.

.

Chapter 59

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

Nanahimik ako sa upuan ko. Ni hindi ko na nga natapat ulit sa akin ‘yung aircon dahil lumabas yata ‘yung kaluluwa ko sa bus at nagpapaliguy-ligoy kung saan. Leche, sana bumalik na siya.

 

Hanggang sa makarating na kami sa next destination, which is Palace in the Sky, ay wala pa rin ako sa sarili ko. Seriously Aeisha? Two-letter word lang natatanga ka na dyan? Simpleng 'oo' lang halos sumakabilang-buhay na ako? Shet. Iba na 'to.

 

Para maibsan ang nararamdaman kong near-to-death feeling, nakinig na lang ako ng music. Kaso ‘yung pesteng player ko ay nananadya yata at “Jeepney Love story” pa ang kantang natapat. Sarap itapon sa labas! Ewan ko ba, pero sa tuwing naririnig ko ‘tong kanta na ‘to, naiimagine ko lagi ‘yung scene namin dati na lagi kaming nagkakasakay sa jeep ni Manong.

 

“O-oy! Ano ba!”

“Parinig lang. Damot mo.”

 

Kita mo ‘tong taong ‘to. Hindi niya ba alam ‘yung salitang awkward? Parang kanina lang magkaaway kami tapos ngayon kung umasta akala mo walang nangyari kanina. Aba’t hinila pa ‘yung earphones ko sa kaliwa at nilagay sa tenga niya!

 

“Anong kanta ‘to?”

“Huh? Hindi mo ‘to alam? Seryoso?”

 

Wow ha? Meron palang ‘di nakakaalam ng kantang ‘to ni Yeng? Akala ko lahat ng tao sa Pilipinas alam ‘to. Okay ang OA pala pag lahat. Pero para kasing lagi ‘tong pinapatugtog sa kung saan-saan ‘di ba?

 

“Hindi. Anong title?”

“Jeepney Love story.” Bigla naman siyang tumingin sa akin at hindi ko alam pero napatitig rin ako sa kanya.

 

“Ehem! Hinay-hinay baka matunaw kayo pareho!”

 

Nagulat naman ako kay Yem na bigla na lang humarap dito sa amin. Shet! Napatingin na lang ako bigla sa labas dahil narealize kong ang awkward pala. Takte! Bwiset talaga ‘tong si Yem eh!

 

“Hahaha! Oh em. Sorry nakaistorbo ata ako. Woopsie!” sabay upo niya ulit nang maayos. Uupakan ko talaga siya mamaya. Ipaalala niyo nga sa akin.

 

Okay. Inhale. Exhale. Wag magpanic Aeisha. Okay lang ‘yan. May araw rin ‘yang si Yem.

 

Tinabi ko na lang ‘yung phone ko. Nagtingin-tingin ulit ako sa view sa labas. Medyo nasisilip naman ng peripheral view ko si Ryde pero kasi ‘yung likod niya nakaharap sa akin eh. Bale nakaharap na naman siya sa aisle. Kitams? Alam niya naman pala kung paano ma-awkward eh.

 

Nung huminto na ‘yung bus, nagsibabaan na rin agad kami. Pagdating namin doon, isa lang ang reaksyon naming lahat. WHOA. As in WHOA. Ang ganda ng view! Sobra! Kitang-kita mo lahat. Tapos ang lamig kahit tanghaling tapat. Ang cool talaga! Ang lawak ng nakikita ko!

 

“Wow! Ang ganda!” Napasigaw talaga ako sa sobrang ganda. Grabe, ang breath-taking nito! Gusto ko ‘pag nagkabahay ako, ganito rin yung makikita kong view.

 

“Poleng! Picture picture tayo dali!” bigla naman akong hinatak ni Yem at pinicture-an kami bigla ni Chris. Ako naman, nakisakay na lang. Pose lang ako nang pose ng kung anu-ano. Tapos meron kaming seductive pose ni Yem na parang naging horror ang theme kasi nakakakilabot lang ‘yung itsura namin.

 

Kaso ang bastos rin nitong si Yem eh. After naming magpicture-picture, nagsolo na naman sila ni Chris. Psh. Pinagpalit na talaga ako sa kalandian niya. Taksil. Hmp! Hayaan na nga sila, nabibitter lang ako. At dahil wala akong magawa, may naisip akong weird na gawin. Kaso nakakahiya, kaya humiwalay muna ako sa mga kaklase ko at pumunta ako doon sa side na medyo walang tao. Okay. Inhale. Exhale. Inhale...EXHALE!

 

“PINAGPALIT NA AKO NG BEST FRIEND KO SA JOWA NIYA!”

 

Whoa cool! Sumigaw ako nang malakas tapos nag-echo. Kaso nakakahiya! Bigla akong pinagtinginan ng mga classmates ko pati nung ibang tao doon tapos pinagtawanan ako. Eh kasi naman! Napapanood ko ‘to sa ilang drama no! ‘Yung sisigaw sila ng nararamdaman nila o kaya ng secret or nakakahiyang pangyayari sa buhay nila sa isang lugar. Eh ‘di ginaya ko! Pero takte, narealize ko na dapat hindi ‘to ginagawa kapag maraming tao sa paligid. Ugh, katangahan, bakit ka umatake ngayon?!

 

Bigla naman akong may narinig na nag-sneer sa gilid ko. Pagtingin ko, isang lalaking nakakainis na nagngangalang Ryde.

 

“Problema mo?!”

 

Kainis talaga siya! Di ko maintindihan ‘yung utak niya! Masungit kanina, tapos biglang magiging sweet, maya-maya magiging pipi siya tapos ngayon tinatawanan naman ako?! Ano ba siya? May split personality? Naku kung di ko lang ‘to mah—

 

“Should I try that too?”

“Huh?”

 

Bigla naman siyang nag-inhale exhale doon. Akala ko kung anong gagawin niya, pero narealize ko na gagayahin niya pala yung ginawa ko kanina. Shet, na-slow ako dun ah. ‘Di masyadong gumagana ang utak ko kapag siya kausap ko. Leche.

 

“NAHAWAKAN KO…”

 

Nahawakan? Anong sinisigaw niya? At ano namang pwedeng i-confess o nakakahiyang nangyari sa nahawakan niya? Buti sana kung katulad ko siya na nawala ang buong pagkatao matapos lapastanganin ang virginity ng boobs ko…Wait. D-don’t tell me…

 

 

“…NANG DI SINASADYA ANG B—”

 

Pakshet ka!

 

Halos nag-ninja moves ako para lang matakpan ‘yung bibig niya at buti na lang talaga nakaabot ako bago pa masabi ang B-word na ‘yun! Hinatak ko siya papalayo doon sa mga classmates namin na nagtatawanan sa ‘di ko malamang dahilan.

 

“Hoy! Anong problema mo?!” naghintay ako ng sagot niya pero nakalimutan kong nakatakip pala ng kamay ko ‘yung bibig niya. Bago pa ako tuluyang mawalan ng dangal, tinanggal ko ‘yung kamay ko sa bibig niya.

“Hmm?” Aba at kita mo nga naman oh! Nagpa-inosente face pa! Oo alam kong gwapo ka pero hindi na ‘yan tatalab saking hinayupak ka!

“Wag mo akong ma-hmm-hmm dyan ha! Takte ka! May lihim ka bang galit sakin at gusto mo akong mamatay sa kahihiyan?! Idadamay mo pa yung...yung...ugh!” Napapadyak nalang ako ng paa sa sobrang frustration. Kainis!

“Pfft.”

“Anong tinatawa-tawa mo dyan?!” at talagang nagpipigil pa siya ng tawa?! Ganun ha? Etong ‘sayo!

 “Ouch! Fu...ugh!”

 

Bago pa siya may masamang gawin sa akin ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Hah! Buti nga! Bagay ‘yan sa kanya! Tignan ko lang kung makalakad pa siya nang maayos. Ang lakas ko kayang sumipa. Aba, sinipa ko lang naman ang binti niya.

 

Dahil nababadtrip lang ako sa mga pangyayari, naisipan ko na lang na bumalik sa bus. Matutulog na lang ako. Bahala silang lahat sa buhay nila. Tss. Si Yem, na best friend ko, ay iniwan ako sa ere para lang sa jowa-jowaan niya. Tapos eto namang si Ryde na iniyak-iyakan ko pa ng ilang linggo dahil bigla na lang siyang naging kakaiba sa akin, ay pinagtitripan ako! Napaka-pilyo! Nakakainis! Pilyong-pilyo ang drama...huh? Teka lang.

 

Pilyo? Kelan pa siya naging pilyo?

 

“Oo nga eh. Napakapilyo nun dati ‘di ba?”

“Oo raw. Pero bigla nalang siyang nagbago ngayong school year.”

 

Oh yeah. Narinig ko dati na pilyo pala siya before. Teka. Wait. Wait. Wait! Heeep! Y-you mean, bumabalik na siya sa dati? As in ‘yung dati niyang personality? Whoa.

 

“You think so?”

“Yeah. Feeling ko bumabalik na siya sa dati.”

 

Bigla naman akong nakarinig ng boses kaya napayuko ako sa may upuan ko. Ninja moves. Ewan ko nga rin kung bakit ako nagtatago eh. Kaso kasi baka isipin nila, nag-eeavesdrop ako, though mukhang nag-eeavesdrop nga ako ngayon kahit ‘di ko naman intention.

 

“Ibig sabihin tapos na yung problema niya?” sabi nung lalaking boses. Parang pamilyar ‘yung boses ah?

“Not yet. Pero ‘yun nga. He’s returning to his normal self. Is that a good thing?” sabi naman nung babae, na parang pamilyar rin ‘yung boses.

 

Dahil nga pinanganak ako para maging tsismosa, sumilip ako ng kaunti, pero sinigurado ko naman na hindi ako makikita. Then pagsilip ko sa aisle, nakatayo si Daniel at Serene doon sa gitna.

 

Mukhang okay na nga talaga silang dalawa. Tss.   

 

“Pero mukhang may lead na siya. Siguro alam na niya yung gagawin niya,” sabi ni Daniel.

“Tsk. Kung ‘di lang dahil sa Aeisha na ‘yun! Kasalanan niya ‘tong lahat eh! Pasalamat siya at malayo siya sa akin dahil nasa unahan ako nakaupo. Pero ‘pag nakita ko siya ngayon, I won’t hesitate na sampalin siya.” Halos pinigilan ko ‘yung hininga ko dahil sa narinig ko. Shet. Pag nahuli nila ako ngayon, patay ang pisngi ko. Pero sino ba siya para magsabi ng ganun?! Anong akala niya? Hindi ako lalaban? Aba, asa siya! At bakit ako na naman?! Ano bang ginagawa ko sa kanya? Trip na trip niya ako ah?!

 

Napatingin naman ako bigla sa bintana. Tapos na pala ang time namin dito sa Palace in the Sky. Nag-akyatan naman na ‘yung mga kasamahan ko sa bus. Ako naman, nagkunwari na lang na tulog.

 

“Ohh? Andito pala si Poleng? Akala ko nawawala na eh, natutulog lang pala!” narinig kong sabi ni Yem. Buti na lang hindi masyadong malakas ang volume ng boses niya, kundi baka narinig siya ni Serene at bigla akong sugurin dito.

 

Umandar naman na agad ‘yung bus at pumunta kami sa kung saan-saan. Then nag-zipline kami! Jusko, halos mamatay talaga ako sa kaba nun! Actually, ako lang mag-isa nung time ko na. Pano ba naman kasi, halos lahat sila by pair. Psh. Eh dahil nga pinagtaksilan ako ng Yem na ‘to, eh ‘di ako lang mag-isa ang nagganun! Pero actually, hinahanap ko siya secretly, si ano. Kasi naman! Nasanay ako sa presence niya na laging malapit sa akin. Siguro nagalit nung sinipa ko yung binti niya. Kasalanan niya naman kasi eh! Hayaan na nga! Bakit ba iniisip ko siya na maging kasabay?!

 

“Asan na ba si Ryde? Gusto ko siyang makasama sa zipline! Hmm, ‘yun ang iniisip mo no?”

 

Pagtingin ko sa likod ko, si Yem. Kita mo ‘tong babaeng ‘to, kung makapang-asar akala mo kung sino. Siya na nga ang nang-iwan diyan sa ere! Paliparin kita dyan eh.

 

“Che! Tigil-tigilan mo ako Yem ha.”

“Wushu! Kita ko kaya kanina, palingon-lingon ka! Obvious namang hinahanap mo siya eh.”

“Gaga, si Daniel hinahanap ko.”

“Utot mo. Daniel ka dyan? Eh halos nasa right side mo lang si Daniel kanina eh! Kung makarotate ‘yung ulo mo kanina, daig mo pa yung tarsier!”

“Hah?! Anong pinagsasabi mo dyan?!”

 

Bwiset. Walanghiyang babae ‘to! Nags-spy pala sa akin! Nakita niya akong palingon-lingon! Takte. Aasarin na naman ako nito nang walang tigil.

 

At tama nga ang hinala ko! Hanggang makapunta kami sa huling destination namin ay walang sawa niya akong inasar! Take note ha, hanggang sa bus! Katabi ko pa man din si Ryde nun! Ang sarap sapatusin ni Yem nung mga panahong ‘yun, promise. Pero buti na lang at tulog siya buong byahe plus naka-headphones siya.

 

Sa last destination namin, naghorse-riding kami tapos nag-rides. Sumakay kami nila Yem ng Viking at nakakatawa lang talaga ang itsura ng iba naming classmates. Takot na takot eh! Pero may isang tao doon sa isang side, doon sa may pinakadulo, na wala man lang karea-reaksyon. Oh, kilala niyo naman na siguro di ba?

 

Nung gabi na, doon namin naisipang mag-ferris wheel. Kasi ‘pag gabi, makikita mo ‘yung city lights tsaka feeling ko mas maganda ang ambiance. So dahil nga kasama ko ‘tong magjowang ‘to sa pila, mahihiwalay na naman ako. Ayoko naman kasing maging chaperone nila ‘no. Kaya nung sasakay na sila, hinayaan ko lang sila at nagbabye ako sa kanila. Then, sumakay na ako sa susunod. Ayos ‘to, solong-solo ko ang place!

 

“Bakit ka nakangiting mag-isa?”

“Ay pakingshet!”

 

Takte! Sobrang napaatras ako to the point na medyo umalog ‘yung cart dahil sa action ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung biglang may nagsalita sa loob tapos ang alam mo eh ikaw lang mag-isa ang nakasakay ‘di ba?! Shet! Buti na lang wala akong sakit sa puso. Bwisit na Ryde ‘to, lagi na lang inaatake ang puso ko. Ay wait, yuck! Ang corny ko!

 

“Yo,” sabay taas niya sa kamay niya.

“Yo-yohin mo mukha mo! Walang hiya ka! Akala ko mamatay na ako sa sobrang gulat! At ano bang ginagawa mo dito?! Bigla-bigla ka nalang sumusulpot! Ano ka, kabute?!”

“Wala lang. Nakita kitang pumasok mag-isa eh.”

“And so?!”

“I just wanna say something to you,” then binigyan niya ako ng isang piercing look. Bigla naman akong kinabahan ng todo. Parang sobrang tumaas ang pressure sa cart na ‘to to the point na ang hirap nang huminga.

 

Tumahimik na lang ako at tumingin sa labas. Sobrang namangha naman ako sa view dahil sa city lights sa babae. Ang ganda!

 

“Nagmahal ka na ba?” bigla naman akong napalingon sa kanya.

“H-huh?”

“Tsk. Nagmahal ka na ba?”

 

Kung anong ikinabilis ng heartbeat ko ngayon, ay dumoble ang bilis nung nagregister sa utak ko ‘yung tanong niya. Gusto ko ring umiwas ng tingin pero parang na-glue ata yung mata ko sa mata niya.

 

“I-I g-guess.” Nanginginig pa ‘yung labi ko nung sumagot sa sobrang kaba at sa sobrang lamig. Medyo nasa taas na kasi yung cart namin. Then pagtingin ko sa kanya, nakangiti lang siya.

“Me too.” This time, naging attentive ako bigla. Na-in love na siya?

“T-talaga?” Ewan ko kung bakit, pero gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung sino ‘yung minahal niya. Somehow, merong maliit na part ng isip ko na winiwish na sana ako ‘yun. Gosh, how assuming.

“Yeah. There was this one woman, maganda, mabait, sobrang thoughtful. I love her the most.”

 

Bigla namang bumigat ‘yung pakiramdam ko. I dunno why pero parang hindi maganda ang pupuntahan ng usapan na ‘to. Sana nga lang hindi tama ang hinala ko.

 

“I love her more than anything. Pakiramdam ko lagi akong sasaya kapag kasama ko siya. Kahit nung bata pa ako, I admired her. I don’t know...I feel pure happiness and love kapag naiisip ko siya. Pero ngayon, wala na siya. It’s like losing half of my life. But, I still love her.. even now.”

 

Hindi ko alam kung kelan, pero habang nagkukwento siya, napayuko na lang ako at bigla na lang tumulo ‘yung luha ko. Bata pa raw siya, mahal na niya ‘yung taong ‘yun. Ngayon ko lang naman siya nakilala. So that means it’s not me. It's someone else.

 

Ewan ko pero sa bawat salitang binibitawan niya, nasasaktan ako. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal ‘yung babaeng kinukwento niya. Parang gusto ko na lang magpasampal kay Serene kaysa mapakinggan ‘tong pinagsasabi ni Ryde.

 

Nagseselos ako. Alam kong wala akong karapatan pero hindi ko maiwasang magselos. Akala ko, may pag-asa ako. Akala ko, kahit papano, pareho kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. Pero akala ko lang pala yung lahat.

 

Heto siya ngayon, pinamumukha sa aking may mahal siyang iba. Ano pa bang mas sasakit doon? Ang hirap. Sobrang hirap pigilin ng paghikbi ko. Buti na lang, medyo maingay ‘yung classmates ko sa ibang carts at buti na lang din at mahaba ‘yung bangs ko. At least, hindi naman halatang umiiyak ako. Hah, bumalik na naman ako sa pagiging iyakin.

 

“Okay ka lang?”

 

Tumango na lang ako. Pucha. Ryde, ang manhid mo. Kung alam niya lang kung gaano ako nasasaktan ngayon sa pinagsasabi niya. Kung alam niya lang na mahal na mahal ko siya. Kung alam niya lang…

 

“G-ganun ba? A-ang swerte naman ng babaeng yan.” Pinilit kong ‘wag mag-crack yung boses ko, pero mukhang hindi ko kaya. Pero at least medyo nadeliver ko naman nang maayos.

“Ah oo. Pero sa tingin ko mas swerte ako dahil sa kanya. Ikaw ba?”

“A-ako? Well...I love this one guy...pero mukha lang...akong tanga...k-kasi may mahal siyang iba,” sabay punas ko doon sa luha ko na tuluy-tuloy nang tumutulo. And I think, nahahalata na niya na umiiyak ako.

“Hey, ayos ka lang?”

“Ako? Ayos? Yeah. S-sure. Ayos lang ako. Ayos lang...kahit may mahal siyang iba. S-sino nga ba naman ako para mahalin niya? Eh... n-nakilala ko lang naman siya...recently. Pero alam mo...umasa ako eh. Umasa ako...kasi akala ko m-may pag-asa pa. Pero...para lang pala akong tanga. S-sabi niya kasi…maghintay ako. Maghintay daw..." Hindi ko na kinaya. Napaiyak na talaga ako. Parang gusto ko na lang sumabog bigla. Gusto ko nalang mawala dito.

"Hey..." Naramdaman kong tumayo siya at papalapit sa akin.

"Dyan ka lang!" sigaw ko sa kanya kahit sobrang cracked na yung boses ko. "Sorry. Pero please...‘wag kang lumapit."

 

I don't know. Pakiramdam ko kasi ‘pag lumapit siya sa akin, lalo lang akong masasaktan. Lalo ko lang siyang mamahalin kahit alam kong meron siyang mahal na iba. Gusto kong maglagay ng boundary sa amin. 

 

"Pero bakit ka umiiyak? B—" bago niya pa matuloy yung tanong niya, tumayo na ako.

 

Saktong-sakto namang nasa baba na kami nun at bumukas bigla ‘yung pinto ng cart. Hindi na ako naghintay pa ng kung ano at lumabas agad ako. Tumakbo ako agad-agad at papunta na sa bus pero...

 

"PAULINE!"

 

Lalo lang akong naiyak. Gusto kong tumingin pabalik. Gusto kong lumingon. Pero masasaktan na naman ako. Iiyak na naman ako. Pero ewan ko kung anong meron sa akin, kasi bigla akong napangiti kahit sobrang namamaga na ‘yung mata ko sa pag-iyak.

 

This is the first time he called me by my name.