Nakailang mura na ba ako sa utak ko? Takte. ‘Di ko ma-contain yung sarili ko. Kasi naman 'tong Ryde na 'to eh! Bakit?! Bakit siya ganito?! Natetense ako masyado dahil ang lapit-lapit niya, tapos...tapos yung kamay ko! Namamawis na sa sobrang kaba!

 

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. ‘Di ko ma-take ang pagmumukha niya eh. Baka mapasigaw ako. Masyadong gwapo.

 

Pagtingin ko sa labas, ang daming puno tapos ang kapal ng fog. Whoa. Siguro malapit na kami sa Tagaytay.

 

"Oh shet!" Automatic na gumalaw ‘yung kamay ko para itulak na naman ‘yung ulo niya na nagsslide sa balikat ko. Pero feeling ko totoo na siyang tulog kasi mabigat na ‘yung pagbagsak tsaka relaxed na ‘yung breathing niya. ‘Di ba ganun yun? Ah ewan basta feel ko tulog na siya. Aba pag joke pa rin 'to, susuntukin ko siya. Ang sakit kaya sa balikat!

 

Dahil tulog naman siya ay nagawa kong titigan ‘yung mukha niya. Ang peaceful niya lang matulog. Kahit expressionless pa rin eh relaxed naman. Bigla ko tuloy naisip, ano kaya ‘yung pinoproblema niya these past few days? Kasi ‘di ba bigla na lang siyang lumayo tapos ngayon biglang ganito? Ang gulu-gulo talaga ng utak niya, raised to infinity. Or baka naman naayos na niya ‘yung problema niya kaya bumalik na ulit siya sa dati...uhm not that ‘dati’ na panahon pa nila ni Chris, pero ‘yung ‘dati’ na nakilala ko siya. Okay. Ang gulo ko. Basta ‘un na ‘yun.

 

Bigla naman akong na-curious sa pagmumukha niya kaya inangat ko ng kaunti ‘yung hoodie niya. Shet. Lagot ako ‘pag nagkukunwari lang siyang tulog. Tapos may naalala akong kwento ni lola Roma sa akin dati tungkol sa love life niya nung dalaga pa siya. Hmm.

 

Dahil ang cute ng ilong niya, pinisil ko ‘yun. Bahala kang hindi makahinga. Siguro almost 2 minutes lang akong nakahawak sa ilong niya kasi ang lambot at hindi oily. Ayos ha!

  

"Whoa! Whoa!" Nagulat ako nung biglang may humawak sa braso ko kaya napadiin ‘yung pisil ko sa ilong niya. "Hala oh my gosh, sorry!" tsaka ko binitawan. Nung narealize ko ‘yung pangyayari, nakatingin na siya sa akin na parang kagigising lang tapos hinawakan niya ‘yung ilong niya na namumula dahil sa pagpisil ko.

  

Bago pa siya makapag-react o magsalita ay nagtago ako doon sa likod ng kurtina ng bus sabay saksak ko sa earphones ko tsaka todo ng volume. Pakshet. Nakakahiya talaga! Hindi nga siguro siya nakahinga kaya nagising! Huling-huli ako!

 

After one minute ay biglang huminto yung bus. Tinanggal ko ‘yung earphones ko para maintindihan ‘yung sinasabi nung guide. Basta ang sabi niya lang ay nasa first destination na raw kami. Whoa. Ang bilis ha?

 

"Students, this is Fantasy World. Dito makikita niyo ang medieval age structures and you can see the Taal volcano from here."

 

Pinapila naman kami para raw maayos ‘yung entrance namin. Ako naman ay agad-agad tumayo pero nung palakad na ako ay bigla akong pinigilan ni Yem.

 

"Bakit?"

 "Anong bakit? Bakit ka nagmamadaling bumaba? Natatae ka ba? Gaga dapat nagbaon ka ng diaper!"

"Gaga!" 

 

Binatukan ko nga. Kung anu-anong pinagsasabi eh. Nagsitawanan tuloy ‘yung classmates namin na nakarinig. Siraulo din talaga 'tong si Yem minsan eh. Wala naman akong nagawa kundi hintayin ‘yung mga nasa unahan na makababa. At hindi rin naman kasi ako makakadaan kasi nakaharang ‘yung paa ni Chris para di ako makalusot. Psh. Kasabwat ni Yem.

 

"Tara na! Picture-picture tayo sa loob!" sabay hatak ni Yem kay Chris nung maubos na ‘yung mga tao sa unahan namin. Walang hiyang babaeng ‘yun! Akala ko pa man din ako ‘yung kasama niya tapos...hay. Ganito ba talaga ang nangyayari kapag may love life ang best friend mo? Nababalewala ka na lang? Tsk. Ano ba ‘yan. Bakit ako nag-eemote? Yuck. ‘Di bagay sa akin.

 

"Tara."

"W-whoa!"

 

Jusme! Nakalimutan kong nag-eexist nga pala 'tong Ryde na 'to sa gilid ko! Nagulat na lang ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung dalawang balikat ko mula sa likod at tinulak ako para makalakad na kami.

 

"Poleng! Poleng! Babye! Enjoy ka na lang dyan kasama si Ryde mo! Yiiee!" narinig kong sigaw ni Yem na halos 20 meters ang layo sa amin. Kung madali lang talagang tanggalin 'tong rubber shoes ko eh kanina ko pa 'to nabato sa kanya. Grabe! Isigaw daw ba?!

"Lagot ka talaga sa akin mamaya! Humanda ka!" sigaw ko pabalik sa kanya. Kailangan ko nang mag-isip ng torture plan para kay Yem. Akala niya ha!

"Tsk. Iniwan ka nila sa akin," narinig kong sabi ni Ryde. Napatingin naman ako sa kanya.

"Sorry ha? Mukha ngang ‘di mo gusto. Sige, kaya ko namang mag-isa eh! Di naman ako bata," saka ako nagwalk-out.

 

Bakit ba nakakainis ang mga tao ngayon?! Anong problema nilang lahat? Si Yem mukhang ayaw akong kasama kasi kasama na niya si Chris. Alam ko naman ‘yun pero syempre nagseselos ako kasi best friend ko siya ‘no. Tapos eto namang si Ryde, pinamukha pa talagang ayaw niya akong kasama. Sorry naman kung iniwan ako nina Yem sa kanya ha?! Nakakafrustrate talaga 'tong araw na 'to! Sana ‘di nalang ako sumama!

 

"Hey, wait!" naramdaman ko ‘yung kamay niya sa braso ko.

"Ano?!"

"I didn't...Tsk. That's not what I mean."

"Talaga lang ha? Eh parang ganun ‘yung pinaparating mo eh. Sabi ko nga sa'yo, okay lang ak—hoy! Teka! Hoy! Ano ba!"

 

Shet! Bigla ba naman akong binuhat?! Takte nakakahiya! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao! Tapos...tapos ‘yung classmates namin nakatingin din! ‘Wag kayong tumingin, mga hinayupak kayo!

 

"Oy ibaba mo na ako!"

"Shut up."

 

Bigla akong kinilabutan. Yun kasi ‘yung expression niya nung nakita ko siyang nagalit. Napatahimik tuloy ako bigla. Gusto ko pa rin sanang magreklamo kaso baka ihulog niya ako kapag nainis siya!

 

Tinakpan ko na lang ‘yung mukha ko kasi hiyang-hiya na ako sa posisyon ko. Like duh?! Tourist attraction kaya 'to! Ibig sabihin, maraming tao! At sino ba namang ‘di mapapatingin sa pinaggagawa ni Ryde?! Tapos may mga foreigners pa na nagkalat. Jusko po. Ialis niyo ako sa kahihiyang ito!

 

"Mom, are they shooting a movie?" Napatingin naman ako sa bata na nagsabi nun. Pagtingin ko, foreigner na bata! Ang cute niya!

"I don't know. Ask them if you want," sabi naman nung girl na katabi niya, which is probably his Mom.

 

Nakita ko siya na lumapit sa amin habang tumatakbo at may hawak-hawak pa siyang cotton candy-on-stick. Siguro mga nasa 4 or 5 years old pa lang siya. Ang liit niya pa kasi eh. Nung malapit na siya sa amin, huminto si Ryde sa paglalakad.

 

"Excuse me Mister, but are you shooting a movie?"

"Who-whoaaa!" Takte! Akala ko mahuhulog na ako! Eh kasi si Ryde biglang umupo! Akala ko nung una ay ilalaglag na niya ako. ‘Yun pala, para lang maka-level niya ‘yung bata.

"No." Tipid talaga sumagot forever.

"Really? I thought you are some kind of royalties-in-disguise! I thought you're a prince, Mister! And she's your princess! I'm wrong," then yumuko ‘yung bata at parang nalungkot talaga siya. Aww ang cute cute niya! Ang sarap niyang isilid sa sako at iuwi sa bahay!

"Hmm. But, it’s a bit true."

"Really?" biglang napatungo ‘yung bata sa sinabi ni Ryde. At in fairness, nangangawit na ako! Bakit kasi ‘di niya pa ako bitawan para makababa na ako! Nakasayad na nga yung paa ko sa lupa oh!

"I am somewhat...a prince." Napatingin naman ako sa kanya. Siya? Prince? Pinagsasabi na naman niya? At nakuha pang lokohin yung bata?

"Really?! I thought so! You really look like a prince, Mister!" then ngumiti yung bata. Shet ang cute cute cute niya talaga! Penge akong sako, please! "Then..." nagulat naman ako nung biglang tumingin ‘yung bata sa akin. "Is she your princess?" sabay turo sa pagmumukha ko. Biglang bumilis ‘yung tibok ng puso ko. I know na iba ‘yung tanong nung bata, pero parang iba rin ‘yung pagkakaintindi ko sa tanong. Naging curious tuloy ako sa sagot ni Ryde. 

"Hmm..." tumingin-tingin pa siya sa taas na parang nag-iisip talaga. Shet! Kinakabahan ako ha!

"Is she? Is she? Is she, Mister? Is she? She is, right? Right?" at patalun-talon pa ‘yung bata sa harapan namin. Bakit ba siya excited?! Ako nga eh kinakabahan eh! Parang gusto ko na ayaw marinig yung sagot niya.

"Ask her."

 

Eh? Ako? Tanungin ako? Bakit ako? Ha?

 

"Hey Miss. Are you his princess?"

 

Hindi ako nakahinga sa tanong niya. Feeling ko ito ‘yung nararamdaman ng mga taong sumasali sa game shows na tipong 1 million or zero na lang ang choices. Walanghiyang batang 'to. Kahit cute siya, hindi ko kinakaya ang presence niya.

 

"Are you? Are you?" excited pa rin siya at patalun-talon. Tapos nung pagtingin ko kay Ryde para magpatulong...aba ang loko! Nakangiti! Bwiset! Pag-untugin ko sila ng batang to eh!

"Uhmm—"

"You are his princess, right Miss? Am I right?"

"Ahh—"

"Please answer me, Miss," tapos nag-pout pa siya at nagpaawa effect! Waaa! Ginagamitan ako ng kadugaan ng batang 'to! Eh ano naman kasing isasagot ko sa kanya? Pag sinabi kong hindi, parang nagsinungaling naman ako sa sarili ko nun. Pag sinabi ko namang oo, mamaya isipin pa ni Ryde eh assuming ako. Hala, ano bang gagawin ko?

"Actually, I’m—"

"Harry! Come on! Dad's waiting!" Hindi ko alam kung matutuwa o maaasar ako nung tinawag ‘yung bata ng nanay niya. Matutuwa in a sense na makakatakas ako sa tanong niya, at maaasar kasi aalis na siya. Ang cute pa man din niya.

"Aww. My time’s up. Mister, She didn't answer me. But I really hope, you are his princess, Miss. Bye bye! This is my first time seeing a prince and a princess. Thank you!" then tumakbo siya pabalik sa mom niya habang nagwawave sa amin.

 

Phew. Nakatakas ako sa question niya! Buti na lang tinawag na siya. Pero sayang at di ko siya naisilid sa sako para gawing pandisplay sa kwarto namin ni Yem.

 

"Waah! Ano ba ‘yan!" napakapit ako bigla sa damit niya kasi bigla siyang tumayo. Sana talaga nagsasabi muna siya para ma-prepare ko ‘yung sarili ko di ba?! Akala ko mahuhulog na naman ako! Ayaw pa kasi akong ibaba eh!

 

Para namang walang nangyari at nagpatuloy lang siya sa paglalakad patungo sa I-don't-know-where. Gusto ko nang bumaba!

 

"So..." napatingin naman ako sa kanya kasi bigla siyang nagsalita. ‘Di ko alam kung ako ba ‘yung kausap niya o yung sarili niya kasi nakatingin lang siya sa harapan. "Are you my princess?" sabay tingin niya sa akin. 

"H-huh?"

 

S-sumanib ba sa kanya ‘yung kaluluwa ng bata?!