.

.

Chapter 60

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"Poleng! Huy! Buksan mo 'tong pinto!"

"Ate! Papasok! Sige na!"

"Apo? Ano bang nangyayari sa'yo?"

 

Katok sila nang katok sa pinto. Kanina pa sila dyan pero hindi pa rin ako gumagalaw sa posisyon ko. Isa pa, ayoko muna makakita ng kahit sino.

 

"Please...pabayaan nyo muna ako...kahit ngayon lang. Please." Bigla namang tumigil yung sunud-sunod nilang katok at tumahimik yung paligid. Pero after nun, narinig kong umiiyak ‘yung kapatid ko.

“Ate! Wag ka na kasi umiyak...buksan mo na ‘yung pinto...ate...”

“Poleng naman! Ano ba kasing nangyayari?!” 

"PWEDE BA?! TIGILAN NIYO MUNA AKO!" sigaw ko sa kanila kahit nag-crack pa ‘yung boses ko dahil umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Then bigla na lang nawala ‘yung pagkatok nila. Ang sumunod na narinig ko ay ‘yung malakas na pag-iyak ni Aera. At kahit hindi masyadong rinig, alam ko na umiiyak na rin si Yem.

 

Lalo lang akong napaiyak. Buti pa sila, napapansin kapag may problema ako o kaya kapag hindi ako okay. Kapag umiiyak ako. Pero ‘yung taong iniiyakan ko ngayon, napakamanhid. Ni hindi man lang niya napapansin kung masaya ako o kung nasasaktan ako. Pero sabagay, ano ba namang paki niya sa nararamdaman ko? Classmate niya lang naman ako. Hanggang doon lang ‘yun.

 

Buti nalang talaga at hindi siya sumunod sa akin nung umalis ako sa Ferris Wheel. Dumiretso lang ako sa bus at doon ako umiyak nang umiyak. Para akong sinampal nang paulit-ulit. Sana nga sampal na lang ‘yung ginawa sa akin. Para at least, iiyak ako dahil sa physical pain. Pero hindi eh. Mas malala 'to.

 

Buti nga wala doon ‘yung bus driver. At least, solo ko ‘yung sasakyan. Walang makakarinig sa akin. Walang makakaalam kung anong nangyayari. Or so I thought...

 

Bigla na lang may nanghatak sa akin papunta sa aisle at niyakap ako.

 

"Aeisha." Imbes na pigilan ko ‘yung luha ko, lalo lang akong naiyak.

"Daniel—"

"Shh. I'll lend you my shoulder. Cry all you want. I won't do anything. Dito lang ako. Sasamahan kita," sabay higpit niya sa pagkayakap sa akin.

"B-bakit? Bakit...mo 'to g-ginagawa?"

"Because I love you. Ayokong nakikitang nasasaktan ka. Pero kung makikita man kitang nasasaktan, tulad ngayon, I want to be by your side. Masakit umiyak ng mag-isa. Mas mabuti na ‘yung may kasama ka. At least, you can share the pain, right?"

"Daniel..."

 

Sa sinabi niyang ‘yun, tuluyan na akong nag-breakdown. Humagulgol na talaga ako. Lalo lang bumigat ‘yung pakiramdam ko dahil sa guilt. I'm sich a failure.

 

Bakit ba hindi ko napapansin ‘yung mga taong totoong nagmamahal sa akin? Bakit hindi na lang si Daniel? Bakit hindi nalang siya ‘yung minahal ko? Eh ‘di sana, masaya kami pareho ngayon. Pero wala eh. Lecheng puso 'to. Si Ryde ang pinili. Hindi ko rin alam kung bakit.

 

Naramdaman ko naman bigla na may tumulo sa likod ko. Kakawala sana ako sa yakap ni Daniel pero lalo lang nyang hinigpitan.

 

"Daniel..."

"Can we stay like this...a little longer? Ayokong makita mo ‘yung mukha ko ngayon. I don't want you to see my loser side."

 

I  know. I know that he’s crying but I can’t do anything. At alam ko ring ako ang may kasalanan.

 

"Daniel. S-sorry...sorry...sorry talaga..." Sobrang bigat sa feeling. Sobra. ‘Yung alam mong mahal ka ng tao, pero hindi mo masuklian ‘yun, kasi nasa ganung sitwasyon ka rin. Lalo lang akong naiyak dahil dito. Naghahalu-halo na yung emotions ko –pain, sadness, anger and guilt.

"N0. Hindi mo kasalanan. It's my fault. And it's my loss."

 

Hindi na ako nagsalita, at hindi na rin siya umimik. Ang tanging naririnig lang sa bus ngayon ay ‘yung hagulgol ko. Tapos sobrang basa na ng damit niya dahil sa akin. Pero at least, medyo humihinahon na ‘yung pag-iyak ko. Nakatulong na rin siguro ‘yung pag-caress niya sa buhok ko. And I feel secured right now. Pakiramdam ko walang makakapanakit sa akin, though sapat na ‘yung nararamdman kong sakit ngayon para mag-breakdown. 

 

Unti-unti na rin akong nanghihina sa sobrang pag-iyak. Ang sakit na rin ng lalamunan ko. Then after a few seconds, everything went black.

 

***

 

‘Yun ang natatandaan ko. Pagkagising ko, tinignan ko agad yung katabi ko.

 

 Wala.

 

Mabuti na rin yun. At least...at least...hindi ko siya makikita. Pagtingin ko sa paligid, nagsisibabaan na ‘yung mga kaklase ko kaya bumaba na rin ako at hindi ko na hinintay si Yem. Ni hindi ko nga siya nakita eh. Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad at pumara agad ako ng jeep tapos sumakay ako sa unahan.

 

"Oh hija. Kamusta?"

 

As usual.

 

Tumango na lang ako at pinilit kong ngumiti. Pero pagkangiting-pagkangiti ko, nagsiagusan na naman 'tong mga lecheng luha na 'to.

 

"Oh ito hija. Gamitin mo muna," tapos inabot niya sa akin yung bimpo niya. Tinanggap ko naman pero hinawakan ko lang. "Wag kang ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya. Hindi mo maloloko ang isang tao kung hindi mo kayang lokohin ang sarili mo, hija."

 

Nakakainis. Lahat na lang. Lahat nalang sila pinapaiyak ako.

 

"Mas masarap ngumiti kapag masaya ka talaga. Kapag ‘yung ngiti mo ay galing sa puso mo. Hindi ba?" saka sya ngumiti sa akin. Ewan ko pero kahit umiiyak ako, napangiti ako. Pero hindi pilit. ‘Yung totoong ngiti. 

 

Hindi na ako umimik after nun. Bumaba naman agad ako nung nasa kanto na namin. Naglakad lang ako nang mabilis papuntang bahay dahil ayokong may makakita sa akin sa ganitong state. Pagdating ko sa bahay, bukas ‘yung pinto at nasa labas si Aera, nakapangalumbaba pa.

 

"Ate nandito ka na! Yehey! May pasalubong ka ba sa akin? Hinintay kita dito sa labas kahit malamok! Ang bait ko ‘di ba? Si Lola kasi tulog na kakahintay sa inyo. Naisip ko, baka pagod na kayo ni ate Yem pagdating nyo kaya hihintayin ko na lang kayo dito sa pintuan. Tapos...tapos mamasahihin kita ate! Pero may bayad ha! Tapos—"

 

Hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na lang siya. Napangiti na lang ako at napaiyak. Masarap nga sa feeling na ngumiti dahil masaya ka, pero nangingibabaw pa rin yung sakit sa puso ko.

 

"Salamat Aera. Pahinga muna si ate ha? Sige," saka ko ginulo ‘yung buhok niya at pumasok na lang ako sa kwarto. Ni-lock ko kaagad ‘yung pinto. At ‘yun ang nangyari.

 

***

 

Madaling araw na. Hindi ko na naririnig ‘yung paghagulgol ni Aera. Tahimik na ‘yung buong paligid. Siguro nakatulog na sila sa may sala.

 

Kinuha ko ‘yung mga kumot at unan then dahan-dahan kong binuksan ‘yung pinto. Bumungad sa akin ‘yung nakahiga nilang posisyon. Pumunta ako doon sa may sala at nilagyan ko sila ng kumot at unan. Bubuksan ko na sana yung pinto para lumabas ng bahay pero biglang...

 

"So lumabas ka na rin sa wakas." Napatingin na lang ako sa kanya.

"Yem." Lumapit siya sa akin with her very serious face, na ngayon ko nalang ulit nakita.

"Tara, mag-usap tayo," tapos hinatak niya ako palabas ng bahay. Umupo kami doon sa malaking bato sa harapan ng bahay namin.

 

Walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman lang kami. Tanging ‘yung tunog lang ng hangin ang maririnig. Sabagay, madaling araw na rin kasi.

 

"Si Ryde ang dahilan ‘di ba?" biglang pagsisimula niya.

 

Pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan niya, ayan na naman ‘yung mga luha ko. Nag-uunahan pa sa pagpatak.

 

"So that means I'm right," tapos pumunta siya sa harapan ko. "Hindi ko na tatanungin kung anong nangyari. Alam ko naman ang salitang respeto at privacy. Pero sana...‘wag mo naman kaming ipagtabuyan." This time, umiiyak siya. "Oo, alam kong gusto mong sinasarili lahat ng problema mo. Pero hindi naman kailangan na sigawan mo kami ng ganun kanina. Para kaming mga tanga doon na katok nang katok kasi nag-aalala kami sa'yo...tapos...bigla mo na lang kaming sisigawan ng ganun?"

 

Nawalan ako ng imik. Tuluy-tuloy lang ‘yung pag-iyak ko. At lalo lang lumalaki ‘yung guilt sa puso ko. At the same time, may galit ring namumuo sa loob ko. Hindi ko alam kung bakit o para kanino...pero parang automatic na bumukas yung bibig ko para ilabas ‘yun.

 

"Ano bang pakialam mo sa nangyayari sa akin? Doon ka na lang sa Chris mo." 

 

Maski ako nagulat sa sinabi ko. Hindi ko gustong sabihin ‘yun, pero parang may sariling utak ‘yung bibig ko. Nagulat na lang ako nung may kamay na sumampal sa pisngi ko.

 

"Ano bang pinagsasabi mo Poleng?! Nasisiraan ka na ba ha?! Syempre may pakialam ako sa nangyayari sa'yo! Best friend kita! Kilala kita ng mas matagal sa kahit kaninong tao! At pwede ba?! ‘Wag mo akong itaboy kay Chris. Oo, mahal ko siya, pero mahal rin naman kita dahil kaibigan kita!"

 

"Talaga? Hah." Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. Ang gusto ko lang ngayon ay umiyak mag-isa. Ayokong makipag-usap sa kahit kanino. Pakiramdam ko kasi, kahit sabihin ko sa kanila lahat ng nangyari, mag-isa pa rin ako.

 

Pakiramdam ko, mag-isa na lang ako.

 

Tumayo ako at naglakad palayo kay Yem. 

 

"Poleng! Ano ba?!" hindi ko siya nilingon. Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad. "Bakit ka ba ganyan?! Bakit mo ba sinosolo ‘yang problema mo?! Ha!" tuloy pa rin ako sa paglalakad. Ayokong makinig sa kanya. Ayoko. "Nagkakaganyan ka dahil kay Ryde?! Dahil sa isang taong yan?!" Ayoko siyang pakinggan. Tama na. Tama na, Yem. "Ano ba Pauline Aeisha! Hindi mo ba alam ha?!" Tama na please...

 

“Hindi mo ba alam na nandito pa kami?! Nandito pa kami para sa’yo! Nandito pa kaming mga nagmamahal sa’yo!” 

 

This time, tumakbo na ako bago pa magsink-in lahat ng sinasabi niya sa utak ko. I need space. I need time. And I need a place to cry on. At isa lang ang naiisip kong lugar. And I'm going there right now.