For the past few days, excused ako lagi sa PE namin. Syempre, training para sa regionals ng badminton. Naramdaman ko kaagad ‘yung pressure nung nagsimula kami. Nakakatakot kaya! Mamaya baka ako pa maging dahilan ng pagkatalo namin. Bakit ba kasi ako yung napili ni Coach?

 

"Aeisha! Kamusta? Grabe ‘no? Nakakapressure pala 'to." Tumabi sa akin si Chris sa may bench. Break kasi namin kaya nagpapahinga muna ako.

"Oo nga eh. Katakot."

 

Then bigla kong naalala ‘yung nangyari last time. Hinampas ko siya nang malakas.

  

"Aray ko! Huy huy! Bakit mo ako hinampas? Anong ginawa ko sa'yo?" Pagtingin ko sa mukha niya, ‘di ko alam kung maiinis pa ba ako o matatawa na lang. Paano kasi para siyang bata na naagawan ng candy.

"May kasalanan ka sa akin! Nung Monday! Walangya ka! Bakit mo tinakbo si Yem?!"

"Hah? Eh bakit ba? Bawal ko ba siyang itanan? Hahaha !" Napanganga naman ako sa sinabi niya sabay hampas ulit sa braso niya at inulit-ulit ko pa.

"Aray naman! Aray ko! Ano na naman?!"

"Anong itanan ka dyan?! Baka gusto mong itali kita sa puno?!"

"Eto naman di mabiro! Syempre di ko itatanan si Alyssa no. Bakit ko pa sya itatanan eh asawa ko na ‘yun." And for the second time, napanganga na naman ako sa pinagsasabi niya. Hahampasin ko sana ulit siya kaso nakalayo siya agad.

"Hoy hoy Aeisha tama na! Ang sadista mo! Joke lang naman! ‘Di ka naman mabiro!"

 

Walang hiyang Chris 'to! ‘Di ko na talaga alam kung maiinis o kikiligin ako sa mga sinasabi niya. Pero wala, mas nanaig yung kilig ko sa kanila ni Yem. Jusme, kung ako kinikilig na sa mga sinabi niya, pano pa kaya kung malaman 'to ni Yem? For sure mamamatay ‘yun sa sobrang kilig. Baka atakihin yun sa puso. Ang tindi pa naman niya kiligin.

 

"Sabi pala sa akin ni Alyssa nung nakaraan, ang bitter mo raw." Walang hiya talaga ‘yung Yem na ‘yun. Ipagkalat daw ba?! Papatayin ko sya mamaya sa kilig. Humanda siya!

"Hah! Excuse me..." Shet. Wala akong masabi.

"Dahil kay Ryde ‘no?" Para namang automatic yung kamay ko at nahampas ko na naman siya kahit na malayo sya sa akin.

"Aray! Ang sakit na ng braso ko ha!"

"Eh ikaw kasi! At saka kelan pa kayo nag-usap ulit? Akala ko ba hindi na kayo nagpapansinan? Anong nangyari?" bigla namang nagbago yung itsura niya. Naging seryoso ‘yung mukha niya.

"Nung sembreak lang. Pero ‘di ko kasi pwedeng sabihin kung anong nangyari eh. Sorry," tapos nginitian niya ako.

"Psh."

"Taray ah?" tapos tinawanan na naman niya ako. Iniinis talaga ako ng Chris na ‘to!

 

Bigla namang dumating si Coach kaya napatayo kami ni Chris. Nagtraining ulit kami hanggang matapos yung PE time namin. Nakaone-on-one ko pa si Daniel. Grabe lang! Ang hirap niya kayang kalaban!

 

After nun ay sumabay sa akin si Daniel at Chris sa pag-akyat sa 3rd floor. Pare-pareho kasi kaming nasa 3rd floor ang room. Para ko nga silang bodyguards kasi nasa likod ko sila.

 

 

 

Pagdating namin sa tapat ng room ko ay nagbabye sila sa akin, then pumasok naman ako agad. Kaso wala pang tao. Siguro nagpapalit o kaya nasa CR pa ‘yung mga ‘yun. Katatapos lang din kasi ng PE class nila. Kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa upuan ko. Pero parang may ewan na pumasok sa utak ko kaya napatingin ako sa likuran ko. Tinignan ko yung upuan ni Ryde.

 

Isusubsob ko na sana yung mukha ko sa desk ko kaso may nahagilap yung mata ko. Then tinignan ko yung bag niya tapos napatingin rin ako sa bag ko. Biglang uminit ‘yung mukha ko at napaupo na lang ako sa upuan ako.

 

‘Yung ano kasi...’yung keychain! Badtrip naman eh! Bakit meron rin syang nakasabit sa bag? Gaya-gaya sya ! Pero sya naman kasi nagbigay nun eh. Tama na nga! Para na naman akong tanga neto eh!

 

Napasubsob naman ako agad sa desk ko nung naramdaman kong may paparating. Kunwari nalang tulog ako dahil ayokong may makakita na sobrang pula ‘yung mukha ko. Sino kaya ‘yung dumating? Pero sure ako na hindi ‘yan si Yem. Hindi maingay eh. Iaangat ko nasa yung ulo ko pero may naramdaman akong gumalaw sa may likuran ko.

 

Oh my God. Don't tell me...si Ryde ‘yung dumating?!

 

Naramdaman ko na malapit sya sa akin. At halos mapatayo ako sa gulat nung hinawakan nya ‘yung buhok ko. Shet! Muntik na akong gumalaw! A-anong pinaggagawa nya?!

 

After nun ay umupo na ulit yata siya. Shet naman classmates, dumating na kayo please? Di ko kinakaya 'to.

  

"Wala na kong magagawa

Para mapigilan ka

Tinatanong ko ang sarili

Kung san ako nagkamali."

 

Napatigil ako sa pagpapanic nung narinig kong kumakanta sya. Gosh. Marunong pala syang kumanta? At bakit ganyan ‘yung kanta nya?

 

"Di ko rin inakala

Na ika'y mag-iiba

O kay saya ko sa'yong piling

Bibitaw ka rin pala."

 

Biglang sumakit yung puso ko sa kinakanta niya. Kahit ‘di ko nakikita yung mukha niya, naiimagine ko yung itsura niya habang kumakanta. At bakit ganun? Ang lungkot ng kinakanta nya. Ang sakit. Ang sakit ng lyrics. ‘Yan ang nararamdaman ko ngayon.

 

"Di ka ba nanghihinayang sa atin

Kailangan na bang tapusin."

 

Tama na please. Bakit ganyan yung kanta? Naiiyak na ako. Ryde naman eh. Anong bang gusto nyang mangyari?

 

"Sandali lang

Wag mo munang

Sasabihing ayaw mo na

‘Di ba pwedeng

Pag-usapan ang lahat ng ito."

 

At di ko rin kinaya. Naiyak na naman ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka mahalata niyang umiiyak ako. Nasaan na ba kayo classmates? Please, dumating na kayo. 

 

"Poleng! Tulog ka?!"

 

Si Yem! Teka, pag bumangon ako ngayon, makikita nya na umiiyak ako. Anong gagawin ko?! Kasi naman si Ryde eh! Hobby na niya ba na paiyakin ako ngayon?

 

Pasimple kong pinunasan yung pisngi ko tsaka yung mata ko, saka ko tinaas yung ulo ko. Ewan ko kung ano nang itsura ko, pero at least wala nang luha.

 

"Oy Yem, andito ka na pala."

"Oo nga. Nagtext sakin si Chris. Tinadtad mo raw siya ng palo. Hoy te, ‘wag mo namang ganunin ‘yung tao!" Kita mo 'tong babaeng 'to. Akala ko concerned sa akin, kay Chris naman pala.

"Sorry naman. Nang-aasar siya eh."

 

After nun ay nagklase na rin naman agad. Pero hindi rin naman ako nakapakinig sa kahit anong subject dahil bukod sa sobrang pagod ako sa training ay wala pa ako sa matinong pag-iisip dahil sa ginawa ni Ryde. Buti na lang at uwian na ngayon. At ang malas ko lang talaga ngayon dahil ‘di makakasabay si Yem. May meeting kasi sila sa chorale. Ganda naman ng timing. Wala akong nagawa kundi umuwi mag-isa. As usual, nakasakay na naman ako sa jeep ni Manong. Sa unahan ako sumakay.

 

"Oh hija, mukhang matamlay ka ngayon ah?" Inabot ko naman kay Manong yung bayad ko.

"Ah wala naman po 'to," saka ako ngumiti at napatingin na lang ako doon sa daan. Then nabaling na naman yung atensyon ko doon sa picture na nakadikit doon sa may gilid ng salamin. Pamilyar talaga sakin ‘yung nasa isang litrato eh. Yung bata. Saan ko nga ba siya nakita? Pati yung isa ring picture ng dalaga. Parang nakita ko na rin siya somewhere. Nabobother talaga ako.

 

"Ahm, Manong? Sino po 'tong nasa picture?" then tinuro ko yung bata.

"Ah iyan ba? Anak ko ‘yan. Pero wala na sya eh."

"Oh. S-sorry po Manong." Mukhang nalungkot si Manong. Hala, sana pala di ko na tinanong.

"Okay lang hija," then ngumiti sya pero halata namang malungkot yung ngiti nya.

 

Gusto ko pa sanang tanungin kung sino yung dalaga kaso nahihiya na ako. Baka wala na rin siya at lalo lang malungkot si Manong. Tapos bigla kong naisip, mag-isa nalang kaya siya ngayon? Wala na kaya siyang pamilya o kasama? 

 

Napansin yata ako ni Manong na nakatingin lang sa kanya kaya nginitian niya ulit ako.

 

"Naku hija, ayos lamang ako. Wag mo akong intindihin. Marami na akong nakitang namatay na mahalagang tao sa buhay ko kaya hindi na ako masyadong apektado. At matanda na rin ako. Siguro susunod na rin ako sa kanila. Tutal namimiss ko na rin sila," tapos bigla syang tumingin sa pictures at nakita kong may pumatak na luha sa mga mata niya.

 

‘Di ko alam pero naiyak na lang ako sa sinabi ni Manong. Bakit ba ganyan silang mga matatanda? Bakit ganyan ‘yung sinasabi nila? ‘Di ba nila alam na ang sakit sa kalooban kapag sinasabi nila ‘yung ganyang bagay? At isa pa, nakakaiyak na makakita ng isang matanda na umiiyak.

 

"Wag kang umiyak hija. Pasensya na sa mga sinabi ko. Oh sige, dito ka na bababa ‘di ba? Pero salamat sa pag-iyak. Mabait kang bata," tapos hinawakan niya yung ulo ko at ngumiti siya sa akin. After nun ay pinaandar na niya agad yung jeep niya habang ako ay naiwan doong nakatayo.

 

Parang...parang pamilyar din ang ngiti na ‘yun.