.

.

Chapter 56

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"Hoy Aeisha dalian mo naman!"

"Teka kasi! Napaka-unexpected naman kasi neto eh!"

"Kasalanan ko? Kasalanan ko?"

"Sinabi ko? Sinabi ko?"

"Sus! Kilig ka naman eh."

 

‘Yan ang nangyayari sa kwarto habang sinusuot ko ‘yung PE uniform ko at talagang nakatingin pa sa akin si Yem. Para namang bibilis ‘yung kilos ko kapag ginawa niya ‘yun. Tapos kinakausap pa ako eh  nagmamadali na nga. Shunga rin 'to minsan eh.

 

"Dalian mo na Poleng! Pag tayo talaga naiwan ng bus ha!"

"Oo na eto na nga oh!"

 

After niya akong guluhin nang guluhin sa pagbibihis ay natapos na rin ako sa wakas. Halos patakbo na nga kaming lumabas ng bahay. Feeling ko nga nagising pa si Aera at si Lola dahil sa sobrang ingay namin. Sumakay agad kami ng jeep nung makarating sa kanto papunta sa school.

 

"Gosh! Nakaalis rin tayo sa wakas!" sabi ni Yem with matching punas-punas pa sa noo niya.

"Sorry naman ha? Napakabiglaan naman kasi neto ‘no! Eh kung sinabi mo kagabi pa eh ‘di sana maaga rin akong natulog!"

"Syempre surprise nga eh! Baka mamaya kiligin ka masyado hindi ka na makatulog lalo," then biglang tingin nang nakakaloko sa akin.

"Utot mo!"

 

Napatalikod ako bigla kasi alam kong uminit ang mukha ko. Leche naman kasing Ryde ‘yun! Anong problema niya at binayaran niya yung field trip fee ko?

 

"Pero shet lang Poleng ha? Ang lakas ng kamandag mo! Akalain mong natuklaw mo si Rydell Jin Montalbo? I'm very proud of you, best friend," tsaka niya pinat yung balikat ko.

"Pinagsasabi mo na naman? Manahimik ka na nga lang dyan. Agawin ko si Chris sa'yo eh."

 

Nagulat ako nung biglang nag-iba ‘yung atmosphere sa loob ng jeep. Jusko. Parang mamamatay-tao si Yem! Katakot!

 

"Joke lang!" Pfft. Parang gaga talaga si Yem. Ang sarap niyang tawanan! Basta ‘pag si Chris ang usapan nagiging seryoso eh. Agawin ko nga kaya si Chris? Haha!

 

Nung makarating kami sa school, saktong nagsisiakyatan na ‘yung mga estudyante sa mga bus. Nagmadali naman kaming umakyat doon sa bus number 4 kasi doon ‘yung mga 4th year. Dahil medyo late kami ay naoccupy na halos lahat ng upuan kaya pumunta kami doon sa bandang likuran. Tapos biglang may nagtaas ng kamay.

 

"Alyssa! Dito!"

"Mmm!" bigla namang tumakbo si Yem papunta doon sa nakataas ng kamay at sinundan ko naman siya. Well, expected ko naman na siya ‘yung tumawag ka Yem. Sino pa bang damuho ang dumadamoves sa best friend ko? Pero pagdating ko doon ay nakaupo na si Yem sa tabi ni Chris at ang masaklap…sa pandalawahang upuan lang sila nakaupo! So ganun ‘yun Yem? Iwanan? Hayup na Yem ‘to, pinagpalit ako kay Chris!

 

"Oy Aeisha! Yo!" sigaw ni Chris then tinaas niya ‘yung kamay niya para makipag-appear pero tinignan ko siya sa mata at binigay ko ang aking subukan-mo-lang-makipagappear-sa-akin-at-mamamatay-ka-look. Ayun,  biglang natahimik. Si Yem naman ay nasa side ng bintana at nakatingin sa labas kaya ‘di ko siya mabigyan ng nakamamatay kong tingin.

"Ah. A-Aeisha, s-sa likuran namin...may upuan pa—" tinignan ko ulit si Chris nang masama bago niya pa matapos yung sasabihin niya "—Alyssa, kamusta pala?" at ayun, pareho na silang nakatingin sa labas.

  

Bago pa ako makapatay ng dalawang bwisit ay tinantanan ko na sila. Nasa pangalawang seat kasi sila sa huli bago yung pang-animan na upuan. So after nila ay may pandalawahan pa kaya doon na lang ako umupo. At syempre, wala akong katabi kasi nga ‘yung BEST FRIEND ko na supposedly ay katabi ko...inuna ‘yung crush niya.

 

Sinandal ko na lang yung ulo ko sa may bintana. Iaantok pa kasi ako talaga. Siguro kaya rin ako naiirita ngayon ay dahil kulang ako sa tulog. Kinuha ko na lang ‘yung phone ko at sinaksakan ko ng earphones saka ako nagsoundtrip na lang. Feeling ko kasi matagal pa 'tong aandar dahil medyo marami ata kaming kalahi ni Yem sa pagiging late.

 

 Siguro mga 20 minutes akong nakapikit at nakikinig lang ng music bago ko naramdamang aandar na ‘yung bus. Dumilat naman ako at tumingin ako sa bintana. Papaalis na rin pala ‘yung ibang bus.

 

"Anong oras na ba?" tapos tinignan ko yung phone ko.

"5 AM." Sakto naman yung nagsabi ng oras. 5 AM na rin kasi yung time sa phone ko.

"Ohh. Thank y—" halos muntik na akong atakihin sa puso nung nakita ko kung sino ‘yung katabi ko kaya napaatras ako. Pero wrong move dahil nauntog ako sa bintana! Shet ang sakit! 

"Are you okay?"

 

Napaatras ulit ako. Takte naman oh! Paano napunta 'tong lalaking 'to dito?! Kanina wala naman siya dito ah?! Kelan pa ako nagkaroon ng katabi?!

 

"Hoy Poleng ang gulo mo naman!" biglang sigaw sa akin ni Yem. Eh kung sapak-sapakin ko kaya siya para malaman niya kung gaano ka-awkward ang moment na 'to?!

"Uy! Hello Ryde!" sabay wave ni Yem kay Ryde. As usual, si Ryde, expressionless. Pero feeling ko, 'hello rin' ang ibig sabihin nun.

 

Oo. Na-shock ako kanina kasi bigla na lang nag-teleport sa kung saanmang lugar 'tong si Ryde. Pagdilat ko ay may katabi na akong gwapo. Oo kinikilig ako ng konti pero utang na loob naman kasi ‘di ba? Ang alam ko talaga awkward pa kami sa isa't isa dahil sa mga pangyayaring naganap. Tsk. Gulo talaga ng utak ng mga lalaki. Parang pang-baliw.

 

Maya-maya rin ay umandar na ‘yung bus at ‘yung mga kaklase namin ay nagsimulang maghiyawan. Excited sila, bakit ba? Lalo na ‘yung mga lalaki. Well, except sa katabi ko. Parang wala sa bokubolaryo niya ang salitang excited.

 

Napatingin lang ako sa kanya. Shet. Ang gwapo niya lang talaga kahit ‘di ko masyadong makita ‘yung mukha niya. Naka-hoodie kasi siya eh. Tapos naka-headphones pa, at narealize ko na nakapikit na pala siya.

 

"Baka matunaw yan Aeisha!" Automatic na gumalaw ‘yung kamay ko sa sobrang gulat at nabatukan ko nang malakas si Chris.

"Ouch! Ang sakit nun ha!" reklamo niya pa sa akin. "Alyssa, ang sadista naman ng best friend mo!"

"Sinabi mo pa!"

 

Sige lang. Pagtulungan niyo lang akong dalawa. Mga walanghiya 'tong mga 'to. Umagang-umaga ang lalakas ng trip! Ang masama pa, ako yung napagtitripan. Tsk.

 

Dahil wala rin naman akong madadaldal kasi pinagpalit ako ni Yem sa kajowaan niya at hindi ko makakausap ‘yung katabi ko, matutulog na lang rin ako! Nilagay ko na lang ulit ‘yung earphone sa tenga ko at nilakasan ko ‘yung volume para ‘di ko marinig ‘yung landian ni Yem at Chris. Pumikit na lang ulit ako at ang alam ko na lang ay nakatulog na ako habang bumabyahe.

 

***

 

"Shh wag kang maingay."

"Huh? Di nga ako nagsasalita eh."

"Basta. Hihi. Benta natin 'to. Yayaman tayo."

"Haha! Aasarin ko siya ng sangkatutak mamaya."

 

Naalimpungatan ako nung may narinig akong dalawang demonyong nagbubulungan, kung bulungan man ang tawag doon. Pagdilat ko ay nakaharap sa akin sina Yem at Chris. I mean, tumingin sila sa likod dahil nga nasa likuran nila ako. Then napansin ko sa pagmumukha nila ang maduming aura kaya alam kong may ginawa na naman silang di kanais-nais. Tatanungin ko pa lang sana sila kung ano na namang kalokohan ang ginawa nila pero napatigil na lang ako nung may gumalaw sa balikat ko.

 

"Mmm..."

"Oh shet."

 

Nakasandal si Ryde sa balikat ko. Oo, nakasandal ‘yung ulo niya sa balikat ko. Nakasandal talaga siya. Oo talaga. Teka, nakasandal siya eh...NAKASANDAL SIYA! 

 

"Good luck Poleng!" at nag-okay pose pa ang walanghiya! Anong ibig sabihin nito?! Bakit siya natutulog?! Teka nga!

 

Sa kadahilanang nawala ako sa sarili ko ay nakatulala lang talaga ako buong byahe. Isa pa, ayokong gumalaw kasi baka magising siya. Nag-sslide nga paminsan-minsan ‘yung ulo niya sa balikat ko kaya tinutulak ko pabalik. Lecheng lalaking 'to! Bakit niya ko pinapahirapan nang ganito?!

 

Nagslide ulit yung ulo niya kaya tinulak ko ulit. Pero this time, napatingin ako sa mukha niya at nakita kong nakangiti siya. Wait lang...

 

"O-oi, g-gising ka ba?" tanong ko nang mahina habang nakatapat sa tenga niya. Aba malay ko ba kung pinagtitripan niya na naman ako, o sadyang hobby niya lang na magsmile habang natutulog ‘di ba? Pero dahil ‘di siya sumagot, baka nga ganyan lang talaga siya matulog?

"Morning." Nanlaki ‘yung mata ko nung dumilat ‘yung isa niyang mata. Ang walanghiya! You mean kunwari lang siyang natutulog?!

"Kanina ka ba gising?!" pabulong ko pa ring tanong sa kanya.

"Nah. Kagigising lang."

"A-ano—"

"Shh. Patulog muna," tapos pumikit ulit siya.

 

Okay. What happened? Yung totoo? Pinagtitripan niya lang talaga ako eh! Kanina pa ako nangangalay sa kanya tapos matutulog na naman siya? Ano ako, unan?

 

Nagulat naman ako nung may biglang gumalaw sa gilid ko. Bigla ring uminit ‘yung mukha ko at lalong hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

 

"H-hey."

 

Waaah lintek anong gagawin ko?! Ayaw niyang sumagot! Hinga Aeisha! Hinga! Sige lang! Maraming oxygen sa paligid! Pero paano naman ako makakahinga nang maayos nito eh bigla na lang niyang hinawakan ‘yung kamay ko!

 

Bwisit na Ryde ‘to! Ang gulo talaga ng utak mo!