ryde. Tss. Malapit pa rin! Pero at least di na nakayakap. Badtrip.

 

Nagulat naman ako nung lumapit sya sa akin at nakatitig lang siya. Gusto kong umiwas ng tingin pero parang na-mighty bond yata ‘yung mata ko sa kanya.

 

"Hey."

 

  

Feeling ko magpapapalpitate na ako anytime. Pero ayoko siyang kausapin! Mamamatay ako! Tulong! Titingin sana ako kay Yem kaso nagulat ako nung hinatak siya bigla ni Chris. Teka?! Saan galing 'tong lalaking 'to?! Bigla-bigla na lang sumusulpot!

 

"Sorry Aeisha, I'm gonna run away with her. Bye!" Ewan ko pero nawalan ako ng pag-asa sa rescue operation ni Yem dahil parang nanigas na siya nung hinawakan ni Chris yung kamay niya.

 

"I asked him to help me," bigla niyang sabi.

 

Ano?! Teka, nag-uusap na sila? Whoa. Teka, ano nang nangyayari sa mundo? Pero hindi ko na ‘to kaya! Parang awa niyo na iligtas niyo ako rito! Mamamatay na ako sa sobrang kaba! 

 

"Let's talk—"

"Aeisha!"

 

Oh my gosh!

 

"Daniel! B-bakit?" then lumapit siya sa akin and then tumingin siya kay Ryde. At nagtitigan lang sila doon. Pero buti na lang at dumating si Daniel! Ligtas ako!

"Ah oo nga pala Aeisha, pinapatawag ka ni Coach. May sasabihin daw sya sayo."

"T-talaga? Oh sige, pupunta na ako! T-tara!"

"Okay."

 

Sinundan ko lang si Daniel palabas ng canteen at iniwan ko doon si Ryde na nakatayo. Parang gusto kong pagsisihan yung ginawa ko pero kasi ang gulo ng sitwasyon namin ngayon eh. Pero kasalanan niya naman ah! Sabi niya sa akin dati, get lost. Tama naman ang ginagawa ko ‘di ba? Sinusunod ko lang naman ‘yung sinabi niya ‘di ba? 

 

"Oh. Gamitin mo muna." Pagtingin ko, inabutan ako ni Daniel ng panyo. ‘Di ko narealize na tumulo na naman pala yung luha ko. Ano ba yan, lagi nalang.

"S-sorry."

"Ano ka ba. I told you, I’ll protect you. At nangako rin ako na babalik rin yang ngiti sa mukha mo," tsaka niya ako nginitian. I'm really thankful at naging kaibigan ko  si Daniel. He's so nice.

 

Naglakad kami papunta sa gym at nakita kong nakatayo doon si Coach. Andun rin halos lahat ng members. Ano kayang meron?

 

"Coach. Andito na si Aeisha," sabi ni Daniel kay Coach.

"Oh good. Ngayon, kumpleto na tayo. Well, I have a good news for all of you. Pasok ang school natin sa regionals ng Badminton."

 

Wow! Talaga?! Ang galing naman ng mga naglaro! I'm so proud na kabilang ako sa Badminton Club! 

 

"Pero ang bad news, Darren and George were injured in the last game. So kulang tayo ng dalawang players. Kaya, Aeisha, as well as Chris," then napatingin ako sa may gilid. Whoa! Andito pala si Chris! Di ko siya napansin! Teka, eh nasaan si Yem? ‘Di ba magkasama sila? "I want the two of you to be part of the regulars sa regionals. I have faith in you. Okay? Good luck," then tinapik ni Coach yung balikat ko.

 

Did I hear it right?

Me? As in ako? Main player? Regular?