.

.

Chapter 58

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

Buti na lang talaga at nakatakas ako kanina. Kundi mawawalan talaga ako ng kaluluwa at mamamatay ako sa kahihiyan. Bago pa kasi niya ako tanungin nung you-know-that-question ay nagpumiglas ako para makawala. Kahit na natatakot akong malaglag, eh pinush ko pa rin. At least, nakawala ako.

 

Tumakbo ako palayo sa kanya. Basta ang alam ko lang ay nakarating ako sa parang kambal na tree house na connected ng bridge. Napahinto pa nga ako sa sobrang amazement eh. Ang cool! Parang may magnet na humatak sa akin papunta sa place na ‘yun. Pero paakyat pa lang ako ay may nakita akong ‘di kanais-nais sa paligid. Nakita kong papalapit si Serene kay Ryde. Hindi ko lang alam pero may defense mechanism na ata ang katawan ko kay Serene at gusto kong ilayo sa kanya lahat ng importanteng tao at bagay sa buhay ko.

 

Di ko natuloy ‘yung pag-akyat sa tree house. Dahil kung magnet lang din naman ang pag-uusapan, ‘di hamak naman na mas attracted ako sa lalaking nakatayo doon malapit sa castle kesa dito sa tree house na 'to. Lumakad ako papalapit sa kanya pero syempre ‘di ako nagpakita. Eh pano kasi ‘di ba tinakasan ko siya kanina? Ano namang sasabihin niya kung nakita niya akong inaapproach siya? Nagtago na lang ako sa may halaman sa gilid niya na siguro ay 10 meters away from him.

 

"Ryde! Mag-isa ka lang?" sigaw ni Serene bruhilda habang papalapit kay Ryde. Sorry sa halaman na nasa harapan ko ngayon. Mukhang makakalbo 'to.

"Uhh..." tapos tumingin-tingin siya sa paligid. Mukhang ‘di pa siya sure sa isasagot niya eh. Siguro dahil...wait. ‘Di kaya hinahanap niya pa rin ako?

"Tara punta tayo doon sa tree house. Andun yung iba nating classmates," tapos ang walang hiya! Aba umangkla sa braso ni Ryde! Eto namang Ryde na 'to, walang reaksyon! Tsk!

 

Dahil nga mukhang may defense mechanism na ako sa existence ni Serene ay bigla akong nag-appear sa harapan nila na parang wild pokemon. Tsaka ko lang narealize ‘yung ginawa ko noong nakatingin na sila pareho sa akin. Uh-oh.

 

"Ahh. H-hello?" saka pa ako nagwave sa kanila. Shet! Ano ba 'tong pinaggagawa ko?! Bago pa ako mawalan ng kaluluwa sa sobrang kahihiyan ay naglakad ako palayo sa kanila. Bwiset naman kasi eh. Kasalanan ko bang kusang nagrereact ang katawan ko dahil andito si Serene, and worse, kasama pa si Ryde?

 

Nung medyo nakalayo na ako ay kinaltukan ko ‘yung sarili ko. Tanga-tanga ko talaga! Tinakbuhan ko nga si Ryde kanina tapos ngayon ako 'tong bigla nalang susulpot dahil magkasama sila ni Serene. Psh. Eh bakit ba? Ayaw ko siyang may kasamang iba eh. Nagseselos lang naman ako, kahit wala naman akong karapatan. Masama ba yun? Pero kasi...haay.

 

"Hey."

"Ay pusakal ka!"

 

Halos isang metro ata ‘yung natakbo ko mula sa original kong pwesto nung may pumatong na kamay sa balikat ko. Takte! Sino ba naman kasing tao ang hindi magugulat sa ganun, with matching bulong pa ng 'hey' sa'yo ‘di ba?! Malay mo kidnapper o rapist ‘yun ‘no!

 

Pagtingin ko ulit sa kanya ay muntik pa akong mapasigaw kasi nakangiti siya. Oo. As in ngiti talaga! Yung totoo? Bakit ang gwapo niya?! Bakit ang lakas ng presence ng Ryde na ‘to?!

 

"Sa tree house ka rin ba pupunta?" 

"O-oo. Bakit?"

"Pasabay."

 

Then bigla siyang naglakad. Wow ha. Yun na ba ang ibig sabihin ng "pasabay"? Nauuna na nga siya dun eh! Paano naging pasabay ‘yun? Labo. 

 

Ako naman, bilang tatanga-tangang babaeng may gusto sa lalaking 'to, tumakbo ako para makasabay sa kanya. Tahimik lang kaming naglalakad. Pero alam niyo, ‘di ko na nafifeel ‘yung awkwardness kanina na na-feel ko sa bus. Ewan ko. Parang ibang tao siya ngayon eh. Parang…parang ‘yung sinasabi ni Chris. Parang…siya ‘yung Ryde dati. At ewan ko rin sa sarili ko ha? Kanina tinataguan ko siya, ngayon naman sinasabayan ko na siya. Anong problema mo, Aeisha? Takte, nagiging bipolar na ata ako ah?

 

Maya-maya lang ay nasa harapan na kami nung double giant tree house. Whoa. Nakaka-amaze pala lalo kapag sa malapitan. Ang awesome lang kasi ng pagkakagawa. Parang natural na natural ngang tignan eh.

 

"Whoa." Napanganga na lang talaga ako sa kagandahan ng place. Napalingon naman ako nung may tumapik sa balikat ko. Pagtingin ko, si Ryde lang pala.

"Tara na," then bigla niyang tinuro ‘yung likuran namin. Bigla akong nahiya kasi nakaharang pala ako sa entrance at humaba tuloy ‘yung pila kasi ‘di ako gumagalaw sa pwestong ‘yun.

 

Nagsorry na lang ako ng mahina sa mga nasa likuran ko at saka umakyat. Buong time na nasa tree house ako ay sobrang pagnganga lang ang ginawa ko. Kulang na lang ay tumulo pa pati laway ko. Shet lang talaga! Gusto ko magpagawa ng ganitong bahay!

 

"Sorry." Nagulat naman ako nung nagsalita siya. Nakasilip lang kasi ako sa bintana at tinitignan ‘yung view sa labas kaya ‘di ko napansin na katabi ko na pala siya. Pero hindi siya nakadungaw. Nakatalikod siya sa view.

"Huh? S-saan naman?"

"Kanina. Hindi ‘yun ‘yung ibig kong sabihin."

"Oh." ‘Yung nainis siya nung iniwan ako nila Yem sa kanya? Tss. Naalala ko tuloy ‘yun bigla. Okay fine, wala akong karapatang magalit. Pero naman kasi! Sinong hindi maiinis kapag sinabihan ka ng ganun ng taong gusto mo, ‘di ba? Parang pabigat ka lang.

"I mean...ang hirap mong kasama." This time napatingin na ako sa kanya. What does he mean by that?

"Huh? Bakit naman?"

"Wala."

 

After nun, umalis siya doon sa tabi ko at naglibot sa loob ng tree house, habang ako naman ay sinusundan siya ng tingin. Mahirap ako kasama? Ano namang ibig sabihin nun?

 

"Aeisha!" Napatingin naman ako sa right side ko. Si Daniel pala.

"Uy, hello Daniel," saka ko naman siya nginitian.

"Mukhang bumabalik ka na sa dati ah?"

"Ganun ba? Uhm, ayaw ko lang magdrama," tapos tumawa na lang ako. Narealize ko kasi na nung sembreak ay sobrang drama ng buhay ko dahil sa pesteng Ryde na ‘yun.

"Pero I'm glad na ngumingiti ka na. Mas maganda ka kapag ganyan ka," then nginitian niya na naman ako ng mala-toothpaste commercial model.

 

Naalala ko tuloy bigla nung sinabihan niya akong mahal niya ako. Ewan ko ba kung bakit hindi ako na-aawkward. ‘Di ba dapat ganun ‘yun? Kapag may friend kang may gusto sa'yo? Ay ewan ko! Pero nagulat nga rin ako sa sarili ko eh. ‘Di ba dati parang hinahalay ko pa si Daniel sa imagination ko dahil crush na crush ko siya. Tapos unti-unting nawala yung feelings na ‘yun nang ‘di ko namamalayan. For now kasi, parang kuya ko na lang siya. ‘Yun bang lagi siyang nandyan para sa akin?

 

"Huy. Aeisha? Ayos ka lang?"

"Ah?"

"Bigla ka na lang kasing hindi gumalaw. Akala ko na-stroke ka na."

"Ay! Haha! Naku may naisip lang ako," tsaka ko siya tinawanan ulit. Takte, nawala na pala ako sa sarili ko dahil sa kakaisip sa relationship namin ni Daniel dati, kung meron man.

"Oh sige una na ako ha?"

"Eh? Aalis ka na agad? Bakit?" Hala! Ngayon ko na nga lang siya ulit nakasama eh!

"Well, someone's throwing dirty looks at me. Bye," tapos tinap niya ‘yung balikat ko. Okay. Ano raw?

 

Wala naman akong nagawa kundi magbabye rin sa kanya. Pagkababa niya doon sa tree house, tinignan ko na lang ulit ‘yung view sa labas. Pero nabaling bigla ‘yung atensyon ko kay Ryde na nakatayo sa gilid. May kausap kasi siya sa cellphone niya at parang seryosong-seryoso yung itsura niya.

 

"Talaga? Sige. Oo. Just continue. Yeah," then binaba niya na ‘yung phone niya at sakto namang napatingin siya sa direksyon ko. Bago ko pa ma-shift yung mata ko ay nagkatinginan na kami. Shet. Huli ako! Pero ‘di ko naman sinasadyang tignan siya no! Nacurious lang ako!

 

Bago pa tuluyang mag-init ang mukha ko ay bumaba na rin ako ng tree house. Biglang uminit ang paligid doon. Naglakad-lakad na lang ulit ako then pinipicture-an ko lang ‘yung castles na nadadaanan ko. Ang cool lang talaga. Medieval period talaga ang theme nila. Pang-princess and prince nga ang drama.

 

After siguro one hour and thirty minutes ng paglilibot ay tinawag na kami nung adviser namin. Pupunta na raw kami sa next destination namin. Sakto namang malapit na ako sa bus nun kaya ako ang unang sumakay sa aming mga fourth year sa section namin. Umupo lang ako sa upuan ko tapos tumingin nalang sa labas.

 

"Saan ka nagpunta kanina?"

"Ay takte!"

 

Nagulat naman ako nung biglang may katabi na pala ako. ‘Yung totoo? Bakit parang ‘di ko siya napansin na dumating?! OA ng katahimikan niya ha! ‘Di ko man lang siya naramdaman.

 

"B-bakit?"

"Wala lang. Nawala ka bigla eh."

"Naglibot lang." Teka nga bakit ba curious siya? "Hah! Hinahanap mo ba ako?" Pang-aasar ko naman sa kanya. Akala niya siya lang marunong mang-asar ha!

"Tsk," tapos bigla na lang siyang nagshades at nag-hoodie. Hala? Problema na naman neto? Parang timang lang ah?

"Hoy," tapos sinundot ko ‘yung cheeks niya.

"Tsk. Ano?" sabi niya pero ‘di siya gumalaw sa pwesto niya.

"Problema mo?" Ang gulo kasi eh. Bakit parang nagtatantrums siya? Tinotopak na naman ba siya?

"Wala."

"Aish."

 

Ewan ko pero bigla na lang din akong na-badtrip. Anong problema niya?! Dapat nga ako ‘yung nagmumukmok kasi magkasama sila kanina ni bruhildang Serene eh! Sarap niyang isabit sa tree house! May pa-we're just friends, we're just friends pa siyang nalalaman dati pero parang di naman ganun yung nafefeel ko.

 

Okay. Ayan na naman. Nagseselos na naman ako sa lintek na ‘yun. Eh ano nga ba namang laban ko, close friends daw sila dati. Classmate lang ako.

 

"Poleng!" Narinig ko naman yung boses ni Yem. Pero imbes na batiin ko rin siya ay binigyan ko siya ng isang matinding death glare.

"Oy Ryde!" narinig ko ring tawag ni Chris kay Ryde. ‘Di ko alam ang nangyari pero bigla nalang napaupo si Chris sa upuan niya after nun.

"Ano kayang nangyari dun sa dalawa? Katakot! Para silang papatay ng tao!" Sige Chris, ilakas mo pa yang boses mo. ‘Di ko marinig!

"Oo nga eh. Yaan mo na. Magkakaayos din yan," rinig ko naman na sabi ni Yem.

 

Hay naku. Bahala nga silang lahat dyan! Badtrip! Sana pala ‘di na lang ako sumama kung magkakaganito lang din naman pala! 

 

Parang nademonyo naman ‘yung utak ko kaya tinapat ko ‘yung aircon sa taas namin sa akin lang. Hah! Manigas siya sa init! Sinaksak ko rin ‘yung earphones ko sa tenga ko at tinadyakan ko ‘yung binti niya. ‘Di ko nga alam kung anong pumasok sa kokote ko at ginawa ko yun eh. Mamaya suntukin ako ng taong 'to. Alam niyo na, palaaway ‘yan ‘di ba? Pero nagpoker face na lang ako at tumingin sa labas tapos tinodo ko ‘yung volume ng phone ko para wala akong marinig.

 

Bigla namang may kumalabit sa akin. Syempre sino pa bang kakalabit sa akin ‘di ba? Pero ‘di ko siya pinansin. Bahala siya dyan. 

Nangangalabit pa rin siya. Pero this time, sunud-sunod na. As in. Parang 0.5 second interval lang ang pagitan. Dahil nabubwisit na ako at naiistorbo ang sight-seeing ko habang umaandar ‘yung bus ay hinarap ko na rin siya.

 

"Ano bang pr—"

 

Napatikom bigla ‘yung bibig ko at halos lumuwa ‘yung mata ko nung mga oras na ‘yun. Paano ba naman?! Pagkalingon na pagkalingon ko ay sobrang lapit ng pagmumukha niya! As in malapit! Tumama pa nga ‘yung tungki ng ilong ko sa ilong niya eh! Tapos...tapos...bigla siyang ngumiti! Iaatras ko na sana ‘yung pagmumukha ko pero biglang may humawak sa batok ko at parang pinupush niya ako forward.

 

Kinabahan ako ng sobra. ‘Dun ba 'to patutungo? Shet! Napapikit nalang ako sa sobrang kaba. Pero walang nangyari. Napadilat naman ako bigla.

 

"Wag gahaman sa aircon," tsaka niya tinapat sa kanya ‘yung isang aircon, habang ako naman ay nakatulala lang doon. Just like before. Nangyari na 'to dati. Ang alam ko...may ganitong scene din dati.

 

Bigla namang nagflashback ‘yung nangyari sa likod ng school dati. ‘Yung nacorner ako sa puno tapos bigla niya ring nilapit ‘yung mukha niya nang sobra-sobra to the point na nag-expect ako na baka halikan niya ako. Pero ang walang hiya eh bigla nalang nagsabi ng, "Paturo sa math."

 

Shet. Oo nga. Nangyari na 'to dati. Walang hiya! Ganun ba talaga siya?! Lagi nalang ha! Pinagtitripan niya na naman ako!

 

"Ugh!" Wala na akong masabi dahil feeling ko ay namumula na naman ‘yung mukha ko. Nakakainis na lalaki 'to! Bakit siya ganyan?

"Bakit?" Aba! At painosente pa! Bugbugin ko siya ng kaliwa't kanan eh!

"Bwisit ka!" Naisipan ko namang asarin siya. "Doon ka na nga sa Serene mo! Magsama kayo! Tsupi!" saka ko siya tinaboy-taboy pero wala. Ni hindi man lang gumalaw sa pwesto niya. Tss.

"Ayaw mong umalis ha? Okay. Ako ang aalis. Asan ba si Daniel?" tatabi nalang ako kay Daniel. At least siya may sense kausap. Akmang tatayo na ako nung biglang tinaas niya ‘yung isang binti niya kaya ‘di ako makadaan. Nung tinaas ko naman ‘yung paa ko para humakbang doon sa binti niya ay bigla niya pang tinaasan. Kung sipa-sipain ko kaya siya ngayon?! Ang lakas na naman ng topak eh! Ayaw akong padaanin!

"Padaan!"

"Eh ‘di dumaan ka."

"Talaga!"

 

Dahil masyadong mataas para hakbangan, yumuko na lang ako para lumusot. Pero nung halfway na ako ay bigla niyang binaba! Na-stuck tuloy ako! Ack! Ang bigat ng mga binti niya!

 

"Hoy! Ano ba!" sabay palo ko nang malakas sa binti niya, kaya medyo lumuwag yung space sa pagitan ng batok ko at ng binti niya. Pero bigla niyang tinulak yung leeg ko gamit yung isa niya pang binti paatras.

 

"Tsk! Ano ba! Bakit ayaw mo kong padaanin?!" pinagtitinginan na kami ng classmates namin na malapit sa amin pero wapakels lang.

"Dyan ka lang."

"Huh?!" ‘Di ko masyadong narinig yung sinasabi niya dahil nag-iisip ako ng strategy kung paano makakalusot sa binti niya.

"Sabi ko dyan ka lang."

 

Okay. Ano raw? Dito lang ako? Ayaw niya akong umalis? Bigla ko namang inalala kung anong huli kong sinabi bago ako tumayo.

 

"Ayaw mong umalis ha? Okay. Ako ang aalis. Asan ba si Daniel?"

 

Hindi ko alam pero bigla akong namula. So anong ibig sabihin nun? Ayoko namang mag-assume pero...takteness! Imposible! Tinignan ko ulit si Ryde. ‘Di ko naman makita yung expression niya since naka-hoodie at naka-shades siya.

 

"Bakit ba kasi ayaw mo akong padaanin?" umupo na lang din ako sa upuan ko since umaandar ‘yung bus. Mamaya biglang huminto tapos ma-out of balance pa ako. Naghintay ako ng sagot niya pero ‘di naman siya umiimik. Takte to ah! Ganun ha? Bahala ka aasarin kita!

"Oy," sundot ko ulit sa pisngi niya. "Bakit ayaw mo akong padaanin? Pupunta lang naman ako kay Daniel ah? Teka. Wag mong sabihing..." Teka nahihiya akong sabihin! Baka isipin niya ang assuming ko! Shet! Pero aasarin ko lang naman siya eh! Wala namang masama dun! Whoo! Kaya ko 'to! "Nagseselos ka?"

 

Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay wala lang siyang reaksyon. Sabi ko nga pahiya ako. Kainis! Napaharap na lang ako bigla sa salamin ng bus. Nakaearphones pa rin ako ngayon pero pinatay ko na ‘yung tugtog dahil baka madeadbatt ako. Shet! Nakakahiya talaga! Ano bang pinagsasabi ko?!

 

"Oo."

 

Napalingon naman ako bigla. Pero pagtingin ko, nakaharap na siya doon sa may aisle. Nagsalita ba siya? O guni-guni ko lang ‘yun? Anong sabi niya? Oo daw? 

 

Oo? Oo. So nagseselos siya? Hahaha! Sabi na nga ba nagseselos siya—Wait ano?! Nagseselos siya?!