.

.

Chapter 54

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"Oy Bernardino tara na, baka maiwan ka," sabi ni Coach sa akin.

"Opo, susunod na po," then kinuha ko ‘yung bag ko sa may bench. Paalis na sana ako pero biglang may humarang sa akin—‘yung pinsan ni Ryde.

"Hello!" todo-ngiti pa siya. Tapos nabaling yung tingin niya kay Coach. "Pwede po ba akong sumama? Nagpaalam na ako kay Coach! Sabi niya pwede raw akong sumama sa inyo! Okay lang po?" tanong niya kay Coach. Si Coach naman ay parang nawala sa sarili niya sa sinabi ni Reya. "Pero okay lang din naman po na hindi kayo pumayag, sasabihin ko nalang po kay Coach Hannah na—"

"A-ah sige sumama ka na. Bernardino, ikaw na bahala sa kanya," tapos tumalikod na si Coach. Anong nangyari doon?

"Hahaha! Cool! Totoo nga ‘yung sinabi ni Coach!" sabi naman niya.

"Anong totoo?" Nacurious kasi ako sa sinabi niya. Tsaka bakit nag-walkout si Coach? Problema nun?

"Mag-asawa kasi ‘yung coach natin and sabi ni Coach Hannah ay takot daw sa kanya ‘yung mister niya. Mukhang totoo nga," saka niya ako inakbayan at sinabayan palabas ng gym.

 

OMG. Coach na mag-asawa?! Ayos yun ah? Pfft. Teka ‘di ko maimagine na under pala 'tong si Coach. Laki-laki ng katawan tapos takot sa misis?

 

Nakarating din naman kami agad sa labas. Pagdating ko doon, may jeep na nakahinto. Surprisingly, jeep ‘yun ni Manong. Paano siya napadpad dito? Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit siya nandito.

 

"Ahh. Inarkila kasi ng Coach ninyo ‘yung sasakyan ko eh. Mukhang may pupuntahan yata kayo," sabi niya sa akin tsaka siya ngumiti. Minsan talaga nakakagaan ng kalooban pag ngumingiti ang isang matanda.

 

Nagsisakay naman na sila. Nagulat nga ako na kasama pala si Yem eh. Kaya pala ang ingay kanina sa may labas. Si Reya naman ay pinagkaguluhan ng teammates kong lalaki. Mga ‘yun talaga, may makita lang na maganda, akala mo mga sasabak sa gyera.

 

Maya-maya, pinaandar na rin ni Manong ‘yung jeep. Syempre sa unahan ako sumakay. At dahil kasya naman silang lahat sa likod ay wala akong katabi rito. Napatingin na naman ako doon sa dalawang litrato. Hanggang ngayon nacucurious pa rin ako kung sino sila at kung bakit parang kilala ko sila pero ‘di ko na tinanong pa ulit ‘yun kay Manong at tumingin na lang ako sa daanan. After siguro ng ilang minuto ay huminto kami sa tapat ng isang bar.

 

"Okay, baba na mga bata. Magcelebrate tayo! Ipakita ninyong tunay kayong mga lalaki!" sigaw ni Coach sabay sigawan ng mga lalaki sa likod. Duh Coach? May mga babae ka rin talagang kasama eh. Tsk. And isa pa, pwede ba kaming pumasok dyan?! Minors pa talaga kami eh!

"This will be fun!" sigaw naman ni Reya.

 

Nagsibabaan naman na sila at nag-unahan pa sa pagpasok sa bar. Ako naman ay nagpaiwan muna. Parang wala ako sa mood na magparty at magcelebrate.

 

"May problema ka ba hija?" tanong sa akin ni Manong. Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"W-wala po," sabay yuko ko.

“Kung ayaw mong sabihin ay ayos lang. Sige na mukhang hinihintay ka na ng mga kasama mo.” Tumingin ako sa kanya at napabuntung-hininga. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko sa kanya ‘di ba?

“K-kasi po...ang hirap lang makita na ‘yung gusto mo ay may gustong iba.” Pinigilan ko naman ‘yung pagtulo ng luha ko dahil ayokong makita na naman ako ni Manong na umiiyak. Ngumiti naman siya sa akin at tumingin siya doon sa pictures.

"Ganun talaga ‘yun hija. Sa pagmamahal, ‘di maiiwasang masaktan ka. Mas malalaman mo kung gaano mo kamahal ang isang tao sa sakit na nararamdaman mo dahil sa kanya. Pero alam mo, dapat hindi ka rin agad-agad sumusuko. Mahirap kasi na bigla ka na lang susuko kahit hindi mo pa nasusubukang ipaglaban yung nararamdaman mo." Bigla naman siyang napahinto at naging seryoso ‘yung expression niya. "Wag mo akong gayahin. Dahil hindi ko ipinaglaban ‘yung pagmamahal ko, nawala siya sa akin. Umasa lang ako sa paghihintay at ‘di ko naisipang gumawa ng hakbang. Hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako sa nangyari. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa nangyari dahil may maganda rin namang naidulot ‘yun."

 

Natulala na lang ako sa kanya. Ganito ba talaga magbigay ng advice ang mga matatanda? Sobrang lalim at talagang may pinaghuhugutan. Siguro dahil marami na silang experience sa buhay. 

 

"Ano po bang nangyari? Pwede po bang malaman?" Hindi ko alam kung bakit, pero parang interesado akong malaman kung anong nangyari sa buhay ni Manong. Ngumiti naman siya sa akin tapos tinignan niya ‘yung likuran ng jeep.

"Nakilala ko siya dito sa sasakyang 'to. Pareho kaming pasahero noon dito. Halos araw-araw ko siyang nakakasabay sa pagpasok at di nagtagal ay nahulog ang loob ko sa kanya. Maganda kasi siya at mabait pa. Nagdaan ang mga araw at naglakas-loob akong kausapin siya. ‘Di nagtagal, napalapit na rin ang loob niya sa akin, hanggang sa magtapat ako sa kanya. Akala ko ay mapapahiya lang ako pero sinabi niyang mahal niya rin ako. Doon nagsimula ang lahat. Naging kami pero hindi rin ‘yun nagtagal. Isang araw, nakipaghiwalay siya sa akin at ‘di na nagpakita pa. Pinuntahan ko siya sa bahay nila, pero wala na raw sila doon. Di na rin siya pumapasok sa eskuwelahan. Dahil doon, nawalan ako ng pag-asa. Pero mahal ko pa rin siya. Pagkatapos kong maghayskul, huminto na ako dahil mahirap lang ang pamilya ko. Wala na silang pampaaral sa akin. Kaya nag-ipon na lang ako at ang una kong ginawa noong magkaroon ako ng pera ay bilhin yung jeep kung saan kami unang nagkita. Mabait naman iyong may-ari at ipinagbili sa akin. Umaasa pa rin kasi akong babalik siya. Pero nagdaan ang isa...dalawa...hanggang sampung taon. Hindi siya bumalik. Nasayang lang ang paghihintay ko. Simula noon, sinubukan ko syang kalimutan at nagkaroon ako ng asawa at pamilya. Naging masaya naman ako, pero parang kulang pa rin. Gusto ko pa rin siyang makita. Pero mukhang malabo na iyon. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon, o kung buhay pa ba siya."

 

Hindi ko alam kung pano icocomfort si Manong. Umiiyak kasi siya. Parang nawala yung sakit na nararamdaman ko dahil kay Ryde. Parang ang babaw pa kasi nun. Yung kay Manong, imagine, lagpas sampung taon na paghihintay? At hindi ko rin akalaing ikukwento niya talaga sa akin. Siguro dahil mabigat na rin masyado ang loob niya.

 

"Sige na hija, pumasok ka na doon. Kailangan ko na ring umuwi. Salamat sa pakikinig," saka siya ngumiti.

"S-sige po." Para akong timang na umiiyak dahil sa istorya niya. Pero pinunasan ko na rin agad yun at bumaba sa jeep. Nagbabye rin ako sa kanya at pumasok na ako sa loob.

  

Pagdating sa loob, nasa isang malaking table sila at puro alak ang nakikita ko. Yung mga lalaki nag-iinuman na. Yung mga babae naman ay nasa kabilang table at umiinom rin, pero nalaman ko na wala naman palang alcohol content ‘yung drinks naming mga estudyante. Mabuti naman.

 

"Uy Poleng tara inom  ka rito!" sabi sa akin ni Yem. Naku, konti na lang malalasing na 'tong bruhang 'to kahit ganito lang ang drinks! Mas malala pa naman sa akin 'tong malasing.

"C'mon. Drink," yaya naman sa akin ni Reya. Tapos ‘yung teammates kong babae ay umiinom na rin. Kapag minamalas ka nga naman oh, mga tanggera ang kasama ko.

 

Wala naman akong nagawa kundi makiinom. Maganda na rin 'tong pampalabas ng sama ng loob. Kumuha ako ng isang malaking baso at nlagyan nila yun ng beer. Ako naman ay tinungga ko yun agad-agad.

 

Nakailang shots na rin kami at ‘yung iba kong kasama ay nahihilo na. Kahit wala naman ‘tong alcohol ay humahagod pa rin sa sikmura ko ‘yung inumin! Grabe! 

 

"Whoa. Tibay natin ah? Di ka pa rin lasing?" tanong ni Reya sa akin.

"Not yet. Medyo nahihilo lang," tapos uminom ulit ako. "Peste kasing lungkot 'to eh. Nangingibabaw ata," tapos tumungga ulit ako. "Pagsabihan mo nga ‘yang walang hiya mong pinsan ha," then dinuro ko si Reya. "Kung...kung sasaktan niya lang rin ako, eh lubus-lubusin na niya. Para mawala na 'tong lecheng feelings ko sa kanya. Bastos rin ‘yung hinayupak na ‘yun...hinahabol ko kanina...tapos may hinihintay naman palang iba. Para lang tuloy akong naghahabol sa jeep na puno na. Bwisit. Whooo! Inom pa!" binitawan ko ‘yung baso ko at ‘yung mismong bote na yug tinungga ko. Umiikot na talaga ‘yung paningin ko.

 

"Pakeychain-keychain pa sya, pakanta-kanta pa. Kung anu-ano pang pinagsasabi dati tapos biglang di ako papansinin? Wow ha! Gwapo niya! Pero gwapo naman talaga siya. Ahahaha! Pero leche talaga! Ang kapal ng mukha niya! Pa-fall siya! Paasa! Bwisit! Isa pa ‘yung Serene na ‘yun...porque close sila, kelangan pinapamukha niya sa akin na sila ang bagay? Hah? Shet niya!" Uminom ulit ako. Pero this time, feeling ko ay umiiyak na ako. Ugh. Ganito ba ang feeling pag lasing ka na?

 

"Akala niya...akala nila...’di ako nasasaktan? Putek lang. Tapos pinamukha pa nila sa akin kanina na magkasama sila. Hah! Ikaw..." tapos tinuro ko tong Reya na ‘to, “sana ‘di mo na lang sinabi na nanood si Ryde. Sana ‘di ko sila nakita.”

"Pero mahal mo pa rin ba siya?" tanong sa akin ng malabong Reya na 'to.

"Malulungkot ba ako ng ganito ngayon kung hindi? Kahit na ang labo at ang gulo niya minsan, sobrang napalapit na ang loob ko sa kanya. Pero ano pang magagawa ko? Mukhang wala nang pag-asa ‘tong nararamdaman ko sa kanya.” 

 

Uminom na naman ako. Hanggang sa di ko na mashoot sa bibig ko yung iniinom ko. Ang labo na rin ng paningin ko at parang...parang umiikot ‘yung paligid. Teka...anong nangyayari?

 

***

 

Bakit parang ang dilim? Ouch. Ang sakit ng ulo ko. Dinilat ko naman agad ‘yung mata ko at hindi ko alam kung nasaan ako.

 

"Gising ka na?"

"Ryde?"

 

Huh? Nananaginip ata ako. Tsk. Peste, hanggang panaginip ko nandito pa rin si Ryde. Utang na loob naman lubayan mo muna ako please!

 

"Tsk."

 

Pumikit ulit ako tapos dumilat. Pero nasa tabi ko pa rin siya. W-wait. Panaginip 'to di ba? Naman oh. Ayaw pa rin talaga akong tantanan neto. ‘Di naman 'to totoo di ba? Ano namang gagawin ni Ryde dito? Sinampal-sampal ko ‘yung sarili ko para magising ako, at nung medyo namumula na ‘yung mukha ko ay tinignan ko ‘yung tabi ko. Haaay, sabi ko na nga ba panaginip lang 'to eh, andito pa rin—andito pa rin siya?! Shet! So totoo ‘to?!

  

Napaatras ako bigla pero na-out of balance ako dahil nagdilim ‘yung paningin ko. Takte, ang sakit ng ulo at sikmura ko!

 

"Wag kang gumalaw. Nahihilo ka pa." Pagdilat ko ay nakahawak siya sa braso ko at tumabi na naman siya sa akin. Shemay naman oh. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?!

 

Pagtingin ko sa paligid ko ay nagpaparty pa rin ‘yung mga tao. ‘Yung mga kasama kong babae kanina ay nandun na sa table ng mga lalaki. Magkakasama sila doon at kaming dalawa lang dito sa table na 'to. Ano bang nangyayari?! Pano siya napunta dito?!

 

 

"Reya called me." Ayan na naman yung pagiging mind-reader niya. "I heard everything," sabi niya at kahit madilim ay kitang-kita ko ‘yung mga mata niya.

"Huh?" He heard everything? Anong pinagsasabi niya?

"Sorry. I...I can't love you yet. I have something to do before...before...telling you how I feel." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ang purpose niya dito ay para lalo lang akong saktan o ano. 

 

Nakatingin lang ako sa kanya at alam kong umiiyak na naman ako. Bwiset. Kelan ko ba makokontrol 'tong mga pesteng luha na 'to? Wala na akong pakialam kung nakikita niya akong umiiyak. Nakakainis siya!

 

Tumayo na lang ako kahit medyo nahihilo pa ako. Para saan pa ang pakikipag-usap ko sa kanya kung patuloy niya lang rin naman akong sinasaktan. Ayoko na.

 

Pero nung pahakbang na ako ay bigla niyang hinawakan yung isa kong kamay at hinatak niya ako. Dahil medyo nahihilo pa ako ay nahatak naman ako papunta sa kanya at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Pero sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na alam kung paano magrereact...

 

Halos mawala yung pagkahilo ko sa ginawa niya. Ang alam ko lang ay sobrang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

 

"Wait for me," bulong niya sa tenga ko saka niya ako binitawan at tuluyan nang umalis doon.

 

What the heck was that? Ano na naman bang pakana niya? Kung kelan naman susuko na ako, saka siya gagawa ng ganito? Ano ba talagang gusto nyang mangyari?

 

Napahawak na lang ako sa labi ko. That was my first kiss.