"Okay ka lang?"

"Naman. Mas maganda nga yung pisikal eh."

"Adik! Masokista na sadista pa."

 

Pauwi na kami ngayon ni Yem. After kasi nung nangyari, sinabi rin ni Yem na masama rin daw ang pakiramdam niya kaya pinayagan na rin siyang umuwi. Tahimik lang ulit kaming naglakad papunta doon sa sakayan ng jeep.

 

Bigla namang may tumunog. Akala ko nga phone ko pero naalala ko na nakapatay pala ‘yung cellphone ko simula kagabi. Pero andito ‘yun sa loob ng bag. Syempre kanino pa nga bang phone ang tutunog kung hindi ‘yun akin?

 

"Hello? Oh Chris?"

 

Tss. Si Chris na naman. Ewan ko ba. Hindi naman ako galit kay Chris, pero medyo naiirita ako kapag tumatawag, nagtetext o kaya kapag andyan siya. Eh kasi naman! Lagi nalang sila magkasama. Nawawalan na nga ng time si Yem sa akin. ‘Yun lang naman ang kinaiinis ko. Oh well, masyado kasi akong selosa pagdating sa kanya. Kahit hindi halata.

 

"Ha? Oh sige. Bye!"

 

Nakatingin lang ako sa kanya. Naghihintay ng sasabihin after niyang ibaba yung phone niya.

 

"Sorry Poleng. Importante lang daw eh. Sige, una ka na ha. Wag ka nang pupunta kung saan-saan ha! Dumiretso ka sa bahay!" saka siya tumakbo sa kabilang direksyon.

 

Fine. So si Chris ang pinili niya. Okay fine.

 

Wala naman akong nagawa kundi maglakad na lang papunta doon sa terminal ng jeep. Syempre pinara ko na yung unang jeep na nakita ko. Hindi na naman si Manong. Hmm, weird. Bakit parang hindi ko ata nakita ang jeep ni Manong ngayon? Hindi kaya siya namasada?

Sumakay na lang ako agad sa jeep at nagbayad. After ilang minutes, nandun na ako sa kanto namin, so bumaba ako at naglakad pauwi sa bahay. Pagdating na pagdating ko sa bahay, nakita ko kaagad sa labas si Lola at Aera.

 

"Ate!" tapos bigla siyang yumakap sa paa ko na lagi nyang ginagawa. Nag-stay lang siya doon at tahimik lang, pero halata naman na umiiyak siya.

"Kanina ka pa niya hinahanap, apo," then napatingin naman ako kay Lola. Tapos bigla nalang may tumulong luha sa mga mata niya. "Pagkagising niya kanina, umiyak agad siya at hinanap ka."

 

Napatingin nalang ako sa kapatid ko ngayon na parang koala na nakakapit sa mga binti ko. Napangiti ako bigla, at the same time, naiyak na naman. Ang swerte ko sa kapatid ko. Sobrang nagca-care siya sa akin. 

 

"Aera," tinanggal ko yung pagkakakapit niya sa akin at lumuhod ako para kalevel ko siya. "Sorry kung bigla nalang nawala si ate. Sorry ha? Di na mauulit," saka ko ginulo yung buhok niya.

"Promise mo yan...ate ha? K-kala ko...‘di mo na ako...babalikan...parang sina Mama at Papa..." niyakap ko na lang siya nang mahigpit at napatingin lang ako kay Lola habang pareho kaming umiiyak at tumatawa.

"Ano ka ba, ‘di kita iiwan no. Sige na Aera, may pasok ka pa."

 

After nun, iniwan ko muna sila ni Lola at dumiretso sa kwarto. Tinry kong pigilan ‘yung pag-iyak ko, pero peste lang. Akala ko kanina ayos na eh. Pero ngayon, umiiyak na naman ako. Leche talaga. Dagdag pa 'tong pisngi ko. Ngayon ko lang nararamdaman ‘yung sakit nung sampal nung Serene na ‘yun. Shet lang talaga. Nakakailan na siya sa akin. Pero buti at nakaganti ako sa kanya kanina. Binuhos ko talaga lahat ng lakas ko sa sampal na ‘yun. Napaka-impakta kasi niya. Tama lang ‘yun sa kanya.

 

"Apo?"

"Ay impakta!"

 

Nagulat ako nung biglang nasa likod ko na pala si Lola. Putek. Hindi ko siya naramdaman na pumasok sa kwarto!

 

"Sorry Lola! Di ko yun sinasadya!" nasabihan ko pa siya ng impakta! Ang sama ko!

"Ahaha. Ayos lang iyon, apo," then umupo siya sa tabi ko. Nakasalampak kasi ako ngayon sa sahig habang hawak ko yung malaki kong unan. "Napano pala iyang pisngi mo? Bakit namumula?" So halata pala?

"Uhm. Nagsampalan po kasi kami ng kaklase ko," sabi ko kay Lola at halata namang nagulat siya sa narinig niya.

"Oh hala pala! Bakit naman? Hindi ba ‘yan masakit? Tara't gamutin natin!"

"Okay lang po Lola. Di naman po masyadong masakit. Feeling ko nga po pampagising lang yung sampal na ‘yun eh. Mas nasasaktan pa rin ako emotionally," tapos napayuko na lang ako.

"Tungkol ba 'yan kay Prince Charming mo? Kaya ka ba nagkaganun kagabi, apo?"

 

Pag talaga natatouch ang topic na 'to, nangunguna sa pag-rereact ang mata ko. Leche. Nanunubig na naman sila.

 

"Ibig sabihin, siya nga. Mahal mo na ba, apo?"

"Hindi ko naman po siya iiyakan ng ganito kung hindi eh." Nagulat na lang ako nung bigla niya akong niyakap.

"Masakit talaga ang magmahal, apo. Hindi naman kasi lahat, nakukuha sa unang beses. Pero alam mo, maganda rin na masaktan paminsan-minsan. Kasi may natututunan ka. At nalalaman mo ‘yung halaga ng isang tao sa'yo. Malalaman mo rin kung sino ‘yung mga taong handang dumamay sa'yo. Kasi alam mo apo, mahirap mag-isa. Nakakalungkot. Kaya mas magandang may karamay ka sa mga oras na nasasaktan ka."

 

Bigla na lang napahigpit yung yakap ko kay Lola. Naiyak lang ako lalo sa sinabi niya. Siguro…siguro...ganito ‘yung feeling kapag nagsasabi ng problema ang anak sa nanay niya.

 

"Akala ko…hindi ko na po mararanasan yung ganito."

"Ang ano, apo? Ang masaktan?"

"Hindi po. ‘Yung ganito. Yung parang mother and daughter talk," tapos hinigpitan lalo ni Lola ‘yung yakap niya sa akin.

"Ikaw naman. Kung gusto mo maramdaman na may nanay ka pa rin, andito naman ako." Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napahagulgol na lang ako. I think kahit papano, swerte pa rin ako. Nawalan man ako ng mga magulang, may dumating naman na pangalawang nanay.

 

Nag-stay lang kaming ganun ni Lola hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak. Hindi ko nga alam kung gaano katagal yun eh. Ang alam ko lang, halos tanghali na ata nung huminahon ako. Humiwalay na rin nun si Lola kasi ihahatid niya pa si Aera. Ako naman, tumambay lang sa kwarto. Then, bigla kong nakita yung bag ko.

 

At ‘yung keychain.

 

Kinuha ko ‘yung bag ko at hinawakan ko ‘yung keychain. Ito ‘yung kaisa-isang bagay na natanggap ko galing sa kanya. Dahil rin dito, kaya ako naaksidente. Naalala ko tuloy ‘yung nangyari nun. Bigla na lang siyang lumitaw out of nowhere at niligtas ako. Akala ko talaga mamamatay na ako nung mga oras na yun. Haay.

 

Bago pa ako maiyak sa mga naaalala ko, tinabi ko na kaagad ‘yung bag ko at tumayo na lang. Paalis na sana ako sa kwarto nung biglang nag-ring yung phone ko. Pagtingin ko, si Yem pala. 

 

"Hello? Oh bakit?" Pambungad ko sa kanya.

"P-Poleng..." nagulat naman ako nung narinig ko siyang umiiyak sa kabilang linya.

"Yem? Hello? Anong nangyari sa'yo? Huy. Bakit ka umiiyak?"

"Poleng..."

"May ginawa ba si Chris sa'yo? Ano bang nangyari? Sabihin mo nga at—"

"P-paano kung...pano kung...tayo pala ang may kasalanan ng lahat?" napatahimik naman ako sa binitiwan niyang mga salita.

"H-huh? Ano bang pinagsasabi mo? Nasaan ka ba ngayon? Pupuntah—"

"No. W-wag na. I'll explain everything," tapos narinig ko sa kabilang linya na pinipigilan nyang wag umiyak.

 

What the heck is happening? Nagsisimula na akong kabahan ha.

 

"Nakwento sa akin ni Chris…lahat. Poleng…s-si Ryde. Nawawala si Ryde." 

 

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Pero bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla. Siya? Nawawala? Anong ibig sabihin nito?

 

"After daw ng field trip, bigla na lang siyang nawala. Hindi siya umuwi sa kanila. Hindi rin daw siya nakituloy sa kahit sinong kaibigan niya dati. H-hanggang ngayon, wala pa ring balita sa kanya. Kaya pala nagpunta si Serene at Daniel sa school kanina, akala nila, magpapakita si Ryde. Pero wala." Bigla na lang akong nawalan ng lakas. Napasandal na lang ako sa dingding sa narinig ko.

 

"N-nakipagkita sa akin si Chris, kasi raw baka may balita tayo sa kanya. Sabi ko, wala. Sinabi ko rin na wala akong pakialam kay Ryde ngayon dahil sa nangyayari sa'yo. Naguluhan siya sa sinabi ko kaya sinabi ko sa kanya ‘yung nangyari. After kong sabihin yun, s-sinabi niya sa akin ‘yung dahilan kung bakit naging ganun si Ryde.. kasi sinabi raw sa kanya ni Ryde lahat nung nagkita sila nung mga nakaraang buwan." Sa bawat binibitiwang salita ni Yem, lalo lang bumibigat yung pakiramdam ko. Lalo lang akong naguguluhan.

 

"Alam mo naman na patay na yung Mom niya ‘di ba? Kaya ‘yung Dad niya na lang ‘yung kasama niya sa bahay. Pero sobrang depressed daw ‘yung Dad niya sa pagkamatay ng Mom niya kaya parang naging emotionally unstable siya. Isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit nagbago si Ryde. P-pero ang sabi ni Chris…nagbago daw ng tuluyan si Ryde, dahil sa isang babae."

 

Babae? It must be that girl na kinuwento ni Ryde sa ferris wheel. Nagulat ako nung biglang nag-crack na ‘yung boses ni Yem at humihikbi na siya sa kabilang linya.

 

"P-pag-uwi niya raw sa bahay nila isang araw, nawala na lang bigla ‘yung babae. Sobrang close kasi nila nung babaeng ‘yun. Sobrang mahal na mahal niya kaya nag-alala talaga siya nung hindi niya makita nung umuwi siya. Hinanap niya raw sa buong bahay, pero wala. Wala siyang choice kundi tanungin ‘yung Dad niya. Akala niya, alam ng Dad niya kung nasaan, pero mas nagulat pa siya sa sinabi ng Dad niya. At alam mo ba kung anong sinabi ng tatay niya?" This time, umiiyak na talaga si Yem.

 

"S-sabi niya...pinalayas daw ng Dad niya. Then nagkulong siya sa kwarto niya. P-poleng...Did you get it? Ha? Naiintindihan mo na ba?"

 

N-no way. H-hindi naman siguro ‘yun ‘yung iniisip ko ngayon. I-It's too coincidental. No way.

 

"Yung babaeng pinalayas ng tatay niya...ay ‘yung lola niya. His dad's mother. Pinalayas niya ‘yung sarili niyang nanay. N-now, naiintindihan mo na ba yung gusto k-kong s-sabihin sa'yo? Ha Poleng? Naiin—"

 

"No. Hindi. I-I don't get it. Hind—"

 “Pwede ba Poleng! Alam kong alam mo na ‘yung kasunod na nangyari dahil nandun tayo nun! Isang matandang pinalayas ng sarili niyang anak! Sino—”

“Shut up! Hindi—”

“Wake up, Pauline! Tanggapin mo ‘yung katotohanan! Alam nating dalawa ‘to dahil tayo ‘yung kumupkop sa kanya!” 

“No way—” 

“Si Lola Roma ‘yung tinutukoy nila! She’s Ryde’s grandmother! At siya ‘yung dahilan kung bakit nagkakaganun si Ryde!” bigla siyang huminto sa pagsigaw tapos huminga sya nang malalim sa kabilang linya.

 

"I don't know the whole story pero it fits right? Poleng, si lola Roma…siya ang lola ni Ryde." Pagkasabing-pagkasabi nun ni Yem, nabitawan ko nalang bigla yung phone ko at napatulala nalang ako sa kwarto.